Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 82 - Chapter Eighty-Two

Chapter 82 - Chapter Eighty-Two

"Ano'ng nangyayari kay Sammy? Bakit tulala?" tanong ni Michie.

"Baka nahalay ni Red? Muhahaha!" tawa ni China.

"Ang bagal nyo kasing dumating eh, hindi nyo tuloy naabutan," paninisi ni Maggie.

Naglalatag sila ng kutson ngayon sa sahig sa loob ng kwarto ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Nagulo, winasak at ininvade ni Red ang mundo ko. WAAAAAAAAAAAAHHHH!

Ang lalaking 'yon! Gising kaya sya?! Matagal na ba syang gising o nagising lang sya dahil sa ingay ng Crazy Trios?! Kung gising na pala sya bakit hindi pa sya lumipat sa sofa nung umalis si Angelo at Maggie? ANO BA?!!! JAREEEEEDDD!!!

"Halaaa tignan nyo si Sammy nababaliw na," naring ko'ng sabi ni Maggie.

Nakatitig lang ako sa painting na nasa tapat ng kama ko. Hindi ko sila pinansin.

"Yung cellphone ko? Dali kunan nyo ng picture pang-blackmail natin!" sabi ni China.

"May naisip akong kanta para kay Sammy," sabi ni Maggie.

"Nababaliw~ na ako sa iyooo~ ako'y litong lito~ naloloka~ nahihibang sa kaiisip sayooo sayooo~~" kanta nilang dalawa sabay tawa ng wagas.

Sinamaan ko ng tingin ang tatlo.

"Hindi ako kumanta! Wag ka magalit sakin Sammy!" pagtatanggol ni Michie sa sarili nya.

Tumitig ulit ako sa malayo at bumuntong hininga. Haaayy sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagkahulog ko sa kabayo, sa nangyari kanina kasama si Jared o dahil sa mga kasama ko ngayon.

"Sabi nga namin bawal ang maingay sa ospital eh, si Maggie kasi!"

"Bakla nanlalaglag ka!"

"Sorry my dear sister!"

Humiga na nga lang ulit ako. Umalis sina Angelo at Red. Pinauwi ko sila sa hacienda. Sabi ko sa kanya kailangan ni Angelo matulog nang maayos at hindi rin mabuti kung magtatagal dito sa ospital ang kapatid ko, baka magkasakit pa. Baka may makuha syang sakit somewhere.

Mabuti pumayag sya. Hindi ko talaga alam kung paano ko sya haharapin!! Tinarayan ko pa nga sya eh. Para matago ko yung hiya ko.

Alam kaya nya na tinititigan ko sya?! HINDDDEEEEE! Nakakahiya yun baka isipin nya pinagnansahan ko sya!

Seven pm na nang tignan ko sa wall clock. Bukas maaga silang dadating dito ni Angelo. Paano na yan? Si Timothy kaya kumusta na? Dinala ng Crazy Trios ang cellphone ko, mabuti nalang.

Wala naman nag-missed call. Hindi pa nya ako tinatawagan ulit. Namimiss ko na sya. Timothy kooo. Pero bukod don, may isa pa akong inaalala. Yung panaginip ko. Mapapanaginipan ko kaya ulit 'yon mamaya?

"Bakit ka ba kasi natatakot Michie hindi ka naman kakainin ni Kuya eh," narinig ko nalang na saad ni China.

"Eh sa nakakatakot sya eeh! Lagi nya akong... basta!" paliwanag ni Michie.

Nakinig ako sa usapan nila. Naalala ko ang sinabi ni Lucien tungkol kay Michie.

"Michie!" tawag ko.

"AY NABUHAY ANG PALAKA! Ehh." Tumingin sa'kin si China. "Ano ba 'yan Sammy hwag kang nanggugulat teh."

Umupo ulit ako sa kama ko.

"Bakit Sammy?" lumapit sa kama ko si Michie.

Nilagay nya yung tinalupan at hiwa-hiwang apple na nakalagay sa platito, sa kama ko.

"Noong nasa ampunan ka ba may kaibigan ka don?" tanong ko.

Lumapit sina China at Maggie. Umupo sila sa dulo ng kama ko.

"Hmm..." nag-isip sya. "Oo meron nga pero mas nauna kasi silang inampon kaya iniwan din nila ako. Akala ko nga noon na doon nalang ako sa bahay ampunan habang buhay."

"Pero mabuti nalang nahanap ka ni Mr. Smith no?" saad ni Maggie.

"Oo nga, magaling talaga yung Lolo ni kuya Nathan sya mismo ang nakahanap sa'yo," tango ni China.

"Kaya nga! Ang laki ng utang ko kay Lolo, hahaha!"

Kumain ako ng apple. Ganon pala.

