Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 120 - Chapter One Hundred-Twenty

Chapter 120 - Chapter One Hundred-Twenty

LUCKY THIRTEEN

Nag-lalakad sa mga stalls ang gang. Naghahanap ng kung anong mabibili.

"SALE! Bilhan ko kaya ng Hello Kitty si Aril?" tanong ni Seven sa mga kasama nya.

"Ano? Bibilhan mo si Aril ng Hello Kitty underwear? Ano sya? Six?" sagot ni Jack.

"Tawag mo ako?" tanong ni Six na abala sa pagre-reply sa text message nya.

"Hindi ikaw!" sabi ni Jack.

"Para kasing nagiging tomboy na 'yong kapatid kong 'yon eh! Tsk! Pano ko ba sya gagawing babae?" tanong ni Seven.

"Bakit mo naman nasabi na tomboy nga?" usisa ni Mond.

"Keroppi kasi ang gamit nya," madramang pahayag ni Seven.

"Mag-hinala ka kung si Barney ang gamit nya!" sabi ni Jun.

"Ano naman kinalaman ni Barney?" tanong ni Pip.

"Bading 'yon di'ba? Purple dinosaur? Pft!" sagot ni Jun.

"Bakla ba ang kapatid ko?!" tanong ni Seven.

"Ako?! Sino nagsabing bakla ako?! Gusto nyong bigwasan ko kayo?!" sigaw ni Six.

"Hindi ikaw! Si Aril!" sabi ni Seven sa kapatid.

"Itong isang ito tignan mo! Bagay to kay Aril!" suhestyon ni Vin.

"Pare! Masyadong malaki 'yan bra! Ano ba tingin mo sa kapatid ko boldstar?!" tanong ni Six.

"Shit! Ano'ng malaki? Average nga lang 'to! Ganito ang normal size ng mga kasing edad ng kapatid mo!" sabi ni Vin.

"Iniinsulto mo ba ang kapatid ko?! Hindi maliit ang kay Aril!" pagtatanggol ni Seven.

"Ang ingay nyo! Nagbabasa ako rito eh!" reklamo ni Kyo.

"Tukneneng! Ano 'yan Kyo?" usisa ni Pip.

"Script na ibinigay sa'kin ni Mi-Mhy!" sagot ni Kyo sa kaibigan habang nakatingin sa script.

"Puahahaha!! Extra ka lang naman 'don! Bakit may script ka pa?!" tanong ni Sun.

"Main character din ako 'ron! Importante ako sa story na 'yon," sagot ni Kyo.

"Importante eh di naman ikaw lead," pambabara ni Mond.

"Inggit lang kayo! Wala kayong project na katulad ng akin!" asar ni Kyo sa mga kaibigan.

"Asa ka tsong! Kahit may ganyan ka mas pogi naman ako!" ganti ni Dos.

"Mangarap ka pa! Ako kaya!" sabat ni Jack.

"Baliw! Ako kaya! Ako pinaka-gwapo!" singit ni Mond.

"Sa tingin ko mas maganda 'tong pink na dress. Ibigay mo kay Aril, Sev!" seryosong suhestyon ni Omi.

"Oo nga! Sana hindi na sya maging tomboy! Makabili na rin kaya ng pangkulot sa buhok nya?" excited na sabi ni Seven.

"Uy ano 'yon?!"

"Saan?"

"Sina Red at Samantha 'yon ah!"

"Bakit sila tumatakbo?"

"Lintek! May mga humahabol!"

"TARA TULUNGAN NA NATIN!!"

"SANDALI!! TIGNAN NYO 'YON!!"

"Si Pinuno!"

"Ano'ng ginagawa nya dyan?!"

"Shit! Hinarang nya ang mga humahabol kina Red! Ang dami nyan! Tulungan na natin!"

"SIGE!!" sigaw ng lahat.

"Ayos bakbakan!"

"Tagal ko nang walang practice!"

"May mapaglalabasan na rin ako ng galit!"

Tumakbo sila para tulungan ang pinuno nila sa pakikipaglaban. Mabilis na natapos ang laban sa pagitan ng Lucky 13 at ng di kilalang grupo. Nagsitakbuhan ang mga kalaban nila nang malaman na walang laban ang mga ito sa tanyag na gang ng distrito.

"TOP! Dude! Tagal mong nawala ah!" sabi ni Jack.

"Lakas ng loob ng mga 'yun ah! Hindi ba nila alam na teritoryo natin 'to?" tanong ni Jun.

