Chapter 47: Caleb's Route XII - Value & Worth
Haley's Point of View
8 months have passed.
The more Caleb and I spent our time together, the more we got to know a lot of things na akala namin ay alam na namin. And even I, myself was surprised.
I never see Caleb as the person who will stay with me-- my partner for life.
Probably because I loved Reed so much, tipong sinarado ko na 'yung puso ko para sa kanya. Kaya hindi ako nagkaroon ng chance na makita kung ano pa 'yung na sa labas. Kung ano ang naghihintay sa akin.
Ngunit napagtanto ko na,
…oras talaga ang makakapagsabi kung kailan darating 'yung para talaga sa'yo.
But if they leave, it's okay.
Kung may magtatanong man kung magsisisi ba ako na dumating sila sa buhay ko. Siguro sa una, oo. Pero alam ko sa huli, ngingiti ka na lang at matututong matanggap na hindi lahat ng akala mong para sa'yo ay sa'yo.
People came into our life not only because we have something to learn from them but because we GOT something within us that will give contribution to these people without us even realizing it. Then vice versa. I believe all of us are instruments for someone's growth.
Pero ikaw pa rin talaga magdadala if you will take it positively or negatively. If things didn't work out, it's not for you.
Reed and I didn't end up for the reason that maybe, someone's prayer is too strong that it gave him the favor to change the way it was supposed to be.
"Hailes, we're going to be late. Baka mainip si Mama, gusto ka na makita."
Ipinasok ko na ulit ang cellphone sa shoulder bag na dala ko at lumingon kung nasaan si Caleb. Naghihintay na siya ro'n malapit sa departure, magbabarko kami papuntang Oh-la-la Island dahil magbabakasyon kami ro'n kasama ang family niya. Nauna lang sila dahil may pasok kami kahapon. Isang araw rin kasi ang biyahe kaya ang sabi nga namin, sunod na lang kami ni Caleb para mabilis na lang.
Kasama rin dapat si Mirriam pero dahil sa summer training nila para sa paghahanda sa darating nilang laban sa susunod na linggo, hindi na niya nagawang makasama.
Inaasahan ko talagang magkikita kami ulit dahil mag-iisang taon na rin talaga noong huli kaming nagkita. Ang tagal na rin talaga.
Kinuha ko na ang maleta ko at hinila palakad kay Caleb, dadalhin namin 'yong gamit sa cruise terminal dahil iche-check iyon mamaya ng mga security. Bale kukunin na lang namin sa taas ng cruise pagka pick up ng crew members. May number tag naman na nakasabit para malaman kaagad kung kanino 'yung baggage.
"Tara." Aya ko at maglalakad na pero bigla niyang kinuha ang maleta ko dahilan para mariin kong ikinuyom ang pagkakahawak ko sa maleta para hindi niya tuluyang makuha. Kaya pareho naming hawak ang maleta. "Ako na, kaya ko--" Pero inagaw niya.
"Hailes, hindi ka pa nasanay. Ako na." Sabay kindat niya sa akin bago niya dalhin ang mga gamit namin sa dapat nitong pagdalhan nang makapasok na rin kami sa loob ng ship.
Nakatitig lang ako sa kanya nang mapangiti ako.
What I like about him is, he's not forcing me to get used to something I don't usually do. Sinasabi niya na masanay ako pero hindi niya ako kinokontrol.
He knows kung gaano ako ka-reserved na tao pero hindi niya ako minamadali na dumepende sa kanya o maging open kaagad. Hinihintay pa rin niya ako until now.
Sumunod na ako kay Caleb.
Sa 8 months na nagkaroon kami ng pagkakaunawaan ay muli akong dumalaw sa pamamahay ng Garcia Family. Akala ko mahihirapan ako kapag nakita ko ulit sina Tita Airam nang dahil na rin sa nangyari noon.
Hiyang hiya pa ako, hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang mukha ko sa kanila lalo na't alam kong may nangyari, hindi ko rin maitatanggi na nagi-guilty ako. Subalit nang makita nila ako noong araw na 'yon…
Flashback:
"Sigurado ka ba talaga?" Hindi ko siguradong tanong habang papalapit na kami sa harapan ng pintuan nila. Imbes na makakuha ako ng salita mula kay Caleb, binigyan lang niya ako ng isang reassuring na ngiti. Hinawakan din niya ang kamay ko.
