"Samantha"
"Mm?"
"Sigurado ka bang... " pinagmasdan nya ako. "gusto mo pa ng isang order?"
"Oo naman! Ang sarap eh!"
Ngumiwi si Red at tumingin sa tatlong bowl ng mami na naubos ko.
"Manang! Pa-order pa nga po ng beef mami!" tawag ni Red.
"O sige hijo!" sagot ni manang.
"WOOOOHH!! Ang saraaaap!!" masayang sabi ko.
"Grabe napaka-takaw mo pala," natatawang komento nya.
"Hahaha!! Sinabi ko naman sa'yo eh. Gutom na gutom talaga ako!"
"Oh heto na.." dumating si Manang na dala ang order ko.
Tinitigan ko muna ang pagkain. Grabe! Amoy palang naglalaway na ako. Ang sabaw na mainit, ang itlog, ang pansit mike at ang karne ng baka! ANG SARAP TALAGA!! The best beef mami ever! o(≧▽≦)o
"Mabuti naman at nagustuhan mo hija ang special mami namin dito."
"Syempre naman po! The BEST ang luto nyo!!" sagot ko.
"Tss. Parang kanina lang kailangan pa kitang kaladkarin papas—OW!!" sinipa ko ang paa ni Red sa ilalim ng lamesa. Tinignan ako nang masama ni Red.
"Hahaha! Salamat. Sige maiwan ko muna kayong dalawa.." umalis na si Manang.
"Grabe ang sarap talaga nito!"
"Sinabi ko naman sa'yo eh. Ayaw mo pang maniwala sa'kin."
"Hoy Red. Matagal ka na ba nakain dito?" tanong ko habang nakain.
"Oo matagal na, malapit lang 'to sa school eh. Tambay kami minsan dito kapag umuulan o kaya kapag trip lang ng tropa."
"Ahh. Ilang babae na ang nadala mo dito?"
"Tatlo. Si Audrey, Amarie at...si Aril."
"Ano?! Si Audrey pumunta dito?! Hahahaha!! Hindi ko maimagine. Si Amarie close kayo?"
"Oo naman, wala naman hindi ka-close 'yon."
"Kung sabagay tama ka. Napaka-friendly nya. Teka, sino naman si Aril?"
"Kapatid ni Seven at Six. Tapos ka na?"
"'To naman! Kalahati pa nga lang nakakain ko eh."
"Bilisan mo.." kinurot nya pisngi ko.
"Ow! Ow!" sinapak ko kamay nya. Kumain na ulit ako. "Ah! Ibig mong sabihin sa mga naging girlfriend mo wala ka pang dinadala rito?"
"Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Ch! Ako dinala mo rito tapos.."
Teka. Eh ano naman ngayon kung sa cheap na lugar nya ako pinakain? Ano naman kung tinitipid nya ako at yung mga ex nya hindi? Teka! Ano ba itong iniisip ko? Eeesh! Nagiging personal na yata ang mga tanong ko.
"Hindi kumakain sa mga ganito ang mga babaeng nakasama ko. Hindi sila lalapit sa mga ganitong lugar."
"Ahh. Okay."
"Mga special lang na tao ang dinadala ko rito."
"Special?"
"Mga piling babae na alam kong tatagal sa buhay ko."
Ngumiti sya habang nakatingin sa'kin. Ito na naman ang weird na feeling sa stomach ko.
"I want you to know me better Samantha. So that you can trust me."
"Trust you?"
"This is my favorite place. Komportable ako rito, mas gusto ko rito kaysa sa isang first class restaurant. Wala naman 'yon sa ganda ng lugar eh. Nasa atmosphere 'yon at syempre.." itinuro nya ang pagkain sa harap namin.
"Kung ganon kailangan ko palang mag-thank you sa'yo dahil dinala mo ako sa isang 'komportableng' lugar."
"You're welcome," ngiti nya.
Tumawa kami. Nakakagaan sa pakiramdam ang samahan namin ni Red. Komportable kami sa isa't-isa sa kabila ng sitwasyon namin. Natutuwa ako kahit papaano na sya ang napili para sa akin ng mga magulang ko. Natutuwa ako na hindi. Mali parin kasi. Ipinilig ko ang ulo ko, ayokong mag-isip ng ibang bagay na makakapagpalungkot sa akin. Hangga't kaya kong tumawa hindi ako dapat bumalik sa pagiging iyakin. Walang magandang maidudulot 'yon para sa akin.
"Red Dela Cruz sinasabi ko na nga ba dito ka namin makikita."
