A week later kumalat ang balita tungkol kay Anya Marie at sa biglaan nyang pagkawala. Two weeks later kumalat ang Have You Seen this Girl posters sa buong city. Three weeks later tumaas ng ten million ang reward para sa makakapagturo kung nasaan sya. A month passed.. I was slowly losing my sanity. Isang buwan na simula nang mawala sya.
Wala akong ibang sinisi kung hindi ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa mga kumidnap sa kaibigan ko. Galit ako sa mga taong walang pakialam. Mas galit ako sa mga taong nagkukunwaring may pakialam. A month and a week later. Nakatanggap ako ng balita. Nakita na sya. Nakita na ng mga pulis si Anya Marie.
Nahuli na din ang kidnapper nya. Pero akala ko makikita ko ulit sya.. Nalaman ko nalang na dumiretso na sila sa ibang bansa. Umalis na sila ng buong pamilya nya.
Iyon na ang huling balita ko sa kanya. At 'yon na rin ang huling beses na narinig ko ang pangalan nya. Until now.
A year later. Muling nagbalik ang alaala ko tungkol sa kanya. Si Anya Marie. At nalaman ko rin kung sino ang may gawa. Ang boyfriend ko. Ang Gang Leader. Si Timothy Odelle Pendleton. Ang kidnapper ng babaeng humingi ng tulong sa akin noon. Ang kaibigan ko. Should I believe this? I don't know.
Bakit gagawin ni TOP iyon? Nakasama ko sya nang matagal. Hindi nya ako kailanman pinagbuhatan ng kamay. Kahit kailan hindi nya ako sinaktan. Pero bakit sya? Bakit sya ang itinuturong may sala?
Alam kong nakulong sya noon, hindi ko lang alam ang dahilan. Totoo ba?
***
Lumipas ang isa't kalahating bwan. Nakulong ako sa mansion. Ikinuha ako ng tutor ni Mama. Naging mahigpit ang pagbabantay sa akin. Kahit isang bisita wala silang pinapapasok. Siguro pwera kay JG na close rin sa parents ko at itinuturing nilang parang anak na rin. Cellphone? Kinuha nila. Hindi rin ako nakakatanggap ng tawag mula sa labas.
Official na ang break-up namin ni Timothy. Nangyari 'yon isang araw nang bumisita si JG sa bahay. Itinakas nya ako. Ang hindi ko alam, tinutulungan nya ako para makita si Timothy. Sobrang saya ko non.
"This is about what happened last summer, isn't it?" tanong ni Timothy sa akin nang tanungin ko sya tungkol sa dahilan ng pagkakakulong nya.
"Y-Yes."
"They told you that story, huh?"
"Yes."
"Do you believe it?" his eyes started to shake.
"I'm asking you, should I believe it?"
He didnt answer.
"Timothy." tumayo ako sa bench at lumapit sa kanya.
Nakatingin lang sya sakin nang walang emosyon.
"Bakit hindi ka nasagot? Hindi naman totoo hindi ba?"
Tumingin sya sa ibang direksyon.
"Timothy. Sabihin mo. Maniniwala naman ako sa sasabihin mo eh. Natatakot ka ba na hindi ako maniniwala? Hindi totoo 'yon di'ba? Mali sina Mama at Papa pati si Kuya Lee. Mali sila."
Nanatili syang tahimik. Yumuko sya. Bakit ayaw nyang sumagot?
"BAKIT?! Bakit ayaw mong sumagot?! Sagutin mo ako Timothy!"
Hindi sya kumibo kahit na hinampas-hampas ko pa sya.
"Sabihin mo, hindi totoo 'yon di'ba?!"
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
"What do you want me to say?"
"The truth.."
He sighed. Nagdalawang isip sya. "Are you sure?" he asked.
Natigilan ako. Gusto ko naman talagang malaman hindi ba? Kailangan kong malaman.
"Oo."
Natahimik kami. Naging cold ang mga mata nya. Nagbago ang kulay ng mga mata nya at mas namatay ang kulay nito. Ano'ng ibig sabihin non?
"Oo totoo 'yon."
Hah. Napapikit ako nang mariin. Nag-unahan na pumatak ang mga luha ko.
"A-Ano?"
"It's true."
Nanlambot ang mga tuhod ko. Napa-upo ako sa harap nya.
"W-Why? Why did you do it? Why?"
"Because I had no choice. I had to do it or else.."
So its true. He did it. I swallowed back my tears. I didnt know I was crying.
'It hurts to know the truth.'
That was what Gabby said to me before I went to Timothy. It was true. It was very true. Hindi ko na kinaya at tumakbo ako palayo sa kanya.
Pumasok na ako sa school pagkatapos kong mag-ayos. This is my second week in school. Ang first week? Sabihin nalang natin na masyado syang eventful. Ang dami kasing balita tungkol sa pagkawala ko, or more like pagka-'kidnap' ko raw. Papaano naman kaya ako makaka-move on kung palagi nilang ipinapaalala 'yon?
"Miss Samantha, nandito na po tayo," sabi ng driver ko.
Tinignan ko ang school ko. Ang St Celestine High. Binuksan ng bodyguard ko ang pinto ng kotse sa side ko. Bumaba na ako at naglakad papunta sa building. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko maiwasan na mailang sa mga tingin ng mga estudyante sakin. Hindi pa ba sila nagsasawa? Minsan tuloy naisip ko mas mabuti pala na hindi nalang ako nagpanggap na Ms Perfect. Dahil kung average student lang ako. Hindi ganito karami ang atensyon na makukuha ko.
Inalala ko ang dating ako. Nag-enjoy ba talaga ako sa pagpapanggap? Paano ko ba naisip na masaya magpanggap?