Doon ko lang din napagtanto na malaki ang maiinit niyang kamay.
Kaya lumuwag 'yung pakiramdam ko, tila iyong pangangamba ay nawala.
Subalit nang makapasok ako sa loob ng kanilang bahay at bumungad kaagad ang magulang niya ay makikita na sa mukha ko ang pagkailang at takot.
Mabilis akong umiwas nang tingin bago ko pa man makita ang mga mukha nila. Hindi ko sila kayang tingnan.
Napapikit pa ako nang mariin pero naisip ko rin na kung hindi ko sila kayang harapin. Masasabi ko ba talagang naging tama akong kaibigan kay Mirriam?
Kay Caleb?
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata bago ko unti-unting tinitingala ang aking ulo para tapatan ang tingin nila. Noong nakita ko kung ano ang itsura nila, mas nawala 'yung takot na naramdaman ko kanina sa dahilang iba ang mukha ang inaasahan ko.
"Matagal ka na naming hindi nakita, kumusta ka?" Pangangamusta ni Tito Max na may malambing na ngiti na nakaukit sa kanyang labi. Natulala pa ako sandali bago ko ilipat ang tingin kay Tita Airam.
Kumpara kay Tito Max, para kay Tita Airam.
Ramdam ko na hindi ako welcome sa pamamahay nila no'n pero hindi naman niya ako binigyan ng kahit na anong pangit na treatment.
Pero mahahalata mo sa mata niya na nasasaktan siya kapag nakikita ako kaya ginawa ko ang lahat, makuha lang ang loob niya ulit.
End of Flashback:
Hindi naman ako nabigo. Sa walong buwan na pagpunta punta namin ni Caleb sa bahay nila, nakuha ko ulit iyong buong loob nila.
Pero iyon nga lang, palagi akong nakakakuha ng text mula kay Tita na mag-ingat, huwag lalabas sa gabi o huwag lalayo ganyan ganito.
Minsan nakakatakot na nga buksan 'yung inbox ko but really, I appreciate it.
Nakasunod ako kay Caleb habang papaakyat kami sa barko nang huminto siya at kinuha ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Nginitian niya ako. "Baka matapilok ka. Mahulog ka pa sa iba."
Umawang-bibig ako at umiwas nang tingin bago pa niya ako iginiya ulit.
Nang makaakyat kami ay patakbo akong naglakad papunta sa front deck ng cruise para makita ang tanawin. "Wow…" Mangha kong kumento habang pinagmamasdan ang dalampasigan sa hindi kalayuan.
Hawak ko ang hibla ng buhok ko dahil sa lakas nung hangin. Mataas din kasi rito.
Ugh. Kung iisipin kong sina Tita Airam ang gumastos ng pamasahe ko, nahihiya na lang din talaga ako.
Tumabi sa akin si Caleb. Ipinatong ang siko sa railings bago ibaba ang tingin sa akin. "Gusto mong gawin natin 'yung iconic posing sa Titanic?" Nagsisimula nanaman siyang simplehan ako.
Humarap ako sa kanya ng nakapoker face. "Sabihin mo na lang kung gusto mo lang makatsansing sa akin." Biro ko.
Nginitian niya ako. "Siyempre gustong gusto ko." Sabay hila sa beywang ko palapit sa kanya. Inilapit din niya ang mukha niya sa akin habang napaurong naman ang ulo ko. "Eh, ang ganda ganda kaya ng girlfriend ko." Humagikhik siya. "I'm glad, you fell in love with me." At akma pa niya akong hahalikan nang itulak ko ang mukha niya palayo sa akin.
"Lumayo ka nga! Na sa public tayo!"
Pero pinipilit niyang iharap ang mukha niya sa akin habang nakanguso.
"Eh…? So pwede kapag tayong dalawa lang?"
"2 meters away dapat ang layo mo sa akin mamaya, ah!" Bulyaw ko habang pulang pula ang mukha.
***
PUMASOK NA KAMI sa loob at dumiretsyo sa magiging room namin.
Sabay kaming naglalakad sa hallway nang bigyan ko ng walang ganang tingin si Caleb na ang lawak ng ngiti. Umaabot pa hanggang tainga.
