Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 85 - Chapter Eighty-Five

Chapter 85 - Chapter Eighty-Five

"Pfft! Hahaha!" tawa ni Red habang nakaupo sa sulok ng kwarto ko.

Kanina pa sya tawa nang tawa mag-isa. Ano kaya ang tinatawanan nya?

"Aba Red awat na, kanina ka pa dyan," saway ko.

Nanginginig talaga yung buong katawan nya kakatawa. Nakahawak pa sya sa tyan nya at tumatawa mag-isa. Hindi nya ako pinansin. Natawa lang sya. Bakit nga ba sya tawa nang tawa?

Kasi...

**

Pinanood namin sina Kuya Lee at Michie na maglakad palabas ng ospital. Don sila nag-usap sa garden.

"So Kuya Lulu? Ano ang meron sa inyo ni Michie ah?" tanong ni Maggie habang tinitignan nang makahulugan si Lucien.

"Oo nga Kuya LULU?" segunda ni China na diniinan ang salitang Lulu.

"Ahhh..." napahawak sa batok nya si Lucien.

"PFFFFFFFFTTTTT!!!" napaupo si Red sa habang pigil na pigil ang tawa. "FUFUFUF!!"

Nasa gitna pa man din kami ng hallway.

"Pumasok nga muna tayo sa loob," sabi ko sa kanila.

Tumingin ako kay Red na nasa likod ko.

"Jared yung stand," sabi ko.

DEADMA. Nandun parin sya at nakaupo. Sya itong nagprisinta na tumulong tapos hindi na ako papansinin. Kainis! Ako na nga lang!

"Let me," hinawakan ni Lucien yung stand ng dextrose ko.

Ngumiti ako. Kahit kailan napaka-gentleman talaga ni Lucien di tulad ni Red. Walang ginawa kundi mang-akit at mang-asar. Magpapasalamat na sana ako nang...

"Pre ako na," mabilis na inagaw ni Red yung stand.

Napatingin kaming dalawa sa kanya. Ni walang bahid ng ngiti ang mukha nya, parang kanina lang tawa sya nang tawa ah. Napakunot noo kaming dalawa ni Kuya Lucien, nagkatinginan na lang kami.

"EHEM EHEM!" ubo ni Red at tinignan kami na parang naiinip na sya.

"Sige hayaan mo na si Red, baliw yan eh," sabi ko kay Kuya Lucien.

Nagkibit balikat nalang si Lucien at ibinigay na kay Red yung stand. Nawi-weirduhan na siguro sya kay Red. Ako rin eh.

"O tapos ka na tumawa?" tanong ko.

Automatic, namula ang mukha ni Red at tumingin sa kabilang direksyon. Tinakpan nya yung bibig nya at muling nanginig sa tawa. Baliw talaga.

Nauna nang pumasok sa loob ng kwarto ko yung tatlo. Sumunod kami ni Red. Nang makapasok na kami tumigil na sya sa pagtawa. Mabuti naman.

"Spill kuya! Ano yung Lulu?" tanong ni China.

"Explain! Explain!" chant ni Maggie.

"Hi Angelo" bati ko sa kapatid ko na nakaupo sa sofa at nanunuod ng cartoons sa tv.

"Hi Mommy," kumaway lang sya sa'kin at tumingin ulit sa tv.

Ipinagpalit na talaga ako ng kapatid ko kay SpongeBob. How sad na isang dilaw at butas butas na sponge lang pala ang katapat ko. Umupo na ako sa kama ko. Umupo naman si Red sa tabi ng kama ko.

"Ahh... Pano ko ba ito ipapaliwanag?" tanong ni Lucien

Nakapwesto na silang lahat sa sofa. Nakatingin kami kay Lucien.

"Magsimula ka sa umpisa Kuya," excited na sabi ni Maggie.

Bumuntong hininga si Lucien. Isinandal nya ang likod nya sa sofa.

"Kailan nga ba nag-umpisa 'to?" tanong nya sa sarili. "Fourteen years ago na siguro."

"Wow ang tagal nyo na palang magkakilala ni Michie..." komento ni China.

"Hwag kang maingay China," saway ni Maggie sa kapatid.

"Sorry naman."

Para silang dalawang bata na nakikinig sa kwento ni Lola Basyang. Pero dahil sa natural na curious ako, nakinig na rin ako.

"It started with..." nag-alinlangan pa si Lucien na ituloy yung sasabihin nya

"WITH A KISS?!!!" excited na sagot ni China.

"WITH A HELLO?!!!" hula naman ni Maggie.

Natawa na lang nang mahina si Lucien at umiling.

"No, it started with Bananas in Pyjamas," nakangiting sagot ni Lucien.

"Bananas...?" takang sambit ni Maggie.

"In Pyjamas?" dugtong ni China.

Bananas in Pyjamas? Parang pamilyar perooo hindi ko matandaan masyado.

"Uy Red ano yun? Alam mo yun?" tanong ko sa kanya.

"Dating morning show na pambata," confident na sagot nya.

"Ahhh..." Okay, hindi ko tanda.

"AH! Yung may dalawang saging na nagsasalita! Yun ba 'yon?" tanong ni Maggie.