May dalawang lalaki ang lumapit. Yung isang lalaki may cast ang kanang braso. Yung isa naman may band-aid sa may kaliwang kilay.
"Alam mo naman pala bakit hindi ka pa umiwas?" tanong ni Red.
"Sinadya kita rito. Natatandaan mo pa ang ginawa mo sakin?" turo nya sa braso nya
"Oo naman. Nag-enjoy akong ilampaso ang mukha mo sa putikan eh. Akala ko magtatanda ka na pero.. Nagkamali pala ako." Ngumisi si Red.
"Abat taran*ado ka pala eh!"
Tumayo si Red. Biglang nanliit yung dalawang kausap nya.
"Hwag kang magmura rito. Hindi mo ba nakikita na may kasama akong babae?" Tumingin sa'kin ang dalawang lalaki. Hinarangan ako ni Red. "Hwag nyo syang tignan. Bawal."
"S-Sa labas! Maghihintay kami!" sabi ng isa sa mga lalaki. Lumabas na silang dalawa. HALAAAAAAA.
"Hoy! Ano 'yon? Sino mga 'yon?" tanong ko.
"Wala. Manang magkano po lahat 'to?"
"P350 lahat hijo."
"Ito po oh," abot ni Red ng bayad. "Pwede po bang makagamit ng restroom nyo dito?"
"Oo naman hijo."
"Sige po salamat. Samantha tara bilis." Hinila nya ang kamay ko. Pumasok kami sa restroom.
"Red! Ano'ng gagawin natin dito?!" gulat na tanong ko.
"Sshh!" Pumunta sya sa may bintana.
"Ano'ng ginagawa mo?!"
"Tatakas tayo." Nakangiting sabi nya.
"Ano? Tatakas?" di makapaniwalang tanong ko. Ano bang kalokohan nito?
"Oo." Binuksan nya ang bintana. "Dali dito."
"Gusto mo akong dumaan dyan?!"
"Oo bilis na!"
Naman oh! Tinignan ko ang bintana. Parang sa sinauna 'yon. Parang sa kubo? May nakasuportang mahabang kahoy para nakabukas ang bintana. Dumaan na ako don. Nasa eskinita kami. Naramdaman kong lumundag si Red sa tabi ko.
"Bakit tayo tumatakas?"
"Dahil..."
"Hindi mo sila kaya? Eh mukha naman silang lampa eh. Kayang kaya ko nga silang patumbahin!"
Hinawakan nya ang pisngi nya. "Ayoko lang magkaron ng gasgas ang mukha ko ngayon."
Nanlaki ang mga mata ko. "Anooo?"
"May concert pa kami bukas para sa mga bata sa ampunan. Hindi pwedeng magkapasa ang mukha kong ito," seryoso nyang paliwanag.
"Hindi ka nagbibiro?" Hinihintay ko syang mag-sabi ng 'joke lang!' pero nanatiling seryoso ang mukha nya. "Pero isa kang gangster!! Hindi ba dapat nakikipagsuntukan ka na 'ron?!"
"Babae. Tignan mo ang mukhang ito." Nilapit nya ang mukha nya sa'kin.
"A-Ano meron dyan?" Shiz! Ang lapit nya!
"Sa tingin mo worth it kung isusugal ko ang mukhang ito para sirain ang mukha ng mga gunggong na 'yon? Kahit suntukin ko sila, walang mawawala sa kanila dahil wala silang ganitong mukha. Pero kung masuntok nila ako? Lugi."
"Ang... Kapal." Wow. Talagang naisip nya 'yon?
"I'm God's gift to women. Iiyak ang maraming babae kapag nasira ang mukha ko at hindi ko 'yon kakayanin," madramang pahayag nya.
"Alin? Ang pag-iyak nila o pagkasira ng mukha mo?"
"Pareho."
"Ch. Playboy."
"Hindi ako playboy. Habulin lang."
"HOY! KAYO DYAN!!" may sumigaw. Nakita ko ang dalawang lalaki kanina. Nasa banyo sila.
"Pakshet! Takbo Samantha!" Tumakbo nang napakabilis si Red habang hawak ang kamay ko.
"Huh-WAAAAAAAAAHHH!!! T-Teka baka madapa ako!" sigaw ko sa kanya.
"Sumilip ka sa likod mo para makatakbo ka nang mabilis!" sabi nya nang hindi lumilingon.
Napasilip nga ako sa likod ko. ANG DAMI NILAAAAA!! Mga nasa sampu silang humahabol sa amin!
