Chereads / Platonic Hearts / Chapter 49 - Caleb’s Route VIII - No Hesitation, No Buts 

Chapter 49 - Caleb’s Route VIII - No Hesitation, No Buts 

Chapter 48: Caleb's Route VIII - No Hesitation, No Buts 

Haley's Point of View 

    Kinagabihan. Ilang oras pa bago namin marating 'yung 

Oh-La-La Island. Nanood lang kami ni Caleb ng movie gayun din ang paggala gala sa buong barko't nag take ng ilang pictures bilang remembrance habang naghihintay na makarating. 

  Ngayong alas otso ng gabi at kaliligo ko lang. Ramdam ko na iyong antok lalo pa't medyo relax na rin talaga ako sa malambot kong kama. 

Nakapatay rin ang mismong ilaw at tanging iyong dim light lamang ang liwanag namin. 

  Nagpupunas ako ng buhok ng aking tuwalya nang buksan ni Caleb ang pinto. 

Kumuha siya ng drinks namin sa vending machine sa labas dahil nasabi ko kasing gusto ko ng Pine Apple Juice kahit hindi talaga ako fan ng drink na iyon.

  Inabot niya ang inumin habang kinuha ko naman. Napatingin ako sa hawak niya. "Iinum ka?" Tukoy ko sa beer-in-a-can na hawak niya. "Ngayon lang yata 'yan, ah?" 

  Pabagsak siyang umupo sa edge ng kama niya at tumingala sa akin para ngitian ako. "Oo, okay lang ba?" Tanong niya sa akin. He's asking permission again. 

  Nanatili lang din ang tingin ko sa kanya nang ibaba ko ang tuwalya kong ipinagpupunas ko sa basa kong basa. "Actually, I didn't mention this but you don't need to get my approval every time we're together. You're my boyfriend, you can still do whatever you want." 

  "But I will be your husband in the future, I have to know what are your do's and don'ts." 

  I blushed. This guy, really… 

  Pumaharap ako ng tingin. "W-Well, I mean alam mo naman kung ano ang tama sa mali o kung kailan ka magli-limit. Hindi na kita kailangan pang sabihan sa mga ganoon. You have your own decisions and choices." At ipinagpatuloy ko na ulit iyong pagpupunas ko sa tuwalya ko habang nakapikit. Ang bigat nung mata ko sa sobrang lakas ng hangin kanina sa peak nung barko. 

  "…" Napamulat ako mayamaya nang maramdaman ko ang pagpunta niya sa aking kama at tumabi sa akin. Binuksan niya iyong beer-in-a-can niya at ininum. 

  Pinapanood ko lang iyong paraan ng paglagok niya nang ibaba ko ulit ang tingin at tumingin sa kaliwang bahagi upang makaiwas ng tingin sa kanya. "Hindi ba't sabi ko sa'yo lumayo ka sa akin ng ilang inch?" Simangot kong sabi pero humahagikhik siya. 

  "Ayoko, gusto kita katabi." At binunggo pa ni Caleb ang braso ko. "Love you." Paglingon niya sa akin na may malapad na ngiti at muling ininum ang beer niya. 

  Wala lang ako sinabi at nanatiling nakalayo lamang ang tingin. 

Pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko gayun din ang malakas na pagtibok ng puso ko. 

Sa ilang months na magkasama kaming dalawa ng lalaking ito, ngayon lang talaga kami nagkatabi ng ganito sa kama at ganitong oras. Hindi naman sa nagiging conservative ako pero may pakiramdam kasi ako na mayroong mangyayari once na kaming dalawa lang sa iisang kwarto't magkasama sa kama. 

  But you see, I'm doing my best to be calm… and I'm not saying that being in the room with your boyfriend is making me excited-- 

  "Hailes--" 

 

  "Mmh! Bakit?" Mabilis kong pagtugon, medyo na-surpresa siya ayon sa ginagawa niyang expression pero nginitian din ako pagkatapos. 

  "By any chance, are you nervous?" Diretsyong tanong niya na mas nagpabilis sa tibok ng puso ko, Medyo natataranta ako kasi obvious na pala. 

 

  "H-Hi--" Natahimik ako sandali noong may maalala ako. Naisip ko na wala na rin namang dahilan para I-deny ko pa. And we promised each other to be more open now that we're already in a relationship. No more secrets. 

As much as possible, if there's something we want to tell or express, we have to do it. No hesitation, No Buts. 

  Pasimple akong nagbuga ng hininga kasabay ang kaunting pagbaba ng tingin. "Medyo." Sagot ko at tiningnan siya sa gilid ng mata ko. 

  Tulad ko, he's also looking at me from the corner of his eyes. 

Pero pinaharap niya rin at mabilis na nilagok ang beer dahilan para mapalingon ako sa kanya bigla sa gulat. 

  Naubos niya iyon matapos ang ilang segundo, then he clenched the empty can and put it on the table at my side. 

