Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 94 - Chapter Ninety-Four

Chapter 94 - Chapter Ninety-Four

"Captain ka namin ah! Sam!" sabi ng isa kong kaklase.

Ano nga palang pangalan nito? Si Jel? Oo tama, parang Jelly-bean. Jellies. Naalala ko si Timothy. May tumusok na naman sa puso ko. Ayoko na! Ipinilig ko ang ulo ko. Nag-concentrate nalang ako sa nangyayari ngayon. Ayokong umiyak dito ngayon. Gagawin ko lang 'yon kapag walang tao sa paligid.

"Huh? Ayoko nga.." tanggi ko.

"A-Ayaw mo?" gulat na tanong nya.

"Si Michie ang gawin nyong captain, sya ang may alam ng laro eh." Tinuro ko si Michie.

"Talaga? Alam ni Michie?" excited na tanong ni Jel.

"Yup! Yup! Alam ko nga! Nakapaglaro na ako nito dati!" Michie

"Wow! Ang galing naman!" sabi pa nung isa.

Uhh. Mhia yata ang pangalan, palagi syang nanghihiram ng mga notes ko. Sino pa ba mga kagrupo ko?

"Okay! May sarili na ba kayong captain? Let's start! Kung sino ang may matirang member ang panalo," sabi ng instructor.

Nagsimula na ang game. May bola na ibabato, kung sino matamaan, OUT. Kaya naman dapat itong iwasan. Nagsimula na ang laro. Equal lang ang lagasan ng members sa team. Bakit kaya parang walang bumabato sa'kin? Si Audrey, ang palagi nyang binabato ay si Michie. Buti magaling umilag si Michie. Akala ko ako ang pupuntiryahin nya. After twenty minutes.. equal na tatlo ang members ng dalawang group. Ako, si Michie, at si Maggie. Binato ni Michie ng bola kay Audrey. Umilag si Audrey. Binato ni Audrey ang bola. At natamaan si Maggie. Binato ko yung bola sa katabi ni Audrey Natamaan sya.

Napansin ko na medyo umiba yung atmosphere. Bumigat. Nag-usap si Audrey at ang kasama nya. Laro lang naman 'to pero bakit sobrang seryoso ng atmosphere? Ibinato ni Audrey ang bola sa direksyon ko. Palagay ko sobrang lakas ng pagkakabato nya ng bola.

"SAMMY!!"

Itinulak ako ni Michie, sya ang tinamaan.

"Michie!"

"Hay. Out na ako!" nakangiti pa nyang sabi.

"Bakit ka humarang?!"

"Hindi ko alam Sammy," sagot nya na may inosenteng mukha. "Kaya mo 'yan!"

Umalis na sya at umupo kasama ang iba pa sa bench. Kinuha ko yung bola at ibinato kay Audrey. Humarang naman kasama nya kaya sya ang tinamaan. Ngayon one on one na kami ni Audrey. Nag-smirk sya. Kinuha nya ang bola at ibinato sakin. For the next ten minutes nagbatuhan lang kami. Lahat nag-chi-cheer samin. Mas marami ang supporters ni Audrey pero di papatalo ang Crazy Trios pagdating sa cheering. Biglang tumawag ang teacher namin.

"Okay Ms dela Cruz, Ms Perez very good. Tapos na ang time, that's all for now. You may go to your next class," sabi ng instructor namin at lumabas na ng PE hall.

Umalis na ako at naglakad papunta kina Michie. May biglang tumulak sa'kin at na-paupo ako sa sahig. Tumingin ako sa galit na babae sa harap ko.

"Ow! Audrey! Ano ba?!" sigaw ko.

"Kulang pa yan!" Bigla nya akong sinabunutan.

"Ow!" hinigit ko din ang buhok nya.

May mga umawat sa'min kaya naghiwalay kami.

"Kulang pa yan! Sobrang kulang pa yan sa laki ng kasalanan mo!"

"Ano bang problema mo Audrey?!"

"IKAW!! ANG TANGA MO SAMANTHA!! ANG TANGA TANGA MO!!"

Bigla nya akong sinuntok sa mukha.

"AHH!!"

"SAMMY!!" tinulungan ako ni Michie na tumayo.

"Oh God dumudugo ang lips mo Sam!" takot na sabi ni Maggie.

"Tawagin nyo si Coach!" utos ni China sa iba naming kaklase.

Tumingin ako kay Audrey. Nagulat ako sa pagsabog ng emosyon nya.

"KASALANAN MO 'TO!!" sabi ni Audrey, umiiyak sya.

