Jared Dela Cruz
Malamig? Tss! Saan nanggaling 'yon? Tsk! Sa dami ng naisip kong topic na pwedeng sabihin, bakit 'yun pa? Ampupu naman oh! Baka isipin niya na ang weirdo ko. Para akong teenager na makikipag-date sa unang pagkakataon ah. Ano ba 'yan, Jared? Umayos ka nga!
Pinagpapawisan ako. Kinakabahan ba ako? Tsk! Ngayon lang nangyari 'to ah.
***
Miracle Samantha Perez
Nakarating na rin kami sa bago naming lilipatan na bahay. Simple lang pala. Parang bahay lang rin namin ng Crazy Trios. Habang nasa byahe, nadaanan din namin ang school na papasukan namin ni Jared.
Mga ten minutes away lang gamit ang sasakyan. Two storey house ang bahay namin. Peach color at deep red ang pintura sa roof. May maliit na veranda sa 2nd floor. May itim na gate na abot hanggang dibdib. May malawak na bakuran sa harap na pwedeng paglaruan ni Angelo. May swing, see-saw at slide. Meron namang garahe ng kotse sa kabilang side.
Malawak ang espasyo sa sala. Kumpleto ang mga gamit mula sa sala set na binili ni Tita hanggang sa 72" flat screen TV sa harap. Malinis ang kusina, mukhang masarap paglutuan. May round wooden table at anim na upuan doon. May isang maliit na kwarto at isang banyo sa unang palapag.
Sa second floor, may dalawang kwarto. Nakita ko ang gamit ko sa unang kwarto. Chineck ko kung may sarili akong banyo, mabuti na lang meron. Ayoko sa lahat ay 'yung nakikihati sa banyo. Kahit sa Crazy Trios, hindi ko ipinapagamit ang banyo ko sa kanila dati. Gusto ko kasi ng privacy.
Nang lumabas ako ng kwarto ko, sakto naman na lumabas rin sa kabilang kwarto si Red. Nagkatinginan kami at pareho kaming umiwas ng tingin sa isa't isa. Kinakaban ako. Hindi kaba na may masamang mangyayari kundi kaba na hindi alam ang gagawin. Sa mga ganitong pagkakataon, paano ka nga ba dapat kumilos sa lalaking hinalikan mo pero hindi naman kayo?
"Ah ayos na ba sa'yo ang kwarto mo? Gusto mo bang makipagpalit?" tanong niya.
Sabay kaming bumaba ng hagdan.
"Hindi na, ayos na sa akin ang kwarto ko," sagot ko.
Kahit papaano nag-eeffort siya na kausapin ako, okay na 'yun. Ako lang ba talaga ang weird para hindi siya pansinin? Ang awkward lang kasi ng nangyari. Hindi kami pero may nararamdaman kami sa isa't isa. At may boyfriend ako na alam naming dalawa na hindi ko kayang iwan. Kung ganon, ano ba ang meron kami ni Red ngayon? Naguguluhan na talaga ako.
***
Hindi rin nagtagal ang stay ni Tita sa bahay namin ni Red. Ang weird pakinggan na bahay namin ito ni Red at may batang tumatawag sa amin ng Mommy at Daddy. Para kaming isang buong pamilya.
Si Red ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Una ko siyang naging best friend at ngayon tinitingnan ko sya bilang isang lalaki na natutunan kong mahalin matapos ang ilang taon na pagsasama namin.
Hindi ko gustong pagtaksilan si Timothy pero alam ko sa sarili ko na mahal ko si Red kahit anong pagtanggi pa ang gawin ko. Hindi kayang talunin ng isip ko ang nangyayaring gulo sa puso ko. Sana lang, sa pagbalik ni Timothy, mapatawad niya ako.
"Samantha ano'ng ginagawa mo rito?" narinig ko ang boses ni Red mula sa likod ko.
Nasa likod ako ng bahay at nakaupo sa isang malaking bato katabi ng mga nakatanim na bulaklak. Narinig ko ang yabag nya na palapit. Napapikit ako nang mariin sandali at pinakalma ang puso ko.
"Nagpapahangin lang," yumuko ako at sinipa ang isang maliit na bato.
"Nakaayos na ba ang gamit mo? Kailangan mo ba ng tulong?"
"Ayos na ang gamit ko salamat na lang," nakayukong sagot ko.
Malapit nang gumabi at tahimik ang paligid.
"Eh tayo? Okay ba tayong dalawa?" tanong niya.
Napatingin ako sa kanya.
"Hwag mong gawin sa'kin 'to, Samantha. Huwag mo 'kong itulak palayo sa'yo. Ngayong nasabi ko na kung ano ang nararamdaman ko at pagkatapos ng nangyari sa atin ng gabing 'yon, alam ko na may nararamdaman ka rin para sa'kin," nangungusap ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
"Pero hindi kasi tama," umiling ako. "Hindi tama ang ginagawa natin."
Naramdaman ko na uminit ang mga mata ko, pilit kong pinipigilan na maiyak.
"Alam ko 'yon, kaya naman nagpigil din ako ng nararamdaman ko para sa'yo. Pero Samantha, hindi ako susuko, alam ko na mahal mo rin ako at hindi ko isusuko ang pagmamahal mo na 'yon para sa'kin," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Ni hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. "Hindi kita isusuko para sa tama o mali. Mahal kita at para sa'kin, hindi mali 'yon. Ang mahalaga lang sa'kin ngayon ay ang pagmamahal mo at ang pagkakataon na ito para sa ating dalawa."
Tinitigan ko siya sa mata. Halos nagsusumamo sa akin ang mga mata niya, na huwag ko siyang iwan at sukuan. Napapikit ako at hinawakan ang dalawang kamay niya na nasa magkabilang pisngi ko.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Mahal ko si Timothy. Naguguluhan na ako."
"Okay lang sa akin ang may kahati. Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, ang mahalaga lang sa'kin ay ang pagmamahal mo at ang pagkakataon na ito para sa ating dalawa. Ayokong masayang lang ang lahat ng ito, Samantha."
Iminulat ko ang mga mata ko.
"Ano'ng dapat kong gawin?" tanong ko na halos pabulong.
Ngumiti siya.
"Hayaan mo lang na mahalin kita, at hayaan mo ang sarili mo na mahalin rin ako. Kalimutan muna natin ang bukas. Ang mahalaga ay ang ngayon. Kung ano ang meron tayo ngayon, huwag mong itapon nang basta na lang, nakikiusap ako sa'yo, Samantha..." Idinikit niya ang kanyang noo sa akin tulad ng ginawa niya noong gabing hinalikan niya ako.
Muli kong naalala kung ano ang naramdaman ko sa kanya, sa halik niya. Kung gaano ako kasaya nang mga sandaling 'yon at kung gaano kaperpekto ang oras na 'yon para sa akin. Kaya naman nakapagdesisyon na ako. Alam ko na mahihirapan ako sa hinaharap pero ayokong isuko ang pagmamahal ko para sa taong una kong minahal simula pa lang.
Kung hindi ko gagawin 'to, baka sa hinaharap ay pagsisihan ko ito, kung bakit pinigilan ko ang aking sarili na mag-take ng risk. Palagi kong tatanungin kung ano kaya ang nangyari kung sakali na hinayaan ko ang sarili ko na mahulog din sa kanya.
Isa itong makasariling desisyon, alam ko. Pero gusto ko siyang mahalin. Gustong-gusto kong mahalin siya kahit na mali pa.