Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 118 - Chapter One Hundred Eighteen

Chapter 118 - Chapter One Hundred Eighteen

Dinala ako ni Red sa McDo. Akala ko since first date namin, dadalhin nya ako sa isang high class restaurant with wine and everything. Hindi pala.

"Ang kuripot mo talaga," reklamo ko na naniningkit ang mga mata.

"Ayaw mo ba rito?" tanong nya na tumingin pa sa paligid. Mukhang ang saya-saya pa nya sa pinuntahan namin.

"Hindi naman pero bakit dito?"

"Ano'ng masama rito?" tanong nya at tumingin sa paligid na tila naghahanap ng dahilan kung bakit ayaw ko dito. "Ayos naman ah."

"Hindi espesyal." Akala ko gagastusan nya ako hindi pala. "Kuripot, tinitipid mo 'ko. Palagi mo nalang akong kinukuriputan." Tinignan ko yung pagkain sa harap ko. Ang dami nyang in-order ah. Una kong kinain yung fries.

"Hindi kita tinitipid Samantha, ganito lang talaga ang gusto kong date. Espesyal," ngingiti ngiting sabi nya habang nakatingin sakin. Para syang bata na first time makagala. Parang sobrang bago sa kanya ang paligid at excited syang tikman ang mga pagkain. Sana pala isinama ko ang Crazy Trios para maturuan ang baguhan na 'to.

"Espesyal? Reaaally..." tinatamad na sagot ko sa kanya. Sumubo nalang ulit ako ng fries. Masarap naman. Hindi ko ito palaging kinakain pero ang Crazy Trios kapag tinatamad sa lutong bahay nag-oorder nalang sa McDo kung minsan din sa Jollibee kung gusto nila ng spaghetti na matamis.

Niliyad nya ang dibdib nya. Mukha syang mag-aalok ng insurance na handang mangumbinsi ng possible client. "Oo. Wala pa kasi akong nadadalang babae dito," umpisa nya. "Ang daming nagde-date dito kaya gusto kong subukan na kasama ka."

Ahh. Itatanong ko pa ba kung bakit? Siguro lahat ng babae nya sa high class restaurants nya dinadala.. o kaya sa hotel. Okay, past na 'yon Samantha hwag na ungkatin pa. Tumigil na sya sa pagiging player simula nang maging fiance mo sya. But still, nandon parin ang ilang babae na nakakakilala sa kanya at lumalapit.

"Sa jollibee may nadala ka na?" tanong ko at uminom ng iced tea.

"Wala pa, gusto mo isunod natin? Pati Mang Inasal?"

Natawa ako sa suhestyon nya. "Adik, inisa-isa?"

"Bakit hindi? Hindi pa naman ito ang huling date natin." Kinuha nya yung isang ketchup. Binuksan nya 'yon at nilagay sa fries ko. Wala pala akong ketchup, nakalimutan kong lagyan. "Mamaya mo na kainin yan fries. Kumain muna tayo ng kanin, di ka mabubusog dyan."

"Opo Daddy." Parang tatay lang eh.

Tumawa sya at kumikinang ang mata na tumingin sa akin.

"Sige Mommy kumain na tayo." Ang lapad bigla ng ngiti nya. Ow shiz may tawagan kami? "Gusto mo bang ipaghiwa kita ng chicken Mommy?" alok pa nya sakin. Mukhang tinutukso naman nya ako.

Nahihiya ako na parang ewan. "Stop it!" Napayuko ako sa hiya. Pero ibinigay ko parin naman sa kanya ang plato ko para ipaghiwa nya ako. Naalala ko na naman kung paano kami gumalaw sa France.

Gusto kong takpan ang mukha ko dahil mukha akong ewan na sobrang lapad ng ngiti. Namumula nga rin yata ako. Sinilip ko kung ano ang expression nya. Parehas lang pala kami. Kinuha nya yung plate ko at sya ang naghiwa ng chicken para mas madali kong makain. Pinanood ko sya habang ginagawa 'yon. Hindi ko mapigilan na mapa-buntong hininga. Bakit mas lalo syang guma-gwapo sa paningin ko?

"Tapos na Mommy, kumain ka na," nilapag nya yung plate sa harap ko. Ang galing nya maghiwa, pantay pantay.

"Salamat," ngumiti ako sa kanya.

Nginitian nya lang din ako. Kung may dadaan siguro at makita kaming nakatingin sa isa't-isa at nakangiti mapagkakamalan kaming weirdo. Ang saya ko masyado ngayon! Napatingin ako bigla sa likod nya. Parang may dumaan. Pamilyar.

"Bakit?" Tumingin sya sa likod nya.

Umiling ako sa kanya. "Ah wala para kasing nakita ko si GD eh." Inumpisahan ko nang kumain.

Mabilis nya akong nilingon. "S-Sino'ng GD?" Bakas ang gulat sa boses nya.

Napatingin ako sa kanya, parang namutla sya. Ang sabi ni Audrey itanong ko raw kay Red kung sino si GD. Kanina galit na galit si Audrey nang makita kami ni GD, magagalit din kaya si Red?

"Samantha, sino si GD?" seryosong tanong nya na parang kinakabahan.

"Classmate ko." Napakagat labi ako. Ayoko naman na magsinungaling sa kanya.

Hinawakan ni Red ang isang kamay ko. "Hindi naman sya galing sa Japan, hindi ba?"

Napangiwi ako. "Ang totoo nyan galing syang Japan eh."

Natahimik sya. Halata na nag-iisip sya nang malalim.

"Kinausap ka ba nya?"

"Yes." Tumango ako. "Seatmate ko rin kasi sya."

His jaw dropped na parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Sumandal sya sa upuan nya. Nabalot ng pagkainis ang mukha nya.

"Always one step ahead, hindi parin sya nagbabago. Hindi ako makapaniwala na lumagpas 'to sa'kin at sa klase mo pa. Kaya pala nagtataka ako kung bakit hindi kita kasama sa mga subjects ko. Sigurado na plano nya 'tong lahat."

"H-Huh? What do you mean Jared? Ano ba 'yon?"

Tumingin sya sa akin ng diretso. Akala ko sasabihin nya sa akin. Ngumiti lang sya na parang wala lang.

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo, kumain na muna tayo. Ayokong masira ang date natin dahil lang sa kanya. Kain na Mommy," nakangiti na ulit sya na parang walang problema.