"Bakit ang dami nilang humahabol sa'tin?! Dalawa lang sila kanina ah!"
"Mga kasama 'yan ng dalawang kausap ko kanina!!" lumiko kami sa isang kanto.
"HUH?!"
"Hindi sila magkakamaling lumapit sa'kin kung dalawa lang sila! Kaya alam kong nagdala sila ng maraming back-up!"
"WAAAAAAAAAAAAAAHHH!!"
Lumiko ulit kami sa isang kanto. Ang dami namin nabubunggo sa daan habang natakbo kami. Matagal tagal din ang habulan na nangyari bago namin sila mailigaw. Tumigil kami sa pagtakbo. Nasa tapat kami ng isang nail salon.
"Grabe," hinihingal ako na napaupo sa hagdanan.
"HAHAHAHA!!" bigla syang tumawa.
"Bah-kit kah...natawa?" hinihingal parin ako.
"Yung sapatos mo." Turo nya sa paa ko. Iisa nalang ang natirang sapatos ko.
"Tumalsik...siguro kanina. Hindi ko napansin." Huminga ako nang malalim.
"Hindi mo napansin? Hahahaha!"
"Hindi 'yon nakakatawa no! Natakot ako kanina na baka abutan nila tayo. Akala ko katapusan ko na," reklamo ko
"Natakot ka?"
"Sino ba ang hindi?!"
"Tss. Kahit maabutan pa nila tayo hindi ko hahayaan na saktan ka nila."
"Pft! Mas inaalala mo nga 'yang mukha mo eh."
"Totoo 'yon. Nangako ako na hindi ka masasaktan habang kasama mo ako. Ako ang poprotekta sa'yo Samantha."
Ngumiti na naman sya. Biglang... Bigla kong naalala si Timothy. Yung puso ko ang bilis ng tibok at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Bakit parang... nararamdaman ko rin sa kanya ang naramdaman ko kay Timothy? EH? Imposible na mangyari 'yon. Syempre imposible. Nadadala lang siguro ako ng charms nya. Ganito siguro sya nakakakuha ng mga babaeng nauuwi nya.
May papel na biglang humarang sa mukha ko. Kinuha ko 'yon.
"Ano 'to?"
"VIP pass para sa Christmas Concert bukas, eight pm 'yan hwag kang mawawala."
"Huh? Christmas Concert? Akala ko nagbibiro ka lang kanina."
"Limot mo na? Nasabi na 'yan sa inyo ni Sir Anthony di'ba? Noong pumasok kayo sa school namin. Para 'yan sa mga bata sa orphanage, para magkaron sila ng mga bagong gamit at pagkain sa pasko."
"Ah! Oo! Naalala ko na!"
"Ang totoo hindi mo naman kailangan ng pass dahil invited ang school nyo."
"Eh bakit mo ibinibigay sakin to?" tumayo ako.
"Kasi." Humakbang sya papalapit sa'kin. "Gusto ko na sa'yo ko ibigay ang VIP pass ko. Gusto ko sa'yo mapunta 'yan."
"Uh. He-he! Uhm. Salamat."
Ngumiti sya. "Iuuwi na kita. Sumakay ka na ulit sa likod ko."
"Huh? Bakit?"
"Wala ka naman sigurong balak na maglakad ng iisa ang sapatos?"
Err. Tama sya. Ayokong maglakad nang iisa ang sapatos. Baka kung ano pa ang maapakan ko. Baka may bomba pa akong maapakan. Kadiri. Sumakay na ako sa likod nya.
"Paumanhin Apo." May sumulpot na Lola.
"Ano po iyon Lola?" tanong ni Red sa matanda.
"May gusto lang kasi akong itanong sa iyo hijo."
"Sige po Lola. Kahit ano'ng tanong pa po yan pipilitin kong sagutin para matulungan kayo. Kung nawawala po kayo wala pong problema, hahanapin po natin ang bahay nyo."
Tumingin nang matagal si Lola sa mukha ni Red. Namesmerize din kaya si Lola sa kagwapuhan nya?
"Ay hindi ako nawawala hijo."
"Ah ganon po ba? Ano po ang maitutulong ko sa inyo?"
"Gusto ko lang kasing malaman hijo kung.."
"Kung ano po Lola?"
Hinintay namin ni Red ang tanong ni Lola. Matagal na tinitigan ni Lola ang mukha ni Red.
"Ano'ng cream ang gamit mo sa mukha mo?"
Cream? Mali ba ako ng dinig? Napakurap kurap ako at tumingin kay Red.
"BB Cream po, Lola."
"