Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 83 - Chapter Eighty-Three

Chapter 83 - Chapter Eighty-Three

*Miracle Samantha Perez*

Kinausap lang ako ng doktor, tinanong lang ako kung nahihilo ako at kung ano ano pa. Chineck din nya vital signs ko. Chineck din ang ulo ko. Pwede na raw ako lumabas ng ospital after two or three days. Sa wakas! Lumabas na rin ako agad.

"Kuya pwede na bang tanggalin 'tong dextrose ko?"

"Hindi pa pwede," nakangiti nyang sabi. "Kailangan mo pa 'yan."

"Ay ganon? Ayoko kasi mamaga ang kamay ko eh." Ang pangit tignan. Nakakatakot.

Tumawa lang sya. Ang cute nya.

"Samantha." May tumawag sa akin. Parang ang dark ng boses nya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Red na naglalakad palapit sa akin. WAAAAAHH!! Ano ang gagawin ko?! Gusto ko'ng magtago sa kanya! Naalala ko na naman yung nangyari kahapon.

"Ako na ang bahala dito," sabi ni Red kay kuya Mark.

Mukha syang galit eh. Dahil kaya sa akin? Nalaman na ba nya na pinagnanasahan ko sya kahapon? WAAAAAAAHHH! Hind naman ganon yun eh! Nagagandahan lang ako sa kanya!

*Jared Dela Cruz*

Takteng yan! Isang gabi lang ako nawala may iba na kaagad pumapapel kay Samantha. Loko 'yon ah! Hwag lang syang magkakamali na mahawakan ni dulo ng daliri ni Samantha. Kahit hibla ng buhok nya hwag nyang tatangkain pangarapin puputulin ko kamay nya!

Naglakad lakad ako sa hallway ng ospital hinahanap kung nasaan sila. Peste! Saan ba sya dinala ng siraulong lalaking 'yon?!

Magdasal na lecheng 'yon, sa oras na makita ko kung sino'ng poncho pilatong—

Lumiko ako at nakita ko sila na nakatayo sa labas ng isang pintuan. Nakita ko syang kasama ang isang lalaking nurse. Agad akong lumakad papunta sa kanila. Ano'ng nginingiti ngiti ng lokong 'to? Sarap umbagan ah!

"Ako nalang ang tutulong sa'yo kung gusto mo," alok nung lokong nurse.

Ano'ng tulong? TULONG TULONG pinagsasabi nito?! Kung tignan si Samantha parang gustong gahasa—Ampupu! Bakit ang lapit lapit nila mag-usap?! Hindi ba nila alam yung personal space?! Close na kaagad?!

"Ang bait mo naman," nakangiting sagot ni Sam.

NAMFUFU! Naglalandian ba sila? Bakit may ngitian na nagaganap?!

"Samantha!" tawag ko sa kanya.

Mabilis akong lumakad sa kanila. Sinamaan ko ng tingin yung bwiset.

"Ako na ang bahala dito," sabi ko na may halong pagbabanta kapag hindi nya ibinigay sa'kin si Samantha.

Subukan lang nya makipagtalo, sya ang ipapadala ko sa ICU.