Chereads / Talk Back and You're Dead! / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

THREE DAYS AFTER

Hindi parin ako mapakali kahit na tatlong araw na ang lumipas simula nang mangyari ang insidente na 'yon sa mall. Napapraning na nga ako kadalasan, tuwing nakakakita ako ng matangkad na lalaki mabilis akong nagtatago sa likod ng Crazy Trios. Nagmumukha na akong weird sa mata ng mga tao. Hindi rin ako makatulog, palagi ko siyang napapanaginipan!

Naramdaman ko ang pagtama ng tingin sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Audrey. Proud na proud ang ngiti niya sa akin. Hindi kasi ako nakasagot sa recitation kanina. Hindi ito pwede! Matataasan niya ang grades ko! Hindi pwede! Kailangan ko mag-focus!

Ipinilig ko ang ulo ko at inintindi ang sinasabi ni Ma'am. Makikinig na ako.

"Okay class, that's all for today. Don't forget to pass your project on Monday. Class dismissed," sabi ng instructor namin sa English.

Ha?! Tapos na?! Ano'ng project?! Tumayo na ang mga kaklase ko at lumabas ng room. Normal lang na araw para sa kanila ito. Ang saya nilang tignan samantalang ako naman ay natatakot lumabas ng school. Paano kung bigla kaming magkita? Ayoko pang mamatay!

Ang akala ko talaga ay masisira na ang image ko sa school na ito dahil sa video na kumalat. Mabuti nalang inireport ko 'yon sa mga IT experts na nagtatrabaho sa kompanya namin. Agad nila iyong binura. Haay.

Kung malalaman talaga sa school na ito na may scandal ako, lagot na! Kaya dapat, hindi kami mag-kita ng lalaking iyon ulit.

"YES! Half-day tayo ngayon! Tara sa mall may kailangan akong bilhin na DVD!" yaya ni Maggie.

"Manuod na rin tayo ng movie! Ano ba ang magandang palabas ngayon?" tanong ni China.

"Manuod nalang tayo ng Habulin Mo Ako Lalaking Lumpo," suhestyon ni Michie.

"Haay. Kayo nalang, baka may makakita pa sa akin sa mall."

"Heh! Hwag ka ngang KJ!" sabi ni China.

"Party Pooper," bulong ni Maggie.

"I heard that Maggie," I said while glaring at her.

"Hehe! Good, ibig sabihin niyan, malakas pa ang pandinig mo," palusot niya.

"Sumama ka na Sammy," sabi ni Michie habang hinihila ang braso ko palabas ng classroom.

Humawak ako sa doorknob para hindi niya ako mahila palabas. Mabuti nalang nakalabas na ang mga classmates namin kung hindi, mapagkakamalan nila kaming baliw dito.

"Che! Manahimik kayo! Hawak ko ba ang mga paa ninyo at hindi kayo makakapunta sa mall kung hindi ako kasama? And besides, sino ba ang may kasalanan kung bakit ako nasa most wanted list ngayon ha?"

"Hilahin natin si Sammy, daliii," sabi ni Michie kina China at Maggie.

Sa isang iglap ay nasa magkabilang gilid ko na ang dalawa at hawak ang magkabilang braso ko. Hinigit na nila ako palabas ng classroom. Nagpupumiglas parin ako. Pero ano nga ba ang laban ko sa tatlong gorillas na ito? Huhu.

***

Nakarating na kami sa mall at agad kaming pumunta sa second floor. Tumingin kami sa mga pwedeng panoorin at nagkasundo na manood ng horror movie. Hindi mawala ang kaba ko habang nasa mall. Pakiramdam ko ay lahat ng tao rito ay kilala ako. Pero nang mag-tagal at wala naman akong naramdamang panganib sa buhay ko, kumalma na ako.

"Bumili na kayo ng ticket, kami na ang bahala sa snacks," sabi ko kina China and Maggie.

"Okay!" sabay nilang sagot.

Isinama ko si Michie pero humiwalay siya sa akin nang makakita ng candy sa ibang stall. Habang hinihintay ang order ko ay narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa likod ko.

"Ano'ng plano mo kapag nakita mo?"

"I'll make her f*cking regret she met me." Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses niya. Ack!

"Babae 'yon, hwag mong masyadong pahirapan," natatawang sabi ng lalaki.

"They even uploaded a f*cking video."

"Hahaha! Baka naman hindi siya ang nag-upload non."

"If I find her, she's dead meat."

Nanginig ako. Ano'ng sabi niya? V-video daw! Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Gamit iyon ay tinignan ko sa reflection ang hitsura ng dalawang lalaki. SHIZ! Siya nga! Hindi ako maaaring magkamali. Agad akong nanlamig, ang bilis ng tibok ng puso ko. Shuuuuucks!

'F*CK!!! IF I SEE YOU AGAIN, YOU'RE DEAD!!!'

Naalala ko yung comment niya sa video. Lagot ako kapag nakita niya ako.

"Your order Ma'am," sabi sa akin ng babae habang inaabot ang dalawang large size ng popcorn at apat na pineapple juice na may handle. "Enjoy."

Nakayuko akong naglakad palayo sa dalawang lalaki. Sila na ngayon ang na-order.

"Remind me again, why do I have to f*cking watch a movie with you?"

"Haha! Sabi mo diba hahanapin natin siya? Kaya tayo nandito sa mall. Sinundan naman tayo ni Hershey at nagyaya manood. Yung pinsan mo iiyak na naman kapag di mo sinamahan. Baka ma-youtube ka ulit. Hahaha!"

"F*ck."

"Ayos lang yan bro, nandito naman ako. Di kita hahayaan na ma-tsansingan. Hahaha!"

"You want me to send you flying?"

Nakalayo ako sa kanila nang matiwasay! Yes! Safe! Pinagpawisan talaga ako doon ah! Akala ko katapusan ko na! Huhu!

"BOO!!!" may biglang sumigaw sa likuran ko.

"AAHHCK!!" sigaw ko sa sobrang gulat. Muntik ko nang mabitawan ang mga hawak ko.

"HAHAHAHAHAA!!!" sabay-sabay na tawa ng 'Crazy Trios'

Tumingin ako sa kanila nang masama! Natakot ako. Ibinigay ko sa kanila ang mga pagkain at kumapit ako sa braso ni Michie. Bahagya kong tinago ang mukha ko sa kulot niyang buhok.

Ang sabi ng dalawang lalaki, manonood sila ng sine. Hindi naman siguro nila ako makikita sa dilim. Tao parin naman sila diba?