Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

"Waahh. Ang cellphone ko!" naka-pout na sabi ko habang naglalakad kami palabas ng school. Kasalanan ng baliw na lalaking 'yon, nawala tuloy ang cellphone ko sa'kin.

"Okay lang yan Sammy, makukuha mo rin yun bukas—" sabi ni Michie habang nakahawak sa balikat ko. Huhu! Thanks friend, you're the best. "—Iyon eh kung magiging mabait si Ms. Torres bukas. Alam mo naman di'ba medyo masungit yon lalo na sa mga magaganda at saka makakalimutin din 'yon. Kaya baka di na pala masauli sa'yo yung phone mo. Kawawa ka naman," dagdag niya.

Psh! Binabawi ko na ang sinabi ko about you. Di kita friend! Bad ka!

"Palagi nalang akong minamalas. Patuloy ang pagsagot ni Audrey sa recitation. Nalalamangan na niya ako! Na-confiscate ang cellphone ko tapos nawala pa yung ID ko! Kasalanan nyo 'tong tatlo, dahil dyan sa prank nyo!"

"Haay. Past is past Sammy," sabi ni Michie.

"Sino ba yung kausap mo sa phone at galit na galit ka?" usisa ni Maggie.

"Isang adik na lalaki na may sayad sa utak katulad nyo! Kasalanan niya 'tong lahat. Kung hindi siya tumawag eh di sana nasa akin parin ang precious cellphone ko!! Argh!! Kaasar! Kapag nakita ko 'yung bad trip na lalaking yun malilintikan yun sa'kin! Lintik lang ang walang ganti! Grrr!"

"Haha! Easy tiger, makikita ba naming muli ang infamous Sammy Special Kick-where-it-Hurts-the-Most then Knee-the-Stomach and Thunder Uppercut Combo?" excited na tanong ni China.

"Haha! Gusto ko rin makita 'yon!" sabi ni Michie.

Ang sinasabi nila ay ang ginawa ko one time nang may manyak kaming nakasalubong. Inis na inis ako ng araw na iyon dahil nalamangan ako ng one point ni Audrey sa quiz namin. Kaya sa galit ko, naibuhos ko ang sama ng loob ko sa manyakis na lalaking sumusunod sa amin. Sumama raw kami sa kanya, ililibre daw niya kami ng pagkain. Bilhin ko pa ang restaurant na 'yon, eh! Kainis 'yon.

Nang makalapit na kami sa gate, ang daming babae na nagkumpulan. Ano kayang pinagkakaguluhan ng mga 'yon?

"Baka naman may free taste ng Milo?" hula ni Michie.

"Or free napkins?" hula ni China.

"Or hotties!!" hula ni Maggie.

At mabilis silang tumakbo papunta sa front gate. Nakipagsiksikan sila sa mga kumpol ng mga chismosang babae roon. Psh! Mga babaeng ito, mga friends ko ba talaga kayo? Iwan daw ba ako? Lumakad na rin ako palapit sa front gate.

"Miracle Samantha Perez," may lalaking tumawag sa pangalan ko. "Nandito ba siya?"

Sumilip ako kung sino ang nag-hahanap. Holy Shiz! Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yun. Siya yung lalaking pula ang buhok! Siya ang lalaking kasama ng lalaking sinampal ko! At hawak niya ang ID ko!

"Kung sino man sa inyo si Miracle Samantha Perez, pumunta dito sa unahan, kung hindi naman umalis na," dagdag pa niya.

Mga tilian lang ng mga babae ang nakuha niyang sagot. Ang mga schoolmate ko talaga. Nakakita lang ng lalaki. Kung sabagay, St. Celestine ang school namin. Isang konserbatibong paaralan para sa mga babae lamang. No boys allowed.

"KYAAAAAHH!! Ang gwapo mo naman! Ano'ng name mo?"

"KYAAAAHH!! Be mine!!"

"OH GOSH! He's so hot!!"

"KYAAAAAAAHHH!!!"

"I LOVE YOU!!!"

"Sige, kung sino ang makakapagturo kung nasaan si Miracle Samantha Perez, bibigyan ko ng flying kiss!" sabi ni pula sabay ngiti nang nakakasilaw.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!" nakakarinding sigawan ng mga babae.

What? May pabuya pa? Napatingin ako sa mga ka-schoolmates ko. Mukhang gusto nila yun! Nanganganib ako. What to do? What to do?! Think! Think! Think! *Jimmy Neutron Mode* Tatakas ako. I turned around to face the school building, babalik na sana ako sa loob ng classroom para magtago but someone grabbed my arm and pushed me forward. Nakaharap ko ang grupo ng mga lalaki. Ang aangas ng mga hitsura nila. They looked like some sort of a gang, with all the leather jacket and badass motorbike.

Napatingin sila sa akin. What? Katapusan ko na ngayon? Pero wala pa akong boyfriend!!

"Ikaw ba si Miracle Samantha Perez?" tanong ng gwapong red-head. Mukha siyang anghel. Ang kinis ng balat niya. Ang puti niya at ang ganda ng pangangatawan niya.

"Y-Yes."