"ANG SAKIT NUN AH!" gumanti ako. Sinuntok ko rin sya.

"AWATIN NYO SILA!!" sigaw ng ilang estudyante.

Pero hindi kami nag-paawat. Walang kayang umawat sa aming dalawa ni Audrey. Long overdue na ang away na ito. Dapat dati pa itong nangyari. Pareho kaming may itinatagong galit sa isa't-isa. Hindi namin ito nailabas noon.

Nagpatuloy lang kami sa away naming dalawa. Alam ko simula palang na mangyayari ito sa'min ni Audrey.

"ANG STUPID MO TALAGA!!" Audrey

*PUK!*

"ANG WARFREAK MO TALAGA!!" ganti ko.

*PUK*

"DAHIL SA'YO!! DAHIL SA'YO!! LAGI NALANG IKAW!!"

*PUK!*

"IKAW NA NGA ANG RANK ONE DI'BA?!! ANO PA BA ANG GUSTO MO?!!"

*PUK!*

"SA TINGIN MO 'YON ANG DAHILAN KO?!! DI AKO GANON KABABAW!! HINDI AKO KATULAD MO!!"

*PUK!*

"ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA MO?!!"

*PUK!*

"PARA 'TO SA LALAKING INIWAN MO!!"

*PUK!*

"AAAAHH!!" napa-higa ako sa sahig.

"Ang sama mo! Ang daya mo! Nagparaya ako dahil alam kong ikaw ang mahal nya at hindi ako. Tinanggap ko 'yon dahil alam ko na sasaya sya sa'yo! Na sa wakas magiging masaya na rin sya sa kabila ng hirap na pinagdaanan nya!!" umiiyak na sabi nya. "Pero ano'ng ginawa mo sa kanya?!! Ha?!! Iniwan mo sya!! Napaka-sama mo talaga kahit kailan!! Galit na galit ako sa'yo!!"

Tinitigan ko lang sya. Hindi ako makapag-salita. May humarang sa lalamunan ko. Hindi ko alam na 'yon pala ang dahilan nya.

"Sana bumaba nalang ako sa level ng mga desperadang babae na naghahabol sa mga lalaki!! Sana ginawa ko ang lahat para maagaw sya!! Pero hindi ko ginawa!! Alam mo ba kung bakit?! Dahil ikaw ang kailangan nya!! Hindi ka nya kayang mawala!! Ikaw ang babaeng matagal na nyang hinahanap!! Alam ko na magiging masaya na sya dahil nandito ka na!! Nahanap ka na nya!!" Pinahid ni Audrey ang luha nya. "Ikaw ang—"

Hindi ko na kayang makinig pa kaya pinutol ko ang sasabihin nya. Kung alam lang nya kung gaano kalalim ang mga sugat na iniiwan ng mga salita nya. Sa bawat salita nya, nadudurog ang puso ko.

"Tama na Audrey, kung gusto mo sya, sa'yo na," walang emosyon na sabi ko. Tumayo ako.

Sinampal nya ako nang malakas sa pisngi.

"ANG SAMA TALAGA NG UGALI MO!! ISA KA NA NGANG FAKE!! WALA KA PANG PUSO!! YOU DON'T DESERVE HIM AT ALL!!"

Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko.

"HINDI MO ALAM!! WALA KANG ALAM!!"

Hindi ako gumanti. Tumingin lang ako sa sahig.

"ANG SWERTE MO DAHIL IKAW ANG PINILI NYA!!"

Dahil alam ko na..

"KUNG ALAM KO LANG NA ITATAPON MO SYA NA PARANG BASURA SANA INAGAW KO NALANG SYA SA'YO!!"

Nasasaktan din sya..

"KAHIT NA ALAM KONG HINDI KO KAYA! SANA PINILIT KO!!"

At nasasaktan din ang taong mahal naming dalawa..

"PARA SANA HINDI SYA MISERABLE NGAYON DAHIL SA'YO!"

At kasalanan ko ito.

"TAMA NA!!" tinakpan ko ang mukha ko.

Hindi ko na kinaya pang pigilan ang sariili ko na mapahagulgol ng iyak. Nanginginig ang buong katawan ko. Sa harap ng mga kaklase namin, umiyak ako. Sa unang pagkakataon ipinakita ko sa lahat ang pagbagsak ko.

Tama nga si Audrey sa sinabi nya noon. Balang araw mapupunta ako sa pinaka-ilalim. Balang araw mararamdaman ko ang pagiging talunan. Except sa isang bagay, hindi nya ako pinagtatawanan katulad ng ipinangako nya, dahil umiiyak din sya ngayon katulad ko.