"SAMMY!!"
Napatigil ako at napabuntong hininga. Mas lalo dumami ang tumingin sa'kin. Tumatakbong pumunta sa'kin si Michie. Nang malapit na sya bigla syang nadapa. Yung hitsura nya parang palaka na nag-flat. Nakadapa sya at parang nakahalik sa sahig. Tinignan ko sya nang matagal.
"PFFFT!! AHAHAHAHAHA!!" tawa ko nang malakas.
"WAAAHH!!" iyak nya.
"AHAHAHAHA!! A-ANG PA-PANGIT MO MICHIE!! MUKHA KANG PALAKA!! AHAHAHAHA!!" nakahawak sa tyan na tawa ko.
"Ang mean mo Sammy!" nakapout nyang sabi.
Tumayo sya mula sa pagkaka-dapa at pinagpagan ang sarili nya.
"AHAHAHAHA!! Totoo naman eh. Ang clumsy mo kasi. Hahaha!"
"Sammy naman eh!" nagtatampong sabi nya.
"Haha! Titigil na, titigil na," tumigil na ako sa pagtawa at kumapit sa braso nya.
Ito ang unang beses na tumawa ulit ako. At ngayon sa school..nagpapakatotoo na ako. Hindi na ako nagpapanggap bilang Goody-Goody-Two-Shoes. Sa tingin ko kasi hindi na mahalaga ang image ko rito. Na-realize ko na may mas importanteng bagay kaysa imahe. And I'm happy that I did it. Para kasing lumaya ang pakiramdam ko.
"My God si Samantha ba talaga ang tumawa kanina?"
"I know right? She's so fake."
"Akala ko pa naman totoo sya."
"Hmph! Hindi ako makapaniwala na niloko nya lang tayo!"
"Tama nga si Audrey nagpapanggap lang si Samantha."
"Manloloko sya. Ang sama ng ugali nya. Hindi sya dapat nandito!"
"She's the desperate one and not Audrey."
"Pinagmukha nyang masama si Audrey."
"Ang kapal nya!"
"Kawawa naman si Audrey. Walang naniwala sa kanya noon."
"Well ngayon naman alam na nating lahat ang totoo hindi ba?"
"Sa tingin nyo kaya yung mga grades nya totoo rin? Baka nagbabayad lang sila para maging top student si Samantha."
"That's possible."
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Pinakinggan ko nalang magkwento si Michie. Alam ko na naririnig nya ang usapan tungkol sa akin at pilit nyang inilalayo ang atensyon ko sa mga chismis sa paligid.
Hindi kayang makipag-away ni Michie sa ibang tao. Masyadong puro ang puso nya. Kung sina Maggie at China lang ang nandito nagka-ramble na. Pero mabuti nalang at wala sila. Ayoko rin naman na mapaaway sila dahil sa'kin. At ang isa pa, totoo naman ang sinasabi nila. Naging fake ako.
Sabay kaming naglakad patungo sa Locker Area ni Michie. Unang subject? P.E. Pagkabukas ko ng locker ko.. Nakita ko ang napakaganda kong PE uniform na ginutay-gutay. Parang pinunit, ginupit at tinapakan. Mukha na itong sira-sirang basahan ngayon. Sino namang gumawa nito? Napabuntong hininga ako. Isinara ko ang locker ko.
"Hey Michie, nakalimutan ko yung P.E uniform ko. Pwede pahiram ng extra mo?" tanong ko.
"Okay!"
"At kailan ka pa naging forgetful Sam?" dumating si China kasama si Maggie.
"Kanina lang, bakit?" tanong ko.
"Hihihi!" sabay silang nag-giggle ni Maggie.
"Bakit?"
"Wala. Yung mga fans mo kasi parang ewan ang mga hitsura. HAHAHA!!" sabi ni China.
"Hindi yata sila maka-get over sa transformation mo," dugtong ni Maggie.
"Hayaan nyo sila.." sabi ko.
Baka isa sa kanila ang gumawa nito sa gamit ko? Nagbihis na kami at pumunta sa PE Hall.
"Okay class, today we'll be playing Dodge Ball. I will divide you into two groups and you get to choose your own captain."
"Dodge Ball? Kailan pa tayo nagkaron non sa PE?" tanong ni Maggie.
"Uhh... Since NEVER? Alam mo naman, ang medieval ng lugar na 'to. Puro fencing, archery, swimming at horseback riding lang tayo. PE ba na matatawag 'yon?" tanong ni China.
"Wow Dodge Ball! Nakapag-laro na ako dati non sa school ko nung Grade School!" kumikinang ang mata na sabi ni Michie.
"Eh? Good for you.." bulong ko.
"Alam mo ba kung paano laruin 'yon?" tanong nya sa'kin.
"Yeah, nabasa ko sa mga books," sagot ko.
"Mas masaya kung lalaruin talaga!"
Nahati sa dalawang grupo ang klase. Magkakasama kami sa iisang grupo ng Crazy Trios at ng iba ko pang kaklase na gusto akong makalaro. Nasa kabilang side naman sina Audrey. Hmm? Si Audrey. Ang laki yata ng ipinagbago nya. Mas lalo syang lumala. Mas lalo syang naging bitchy. Kung dati patago sya kung tumira sa'kin at puro words lang, ngayon harap-harapan na. At namimisikal na sya. Katulad nalang ng pagbangga nya sa'kin everytime na magkakasalubong kami.
Yung mga tingin nya na sobrang full of hate. Ano ba ang ginawa ko sa kanya? Nasa kanya na nga ang position ko dati di'ba? Sya na ngayon ang rank number one. At ako na ngayon ang two. So ano pa ba ang kailangan nya? Alam na rin ng lahat na fake ako.