"Ngh." Lumingon ako sa kanya. "Baka gusto mo munang itago 'yang ngiti sa labi mo?"
Pero imbes na itago niya, mas lumapad. Isama mo pa 'yung biglaan niyang pagtawa na animo'y kinikilig. Na-confirm ko na lang na iyan 'yung case noong bigla rin niyang takpan ang bibig niya at muling tumawa. "Kinikilig ako. Malalandi mo na ako."
"Sino may sabing lalandiin kita?" Nahihiya kong tugon sa kanya.
Binuksan na ni Caleb ang pinto kaya pumasok na ako kasama ang maleta ko habang pasunod na si Caleb.
Tulad sa ibang hotel, pagkapasok mo pa lang sa kwartong ito ay kama na kaagad ang makikita. May dalawang sofa sa kanang bahagi 'tapos pahabang couches.
Sa kaliwa naman 'yung lamesa pang kainan. Bale na iisang area lang din pero maluwag. Hindi ganoon kasikip.
Inurong ko ang kurtina na nakasara kaya bumungad sa akin ang asul na karagatan sa labas. Mabagal lang ang takbo ng barko pero medyo malayo layo na kami sa kanina naming kinaroroonan.
Narinig ko ang pag-upo ni Caleb sa kama niya, tig-isa kami ng higaan. Pina-reserved na namin ito nung nakaraan.
"Mahaba-haba pa ang biyahe, magpahinga ka na muna. O gusto mo ba munang kumain? Ipagluto kita," Tugon niya sa akin.
Kaya mabilis akong humarap sa kanya at nag 'no' sign gamit ang dalawa kong kamay. "No, parang-awa mo na. Baka sumabog pa 'tong cruise sa'yo." Kaya niyang gawin halos lahat, maliban ang magluto. Nung nakaraan na sinubukan niyang magluto para magpa-impress sa akin noong na sa bahay siya, muntik na kaming sunugan.
Inalis ko ang suot suot kong White knitting thin coat. Ipinatong ko muna sa kama ko na hindi naman lalayo sa akin.
"Turuan mo na lang ako?"
"Humph. It's fine, ikaw naman madalas umasikaso sa akin kaya ako na lang sa pagluluto." Sagot ko at naglakad, nilagpasan ko na si Caleb at on the way na sa kusina nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko napansin na nandiyan na siya sa likod ko.
Namimilog ang mata ko nang lumingon ako sa kanya. "Caleb?" Tawag ko sa pangalan niya.
Nakatungo lang siya noong dahan-dahan niyang iangat ang kanyang tingin at iharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko. "I'm sorry, but can I kiss you?" Paghingi niya ng permiso ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
Titig na titig lang din siya sa mata ko at gayun din ako sa kanya.
Sandali akong hindi umimik bago ko ilayo ang tingin ko dahil sa hiyang nararamdaman. "I don't want to." I lied. Gusto ko. Ayoko lang siya diretsuhin dahil tinanong niya ako. Nahiya lang ako bigla.
"How can you be so cute?" At lumapat na ang labi niya sa akin. Hindi ako pumalag at hinayaan lang siya habang hawak pa rin niya ang aking pisngi gamit ang kanan niyang kamay.
Ramdam ko 'yung init sa palad niya na dumidikit sa balat ko. Hanggang sa dahan-dahan niyang ibaba iyon sa leeg ko't lumalim ang paraan ng kanyang paghalik.
For some reason, this is different unlike those kisses that he gave me. It's a bit… ticklish.
"Mmh!" A sound came out from my mouth. I felt him staring at me with surprised when he heard that for the first time.
Lumayo siya sa akin habang ramdam ko pa rin 'yung init sa mukha ko. "You're becoming more dangerous…" Inilapit naman niya ang labi niya sa tainga ko. "I might not be able to stop so refrain from doing it again, babe." Wala lang akong sinabi at nanatili lang na nakababa ang tingin.
Lumayo na siya sa akin. "I'll just go and take a shower." Aniya bago ako talikuran para pumunta sa kanyang maleta.
Humawak naman ako sa labi ko bago ako at walang imik na nakatayo nang magpasya akong pumunta na nga sa kusina.
*****