  Tumabi ulit siya sa akin at inayos ang kanyang pwesto. "I won't do anything to you if you're not okay with it," Umakbay siya sa akin at inihiga ako sa ulo niya. Ramdam ko rin ang kanyang paghalik sa aking ulo. "It's true that you're sexually attractive to me," Umakyat kaagad ang dugo sa mukha ko pagkasabi pa lang niya iyon. "You're beautiful and all and there are times that I… really want to do it. With you." Ibinaba niya ang kamay niya papunta sa aking braso at pinisil iyon. "But because I love you that I don't want to hurt you from my possible actions." 

  Wala talagang time na hindi pinaparamdam ni Caleb na hindi ako special sa kanya. Every words he let out from his mouth, direkta talaga sa puso ko. He's always honest with his feelings to the point that I also want to express what I really feel. 

I love him tipong kahit ang corny na ng mga sinasabi niya minsan, pinapakilig pa rin ako nito. 

  Is this how love works? Iyong tipong nako-corny-han ka dati pero nung na in love ka, napapatawa't napapangiti ka na kaagad nito? 

  Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at niyakap siya nang mahigpit. 

Naramdaman ko ang kaunti niyang pagka surpresa pero niyakap na lang din ako pabalik. "I love you too, baby ko." 

  Hinampas ko lang siya sa dibdib niya na nagpatawa sa kanya. 

*** 

  KINAUMAGAHAN NANG marating na namin ang destinasyon namin. Ang Oh-la-la island. 

  Hawak-hawak ko ang handle ng maleta ko habang pagala-gala ang tingin sa paligid. Nakasuot na ako ng shades dahil iba rin talaga ang tirik ng araw rito. Sobrang init. 

"Ang sexy naman nito. Pahingi nga ng number, Miss." Sabay sundot ni Caleb sa tagiliran ko. Dumikit iyong daliri niya sa balat ko, Croptop Sleeve kasi itong damit ko habang tinalian ko lang sa harapan. Ta's nakasuot lang ng fitted blue jeans. 

  Pinalo ko nga iyong likurang palad niya. "Shut it." 

  "Haley! 'Nak!" Tawag ni Tita Airam na papalapit sa amin kaya humarap kami sa kanya ni Caleb, na iyon namang kasabay ng pagyakap ng Mama niya sa akin. "Buti nakarating na kayo, hinihintay na kayo nila Julius." At humiwalay na si Tita Airam sa akin. 

  "Ako, Ma? Wala bang hug?" Caleb asks as open his arm to give his Mom a hug pero iginiya lang ako ni Tita, ignoring his son. 

  Tinanong ako ni Tita Airam kung ano iyong gusto kong breakfast habang iniwan lang namin si Caleb sa likod. "Luh, 'di na ako love." At sumunod na nga si Caleb habang pasimple ko lang siyang nilingunan nang mapahagikhik din ako. 

*** 

  WE SPENT OUR time together with Caleb's family at Oh-La-La Island. 

We did Snorkeling, sailing of boats, mag hike sa mga passage peak and etc.

Tipong mas nakikilala ko pa nang lubos ang pamilya ni Caleb. 

  Realizing that I'm one of the lucky person in the world. After losing almost everything, then met my friends afterwards, the Trinity6 which I still find it funny until now. I found a second-- or I must say third family that I can spend my time with. 

  Hawi-hawi ko ang buhok ko't nakaipit sa tainga dahil sa lakas ng hangin habang kasalukuyan kaming pabalik sa main island ng Oh-La-La noong lapitan ako ni Airiam. 

  Siniko niya ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya tsaka niya ako binulungan. "Did you guys do it?" Tanong pa lang niya pero alam ko na kaya mabilis akong lumayo sa kanya. 

  "N-No!" Mabilis kong sagot at umiwas ng tingin. "N-Not yet." Nauutal kong sagot kaya binigyan ako ng mapang-asar na ngiti ni Airiam. 

  "So you guys are still planning to--" Tinakpan ko na ang bunganga niya para hindi na makapagsalita. 

  Narating na namin ang dalampasigan ng main island, at imbes na sumama kami pauwi kina Tita Airam dahil sunset na rin ay nagpaiwan na muna kami ni Caleb dito at sinabing susunod na lamang. 

  Nginisihan ako ni Airiam gayun din ni Jean. "Use protection, Jin." Paalala ni Jean na tinawanan ni Airiam habang hinampas lang ni Tita Airam 'yung braso ng kambal ni Caleb bilang pagsaway habang namula lang ako. 

 

  "Mommy. Why do they need to use protection? Are they going to a fight?" Inosenteng tanong ni Julius na nagpatungo na sa akin. 

  "Sword and Flower fight, darling." Proud pa na sagot ni Jean na may pagpapameywang pang nalalaman kaya mas hinawakan na siya ni Tita Airam sa pulso at hinila paalis.

  "Huwag mo nga tinuturuan 'yung kapatid mo ng kung anu-anong bata ka!" Pasuway na sabi ni Tita habang buhat buhat si Rain na kinakawayan lamang ako. Ngiti ko naman siyang kinawayan pabalik pero napatingin din kay Tito Max dahil nakita ko ang pagkindat niya kay Caleb. 

  Kaya ako naman itong pasimpleng tiningnan ang mokong. Naka thumbs up siya kaya napasimangot ako. 

