Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 78 - Chapter Seventy-Eight

Chapter 78 - Chapter Seventy-Eight

JARED DELA CRUZ

"Yow!" bati ko nang dumating ako sa condo ng kambal na sina Six at Seven.

"Dude!" unang sumalubong sakin si Jack na naglalakad palabas ng kusina.

"Asan na ang mga ungas?" tanong ko.

"Lul! Nandito kami!" sabay na sigaw ng kambal na nasa living room.

"Yow Sais! Syete! Kumpleto na ba?" nakita ko sila sa sala at nanunuod ng kickboxing match sa tv, nandon na rin ang iba.

"Gago talaga 'to, parang di na nasanay, syempre hindi pa. Wala pa sina Mond at Jun," sagot ni Six.

"Nyemas talaga yung dalawang yun, late," reklamo ni Jack.

"Red, kuha ka ng beer sa ref kung nauuhaw ka na," sabi ni Seven.

Ang aga naman, pero sige kukuha na din ako. Ang tagal ko nang walang alak na naiinom eh.

"Six, dine-date mo parin ba yung mataba?" tanong ni Jack.

"Gago hwag mo nga syang tawagin na mataba, chubby lang sya loko," depensa ni Six.

"Alam mo Six ang waistline na lagpas 26 ay mataba," sabi ni Jack.

Ah ewan ko sa kanila, makakuha ng nga lang ng beer sa ref. Pagpunta ko sa kitchen may nakita akong babae. Nakatalikod at may inaabot sa itaas. Sino kaya 'to?

Pinanuod ko lang sya. Medyo maliit sya kaya nahihirapan syang abutin ang box ng cereal sa itaas. Nakasuot lang sya ng malaking itim na T-shirt at abot 'yon hanggang tuhod nya.

"Need help?" alok ko, naawa ako, ang tagal na hindi parin maabot.

Nagulat yata at biglang napaharap sakin. Ay takte.

"Aril?" gulat na sambit ko sa pangalan nya.

"Pula.." nakasimangot na bati nya.

Ano ba ang ginagawa nito dito ng ganitong oras? Maaga pa ah. Mga hapon pa dapat ito nandito.

"You look stupid," sabi nya. Sabi na nga ba may sumpong na naman to. Tsk!

"And you look suicidal," ganti ko.

"I. Am. Not. Suicidal." she said through gritted teeth.

"You are emo so that makes you suicidal."

Puro black sya palagi, mula ulo hanggang paa. Ang kapal pa ng eyeliner. Tapos saksakan pa sya ng puti. Bampira yata 'tong babaeng 'to. Siguro fan 'to ng Twilight. Kekeke~ (~~,)

"Di ka lang pala mukhang stupid, stupid ka pala talaga. Iba ang emo sa goth!"

"Whatever you say little girl. Whatever you say," I smirked making her more furious.

"Ugh! I hate you! Buzz off!" tumalikod sya at muling nagtangkang abutin yung box sa cabinet sa itaas.

Pinanuod ko lang sya. Ine-enjoy ko ang paghihirap nya para sa isang box ng cereal. Haha! Habang pinapanuod ko sya napansin kong tumataas ang oversized t-shirt nya. Tumaas ng isang dangkal mula sa tuhod nya. Takte bakit kasi ganyan ang suot nya? Mukha pa tuloy syang nasisilipan. Kapag tumaas pa yon ng tumaas baka iba na makita ko. May panty kaya 'to? Ay nyemas! Naalala ko ang Keroppi panty na binili ni Seven. Gamit kaya nito?

"Tulungan na nga kita," lumapit ako at inabot ang cereal box.

Pagkaabot ko napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansin na masyado pala kaming malapit sa isa't-isa. Napatitig nalang ako sa kanya. Hindi ko alam ang reaksyon na gagawin ko. Nagulat ako at sa tingin 'ko nagulat din sya. Lagot. Baka isipin nito, minamanyak ko na naman sya. Shit.

"Nakaharang ka," sabi sa'kin ni Aril habang hawak ang cereal box.

"Hindi ka ba magpapasalamat at inabot ko yan para sa'yo?"

"Salamat ha," ngumiti sya at bigla akong sinipa sa binti.

"Aw!" Pakingteyp! Napahawak ako sa binti ko.

"Hmp!" umalis sya sa kusina dala ang box.

Napaka-weirdong babae. Sadista! Takte! Ang sakit nun ah!

"Dude! Anong nangyari sayo dyan?" tanong ni Jack.

"Ang tomboy na yun sinipa ako! Shit!"

"Hahaha! Baka naman kasi minanyak mo na naman!"

"Lul! Kahit kailan hinding hindi ko pagnanasahan pa ang tomboy na yun! Ang sakit sumipa," kumuha ako ng beer sa ref.

"Baka kasi crush ka?"

"Hwag na hwag mo na ulit sasabihin 'yan."

"Pero dude.." ngingiti-ngiti sya.

"Ano?"

"Type mo?"

"Asa," sagot ko.

Bumalik na kami sa sala. Abala parin sila sa panonood ng match sa TV.

"Ano nga pala ang ginagawa dito ng kapatid nyo?" tanong ni Jack.

"Naglayas sa bahay, hindi na matagalan ang pag-aaway nila Mom and Dad," sagot ni Six.

"At na-kick out sa school dahil may binugbog na lalaki," dugtong ni Seven.

"Huh? May binugbog sa school?" kunot noong tanong ni Kyo na hindi makapaniwala.

"Oo lalaki daw eh kanina lang, ewan ko ayaw sabihin sakin kung bakit, naglilihim na sakin ang kapatid ko," madramang pahayag ni Seven.

"Parang kayo lang eh no? Manahan?" tawa ni Mond.

"Loko! Kumusta na nga pala ang paghahanap kay Pinuno?" tanong ni Six.

"Red?" tawag sa akin ni Jack.

"Hmm," ibinaba ko muna ang beer. "May inutusan na ako para mag-check ng location. May hinala kasi ako kung nasaan sila. Hinihintay ko na lang ang tawag para makumpirma."

"Kung ma-confirm na nasa lugar na 'yon ang dalawa?" usisa ni Seven.

"Nakahanda na ang chopper," sagot ko.

"Alright, kailangan natin silang makita as soon as possible," sabi ni Jack.

"At maibalik si Samantha sa pamilya nya," sabi ni Jun.

"Totoo bang bumalik na ang parents ni Sam?" tanong ni Mond. "Ano ba 'tong napasukan ni Pinuno? Basta nalang syang nawawala nang walang pasabi."

"Kahit na ano'ng mangyari kailangan natin maibalik si Samantha sa pamilya nya bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon."