Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 114 - Chapter One Hundred Fourteen

Chapter 114 - Chapter One Hundred Fourteen

Tiningnan kong mabuti ang itlog na inilagay ko sa plato. Epic fail. Kailan ko ba mapeperpekto ang sunny side-up?

"Mommy is a terrible cook!" masayang saad pa ni Angelo habang nakatayo sa tabi ko.

Nilingon ko siya. Nakatungtong siya sa isang silya malapit sa stove at nakatingin sa plato na hawak ko na may lamang itlog.

"Baby Angelo is mean," sabi ko sa kanya.

Inilapag ko na sa lamesa ang plato na may tatlong itlog. Dapat sunny side-up 'yon kaso parang naging scrambled eggs na siya ngayon.

"I'm not mean Mommy, I'm honest," tumalon si Angelo pababa sa tinutuntungang silya at tumakbo para umupo sa silya nya na nasa harap ng lamesa.

Ako ang nagluto ng breafast, si Red naman ang bahala sa dinner. Ang niluto ko, hotdogs, bacons, at eggs. May fried rice rin na kasama. Tinuruan na ako ni Red na magluto ng ulam pero pagdating sa pag-prito nagkakamali talaga ako, lalo na sa itlog. Simpleng prito lang ng itlog hindi ko pa magawa. Bakit kasi hindi nalang ako sa dinner?

"Hmm…ang bango ah," nakangiting sabi ni Red nang bumaba siya galing sa kanyang kwarto.

Nakabihis na siya para sa unang araw ng pasok namin sa school. Si Angelo naman, iiwan namin sa Daycare Center na malapit lang sa school namin.

Isang linggo na rin simula nang tumira kami dito at may isang bagay akong na-discover sa bahay na ito. Nasa pagitan ng kwarto namin ni Red ang banyo, at ang banyo na 'yon ay para pala sa aming dalawa. May dalawang pinto iyon na konektado sa kwarto namin, at isang umaga, nagulat na lang ako nang makita ko ang isang hubad na Red Dela Cruz sa ilalim ng shower.

Nakita ko ang lahat sa kanya, as in LAHAT! Mula sa taas hanggang sa baba, sa harap at sa likod niya. Nabulabog ang buong mundo ko nang makita ko 'yon at ilang araw ko siyang hindi kinausap. Kahapon lang kami nagkaayos. At syempre, siya uli ang lumapit sa akin.

Sobrang hindi ko 'yon kinaya. Nakita ko kasi ang lahat sa kanya. Ang masama pa, ako lang yata ang affected! Sanay na yata siyang makitaan. Ang confident nga niyang kumilos eh, hindi man lang nahiya sa akin kahit nakita ko?! Sana man lang affected din siya! Pero hindi, walang siyang pakialam kahit nakita ko na.

Siguro kasi wala naman siyang ikinahihiya sa katawan niya, at 'yun nga ang napansin ko. Meron talaga siyang maipagmamalaki. Gahd! Ano ba itong iniisip ko ngayon?

"Buh, kumpleto ah," nagulat na lang ako nang nasa likod ko na pala si Red at nasa gilid ko lang ang mukha niya.

"A-Ah! Mag-aayos na ako," inalis ko na 'yung apron ko. Hindi pa ako nakakapag-shower dahil inuna ko ang pagluluto.

"Mamaya na, hindi pa naman tayo male-late. Dapat sabay tayong kumain, hindi ba, Angelo?" tanong pa ni Red sa kapatid ko na mukhang naghahanap ng kakampi.

Amoy na amoy ko 'yung musky scent ni Red. Bagong shower. Ang bango niya.

"Yes, Daddy! Daddy is right, Mommy, we should eat altogether!" sang-ayon naman ng kapatid ko. Napaka-loyal talaga niya sa kakampi. Ano ba ang ibinibigay ni Red sa kanya na hindi ko ibinibigay?

Umupo ako sa tabi ni Angelo. Nakapwesto naman si Red sa tapat ko.

"Medyo maalat yata," kumento ni Red nang matikman ang luto ko.

