Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

Jared Dela Cruz

"Manang Isang kilo nga po rito sa tilapia," malakas na sabi ni Ami sa tindera.

Nasa palengke ako. POTEK! Hindi naman sa hindi pa ako nakakapunta rito kaya ako nagagalit. Madalas ako sa palengke dahil doon ako namimili ng pagkain ko imbes na sa Supermarket. Mas fresh kasi sa palengke at di frozen. Ang ikinaiinis ko lang ay naisahan ako ni Samantha. Ang nagagawa nga naman ng SELOS oh! Ampupu! Pati ako nadamay eh. Inabot na nya yung plastic. Inagaw ko na sa kanya, may dala pa kasi syang gulay. Nagulat ko yata sya. Kanina pa kasi ako tahimik.

"Ako na ang magdadala, ano pa ang bibilhin mo?" tanong ko.

"Bigas, itlog, suka, cooking oil, peanut butter tsaka tinapay nalang ang kulang."

"Okay tara na."

Naglakad na kami.

"Ikaw?" bigla nyang tanong.

"Ano?"

"Ano'ng bibilhin mo?"

"Ahh.. May bibilhin ba ako?" wala sa sarili na tanong ko.

"Wala ka palang bibilhin bakit ka pa sumama?" mataray na tanong nya.

AMPUPU. Para naman gusto kong samahan ka rito.

"May sinabi ba akong wala akong bibilhin?"

"Eh ano nga?"

"Bakit ba gusto mong malaman? Sa'kin nalang 'yon!"

"Bahala ka nga."

"Tss." Tinignan ko ulit sya at ngumisi. "Condom. Isang box ng condom ang bibilhin ko."

Pigil ang tawa ko nang makita na biglang naging kulay kamatis ang mukha nya.

*Miracle Samantha Perez*

"Why are you blind?"

"So all I can see is my Wife."

"Who is your Wife?"

"Miracle."

"Wow! Mommy's name is Miracle!"

"Yeah she's my Wife."

Yan ang usapan na Angelo at Timothy. Nakikinig lang ako sa kanilang Man-To-Man TALK. Bawal daw ako sumingit sabi ng kapatid ko.. Di raw ako 'man'.

"My Mommy is your wife? You are my Daddy? But I have a Daddy already!"

"He's not your Daddy"

"No?"

"He's your Nanny"

"Nanny?"

Tumango si Timothy.

Ano raw?

"But you... you said you are my brother and-and Mommy said you are my Kuya but you said you are my Daddy and-and Daddy isnt my Daddy but my uhh my Nanny," confused na tanong ni Angelo. Matalinong bata. Nagmana sa akin.

"Just because."

"Because whaaaat?" curiosity kills Angelo.

"Because I said so."

Tumalon si Angelo sa kama.

Bounce. Bounce. Bounce. CUTE! Ginawa nyang trampolin ang kama.

"Angelo stop" utos ni Timothy

Sumunod naman ang kapatid ko. Pano nya yun nagawa?!

"Sleepy..." kinusot ni Angelo ang mata nya at lumapit kay TOP.

Humiga sya sa tabi ni Timothy at yumakap. Naka-upo lang si Timothy sa kama.

"Wuy Hubby anong Nanny ang pinagsasabi mo dyan? haha!"

"Tss. Bawal magtanong, Man Talk lang 'yon."

AHAHAHA!

"Ang cute nyong tignan, para kayong mag-ama."

". . ."

Ang tahimik niya.

"Ano'ng iniisip mo?" tumabi ako sa kanya.

"Kapatid mo ba talaga ang batang 'to?"

"Oo naman bakit? Anong akala mo?"

"Wala."

"Akala mo anak namin ni Red?"

"Oo."

"Ano'ng gagawin mo kung sakaling anak nga namin sya."

Kumunot ang noo nya.

"Hahayaan kitang mgadesisyon, kahit ano pa man tatanggapin parin kita."

"Hahayaan magdesisyon?"

"Kung mananatili ka kasama... sila."

Biglang sumikip ang dibdib ko at tila may humarang sa lalamunan ko. "Bakit masyado kang mapagparaya?"

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Ano'ng mangyayari..." bulong nya.

"Saan?"

"Ano'ng mangyayari kung mananatili akong bulag sa matagal na panahon?"

"Habangbuhay?"

Tumango sya. Napa-isip ako.

"Timothy bakit ayaw mong magpa-surgery?"

Kumunot ang noo nya.

"Pass."

"Ano'ng pass?"

"Iba nalang ang itanong mo."

"Hubby..."

Tinitigan ko sya.

"Dahil ba sa'kin?" tanong ko.

Hindi sya umimik.

"Dahil nga sa'kin Timothy?"

Huminga sya nang malalim at pumikit.

"Desisyon ko 'yon."

"Pero... bakit?"

Matagal syang tahimik.

"Ano'ng silbi ng mga mata ko..." Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "Kung hindi naman kita makikita?"

Oh.

"Hindi mo magugustuhan kung ano ang mga ginawa ko nang mawala ka kaya naman hwag mo nang ipa-kwento pa sa'kin. Basta naging masaya ako kahit papaano nang mabulag ako."

Huh? Mas naging masaya?

"Dahil sa kabila ng pagkabulag ko... nakikita ko parin ang mukha mo," ngumiti sya.

"Timothy..."

"Para sa'kin hindi ka nawala nang matagal dahil palagi kitang kasama kahit sa panaginip lang."