Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 92 - Chapter Ninety-Two

Chapter 92 - Chapter Ninety-Two

Malawak ang sakop na lupa na kinatitirikan ng puting mansion. Lumapag ang sinasakyan namin sa tapat mismo nito. Nakalinya sa harap namin ang mga katiwala na pinangungunahan ng Butler na si John. Yumuko sila at nagbigay galang nang makababa kaming dalawa ni Kuya.

"Maligayang pagbabalik Miss Samantha, Sir Lee," sabay-sabay na bati nila habang naka-bow.

"Naghihintay po sina Madam sa Office. Hinihiling nya na pumunta kaagad kayo doon sa oras na makabalik kayo."

"Alright John," sagot ni Kuya Lee.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Katulad parin ng dati sumalubong ang magarbo at eleganteng displays. Ang mga mamahaling crystal chandeliers, mga antique vases at original paintings na nagkakahalaga ng ilang milyon. Walang kasing ganda ang mansion na ito. Itinayo ito gamit ang pinakamahal at pinakamatibay na materyales. Unang pasok palang, mararamdaman na kaagad ang karangyaan na tinatamasa ng mga nakatira rito. Isang walang hanggan na kayamanan. Isang paraiso. Pero para sa akin isa itong kulungan.

Mas pipiliin ko ang isang simpleng bahay. Kahit maliit lang. Kahit walang mga mamahaling gamit. Kahit hindi malawak ang lawn. Basta kasama ko lang ang taong mahal ko. Si TOP. Gusto kong bumalik sa beach house, kung nasaan sya. Umakyat kami ni Kuya sa hagdan patungo sa office ni Papa. Ganon sila ka-workaholic. Pati sa sariling bahay ay may opisina pa. Kumatok si Kuya sa malaking pintuan at binuksan. Nauna syang pumasok sa loob. Sumunod ako.

Isang malutong na sampal ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko sa office.

"Wow Ma. I missed you too," walang emosyon na sabi ko.

"Do not use sarcasm on me young lady!" sigaw ni Mama. "Your actions are very irresponsible! At kailan ka pa natuto na maging bastos at walang galang sa mga magulang mo?! Hindi ka na nahiya! Isa kang Perez for God's sake! Paano kung kumalat ito? My God Samantha! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng mga—"

"Yan! Wala naman ibang mahalaga sa inyo kung hindi 'yan! Yang image nyo! Ang kapakanan ng kompanya! Ang mga sasabihin ng ibang tao! Wala kayong pakialam sa'kin!"

"Samantha!!" saway ni Papa. "That's enough. Igalang mo ang Mama mo."

Hindi ako umimik. Patigasan lang 'to.

"Samantha.. Kahit kailan hindi ko naisip na magiging ganyan ka. Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Mama na maiiyak na. "Anak.. Yan ba ang nakuha mo sa pagsama sa patapon na batang 'yon?"

Uminit ang ulo ko sa narinig kong 'yon. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Hwag nyo syang tatawagin na patapon Ma! Hindi nyo sya kilala!" mariing sabi ko. Hindi nila kilala si Timothy.

Nagulat sila pareho. Pero agad din silang nakabawi sa pagkagulat. May kung ano'ng emosyon na dumaan sa mga mukha nila.

"Hindi kilala? Alam mo ba na kumuha pa ako ng private investigator para lang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa batang 'yon?!" sagot ni Mama. Galit na galit na sya ngayon.

Mga records ni TOP. Mga Gang Fights ba nya?

"Hindi nyo sya dapat na husgahan sa mga records na yon! Normal lang naman na—"

"Na makulong sya sa salang kidnapping? Kung normal 'yon para sa'yo Samantha, mukhang nabulag ka na talaga nya.." umiling si Papa sa'kin. "I am so disappointed."

Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. Ang mga salitang 'yon ang dahilan kung bakit pinagbubutihan ko sa school. At ngayon narinig ko na sila. Sobrang disappointed sila sa'kin.