May pinulot si TOP mula sa semento.

"Oo nga TOP! Saan ka ba tumatambay ngayon ha?" usisa ni Mond.

"Sumama ka nalang sa'min. Maglulunch kami, manlilibre ni Sev ngayon," alok ni Omi.

"Not today, I'll pass," tipid na sagot ni TOP bago lumakad palayo.

Pinanuod nila si TOP na umalis.

"Ano nangyari dun?"

"Malay ko."

"Ang laki ng ipinagbago nya ah? Napansin nyo?"

"Yung aura nya. Kinikilabutan ako!"

"Mga slow! Syempre broken hearted yung gago."

Natahimik sila.

"Teka. Bakit may dala syang sapatos na pambabae?"

MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Nakahiga ako sa kama ko at tinititigan ang singsing na ibibigay sana sa akin ni Timothy. Kinuha ko ang singsing mula sa kahon. Kumikinang ang dyamante nito sa tama ng ilaw. Isusuot ko na sana ang singsing nang biglang may kumatok sa pinto. Ibinalik ko ang singsing sa kahon, itinago ko ito sa ilalim ng unan ko. Umupo ako sa gilid ng kama.

"Come in."

"Miss Samantha, sapatos nyo po," sabi ng maid sa akin.

"Huh?" Lumapit ako sa kanya.

Inabot sa'kin ng maid ang kapares ng sapatos ko. Ang nawawala kong sapatos kanina. Ito ang sapatos na binili ko kasama si Gabby noon sa mall. Kumunot ang noo ko. Papaano ito nakarating dito? Naiwala ko na ito.

"Teka! Pano nabalik 'yan dito?"

"May dumating po na binata at dinala po 'yan dito."

"Si Red ba?"

"Hindi po."

"S-Sino daw sya?"

"Hindi po nagpakilala, sabi lang po nya na ibigay ko ito sa inyo."

"Nasan na sya?"

"Umalis na po pagkatapos nyang ibigay ito."

"Pano nya nalaman na sa akin ang sapatos?" bulong ko sa sarili ko.

"Uh Miss Samantha kasi.." nag-alangan sya bago sabihin sa akin. "Kahawig po nya ang lalaking kasama nyo sa picture—"

"P-Picture?"

"H-Hwag po kayong magagalit sa'kin. Nung minsan po kasing maglinis ako sa kwarto nyo di ko po sinasadya at nakita ko po ang picture nyo na may kasamang lalaki."

Natigilan ako. Mabilis kong kinuha ang picture namin ni Timothy. Nakalagay 'yon sa ilalim ng unan ko, inalis ko sa picture frame. Ipinakita ko iyon sa maid.

"Sya ba? Sya ba ang sinasabi mo?" tanong ko na nag-aalala.

"S-Sya nga po Miss."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto ko. Timothy. Tumakbo ako palabas ng bahay. Lumingon ako sa magkabilang direksyon. Wala. Wala sya.

"Timothy."

Ikaw ba 'yon? Sinundan mo ba ako? Bakit hindi ka nagpakita sa'kin? Na-mimiss na kita. Alam mo ba?

AUDREY DELA CRUZ

"Aalis ka?" tanong sa'kin ni Red habang pababa ako sa hagdanan ng bahay namin.

"Oo," tipid na sagot ko.

"Saan ang punta mo?" Napaka-nosy talaga.

"Hwag ka ngang matanong."

"Hanggang eight pm ka lang pwede sa labas."

"Alam ko!"

"Kanino ka makikipagkita?" Ay peste! Daming tanong ni Kuya.

"KUYA!! Hindi ko gagawin ang mga gawain mo, okay?" naglakad na ako palabas.

"Audrey! Hoy Audrey! Eight pm dapat nandito ka na ha!" pahabol nya sa akin.

Umalis na ako ng bahay. This is so UNFAIR!! Bakit ako may CURFEW?! Kasalanan 'to ng kapatid kong OVERPROTECTIVE! Eh kasi naman nag-aalala sya na baka ako ang tamaan ng karma sa dami ng kalokohan nya sa mga babae. Ganon naman daw kasi 'yon, kung sino ang babae sa pamilya sya ang tatamaan ng karma sa kalokohan ng lalaki sa pamilya. Kung maraming babaeng pinaluha ang kapatid ko, ako ang tatamaan ng karma. Ay bwiset bakit ganon? Kaya kung tatamaan man ako ng karma dapat sagarin ko na, magpapaka-maldita nalang ako.

