Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 77 - Chapter Seventy-Seven

Chapter 77 - Chapter Seventy-Seven

"Mommy subo," sabi ni Tommy, katabi ko sa silya.

"Ano?"

"Subo."

"Subuan mo raw sya" sabi ni TOP, katabi nya si Lenny.

"Hindi ba sya marunong kumain ng mag-isa?"

"Miracle," warning tone.

"Hindi mo ako madadaan sa Miracle mo na 'yan."

"Mommy subo. Ahh.." binuka nya yung bibig nya.

Ano'ng akala sa'kin ng batang ito? Maid? Hindi ako ganito ka-spoiled sa parents ko. Kailangan nilang matutong maging independent kahit bata pa. Para sa sarili rin nila ito. Para hindi sila umasa paglaki. Para masanay sila. Para kahit iwan sila, kaya nila.

"Ako nalang ang magsusubo sa'yo Tommy," prisenta ni TOP.

"Ayaw! Gusto ko si Mommy!"

"Hindi ako ang Mommy mo."

"M-Mommy." Hala, nag-teary eyes na naman.

"Ayoko sa mga iyakin," sabi ko.

Pinigilan nya ang iyak nya tapos kumain na sya. Na-guilty naman ako nang kaunti. Kaunti lang. Pagkatapos kumain. Kinausap ako ni TOP. Mukhang papagalitan yata ako. Nasa sala yung mga bata.

"May problema ka ba?" tanong nya sa'kin.

"Wala," hindi makatingin nang diretso na sagot ko.

"Then why are you so mean to them?"

"Mean? Ako?"

"Oo."

"Ayoko lang talaga sa mga bata."

"Ano?"

"Hindi ako mahilig sa mga bata TOP."

Natahimik sya. Ang mukha nya, hindi ko mai-describe ang reaksyon. Mukha syang nagulat. Tapos kumunot ang noo nya. Then napahawak sya sa batok nya. Tumingin sya sa taas na parang nag-iisip. Tapos tumingin ulit sya sakin.

"Pano yung mga magiging anak natin? Ayaw mo rin sa kanila?" ang facial expression nya habang sinasabi 'yon ay parang bata na kinawawa.

Haay Hubby, ang advance mo mag-isip. Napailing nalang ako.

***

Kinabukasan.

"TOP pupunta ba ulit dito yung mga bata ngayon?" tanong ko habang tinitiklop yung kumot.

"Hindi. Pumunta sila sa hospital ngayon.." kumukuha sya ng mga damit sa closet.

"Ahh.."

"Miracle, mauuna na ako sa shower, hwag kang papasok," bilin nya sa'kin.

"Adik ka ba? Tingin mo sakin? Hindi ako katulad mo 'no!"

"Naninigurado lang."

"Baliw!"

At pumasok na sya sa loob ng banyo. Ako naman natatakot bumaba. Baka kasi multuhin ako. Hinintay ko lang si TOP matapos mag-shower kasi ako naman ang susunod na gagamit. After fifteen minutes lumabas na rin sya, nakabihis na.

"Oy hintayin mo ako ha! Dyan ka lang! Hwag kang lalabas ng kwarto," bilin ko kay TOP.

"Oo na."

"At hwag ka rin papasok sa loob!"

"Hindi ko gagawin yun."

"Uhuh. Behave!"

"I'm not a dog."

Pumasok na ako sa loob ng banyo. Kailangan kong bilisan maligo. Kakatakot kasi dito sa banyo. Ang daming pumapasok sa isip ko. Puro nakakatakot. Yung normal na thirty minutes ko na shower time naging twenty minutes nalang. Plus five minutes dahil nag-bihis pa ako sa loob.

"Tapos na!"

"Joy," sambit nya.

"Hehe! Hinintay mo talaga ako? Wow naman!" lumapit ako sa kanya at pinat ang ulo nya.

"What are you doing? Stop treating me like a dog."

"Cute! Tara! Magluto ka na ulit! Gutom na ako eh!"

Bumaba na kami ng hagdan nang magkahawak kamay.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

"Uhh. Gusto ko ng. Uhh. Hmm."

"Ano?"