"Oo! Naaalala ko na, yun yung parang commercial lang. Mga five minutes lang yata ang every episode non!" tuwang tuwa na sabi ni China.

"Tama tapos may daga pa don diba?" tanong ni Maggie.

"Oo tsaka may mga oso din hahaha!" sagot ni China.

"Paborito din natin yun eh."

"Oo nga ikaw pa nga si B2 eh."

"Hindi kaya, ako kaya si B1."

"Ako si B1 kaya."

"Ako!"

"Ako sabi."

"Ako kaya!"

"Sino ba mas matanda sa'tin?"

"Ikaw," nakasimangot na sagot ni Maggie.

Ngumiti si China. "Eh di ako si B1."

"Kapag gusto mong manalo sa'kin laging yan ang sinasabi mo. Kapag naman ibang bagay, nagagalit ka kapag sinasabi ko na mas matanda ka kaysa sa'kin."

"Syempre!"

Para silang nagre-reminisce ng kanilang kabataan. Buti pa sila alam yun. Ano nga ba ang ginagawa ko nung nasa ganong edad ako? Kung fourteen years ago ibig sabihin four years old ako at.... BLANKO. Wala talaga akong maalala. Nakaka-inggit silang dalawa.

"Go na nga kuya, kwento mo na yung kasunod," sabi ni Maggie.

"Siguro sa ibang araw na lang," sagot ni kuya Lucien saka tumingin sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Hindi pwede!" pigil ni China. Nakita nya sigurong binabalak na ni Kuya Lucien na umalis.

"Kay Michie namin itatanong sige ka Kuya," pananakot ni Maggie.

"Pambihira kayong dalawa..." umiling iling si Lucien. "Sige na sasabihin ko na."

Nakinig kaming lahat maliban kay Angelo na nakatutok parin sa tv.

"Bata pa si Michelle mahilig na syang manuod ng tv, ang dami nyang gustong malaman. Pero istrikto sa ampunan, hindi basta basta nakakanuod ng tv don. Kailangan mo munang tapusin ang mga gawain na nakalista sa'yo, kasunod non mag-aaral na. Isang beses tumakas si Michelle sa mga gawain nya at pumasok ng lihim sa opisina ng Headmaster."

"Ooohhh..." bulong ni Maggie.

Pasaway talaga si Michie nung bata pa lang.

"Dahil may tv sa loob ng opisina, nakanood sya. At unang beses nyang napanood ang palabas na 'yon, Bananas in Pyjamas. Nasa limang minuto lang ang palabas na 'yon, kaya naman kaya nyang maumpisahan at matapos 'yon bago pa malaman ng iba na nawawala sya. Pero isang araw nahuli syang nanunuod don ng headmaster kaya naman pinagalitan sya at pinarusahan."

"Ang lupit naman ng namamalakad dyan sa ampunan na yan kuya," reak ni Maggie sa kwento.

"Oo nga, pasabugin namin yun eh," sangayon ni China sa kapatid.

"Eh kuya ano na ang nangyari bakit Lulu tawag sa'yo ni Michie?" tanong ni Maggie.

"Ah, kasi hirap syang bigkasin ang pangalan ko. Kaya Lulu ang ibinigay nyang pangalan sa'kin. Isa sya sa mga oso sa palabas na 'yon, si Lulu si Morgan at si Amy." Paliwanag ni kuya Lucien. Tumayo na sya at muling tumingin sa orasan. "Kailangan ko nang bumalik sa hacienda."

"Bitin naman ang kwento mo kuya," reklamo ni China.

"Oo nga akala ko may kung ano nang nangyari yun lang pala 'yon," reklamo rin ni Maggie.

Tumawa si Lucien at pinat ang ulo ng dalawa bago tumingin sa akin.

"Samantha pagaling ka," sabi sa'kin ni kuya Lucien.

"Okay! Ingat ka kuya," kumaway ako.

"Red," tawag ni Kuya Lucien. Tumingin si Red sa kanya. "Hwag kang mag-alala, wala akong binabalak" ngumiti si kuya Lucien.

"Ano'ng—" gulat na sambit ni Red.

"Sige Sam," paalam ni Kuya Lucien.

"Bye-Bye!" nag-wave ako sa kanya.

Lumabas na sya nang tuluyan sa kwarto ko. Sumara na ang pintuan. Bumalik ang tingin ko kay Red.

"Bakit Red?" tanong ko nakakunot kasi ang noo nya.

"Lulu pala ha, tignan nga natin kung ano ang hitsura non," kinuha ni Red yung cellphone nya.

Sinilip ko sa cellphone nya. nag-iinternet sya. Hinahanap nya si Lulu ng Bananas in Pyjamas. Nang magload na ang mga pictures, lumabas ang isang brown na bear na...nakasuot ng isang pink ballerina dress. Isang TUTU.

**

Simula non, natawa na sya nang natawa. Ang mean nya. Sigurado iniisip nya na si Lucien yung nakasuot ng pink ballerina dress. Si kuya na MABATO na naka-pink na ballerina dress at sumasayaw.

Si kuya na MABATO na naka-pink na ballerina dress at sumasayaw at may korona. Ayoko tumawa. AYOKO! WAAAAAAHAHAHAHA!!