Nagmahal lang naman ako ah. Pero higit na mas masakit ang ginawa nila sa amin ni Timothy. Mas masakit ang paghihiwalay namin kaysa ang marinig sa sariling bibig ni Papa na disappointed sya sa'kin.

"K-Kidnapping?" mahinang tanong ko. Ano na naman ba ito?

"See it yourself Samantha. Heto ang mga records na nakuha namin. Basahin mo."

Tinitigan ko lang ang folder na nakapatong sa desk ni Papa. Wala akong balak maniwala sa mga sinasabi nila. Hindi 'yon totoo. Syempre gumagawa sila ng kwento.

"Nangyari 'yon last summer," umpisa ni Kuya Lee. "May nawalang batang babae dati. Isang buwan nang paghahanap pero walang makakita sa kanya. Hanggang sa isang araw natagpuan sya sa beach house kasama si TOP. Sa mismong lugar kung saan ka nya dinala. Kaya naman alam namin kung saan ka matatagpuan."

Nakalimutan ko na nandito nga pala sya sa loob. Ano ba ang mga sinasabi nya? Sa tingin nya ba maniniwala ako sa kanya? Ang galing nyang gumawa ng kwento.

"Ang pangalan ng babae.. ay Anya Marie du Courdrey," dugtong nya sa seryosong tinig.

Nanigas ang buong katawan ko. Anya Marie. Si Anya. Hindi pwede! Ayokong maniwala. Hindi ito totoo! Bakit nya gagawin 'yon?!

"Totoo ito Samantha. Kaya naman nag-alala kaming lahat nang bigla kang mawala," narining ko na sabi ni Papa.

"Oh my poor baby!" niyakap ako ni Mama.

Hindi ko alam kung bakit nya ako niyakap. Para saan 'yon?

"Sshh.. It's going to be okay now Samantha. You're back with us now, sshh.." hinagod ni Mama ang likod ko.

Hindi ko alam.. Hindi ko napansin.. Sa sobrang sakit.. Hindi ko naramdaman.. Umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ako.. Humihikbi.. Bakit ganito? Hindi sabi ako naniniwala! Pero bakit ako nasasaktan? Kahit hindi ko isipin.. Kusang pumapatak ang mga luha ko..

Kilala ko si Anya. Kilala ko sya. Alam ko na totoo ang sinasabi nila Papa at Mama pero ang maniwala na si Timothy ang may kagagawan non ay hindi ko kayang paniwalaan. Bakit nya 'yon gagawin?

Naalala ko ang mga damit sa beach house. Mga damit ng babae. Hindi 'yon totoo. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi nababawasan ang sakit. Ayoko nito! Sana bangungot lang ito! At pagkagising ko.. sana makita ko na ulit si TOP.

A year ago..

"Hello everyone!" masayang bati ng babaeng bagong myembro ng Art Club.

"Sino naman 'yan?" tanong ni Maggie.

"Bagong salta rito. Last week lang dumating, sophomore," sagot ni China.

"Ang cute nya.." sabi ni Michie.

"My name is Anya Marie du Courdrey! I'm a sophomore! And I really really love ARTS! I like kpop and my future boyfriend is Sol from BIGBANG! I hope we can all be friends!"

"Michie sa palagay ko magkakasundo kayo," bulong ko sa kanya.

"Sa tingin mo?!"

"Oo panigurado! Parang ikaw lang yun oh insan!" sabi ni Maggie.

"Para kayong kambal, di nga lang identical. Haha!" sabi ni China.

"Parang nakainom ng asukal. Nasobrahan sa pagiging hyper," sabi ko.

"Waaahh! Ang sama mo Sammy!"

"Tagal na.." bulong ko.

"Ahahaha! Nagseselos ka lang Sam eh! May bago nang makakalaro si Michie!" komento ni China.

"Crazy.." sagot ko.

"Waaahh!" bigla akong dinamba ng yakap ni Michie.