"Bakit mo natanong Sammy?" tanong ni Michie sa akin.

"Gusto ko lang kasing malaman... kung naging close ka sa isang lalaki sa ampunan. Alam mo na, parang... kuya?" tanong ko ulit.

"Ahhh..." Nalungkot si Michie pero agad din syang ngumiti. "Meron akong kuya na gustong gusto noon sa ampunan! Kaso nauna kasi syang inampon kaysa sa akin eh. At ang isa pa hindi ko matandaan kung saan sya dinala pati na rin yung mukha nya."

Pareho pala kami... Hindi namin matandaan yung mukha ng kababata namin. Malabo pa rin sa akin. Sabihin ko kaya kay Michie ang tungkol kay Lucien? Ano kaya ang gagawin nya?

"Michie" tawag ko.

Tumingin sa akin si Michie. Yung dalawa naman busy sa pagkain ng apple ko. Inubusan ang pasyente.

"Alam mo bang nanggaling kayo sa iisang ampunan ni kuya Lucien?"

Nagulat sya.

"Huh? Sammy?" tanong ni Michie.

*COUGH! COUGH!*

Umubo yung dalawa at naghampasan ng likod. Tumango ako.

"Oo, ang sabi nya sa akin natatandaan ka raw nya. At hindi rin daw sya galit sa'yo kasi ang totoo nyan Michie... binabantayan ka lang daw nya," paliwanag ko.

"Ngayong nabanggit mo 'yan Sammy! Oo nga pala, naaalala ko na. May binanggit si Lola dati na ampunan di'ba Mags?" sabi ni China.

"Tama. Natatandaan ko na rin ngayon, nasa parehong ampunan daw pala kayo ni kuya Lucien Michie!" sang-ayon ni Maggie sa kapatid.

Natahimik lang si Michie. Sa tingin ko nagulat sya nang sobra sa nalaman nya.

***

Pagkagising na pagkagising ko nakaamoy ako ng manok. CHICKEN BARBEQUE!!

"Hooooy!" tawag ko sa Crazy Trios na nakain na.

"SAM! Gusto mo?" alok ni Maggie.

Umupo ako sa kama at tumingin sa orasan, six-thirty am.

"Ang aga nyo naman nagising," puna ko. Late na kasi sila natulog.

"Nagutom kasi kami eh," sagot ni China na patuloy sa pag-kain.

Bumaba ako sa kama at isinama yung stand ng dextrose ko papasok sa banyo. Ginawa ko ang dapat ko'ng gawin doon at nakikain ako ng breakfast kasama ang Crazy Trios.

"Uy Sammy ano'ng oras dadating sina Red at Angelo?" tanong ni Maggie.

"Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong," sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Si kuya Lucien yata ang maghahatid sa kanila rito. May dadaanan din kasi si Kuya dito eh, yung mga reports na pinapakuha ni Lola," paliwanag ni China.

Nasamid si Michie. Napatingin ako sa kanya. Tahimik nya ah. Ano kaya ang iniisip nya? Ayoko naman mag-tanong, maghihintay nalang ako kung ano ang mangyayari mamaya kapag nagkaharap na sila.

Nang matapos kaming kumain may dumating na nurse, ang cute nya. Kamukha nya si Marki, yung singer. Sya ang nagpalit sa bote ng dextrose ko.

"Kuya ilang taon ka na?" tanong ni China.

"Uhm. Nineteen po," sagot ng nurse.

"Wow! Student ka pa pala kuya?" tanong ni Maggie.

'Tong dalawang 'to talaga. Haay.

"Opo," sagot ng nurse na nakangiti.

"Hwag mo na kaming i-po, mas matanda ka sa'min, one year nga eh," saad ni China.

"Ano nga pala name mo kuya?" tanong na naman ni Maggie.

"Mark," nakangiting sagot ng nurse.

Nakita ko na kuminang ang mga mata nitong dalawang 'to. Basta gwapo eh.

"Ms. Perez naka-schedule nga pala kayo para sa check up nyo."

"Samantha nalang po kuya," sabi ko, nahiya ako eh. "Pano 'yan kuya kumain ako, kailangan ba hindi kakain para sa check up. General ba 'yon?"

May mga ganon kasi diba? Hindi dapat kumain kapag iche-check up. Sa CT scan yata 'yon? Napapangiti si kuya habang nakatingin sakin. Ano ba 'yon? Bakit sya nakangiti sa akin?

"Hwag kang mag-alala, hindi 'yon," sagot ni kuya na nakangiti parin sa'kin.

Bakit sya nakangiti? Bigla naman sumama ang pakiramdam ko. Parang may negative energy na tumatama sa akin. Pagtingin ko kina Maggie at China. Nakasimangot silang dalawa sa akin. PROBLEMA NILA?

