Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 112 - Chapter One Hundred Twelve

Chapter 112 - Chapter One Hundred Twelve

Tinrace ko ang labi ko. It's been a week simula nang mangyari 'yon sa gazebo. Hinalikan niya ako sa labi ko. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Sam, ano ba ang ginagawa mo? Mali. Mali. Mali! Hindi kami dapat umabot do'n pero...

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at gumulong ako sa kama. Ngayon nasagot na ang tanong ko kung mababaliw rin ba ako katulad ng mga babae niya once na mahalikan niya ako. Pakiramdam ko, nababaliw na ako. Hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa nangyaring halikan na 'yon sa gazebo.

Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, 'yun kaagad ang nakikita ko. Hindi na nga ako lumalabas ng bahay. Simula nang gabing 'yon, nahiya na akong lumabas. Alam ko kasing nagkasala ako sa relasyon namin ni Timothy. Pero gustuhin ko man, hindi ko magawang sisihin ang sarili ko sa pagpayag na halikan ako ni Red nang gabing 'yon. Nahulog na nga talaga ako sa kanya. Siguro kung naisip ko na mahuhulog ako sa kanya a year ago, tatawanan ko lang. A year ago kasi, si Timothy lang talaga ang laman ng isip ko. Pero ngayon...

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kisame ng aking kwarto. "Paano na ngayon? Ano ba talaga ang balak mo, Sam?"

Hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. Naniniwala ako noon na imposible na magmahal ng dalawa pero ngayong naranasan ko na, parang kinain ko ang lahat ng sinabi ko noon. Noon kapag nanunuod ako ng drama kasama ang Crazy Trios, ang tingin ko sa lead ay malandi, dahil may dalawang lalaki siyang nili-lead on.

Pero masasabi ko rin ba na malandi ako sa sitwasyon ko ngayon? Selfish lang siguro. Ayoko kasing mawala silang dalawa sa akin. Ano'ng gagawin ko kapag bumalik na si Timothy? Kailangan ko bang iwasan si Red? Mawawala ba ang nararamdaman ko para sa kanya kapag ginawa ko 'yon?

Sana may makausap ako tungkol sa bagay na 'to. Pero sino naman? Si Audrey? Baka patayin pa ako nun kapag nalaman niya 'to. Ang Crazy Trios? Pero nasa Bukidnon pa rin sila. Tinakpan ko ulit ng unan ang mukha ko at dumapa. Bakit hindi ako tinatawagan ni Red? Hindi ba niya ako tatawagan? Bakit hindi? Mabuti nga 'yon, umiwas na lang siya! Mali! Mali talaga ang nangyari nung gabing 'yon! Hindi pwede!

*BONAMANA.BONAMANA.BONAMANA*

May tumutunog! Ano 'yun? Ay cellphone ko nga pala 'yon. Pinalitan ko ng Super Junior ang 2NE1. Palagi ko kasing tinitignan ang cellphone ko kung may text ba siya o kung may missed calls. Sa sobrang pagkalikot ko sa cellphone ko, kung anu-ano nang ringtone ang nailagay ko. Tumayo ako sa kama at dahil lutang ang isip ko, bigla akong nadapa sa sahig. Aray! Nakasimangot na inabot ko ang aking cellphone mula sa tapat ng vanity mirror.

"Hello?"

"Samantha, hija!" masayang bati ni Tita Laura sa kabilang linya.

"Tita napatawag po kayo?" kinabahan na tanong ko.

Ano kayang sasabihin ni Tita?

"Naku hija, nakahanda ka na ba? Susunduin ka namin dyan ni Jared in thirty minutes, okay?"

S-Sino raw kasama niya?!

"P-PO?!"

"Ngayon na kayo lilipat ng bahay, hindi ba sinabi sa'yo ni Lee?" tanong niya.

N-NGAYON KAMI LILIPAT NI RED SA IISANG BAHAY?!!

Halaaaaa! A-Ano'ng gagawin ko?!

"Sa wakas magsasama na rin kayo sa iisang bahay ng anak ko at mag-uumpisa na kayong bumuo!"

B-BUMUO?!

"A-A-ANO PO?!"

"Bumuo ng pamilya. O siya hija, papunta na kami dyan ha? Mukhang nagmamadali nang pumunta dyan ang anak ko. Na-miss ka yata. O sige, tata!"

*doo.doo.doo*

Napaupo ako sa kama. Natulala lang ako at dalawang salita lang ang nasa isip ko ngayon. Lagot. Ako.

***

Karga-karga ko si Angelo habang papalapit sa sasakyan na naghihintay sa amin. Tumigil ako sa tapat ng pintuan namin nang makita ko ang pulang kotse sa harap ko. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang sasakyan na 'to, at alam na alam ko kung kanino ito. Nakita ko si Red na naghihintay doon, nakatayo at nakatalikod sa direksyon ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa kanyang relo, naiinip na siguro. Hindi pa kasi ako tapos mag-empake ng gamit ko nang dumating sila para sunduin kami.

"DADDY!!!" sigaw ni Angelo.

Agad na lumingon si Red sa amin. Ibinaba ko si Angelo at tumakbo ito palapit kay Red.

"Angelo!" binuhat niya si Angelo nang nakangiti "Na-miss mo ba si Daddy? Tumaba ka ah."