"AAAAHCCKK!! MICHIE!!" pinuputol nya ang oxygen ko.

"Ikaw parin ang bestfriend ko Sammy kaya don't worry and be happy!!"

"Psst! Palapit si new girl!" bulong ni China.

Napatingin kami ni Michie kay Anya Marie. Cute nga sya.

"Hello! Ako nga pala si Anya Marie!" sabay lahad ng kamay sa harap ko. "Ikaw ang rank number one ng St Celestine High, Miracle Samantha Perez."

"Yes, that's me," inabot ko yung kamay ko sa kanya.

"Wow! Atlast! Nakita na rin kita sa wakas!" malapad ang ngiti na sabi nya. "I'm your number one fan, unnie!"

"Unnie?" tanong ko.

"Neh unnie! Can I just call you unnie? Please?"

"Err. It's okay, I guess.." sabi ko nalang.

"Yay! Thank you so much! Call me Amarie nalang Unnie! It's my nickname."

"Amarie?"

"A-MA-RIE, short for Anya Marie," sobrang sayang sabi nya.

***

*knock.knock*

"Bukas yan," sagot ko.

"Sammy.." sumilip sa kwarto ko ang ulo ni Michie.

"Bakit?" napatingin ako sa kanya mula sa pagsusulat ng essay na due on monday na.

"May bisita ka sa baba."

"Sino?" inayos ko yung gamit ko sa table.

"Si Amarie," bulong nya.

Si Anya Marie. Ang bagong dagdag sa kakaunting circle of friends ko. It's been a month since magpakilala sya sa'min. She's really nice. Parang si Michie lang sya. Pero kung minsan di ko sya maintindihan, nagsasalita kasi sya ng korean minsan eh ang alam ko french sya.

" Bakit daw sya nandito?"

"H-Hindi ko alam pero.." pumasok sya sa loob ng kwarto.

"Pero?"

"Ang dami nyang sugat.."

"Huh?!"

"Para syang nakipag-away.." bulong pa nya.

"Si Amarie?! Makikipag-away?! Kanino naman?!" napatayo ako bigla.

"Ewan ko Sammy, hwag mo akong sigawan. WAAAAHH!! Hindi ko sya inaway!"

"Err.. Tahan na Michie.." pinat ko sya sa ulo.

"Sammy is so mean to me! WAAAHH!!"

Ang ingay!

"SORRY NA NGA EH!!"

"Galit ka na naman! WAAAHH!"

"Bibili kita ng ice cream bukas, kaya hwag ka nang umiyak," sumasakit ang ulo ko.

"T-Talaga?"

"Oo na.."

"YAY!! Lilibre ako ni Sammy!!"

Binuksan ko na yung pinto para makatakas sa super hug nya ang kaso...

"A-Ano?" si Maggie, with teary eyes.

"Si Michie lang ang may libreng ice cream?" si China, with teary eyes din.

"How could you!"

"Sya lang ba ang friend mo?! WAAAHH!!"

"Paano naman kami?! WAAAAAAHH!!"

Oh boy..

Naging seryoso kaming apat nang bumaba kami ng hagdan at makita ang kalagayan ni Amarie. I gasped at the very sight of her. She was covered by cuts and bruises.

"Oh God! Ano'ng nangyari?!" tanong ko at agad na lumapit sa kanya.

"Unnie.. Pwede bang dito muna ako makitulog?"

"Huh?"

"K-Kasi.. Ayoko pang umuwi sa amin.." halata ang takot sa boses nya.

"Bakit? Sinasaktan ka ba nila don?!" napa-sigaw ako sa galit.

Pano nila nagawang saktan ang isang katulad ni Amarie?! Isang napaka-sweet na bata.

"U-Unnie hindi! Hindi nila ako sinasaktan! Nagkakamali ka!" sagot nya.

"Kung ganon sino ang may gawa sa iyo nyan?! Sabihin mo!" nagagalit na talaga ako.