Tumayo ako at tinulungan ako ni Kuya sa pag-lalakad. Lumabas na kami ng kwarto. Hindi na ako nagpaalam mukhang kakainin nila ako ng buhay eh.

"UNFAIR!! LAHAT NA LANG KINUHA!!" dinig kong sigaw nilang dalawa pagkasarado ng pinto.

Ano ba 'yon?

Habang naglalakad kami ni Kuya Mark sa hallway ng ospital napansin ko na madami ang natingin sa amin. Kasi siguro ang gwapo ni Kuya.

"Nice one Mark!" may bumating lalaki na nurse.

Tinawanan lang sya ni Kuya. May iba pang bumati sa kanya.

"Ayos 'tol ah" nurse din na bumati

"Ay inunahan pa ako" nurse din na guy

Alin yun? Ano kaya 'yon? Tumigil kami sa isang kulay light blue na pinto.

Dr. Acozta nakalagay na name sa pinto. Kumatok lang si Kuya Mark ng tatlong beses tapos binuksan nung secretary na babae 'yong pinto at pinapasok kami.

*Michelle Santa Maria*

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sammy. Pumasok ang dalawang lalaki. Sina Red at Angelo. Nakabalik na sila!

"Si Samantha?" tanong agad ni Red. Ipinatong nya ang mga bitbit nya sa lamesa malapit sa sofa.

"May kasamang lalaki lumabas," sumbong ni China. Nakahiga sya sa kama ni Sammy at nag-tetext.

Hallllaaaa... Ang bad.

"Hello!" bati sa akin ni Angelo.

Ang cute nya! Tumalon talon sya papunta sa sofa at doon sya gumapang paupo. Ang cute cute nya talaga! Mukha syang anghel kaya siguro Angelo pangalan nya.

"TAKTE sino?!" Uwaaah! Nakakatakot sumigaw si Red.

Lumabas ng CR si Maggie. "J-Joke lang 'yon ni China, d-diba Chinz?" takot na sabi ni Maggie.

"Pero lalaki naman talaga yung kasama ni Sammy," ismid ni China.

"Anak ng teteng—Angelo dito ka muna." Umalis si Red habang bumubulong ng... "Magdasal na lokong 'yon, lagot 'yon sa'kin."

Holoooo lagoot si Kuya nurse. Umupo ako sa tabi ni Angelo.

"Bakla ka! Bakit mo sinabi?" tanong ni Maggie kay China.

"Tinanong nya eh, tsaka bakit ba? Hmph!"

"Bitter ka talaga. Hayaan mo na nga yung Mark, hindi naman papatulan ni Sammy 'yon, ano ka ba?"

"Eh kasiiii! Crush ko yun eh!"

"May nakita akong gwapo na doktor, puntahan natin?"

Biglang tumayo si China mula sa kama. "BAKLA!! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Ano pa ang ginagawa natin dito, lumarga na tayo!"

"Michie, dito ka muna ha? Bantay ka kay Angelo," bilin sa akin ni Maggie.

Tango ko. "Okie!"

Lumabas na rin sila. Naiwan kami ni Angelo. Nanunuod sya ng TV, SpongeBob SquarePants. Hindi naalis ang mga mata ni Angelo sa TV. Nakinuod na rin ako. WAAAH! Ang cute ni Squidward, parang si Audrey! Bumukas ulit yung pinto.

"Nakalimutan nyo yung..." Pumasok sa loob ng kwarto si Kuya Lucien. "Nasan sila?" tanong nya sa akin.

Tinignan ko nang mabuti yung mukha nya... Yung mukha nya... (@0@)*

"Michelle? Bakit? May problema ba?"

Tumayo ako sa harap nya at tinitigan sya nang mas malapit. Ang mukha nya...

"Michelle..."

"WAAAAAAAAHH!! Kuya Lulu!!" Niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit. "Ang daya daya mo!! Bakit hindi mo sinabi sa'kin? WAAAAAAHHH! Na-miss kita!! Lulu!!"

"Natatandaan mo na? Kilala mo ako?"

"KUYAAA!! LULU!! MADAYA KA! BAD KA!!"

"Ssshhh..." niyakap nya ako.

Katulad noong magkasama pa kami sa ampunan. Yung yakap nya, mainit at palagi akong napapatahan. Sya lang ang kayang magpatahan sa akin gamit ang yakap nya.

*BLAG!*

"SAMANTHA!!"

Bumukas ang pinto. Nagulat kami sa lalaking dumating pero mas nagulat sya nang makita nya ako. Ang pinsan ni Sammy. Nandito na sya...

"Michie..?" sambit nya sa pangalan ko.

"Lee..." mahinang sabi ko.