*JARED DELA CRUZ*
Potek! Umuulan. Kapag nga naman minamalas. Malas yata 'tong kasama eh.Tsk!
"Pano yan? May payong ka?" tanong ko.
"Wala."
Ampupu. Sabi na eh malas sya. Stranded tuloy kami. Pinag-iisipan ko ang sinabi sa'kin ni Samantha. Haay. Ang babaeng 'yon. Kung ako nalang kasi eh di walang problema. HA? HINDE! POTEK 'YAN! ERASE!
*MIRACLE SAMANTHA PEREZ*
"Hubby ang lakas ng ulan naku baka hindi na makauwi sina Red at Ami." SANA NGA! Sorry Red!
"Saan ba sila pumunta?"
"Sa bayan Hubby."
"Kapag ganyan ang panahon dito hindi na masyadong nakakabyahe ang mga sasakyan."
"Kung ganon stranded sila?" Bigla akong natuwa.
"Oo bukas pa siguro sila makaka-uwi."
"YES!! Walang Ami na epal ngayon!!! Mwahahaha!!"
"Ano 'yon Wifey?"
"Uhh ehh... Hahaha!! Tara Hubby sa kusina gusto mo ba ng kape?"
"Sige."
*JARED DELA CRUZ*
"Sir hindi na po makakabyahe pabalik sa may dagat ang mga sasakyan dito eh. Isinara na po nila ang tulay," sabi ng tricycle driver.
"Ano?!"
Bakit isinara ang tulay?
"Ganon po ba manong? Sige po sa pinakamalapit na hotel nalang po manong," sabi ni Ami.
Ampupu naman.
Ayoko matulog sa mumurahing hotel nila rito. Allergic ako sa mumurahin. Napahawak ako sa mukha ko. Paano kung mamula at mamantal ang balat ko? Balita ko pa naman hindi sila nagpapalit ng bedsheet. TSK!
"Babae bakit isinara ang tulay?" tanong ko.
"Para walang maaksidente, madulas don kapag umuulan." TSK!
Nasa tricycle kami, nagsisiksikan kaming dalawa. BAKIT BA ANG LIIT NG TRICYCLE?! Talaga namang sinusubukan ang pasensya ko! TOKWA!
*AMI ALDEA*
Ang sikip naman. Napatingin ako sa salamin sa itaas. Nakita ko na hindi maipinta ang mukha ng lalaking katabi ko sa tricycle. Anak mayaman kasi kaya ganyan. Hindi sanay sa masikip. Ang laki nya masyado para sumakay sa tricycle. Ang laking mama. Para syang poste sa tangkad at ang lapad pa ng katawan nya.
Ano kaya ang kinakain ng lalaking 'to para lumaki nang ganito? Malamang yung mga pagkain na pang mayaman. Ayoko talaga sa mga mayayaman na tao. Mapag-maliit sila at hindi nila alam ang importansya ng pera sa buhay ng isang tao. Puro sila gastos. Puro luho. Marami akong nakikitang pasyente na hindi makabayad sa hospital.
Marami sa kanila ang may malubhang sakit pero hindi makapagpagamot dahil walang pera. Kaya naman kapag nakakakita ako ng mayaman na puro gastos lang ang inaatupag imbes na tumulong sa mga nangangailangan, nagagalit ako sa kanila. Isa na roon ang girlfriend ni Sir Timothy. Halata naman kasi sa hitsura nya na mayaman sya at puro gastos lang din ang alam sa buhay.
Kung titignan sya, walang problema na dinadala. Mayaman kasi eh. Ganon naman talaga sila. Maliban nalang kay Sir Timothy. Matagal ko na syang kilala. Every summer vacation napunta sya sa beach house at nakikita ko na tumutulong sya sa mga mangingisda don. Mahal sya ng lahat. Pati mga bata mahal sya. At sa unang pagkakita ko sa kanya, nagustuhan ko na kaagad sya. Hindi sya katulad ng ibang mayaman. Yung mga walang pakialam sa paghihirap ng iba.