Sumakay ako sa kotse namin at nagpahatid sa driver papunta sa isang bar. Six pm na. Bakit kaya nya ako tinawagan? Pinapunta pa nya ako rito. How very unusual. First time na tinawagan nya ako para makipagkita. After ten minutes nakarating na rin ako. Pumasok ako sa loob at hinanap ko sya.

"Enzo!" bati ko sa lalaking unang bumungad sa akin.

"Audrey!"

"Nakita mo ba si—"

"Oo. Kanina pa sya rito eh." Bwiset din 'tong lalaking 'to, di pa ako pinatapos sa tanong ko. "Andon sya sa VIP room. Mukhang ang laki ng problema. Tsk. Tsk. Tsk."

"Wait. Hindi mo naman siguro sya binigyan ng alcohol?" mataray kong tanong sa kanya.

"Err. WOAH! ANO 'YON?!" turo nya sa likod ko.

"Alin?" Napatingin ako. "Wala naman eh."

Paglingon ko ulit. Wala na si Enzo. Shit yun, inisahan ako. Bwiset talaga mga lalaki. Pumunta nalang ako sa VIP room. Doon ko sya nakita. Tinutungga ang mga bote ng alak. Leche ka Enzo, ang daming alcohol dito!

"SAMANTHA!! Tigilan mo nga 'yan!" inagaw ko ang bote ng alak.

"Hanu vah?! Hik!"

"Lasing ka na kaagad?! Kakarating ko lang ha!"

"Shino vah lashing? Hik!" Namumungay na ang mga mata nya. Inalis ko lahat ng bote ng alak sa lamesa. "Shino kah vah?! Hik! Hah?!" tanong nya sa akin.

"Nyeta! Umayos ka nga!" binatukan ko sya.

"Oww!"

Bigla syang umiyak.

"HIK! WAAAAAAHH!!! HUBBY!!! HUBBY!! WAAAAHH!!"

"Leche!! Umayos ka nga!!" Nakakapagmura ako dito ng di oras eh.

"BAKIIIIT?! WAAAAAHH!!! MISH NAH KITAH!!! HUBBY KO!!"

"Leche. Sige. Mag-deliryo ka pa dyan," Inabot ko ang isang bote ng beer at uminom.

Tumahimik sya. Bigla syang nakatulog. Baliw talaga 'tong babaeng 'to! Dapat dito pinapalo nang paulit-ulit eh. Bakit ba kasi ako pumunta? Sabi ko na nga ba ganito gagawin nito eh. Siguro si TOP talaga ang gusto nitong tawagan. Kaso dahil wala sa sarili kaya ako ang natawagan. Napakamot ako sa ulo ko. Malapit na sumakit ang ulo ko.

Ginising ko sya pagkatapos ng dalawang oras. Curfew ko na eh. Pahamak 'tong Samantha na ito. Nagpa-timpla na rin ako ng tea kay Enzo...matapos ko syang sapakin ng ilang beses dahil hinayaan nyang malasing si Samantha.

"Oh heto. Inumin mo."

"Audrey?" Ininom nya yung tsaa.

"Amoy alak ka. Baliw ka talaga no? Tss!"

"Hwag kang mag-Tss. Naiimagine ko sa'yo si Timothy," reklamo nya. Aba! Sya pa ang may gana na mag-reklamo? Ako itong inistorbo nya sa tawag nya. Binatukan ko ulit sya. "Ow! Ano ba? Nakakainis ka naman eh."

Ang pula parin nya. Mukhang tipsy parin sya.

"Ayaw ko sayo!" mariing sabi ko.

"Huh?!"

"Ayoko maging kapatid ka! Ang pangit mo masyado. Yuck!"

"Kahit lasing ako Audrey, alam ko na mas maganda parin ako sa'yo no." KAPAL.

"Lasing ka na nga, lakas mo parin mangarap nang gising. Ako na ang rank one kaya meaning ako na rin ang mas maganda sa ating dalawa!"

"Audrey. Ano'ng gagawin ko?" Leche biglang nag-seryoso. Ayoko nang ganitong usapan eh. Wala naman akong alam sa mga ganito. Ano ba 'yaaaan?

"Selfish ako Samantha, hindi mo gagawin ang sasabihin ko. Ikaw. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tumahimik sya. "Ano ba ang ginagawa mo? Diba dapat si TOP ang kasama mo? Ano'ng ginagawa mo kasama ang kapatid ko?"