"Hmm. Uhh. Ano nalang siguro.. Ano.. Hmm.."

"Wifey."

"Pancake!"

"Ang tagal mo nag-isip, pancake lang pala."

"Hehe! Ganon talaga para may suspense! Hahaha!"

Ngumiti nalang sya. Nakarating na kami sa kusina. Nagstart na sya gumawa ng pancakes habang nakaupo ako at pinagmamasdan ang likod nya. May bigla akong naisip.

"TOP!"

"What?"

"Mag-date tayo!"

"Ano?"

"Mag-date tayo! Sige na!"

"O sige."

"Yes!" pumalakpak pa ako. "Ang bilis mo naman pumayag."

"Do I have a choice? If I said no, magtatampo ka at hindi ako kakausapin."

Napaayos ako ng upo. "Ganon ba ako?"

"Yes."

"Talaga?" nag-pout ako. "Ganon ba talaga ako ka spoiled?"

"Yes," mabilis na sagot ni TOP, ni hindi man lang nag dalawang isip.

Nag-pout ako sa likod ni TOP. Ito talaga si TOP hindi marunong mag-sinungaling. Parang kahapon lang sinasabi ko sa sarili ko na hindi dapat kunsintihin ang mga bata. Ganon ako lumaki, wala ang parents ko sa tabi ko. Lagi silang nasa malayong lugar. Lumaki ako kasama ang mga kasambahay namin. Pero ngayon, iniisip ko, kinukunsinti ako ni TOP.

Spoiled ako sa kanya, ibinibigay nya ang mga gusto ko, ginagawa lahat ng gusto ko. Sa kanya ko ba binabawi ang pagiging spoiled na dapat ay sa parents ko? Nakagat ko ang ibabang labi ko. Dapat din ba akong maging independent pagdating sa boyfriend ko?

"Sige, hwag na nga lang," nangalumbaba ako sa mesa.

"Ang alin?"

"Yung date, hwag nalang. Manunuod nalang ako ng TV."

"Huh?" humarap si TOP sakin.

"Eh kasi naman. Ayaw mo naman.." malungkot kong sabi.

"Ng alin?"

"Nung date," naka-nguso kong sagot. "Tsaka spoiled na ako sa'yo."

"Tss.." umiling sya at ipinagpatuloy yung ginagawa nya.

Bumuntong hininga lang ako

"Para namang kaya kitang tiisin."

"May sinabi ka?"

"Wala," parang pinipigilan nyang tumawa.

"Pinagtatawanan mo ba ako TOP?"

"Hindi."

"Psh! Hindi daw. Pinagtatawanan mo ako eh!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Ewan. Baka naa-adik ka na. Baka napasobra ang inhale mo ng oxygen at tinamaan ka."

"Pikon ka na ba?"

"Hindi ah!" mariing tanggi ko.

"Tss.." tumawa ulit sya.

"Adik."

"Miracle!" bigla syang sumeryoso at humarap sakin, naka-cross arms at tinitigan ako.

"A-Anong kasalanan ko?"

Nag-smirk sya.

"Mag-date tayo," sabi nya.

"Joke ba yan?"

"Ayaw mo?"

"Seryoso?"

"Sagot! Isa.. Dalawa.."

"Sinasabi mo lang ba yan dahil gusto ko?"

Bumuntong hininga sya. "Walang masama sa gusto mo."

"Hwag nalang," bulong ko.

"Why?"

Nag-kibit balikat ako.

"Gusto kong makipag-date sa'yo."

Tumingin ako sa kanya. "Seryoso?"

"Bakit? Ikaw lang ba ang in love? Ikaw lang ba ang magiging masaya sa date?"

Namula ako. Napakurap kurap ako.

"Mag-date tayo," ngumiti sya habang tinitignan ang mukha ko. "Miracle?"

"Oo na! Oo na! Sige na!"

"Ano'ng 'Oo' na?"

"Magde-date tayo, hihihi!"

Ngumiti sya at tumalikod ulit para tapusin ang pancakes. Okay lang siguro na maging spoiled kay TOP kung masaya sya habang ginagawa 'yon sa'kin. Lumapad ang ngiti sa labi ko.