  Hoy… 

*** 

  WE WALKED at the side of the beach while watching the other tourists happily spend their vacation together. Isa isa ring nagsisibukas ang ilaw ng post lights ngayon pa mang malapit na ang paglubog ng araw. 

  Caleb is holding my hand, leading me to somewhere we can stay for a bit pero hindi rin lalayo kung nasaan ang hotel na pinag check in-an namin. 

 

  "What are the things you want to do in the future?" Panimulang tanong ni Caleb habang patuloy pa rin sa paglalakad namin. Lumingon siya sa akin pagkatapos ng hindi inaalis ang tingin niya. "…with me?" He added. 

  Nakatingala ako sa kanyang nakatingin noong taas-kilay ko siyang nginitian. "Do we still need to think that right now if we could just…" I shrugged. "Do new things together?" Sagot ko naman na nagpatawa nang kaunti sa kanya. 

  "I'm excited to graduate, work and… build a family with you." 

  Dahan-dahan na iyong paglalakad namin niyon nang huminto ako at humarap sa kanya. Hinarap din niya ako. "Caleb… Are you… really sure with me?" Hindi ko siguradong tanong. "I-I mean… Ilang buwan pa lang tayo pero mag-iisang taon. Tingin mo ba ako na talaga para sa'yo?" Tanong ko. 

  Kinuha pa niya ang isa kong kamay. Iginala gala niya ang kanyang hinlalaking daliri sa dalawang likurang palad ko habang nakatingin siya ro'n. 

Pagkatapos ay inangat ang tingin sa akin. "I've been simping for you for how many years, Hailes." Sagot niya. "Naalala mo? Since you transferred E.U… until now, ikaw na talaga, eh." Aniya. "And just like what I told you, matagal na kitang kilala. Hindi mo lang ako naaalala." 

  I had a dream before na hindi ko magawang makalimutan. 

It was that boy who was trying to defend me with those kids from other school. 

Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin masyado dahil… Iniisip ko na isa lamang na false memory-- or probably just a dream kung saan nangyari lang iyong happenings nung tulad ng kay Reed pero magkaibang scenario. Pero kung iisiping maigi? 

  Hindi nga lang pala si Reed iyong kauna-unahang tao ang sumubok na pumasok ulit sa sinarado kong mundo. 

  Si Caleb din pala. 

  "Hey, a girl shouldn't be alone in this place." Naalala kong boses ng lalaking iyon, naalala ko rin kung paano niya ako bigyan ng reassuring na ngiti para lang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko kahit na ang dami naman niyang galos sa mukha mula sa pagkakabugbog sa kanya nung tatlong estudyante. "Huwag kang mag-alala. Babantayan kita palihim dito kung dito mo feel na tumambay kapag nalulungkot ka, ta's bugbugin natin kapagka tatangkain kang awayin." 

  All along, Caleb is there from the start. Hindi ko lang siya napapansin. 

  Binalik ko na buong atensiyon ko kay Caleb na diretsyo pa ring nakatitig sa akin. "And now that you're finally mine, I won't ever let anyone take you away from me." He held my cheeks and leaned towards to plant a kiss on my neck. "You're mine, babe." 

  After he said those lines, the fireworks was lit up and exploded and scudding up into the sky. Creating beautiful sparkling shapes and noises. 

  Both of us turned our way to look at those colorful scenery as the sun goes down, making the sky turned dark. 

 

  "Beautiful." I commented, hindi inaalis ang tingin sa kalangitan na patuloy pa rin sa paggawa ng magagandang fireworks display.

  "So as you." Puri ni Caleb at pumunta sa likod ko. Susundan ko pa sana siya ng tingin pero bumungad sa akin ang isang necklace. Isinuot niya iyon sa akin habang inangat ko lang ang buhok ko para hindi maging harang sa paglalagay niya niyon sa akin. 

 

  Ibinaba ko ang tingin sa necklace na ngayo'y na sa dibdib ko na. Ngayon ko lang nakita nang maayos pero Silver moon ito. 

Namilog ang mata ko dahil doon habang bumalik na sa tabi ko si Caleb at nginitian ako. "Happy 8th monthsary." Bati niya sa ikawalong monthsary namin. 

  Bukang bibig lang akong nakatingin sa kanya dahil sa pagkagulat. "Pfft--!" Taka niya akong tiningnan. Walang ideya kung bakit para akong natatawa noong paharap ko siyang nginitian tsaka ko inilabas ang maliit na box mula sa sling bag na dala ko.

  Napatingin din si Caleb doon at nagulat noong makita niya kung ano ang laman. 

  Necklace rin ito na may disenyo ng Sun of Gold. 

  Humagikhik ako. "Happy 8th monthsary." 

Nakatulala lang siya sa necklace na pinapakita ko sa kanya nang iangat niya ang tingin sa akin. 

  And then, he grabbed me by my waist and gave me a kiss on the lips. 

My eyes is widely open when I slowly relax myself and decided to close my eyes. 

 

  Caleb and I supposedly give our gift-- the necklace in our anniversary. 

But maybe… Because we have the feeling that wouldn't be together after this vacation. We decided to give it early than what we are expected. 

*****