Chereads / Maskara / Chapter 4 - IKATLONG KABANATA

Chapter 4 - IKATLONG KABANATA

LABIS ang kasiyahan ni Alice matapos makatanggap ng regalo... regalong na dapat ang kaniyang ate ang bibili.

"Oh! Carlo hindi ka man lang nagpasabi na darating ka ngayon. 'Di dapat nagpabili pa ako ng maraming galunggong kay Jane." wika ng kanilang Inay.

Nagmano muna siya bago ibigay ang pasalubong ni Jane at ang kaniyang Inay.

Si Carlo ang panganay sa kanilang magkakapatid. Pangalawa si Jane at ang bunso nama'y si Alice.

Siya ang nag-aasikaso sa mga gastusin para sa pag-papaaral kay Jane na ngayon ay Hayskul na at si Alice naman na magtatapos na sa Elementarya sa susunod na taon.

"Inay, sabi ko sa inyo na darating ako pag malapit na ang Piyesta ng mga Patay. Hindi niyo ba natanggap ang text ko?" pagtataka niya.

"Anak, pasensiya na. I-sininangla ko iyon dahil wala ng baon ang mga kapatid mo." Nagsimula nang humagulgol ang kaniyang Ina.

Wala siyang magagawa kundi patawarin ang kaniyang Inay. Lumaki silang walang Ama, tanging ang kanilang Inay ang nagaruga sa kanila. Natutunan nilang maglakad sa sarili nilang mga paa.

Sa kabilang dako naman ay ang dalawang magkapatid na sina Alice at Jane ang naglalaro ng tagu-taguan. Medyo may kalayuan ito sa kanilang tahanan. Napapaligiran ng mga naglalakihang puno at mga damong ligaw. Pinlano nila na kung sino man ang taya ay siya ang magsusuot ng maskarang ibinigay ni Kuya Carlo nila.

Si Jane ang taya. Hindi niya matiis ang bunso niyang kapatid kaya nama'y sinuot niya ito. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya matapos niya iyon masuot.

Nakaramdam siya ng kilabot matapos siyang makarinig ng mga kakaibang boses. Ngunit hindi niya na ito pinansin, bagkus ay sinumulan niya ng magbilang.

"Pagbilang ko nang sampu nakatago ka na Alice. Isa... dalawa...tatlo...­—"

Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y may gumagaya sa kaniya. Isa... dalawa... tatlo.. bigla nalang nagsitaasan ang kaniyang balahibo matapos marinig niya nanaman ang bulong na iyon.

Animo'y nanggaling sa hukay ang gumagawa ng boses na iyon. Malamig at nakakapangilabot. Pinipilit niya ang kaniyang sariling labanan ito. Nag-taingang-lipaya nalang siya at nagpatuloy sa pagahahanap sa kaniyang kapatid na si Alice.

Habang hinihanap niya ang kaniyang kapatid ay nagsimulang lumakas ang pagtambol ng kaniyang puso. Pakiramdam niya'y lumalapit ang boses na kaniyang naririnig kama-kailan lang.

"Ahhh!!"

Nagsimula siyang mangamba matapos niyang marinig ang sigaw ng kaniyang kapatid. Binilisan niya lalo ang paglalakad.

Agad niya naman itong nakita sa may tabi ng puno. Bakas sa mukha ni Alice ang takot. Nanginginig at tagatak ang pawis na lumapit siya sakaniyang ate.

Agad siyang niyapos ng kaniyang ate. "Ayos ka lang ba. May masakit ba sa katawan mo?" bakas sa boses ni Jane ang pagaalala.

Tumango nalang siya bilang tugon. Kahit nanginginig ay pinilit ni Alice na ituro ang dahilan ng kaniyang pagsigaw.

Hindi niya maaninag ng mabuti ang tinuturo nito kaya naman tinanggal niya ang maskarang sinusuot niya. Halos panawan nang ulirat si Jane matapos niyang makita ang lasug-lasog nang katawan ng isang taong wala ng MUKHA!