Chereads / Maskara / Chapter 3 - IKALAWANG KABANATA

Chapter 3 - IKALAWANG KABANATA

"Ate, sige na bilhan mo na ako." Pagmamaktol ni Alice. Kanina pa ito walang humpay sa pagturo ng mga maskarang nakahelera sa isang tindahan.

Nalalapit na rin kasi ang Todos los Santos, kung saan magiging abala na naman ang mga tao sa paggawa ng maskara na nakakasindak, paglalako ng mga kandila, at paglilinis ng mga puntod ng mga yumao nilang pamilya.

"Alice, sakto lang ang perang ibinigay sa 'kin ni Inay para sa kakainin natin mamayang gabi," pagrarason nito.

Isang mukhang nakabusangot at mga matang nanlilisik ang itinugon ni Alice sa kaniyang ate. Nais niyang bumili ng maskara upang matakot niya ang kanyang mga kalaro na walang inatupag kundi takutin siya.

Nakaramdam naman ng awa ang kaniyang ate " Sige, sasabihin ko nalang kay Kuya na bilhan ka." ani niya.

Nagtatampisaw si Alice sa saya. Sa wakas mababaliktad na rin ang sitwasyon sa kanyang mga kalaro. Siya na ang mananakot at sila naman ang matatakot.

"Uuwi na ba tayo, ate?" tanong niya.

"Mamaya muna , Alice. Meron pa 'kong nakalimutang bilhin." wika ng kanyang ate.

Matapos nilang mabili ang lahat ng pinapapabili ng kanilang Inay ay kaagad silang sumukay sa dyip nang hindi na sila abutan ng gabi.

Hindi maiwasan ng ate ni Alice na mag-isip nang malalim. Nakapangalumbaba siya habang minamasdan niya ang mabilis na paggalaw ng dyip.

Tinignan din niya si Alice. Hinawakan niya nang marahan ang kamay nang kapatid at pinisil niya ito dahilan upang magtaka si Alice.

"Ate, ayos ka lang?" tanong niya. Nagsimulang magsalubong ang magkabilang kilay nito.

Hindi niya masabi kay Alice kung bakit ganoon nalang kalalim ang iniisip niya. Ayaw niya ng maulit pa ang nangyari sa kaniyang tatay. Walang kahit ni isang anino ang pinakita nito pagkatapos niyang buntusin ang kanilang inay.

Hinimas niya ang ulo ni Alice at pinatahan niya ito sa kanyang balikat. Hindi nagtagal ay nakadating na rin sila sa kanilang bahay.

"Inay!" isang masiglang bati ni Alice ang sumalubong sa kanyang Inay na abala sa pagluluto sa kanilang kakainin.

"Jane, bakit nagabihan kayo." tanong niya.

Inilapag muna niya ang kaniyang pinamili at saka nagmano sa kanyang Inay.

Hindi niya pwedeng sabihin na kaya sila ginabi ay magdamagan niyang inisip ang kanyang Tatay.

"Natagalan po kasi kami dahil doon sa Jeep na sinakyan namin." pagrarason ni Jane sa kanilang Inay.

Sinenyasan niya si Alice upang maupo sa kaniyang tabi. Sinunod naman ito ni Alice.

"Tara! At may ikwekwento ako sa iyong nakakatakot," ani niya kasabay ng pananakot na sinabayan niya ng pagkikiliti sa tagiliran ng kanyang kapatid.

Bago pa man simulan ni Jane ang pagkwekwento ay may biglang kumatok sa kanilang pintuan.

Sinilip ni Jane kung sino iyon. Si Kuya Carlo raw. Agad niyang binuksan ito at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa kanyang kuya.

"Kuya, namiss ka namin," wika ni Jane.

Tumakbo naman si Alice upang yakapin din ang kanyang kuya.

"Kumusta na, Alice?" Isang halik sa noo ang kanyang sinukli. Matapos no'n ay may inilabas siyang regalo para kay Alice.