"Haha! Ang cute mo," sabi niya sakin na ikinagulat ko. Ang gwapo nya! "TOP nandito na siya!"

Lahat ng paghanga ko sa kanya ay naglaho. Di siya mabait. Di siya anghel. Sugo siya ni Kamatayan. Pa'no niya ako nahanap? Ay oo nga pala, yung ID ko hawak niya. I am DEAD! Hinila ako sa braso ni redhead at dinala sa kaibigan niyang si Kamatayan. I am so dead!

Nakita ko si TOP na nakasandal sa motor niyang kulay itim, naninigarilyo. Itinapon niya iyon sa lupa at tinapakan para mamatay ang sindi.

"So you're here," sabi niya na parang bored na. "Finally."

I'm gonna die.

I'm gonna die.

I'm gonna die.

"Bring her. If she runs, kill her," utos ni TOP. Sumakay na siya sa kanyang motorbike at umalis with an incredible speed.

Ano raw iyon? Dalhin AKO?! Saan nila ako dadalhin? HELP! KIDNAPPERS! Tumingin ako sa mga schoolmates ko. Hinanap ko ang crazy trios pero ang mga bruha hindi man lang ako pinapansin. Pilit nilang iniiwasan ang tingin ko.

Seriously, what kind of friends are you? I swear, kapag nakabalik ako nang buhay lagot kayo sa'kin! I SHALL RETURN!

Kailangan kong tumakbo!! Si redhead mukhang nabasa ang iniisip ko dahil bumulong siya sa'kin ng; "Narinig mo naman siguro ang utos ni TOP, kapag tumakbo ka..." iniwan niyang nakabitin sa ere ang banta niya.

Ang malas ko!! Ibinalik niya sa akin ang ID ko. Kaya siguro di na nila ako hinabol kahapon dahil nakuha nila ang ID ko.

"KYAAAHH!! FAFA RED!! Yung flying kiss ko?!" Napatingin ako sa sumigaw. Nakita ko ang annoying classmate ko na si Cheska. Siya pala ang nagtulak sa akin kanina. Humanda ka sa akin kapag nakabalik ako. Hmph!

"Haha! Next time nalang! Gotta go!" sagot ni pulang buhok.

"KYAAAAAHH!!" pag-wawala ng mga schoolmates ko.

Sumakay ako sa likod ng motorbike ng lalaking redhead. Kahit na gwapo ang isang ito hindi ko parin siya mapapatawad. Bakit siya sumusunod sa utos ng TOP na 'yon? Leader ba nya 'yon o ano? Baka naman mag-syota sila? Laganap na talaga ang mga bekki ngayon. Hindi lang halata!

WAAAH! Halos liparin ako sa sobrang bilis ng motor. Napakapit ako nang mahigpit kay pula. Nakasunod naman sa likod namin ang mga kasama niya. Total number nila ay twelve kasama itong pula ang buhok na 'to. Saan kaya nila ako dadalhin? Baka naman ililibing nila ako ng buhay? NOO!! Teka bakit papunta kami sa Cemetery?! Ililibing nga kaya nila ako?!!

ZOOOOOM~~~

Ayos! Lumagpas kami sa cemetery! Hindi nila ako ililibing! Mabubuhay pa ako nang matagal! Pwede ko pang makita si Lee Minho! Pero... teka lang, bakit sila papunta sa isang creepy abandoned factory? Hindi kaya... kukunin nila ang aking... NOO!!!

ZOOOOOM~~~

Gah, buti nalang lumagpas kami sa factory. Hmm. Saan ba talaga kami pupunta? Teka, ouside the city na 'to ah! Ito yung side na puro Night Clubs! Ibebenta ba nila ako sa isang Stripper Club?! Waaahh!!! Mas malala pa pala 'to!

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang unti-unti ay nag-tigilan sa tapat ng club na 'yon ang mga motor nila kasama ang motor ni redhead. Bumaba ako sa motor. Pumasok na sila sa loob ng club at mabagal akong naglalakad kasunod si pula-ang-buhok. Tatawagin ko nalang syang Power Ranger Red.

Puro usok sa loob, malakas ang tugtog at marami na ang nagsasayaw. Di pa ako nakakapasok sa loob ng clubs pero nakikita ko naman sa TV. Ang akala ko may mga matatanda rin dito na manyakis eh pero mukha naman disente kahit papaano ang lugar. Puro teens at mga nasa twenties ang nakikita ko na tao.

"Hey babe!" sabi ni Ranger Red sa isang babae na nakasuot ng Pink shirt at Pink Super-Short-Shorts! Siya siguro si Power Ranger Pink.

"Red! Babe!" sinalubong ni Ranger Pink si Ranger Red at nag-halikan sila.

Holy guacamole! My Innocent Eyes!!! Nooo!!! I covered my eyes using my two hands. Kadiri sila!!! Naalala ko tuloy yung sigaw ni Jimmy sa Blades of Glory, IMPURE! IMPURE! IMPURE!!!

"Later babe," sabi ni Power Ranger Red kay Pink at lumakad na kami papunta sa isang spiral staircase.