"Sabi ko naman kasi di ba? Ako na lang sa dinner, ikaw na lang sa breakfast," sabi ko at nagsimula na akong kumain.

Maalat nga 'yung itlog, ang dami ko yatang nailagay na salt. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Fail.

"Hindi pwede," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

Sabi niya maalat pero panay naman ang kain. "Bakit nga hindi pwede?"

"Dahil breakfast ang pinakamahalagang meal sa lahat. Isa pa, mas gaganahan akong umpisahan ang araw ko kung luto mo ang una kong matitikman, hindi ba, Angelo? Ano'ng masasabi mo?"

"Daddy is right, Mommy!" todo ngiting sabi ni Angelo. Tumingin pa ito kay Red at nakita kong nag-thumbs up ito sa kanya.

Bakit ba palaging sumasang-ayon si Angelo kay Red? Nakakahalata na ako ah.

"Teka nga, sinusuhulan mo ba ng chocolates si Angelo ha, Jared?" tanong ko habang sinisingkitan siya ng mata.

"H-Ha?" kunwari pa siyang na-shock. "Hindi ha, tsk! Imagination mo, Samantha. Kumain na nga tayo."

Hmmm. Tinitigan ko silang dalawa. Hindi sila makatingin sa akin. Mukha silang guilty. Ang dalawang ito talaga.

***

Tumigil ang sasakyan ni Red sa parking lot ng bago naming school, ang St. Lourdes International. Nakuha ko na ang schedule ko nung nag-enroll ako—ang araw na hindi ko makakalimutan dahil sa dami ng nangyari noon.

"Gusto mo ba na ihatid kita sa klase nyo?" tanong sa akin ni Red nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Bumaba na ako ng sasakyan at inayos ang hawak sa shoulder bag ko.

"Hindi na, kaya ko naman eh," sabi ko sa kanya.

Irregular student ako, nang mag-aral kasi kami ni Red sa France, may mga subjects doon na hinahanap dito. Si Red naman, iba rin ang schedule. Kaklase ko lang siya sa isang subject, P.E. Sa dami ng subjects, bakit kaya P.E. lang?

"Sige, sabay tayong mag-lunch mamaya," isinara niya ang pinto ng kanyang kotse.

Sabay kaming naglakad papasok ng building. Sa west wing ako, siya naman sa east kaya magkahiwalay kami ng daan.

"Kita na lang tayo mamaya," paalam ko sa kanya.

"Okay," parang hindi mapakali na sabi niya.

"Ano 'yon? May problema ba? Masakit ba ang tyan mo?" tanong ko.

Mukha kasi siyang constipated. Baka dahil sa niluto ko?! Ganun ba talaga kasama 'yung prinepare kong breakfast?

"Uhh, Samantha." Napahawak siya sa kanyang batok bago siya tumingin sa akin.

Namumula ang pisngi niya. Hala. Baka nilalagnat na siya. Kasalanan ba talaga 'yun nung niluto ko kanina?

"Hihintayin kita mamaya," pagkasabi niya noon ay mabilis niya akong ninakawan ng halik.

Namilog nang husto ang mga mata ko at bago pa ako nakapagsalita ay nakaalis na siya. Napahawak ako sa pisngi ko. Ano ba 'yun? Naririnig ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko. Uminit ang pisngi ko. Ako na yata ngayon ang lalagnatin.

"SAMANTHA!" sigaw pa niya.

Lumingon ako sa kanya, medyo malayo na siya. Napansin ko rin na naagaw na niya ang atensyon ng mga estudyanteng nasa hallway. Pero kitang-kita ko ang malapad niyang ngiti na sinundan pa ng isang kindat.

"Ingat ka ha! Pakakasalan pa kita!" nakangiti niyang sabi. Nag-wave pa siya bago patakbong umalis.

At bigla na lang akong nakarinig ng malakas na 'Ayiiiie' sa hallway. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Napatakip ako sa mukha ko at nagmamadali akong pumunta sa room ko. Kainis ka, Jared!