"A-Ano.." bulong nya habang nakayuko "B-Boyfriend. Boyfriend ko Unnie."

"SINO?!"

"Sammy! Hwag kang sumigaw, tinatakot mo sya," niyakap ni Michie si Amarie.

Umiyak siya sa balikat ni Michie.

Huminga ako nang malalim. "I'm sorry.." sabi ko.

"Tatawag na ba tayo ng pulis?" tanong ni China.

"Kailangan natin i-report ito.." sabi ni Maggie.

"NO!! PLEASE DON'T DO THAT!! PLEASE!!" nagmamakaawang sabi ni Amarie sa'min.

"Why?! That guy should pay for what he did to you!" sigaw ko ulit.

"NO UNNIE, PLEASE DON'T!!" pagmamakaawa nya sa'kin habang umiiyak.

"Amarie! Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin ha?!"

"Y-You don't know him Unnie, h-he's different. Please Unnie—"

"China!" putol ko sa sinasabi ni Amarie. "Tumawag ka sa Police station."

"Ah-OO!"

"NO!!" hinablot ni Amarie ang phone na hawak ni China.

*CRASH!!*

Tumama ang phone sa vase at nabasag ito. Natahimik kaming lahat at napatingin kay Amarie. Parang nagulat din sya sa ginawa nya.

"U-Unnie.. I-I'm sorry.." at tumakbo sya palabas ng bahay.

Sinundan namin sya sa labas.

"UNNIE!!" sigaw nya

.

"AMARIE!!"

Nakita mismo naming apat kung paano sya biglang isakay sa isang itim na kotse at tangayin ng kidnapper.

"AMARIE!!" pilit namin itong hinabol pero hindi namin ito naabutan.

Oh my God. Napatakip ako sa bibig ko. Sobra akong natakot. Nakidnap sya! Narinig kong tumawag si Maggie gamit ang cellphone nya. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang mga pulis. Sinabi nila China at Maggie ang nangyari. Hindi ko magawang magsalita sa harap ng mga pulis. Masyado akong na-shock sa mga nangyari.

"Sammy, tahan na.." Michie

"Kasalanan ko.." sisi ko sa sarili ko habang umiiyak.

"Hindi Sammy.."

"Tumakbo sya kasi hindi ko sya pinakinggan.. Kasalanan ko kaya sya nakidnap. Sana naging mahinahon ako!"

"Ssshh.. Hindi Sammy, hindi.." sabi sa akin ni Michie.

Lumapit si Maggie sa amin. "Natawagan na ang mga magulang nya. Alam na nila ang nangyari."

"Si China?" tanong ni Michie.

"Kasama ni Manang na naghatid sa mga pulis palabas.."

Ilang minuto ang lumipas at bumalik na si China..

"May nalaman ako.." sabi nya sa amin.

"Ano'ng nalaman mo?"

"Tungkol sa boyfriend ni Amarie.."

"Wala akong pakialam dyan, ang importante, malaman kung sino ang kumidnap sa kanya," sagot ko

"Sya ang primary suspect Sammy. Based sa mga sinabi ni Amarie kanina na sinabi naman namin sa mga pulis. Sa tingin nila, nakidnap si Amarie dahil natakot yung lalaki na baka magsumbong si Amarie sa mga pulis tungkol sa nangyari sa kanya."

"Kung ganon kinidnap sya ng boyfriend nya?!" tanong ko.

"Oo ganon na nga.."

"Alam mo na ba ang pangalan?!"

"Hindi pa. Pero sa tingin ng mga pulis, galing sa maimpluwensyang pamilya ang lalaki kung kaya nitong magbayad ng taong kikidnap kay Amarie. Kung hindi man, siguro parte ng isang gang ang boyfriend nya," sagot ni China.

"Isang gang?" Nawala ang kulay sa mukha ko. Kalat ang mga gangs dito sa aming distrito. 'Ano na ang mangyayari kay Amarie ngayon?'