Awkward na lumapit ako sa kanila.

"Samantha," bati ni Red nang may tipid na ngiti.

Tipid na ngiti, dapat ba akong kabahan sa ngiti na 'yon?

"Hindi ko alam na ngayon pala ang tayo lilipat sa bagong bahay kaya hindi kaagad kami nakapagligpit ng gamit namin. Sorry kung natagalan kami," mabilis na sabi ko.

"Ayos lang," sabi niya na nakatingin sa akin.

Nakatingin lang siya sakin, di ko tuloy matagalan ang mga titig niya.

"Daddy, are we going to sleep in the same room?"

"Depends on you, Angelo. Kanino mo ba gustong tumabi?" tanong ni Red.

"Both! I want Mommy and Daddy to be together on the same bed with me!"

Naubo si Red at tumawa. Tumahimik lang ako. Kunwari wala akong narinig.

"Oh I'm sure matutuwa sila sa bagong bahay na lilipatan nila. Kami mismo ni kumare ang pumili sa bahay na 'yon. At bumili na rin ako ng bagong gamit para sa bahay," narinig ko ang boses ni Tita Laura.

Nakita ko sila ni Kuya Lee naglalakad palapitsa amin. Kanina pa sila nag-uusap ni Tita Laura.

"Maraming salamat sa pag-aasikaso nyo sa lahat, Mrs. Dela Cruz. Lalo na ngayon na wala si Tita Selene to fix things. Sa inyo kami umaasa tungkol sa bagay na 'to," kuya Lee said with a smile.

Kung titignan si Kuya, parang about sa business lang ang pinag-uusapan nila.

"Hijo tawagin mo na lang din akong Tita Laura," tumawa si Tita at napalingon sa amin. "Nakababa na pala kayo Samantha."

Lumapit sila sa amin. Tiningnan ako ni Kuya na parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi sa harap ni Tita.

"Hello Angelo, na-miss mo ba si Tita?" tanong ni Tita kay Angelo na buhat pa rin ni Red.

Nag-nod si Angelo. "Kiss! Kiss!" Agad na hinalikan ni Angelo ang pisngi ni Tita Laura nang lumapit ito.

"Jared, sa akin na sasabay si Angelo papunta sa bahay. Kayo na ni Samantha ang magsabay sa iisang kotse."

"Pero Ma—," tutol ni Red.

"No buts! Ngayon pa ba kayo magkakailangan kung kailan titira na kayo sa iisang bahay?" kinuha ni Tita si Angelo.

"Sasabay si Angelo sa akin, hindi ba Angelo?"

"Yes! Yes!" tumatangong sagot ng kapatid ko.

"Napaka-sweet na bata," natatawang sabi ni Tita at muling humarap kay kuya. "Pasabi kay Selene, wala siyang dapat ipag-alala, ako na ang bahala sa lahat ng kailangan nila."

"Opo, Tita Laura, sasabihin ko po," magalang na sagot ni kuya Lee. Sa kabila ng ngiti ni kuya, nakikita ko na medyo may pag-aalinlangan pa rin sa mata niya. Baka nalaman na niyang hindi talaga bading si Red?

"Mauna na kami sa bahay, sumunod na lang kayong dalawa," sabi ni Tita bago siya lumapit at pumasok sa nakaparadang SUV.

"Princess, magpapakabait ka," bilin sa akin ni kuya bago niya hinalikan ang noo ko. "Tumawag ka sa'kin kung may kailangan ka."

"Opo, kuya," nakasimangot na sabi ko.

"Ikaw, Dela Cruz, sa oras na may mangyaring masama sa pinsan ko, ha-huntingin kita. Tandaan mo 'yan," banta ni kuya.

"Tss! Bakit hindi ka na lang rin tumira sa bahay na lilipatan namin kung nag-aalala ka?" alok ni Red.

"Hindi ako nag-aalala, sinasabi ko lang na ingatan mo siya," matigas ang pagkakasabi noon ni kuya.

"Tama na 'yan, mamaya magkasuntukan pa kayo," awat ko sa kanila habang nakapagitna ako. "Aalis na kami kuya, tatawagan kita kapag may kailangan kami ni Angelo."

Tumingin sa akin si kuya at ngumiti. Pinagbuksan ako ni Red ng pinto ng kotse niya. Hinintay niya akong makaupo bago niya maingat na isinara ang pinto. Pinanood ko siyang umikot sa kabilang side para sumakay sa kotse. Nang makaupo na siya sa driver's seat ay umiwas na ulit ako ng tingin. Nginitian ko si kuya.

Umandar na ang kotse at hindi ko mapigilan na hindi kabahan. Paano kami magsasama sa iisang bahay nang ganito? Hindi pa malinaw ang lahat tungkol sa amin ni Red. Huminga ako nang malalim. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Ang awkward ng position ko. Pagkatapos ng halik na 'yon. Ano na ang sunod na mangyayari?

"Nilalamig ka ba?"

Napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo nya habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Huh?"

Tumingin sya sa akin saglit bago muling tumingin sa harap.

"Mukha kasing nilalamig ka," sabi nya.

Mukha ba talaga akong nilalamig? Hindi naman ah?