Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 86 - Chapter Eighty-Six

Chapter 86 - Chapter Eighty-Six

*Lucien Dela Vega*

Naglalakad palabas ng ospital si Lucien nang madaanan nya ang garden, nakita nya doon si Michie. Fourteen years ago na rin simula nang may huling tumawag sa kanya ng Lulu.

**

"WAAAAHH!! WAAAAAAHHH!!"

"Hoy bata," tawag ng batang si Lucien sa batang naka-squat sa hallway.

"Huk! WAAAAAAAAAAH! WAAAAHH!!" Hindi sya pinansin ng batang babae at nagpatuloy lang ito ng pag-iyak.

Na-curios naman si Lucien sa batang babae. Pinanood nya lang to sa pag-iyak, tumabi sya ng upo dito.

"WAAAAAAHHH!! WAAAAAHHH!!"

"Gusto mo ng candy?" alok nya dinukot pa nya 'yon galing sa canteen.

"WAAAAAAAAHH!! WAAAAAAAAAHH!!"

"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakaiyak pagagalitan ka ulit ng headmaster."

"WAAAAAAAHHHH!! WAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" mas lumakas ang iyak nito.

"Chocolate gusto mo?" tanong nya kahit wala naman syang chocolate.

"WAAAAAAAAHHH!! WAAAAAAAAAHHH!!" umiling ang bata.

"Hoy bata."

"WAAAAAAAAAHHH!!" tumingin sa kanya ang bata. "WAAAAAAAAAAAAHHH!!"

"Ano ba ang gusto mo?" tanong nya.

"Huk! G-Gusto—huk! Lulu! WAAAAAAHHH!!"

"Sino si Lulu?"

May kinuha ang batang babae sa bulsa ng jumper nya. Isang drawing at ipinakita ito sa batang lalaki. Tinignan ito ng batang si Lucien. Hindi nya maintindihan ang drawing. Kulay brown na may hugis ng ulo na may mahaba at malaking katawan.

"Ito si Lulu?" tanong nya.

Tumango ang batang babae.

'Si Lulu ay isang alien' saisip ng batang si Lucien. Umalis na sya at inisip na baka weird lang talaga ang batang babae kaya pinarusahan. Paano ba naman, nakikipagusap sa mga aliens?

Bumalik na sya sa kwarto nya para mag-aral.

Kailan kaya sya aampunin? Gusto na talaga nyang umalis sa ampunan na 'yon. Ang daming batang weird.

KINABUKASAN.

Nagwawalis sya sa labas ng gate ng ampunan. Uwian na ng mga estudyante na nasa elementary school malapit sa orphanage. Ayaw nya talaga ng ganitong oras sya pinaglilinis sa labas.

"AHAHA! Kawawa naman walang magulang!" loko sa kanya ng isang batang lalaki.

"HAHAHAHA!! Gusgusin! Kawawa naman! Mahirap!" tukso pa ng kasama nito.

Naka-uniporme ang mga ito.

"Ano'ng sinabi nyo?!" sigaw nya at itinaas nya ang walis tingting na hawak.

Natakot naman ang dalawang bata at nagtatakbo paalis.

'Kaya ayaw ko na pinagwawalis sa labas,' saisip ni Lucien.

Nagpatuloy lang ang lakad ng mga estudyante. Pinanood nya ang mga ito. Gusto rin nya mag-aral sa school ng mga ito. Gusto nya ang uniporme, ang bag at mga sapatos ng mga ito. Sana may mag-ampon na sa kanya at pag-aralin sya sa paaralan na katulad ng sa mga ito.

"Annie! Punit na oh tapon mo na 'yan," boses ng babae estudyante.

"Wala naman basurahan."

"Ayun oh may nagwawalis dun," tinuro sya ng babaeng may biloy sa pisngi.

"Oo nga," tango ng babaeng may salamin sa mata.

Tumungo si Lucien at nagpatuloy sa pagwawalis. May naramdaman sya na lumapit sa kanya.

"Patapon ah." May nilaglag na karton ang batang babae at mabilis silang tumakbo nang kasama nito.

Nakasimangot na tumingin sya sa karton. Kakaiba ang hugis. Pinulot nya. May dalawang butas at may lastik sa magkabila. Tinignan nya ang harapan. Isa palang maskara. Oso.

Bigla nyang naalala yung drawing ng bata sa hallway. Tinitigan nya yung maskara. Si Lulu. Hindi pala alien yung drawing ng bata, isa palang oso. Tinapos na nya ang pagwawalis nya at pumasok na sa loob ng ampunan na hawak ang maskara ni Lulu.

Hinahanap nya ang batang babae, naisip nya na ibigay nalang ang maskara dito. Wala naman kasi syang pag-gagamitan non at ang isa pa matanda na sya para magsuot non.

"Ibalik nyo yan!!"

"HAHAHAHA! Abutin mo! Abutin mo! Batang pandak!"

Napalingon sya sa pinanggagalingan ng ingay. Nakita nya ang batang babae na umiiyak kahapon sa hallway. May isang batang lalaki na umaaway dito.

"Pangit! Sa akin yan eh!" Sinipa ng batang babae sa paa ang umaaway sa kanya.

"AAH!" Gumanti ang batang lalaki at itinulak ang kaaway nito.

Napaupo sa sahig ang batang babae. Lalapit na sana si Lucien nang biglang punitin ng batang lalaki ang drawing ng batang babae.

"Nye! Nye! Nye! Wala na! Ang liit mo kasi eh! Hahaha! Bleh!" tumakbo na yung batang lalaki.

Naiwan ang batang babae na pinupulot ang pirapirasong punit na papel.

"WAAAAAAAHHH!! WAAAAAAAAHHH!!" biglang iyak nito.

Matagal na pinanuod ni Lucien na umiyak ang bata bago nya lapitan.

"Bata," tawag nya.

Hindi na naman sya nito pinansin.

"Gusto mo ng candy?"

Patuloy lang ito sa pag-iyak.

"Chocolate?"

"WAAAAAAAAAAAHHHH!!"

'Ano ba ang gusto nya?' tanong nya sa sarili hanggang sa may naalala sya.

Tinignan nya ang maskara na hawak nya. May punit na ito sa bandang tenga pero ayos pa naman. Isinuot nya ito. Umupo sya sa tabi ng batang babae at kinulbit ito.

"Psstt!"

"WAAAAAAHHH!!"

"PSSSTTT!!" kinulbit nya ulit ito.

Tumingin sa kanya ang batang babae at nagulat. Tinitigan sya nito nang matagal. Nagliwanag ang mukha nito at kuminang ang mga mata. Pagkatapos ay isang napakatamis na ngiti ang ibinigay sa kanya nito.

"LULU!!" masayang bati nito.

Nagulat ang batang si Lucien sa nakita nya.

Wala pa syang nakikitang bagay na... mas maganda pa sa ngiti na ibinigay sa kanya ng batang babae.

Sa unang pagkakataon...ngumiti sya.

**

Tumingin si Lucien sa kausap ni Michelle.

Lee Perez, isang matagumpay na business tycoon.

Kung ano man ang namamagitan sa dalawa, kapag nakita nya na umiyak si Michelle nang dahil dito, kahit sino pa ang lalaking 'yon...pagbabayarin nya.