Chereads / Maskara / Chapter 2 - UNANG KABANATA

Chapter 2 - UNANG KABANATA

MANGAHUS-NGAHUS at mabilis na hinahabol ang kanyang hininga. Kailangan niyang makalayo rito sa lugar na ito. Madilim, masukal at nakakatakot. Wala siyang pakialam kahit ang alam niya'y sa kagubatan na ito ay may nagbabadyang panganib.

Nakasandal siya sa malaking puno. Pakiramdam niya'y nanunuyot na ang kanyang lalamunan. Unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng pagod.

"Lucy, nasaan ka na? Huwag kang matakot. Madali lang naman ang prosesong ito." Napakalamig ng boses na iyon. Animo'y lulong ito sa droga dahil sa pinapakawalan nitong pagtawa.

Bigla na lang nanginig ang katawan ni Lucy. Siguro hanggang dito na lang siya. Pero gusto niya pang mabuhay... gusto niyang mabuhay nang matiwasay.

Nagsimulang gumalaw ang kanyang katawan at isipan. Na-isip niyang kahit tumakbo siya ay maabutan pa rin siya nito. Ngunit 'pag isinuko niya ang kanyang sarili ay paniguradong papatayin pa rin siya nito.

Sa wakas ay nakaisip na rin siya kung paano makatakas. Ang batong mga ilang dipa sa kanya ang tangi niyang naisip na makakatulong sa kanya upang makatakas siya sa lalaking ito.

Boluntaryong gumalaw ang kanyang katawan. Inunat niya ang isa sa mga braso niya upang makuha ang bato. Pero, bago pa man niya ito maibalik sa kanya ay nakaramdam siya nang pagkamanhid, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng ulirat sa mga oras na iyon.

Nakita ng dalawa niyang mata. WALA NA SIYANG KALIWANG KAMAY! Napa-hagulgol siya nang ubod ng lakas. Dahan-dahan din ang pagtulo nang kanyang luha.

Naaninag niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket na may hawak na matalim na itak. Kapansin-pansin ang katuwaan nito matapos niyang makita ang kamay ni Lucy na walang humpay sa pagtulamsik ng sariwang dugo.

Napaatras na lang si Lucy matapos niyang mapansin ang pagkuha sa kanyang naputol na kamay na kanina lang ay nakakabit sa kanyang braso.

"Pakiusap, ayoko na. Itigil niyo na ito!" tangis niya. Habang nilalakasan niya ang kanyang loob dahil sa sakit na kanyang nararamdaman.

Bigla na lang siyang nangamba sa susunod na gagawin ng lalaki. Pakiramdam niya'y papatayin siya nito. Isang ngiting nakakaloko lang ang pinapakawalan nito sa bawat pagmamakaawa niya rito.

Napangiwi ulit siya sa sakit dahil sa pagkakahawak ng lalaki sa kanyang buhok. Pakiramdam niya'y matatanggal ang kanyang buhok sa bunbunan. "Sabi ko sa 'yo, eh. Kung hindi naging matigas ang ulo mo! Hindi ito mangyayari sa'yo," anang lalaking walang humpay sa kakatawa.

Pinipilit niyang tumakas ngunit malakas siya, wala siyang laban sa isang lalaking tulad niya dahil isa lang siyang babae.

Ilang segundo lang ay nakaalpas siya sa kamay ng lalaki. Ngunit sa kasamaang palad ay nadapa siya sa isang malaking bato dahilan upang gumulong-gulong siya at tuluyang matusok ang kanyang katawan sa isang matulis na sanga ng puno. Na naging dahilan sa pagkalasug-lasog ng kanyang lamang-loob.

Napangisi bigla ang lalaki na kanina pa humahabol kay Lucy. Naglabas siya ng matulis na kutsilyo at walang habas niyang tinanggalan ng laman ang mukha ni Lucy.

Umusal muna siya ng isang dasal bago niya simulan ang isang misteryosong gawain. Pagkatapos no'n ay nagpakawala siya nang nakakalokong ngiti.