Matagal syang tumahimik. Nakayuko lang sya. Hwag syang magkakamaling umiyak at artehan ako nakuu. Nangangati ako sa drama. Allergic ako roon.

"Ang... sakit kasi." Pinanood ko sya.

"Hwag kang iiyak. Babatukan talaga kita." Pinigilan nya umiyak. Good. Madaling kausap. Uminom ulit ako ng beer.

"Sa tuwing naiisip ko sya..sumasakit 'to," turo nya sa may puso nya. "Kaya... Kaya..."

"Eh di hwag mo syang isipin." I rolled my eyes.

"Di ko maiwasan eh. Na-mimiss ko na sya nang sobra."

"Eh di makipagkita ka." Duh!

"Di rin pwede."

"Samantha. Let me ask you one thing. Tinitignan mo ba ang kapatid ko bilang sya o bilang si TOP?"

"Huh? Hindi ko alam."

"Pilit mong kinakalimutan si TOP sa isip mo. At pilit mong isinisiksik ang kapatid ko sa butas na iniwan ni TOP sa puso mo." Umiwas sya ng tingin. "Isa kang broken hearted na babae. Normal lang na gamitin mo ang iba para panakip sa butas sa puso mo. Kapag mahina ang isang tao, kumakapit sila sa matibay. Kumakapit ka sa kapatid ko." Tumingin ulit sya sa'kin. "Dahil dyan sa ginagawa mo, nalilito ka at mas lalong lumalaki ang butas sa puso mo. Dahil kahit na ano'ng kapit mo, hindi ka parin magiging matibay. Hindi ka parin magiging buo. Hindi si Red si TOP. Hindi kayang punan ng kapatid ko ang pwesto na inookupa ni TOP. In the first place, nandyan parin naman sya sa puso mo eh pero pilit mo lang inaalis para makapasok ang kapatid ko. And why is that?"

"W-Why?"

"Dahil safe ka sa kapatid ko. Sya ang tamang sagot, sya ang dapat mong piliin dahil sinabi ng parents mo na sya dapat. Duwag ka. Pinili mo ang 'easy way out' Samantha. Hindi mo hinarap ang consequences ng pagmamahalan nyo."

"There is no easy way out Audrey. Kahit na sino pa ang piliin ko ganon parin naman."

"Hay nako. Yan ang mahirap sa mga matatalino. Mahirap kausap. One plus one lang naman equals two. Bakit ba kasi kailangan pang pahirapan ang sitwasyon? Bakit kailangan pang lagyan ng ABC? The heck?"

"Di kita ma-gets Audrey. Sinasabi mo ba na hindi ka matalino?"

"Idiot! That's not my point. Masyado ka kasing nag-iisip Samantha. Kailan ka ba talaga lalabas dyan sa pagiging Santa mo? Naiinis na ako sa'yo, gusto na kitang sabunutan."

"Hindi ako Santa," buntong hininga nya. "Di ko nga kayang mag-milagro eh."

"Kung hindi ka Santa, then do what you want. Hwag mong isipin ang ibang tao. Kung may masaktan eh di masaktan. Atleast masaya ka na."

"Audrey. Seryoso?" natatawang tanong nya. "Grabe ka mag-payo."

"Hindi ako magulang mo. Pakialam ko sa tama o mali? Basta kung saan happy eh di go! Simpleng logic lang naman Samantha. Geez."

Tumawa si Samantha. Pagtawanan daw ba ako? Bwiset.

"Kapag ginawa ko 'yan at kapag namatay ako, masusunog ako sa impyerno. Baka di ko makita si Timothy. Ang totoo? Front lang naman nya ang pagiging gangster nya eh, pero mas malaki pa puso nya kaysa sa'kin. Sigurado sa langit sya mapupunta."

Uminom ulit ako ng beer. Ngayon ko lang yata 'to mararamdaman ulit. Bumabalik na naman ang pakiramdam na 'to. Galit ako kay Samantha. Ang tagal ng galit ko na 'yon sa kanya. Pero ngayon, naaawa na ako sa kanya. Pero galit ba talaga naramdaman ko noon?

"Samantha sa tingin mo ba naibigay mo na ba ang best mo sa relasyon nyo ni TOP?"

Tinignan nya ako at nag-isip. Pero dumaan ang ilang minuto at hindi parin sya nakasagot.

"It's okay. Bata pa tayo, kahit ipaglaban mo sya ngayon walang maniniwala na magtatagal kayo. Maghintay ka ng ilang taon at kung mahal mo parin sya, ipaglaban mo sya."

"