Chapter 34: Resolute
Haley's Point of View
"Miles. Paabot na ako ng tabo, ang kati na ng puwet ko." Walang gana akong nakatingin sa sarili ko sa salamin habang hinihintay na mapuno ang tubig sa tabo na hawak ko para iabot kay Rose pagkatapos.
Samantalang takip takip naman ni Claire 'yung ilong niya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa cubicle kung nasaan si Rose. Tapos na siyang mag banyo.
"Seryoso, ilang araw kang nagpigil? Amoy bulok na itlog 'yang dumi mo, ang baho!" Kumento ni Claire dahilan para tingnan ko siya gamit ang gilid ng mata ko.
"May tae bang mabango?" Tanong ko at isinara na ang gripo para ipasa kay Rose ang tabo mula sa ilalim ng pinto ng cubicle niya. Hawak ko na rin 'yung ilong ko dahil habang lumalapit ako, mas naaamoy ko na ang kamatayan.
"Oo, tae ko." Sagot ni Rose habang umaalingawngaw ang boses niya sa banyo. "Pwede pang air freshener." Dagdag niya kaya tumayo na ako nang maayos tsaka ko sinipa 'yong pinto.
"Umayos ka nga." Suway ko at humalukipkip. "Tsaka nagpasama ka lang para may mag-abot sa'yo ng tabo? Unbelievable."
"Hindi mo ba ginagawa 'yan kina Kei?" Tanong ni Rose kaya tumingala ako para isipin 'yung mga scenario every time na magbabawas sila Mirriam at Kei. Medyo may pagka conservative sila.
Umiling din ako pagkatapos kahit hindi naman niya ako nakikita. "Hindi. Mayroong bidet shower sa banyo natin kaya hindi nila need ng may mag-aabot sa kanila ng tabo, ano?"
"I know, right? Kaya magtataka ka kung bakit tabo lang dito, eh. Yuck, mayaman pa rin school natin." Pang-iinsulto nung bruha.
Bumuntong-hininga si Claire. "Sige, ituloy mo 'yan 'tapos may makarinig sa'yo."
Tumawa naman siya. "Joke lang!" Biro niya tsaka namin siya naririnig na magbuhos.
"Bilisan mo na diyan. Baka may pumasok." Nahihiya kong sabi habang napapikit naman si Claire.
"Hayaan mo! Sa college, wala ng hiya hiya. Tumatae rin sila."
Humagikhik ako. "Ewan ko sa'yo, pero tama ka rin naman." Pagsang-ayon ko bago siya lumabas matapos ang ilang minuto.
"Iyan, nakaginhawa rin." Bungad niya sa amin habang naririnig namin 'yung pag flushed nung inodoro. Nakasandal lang kami sa edge nung marble sink at pareho pa ring nakatakip ang ilong.
"Whoo, lakas ng amoy." si Claire.
"Sa susunod, hindi na ako sasama sa'yo kapagka magbabawas ka." Biro ko pero tinawanan lang niya kami.
"Hindi pwede, kaibigan ko kayo kaya dapat samahan n'yo ako!" Simangot niyang sambit at nagpameywang. "Huwag kayong mag-alala, sasamahan ko rin kayo kapag magbabawas kayo." At binigyan niya kami ng malaking thumbs up kasabay ang kanyang malawak na pag ngiti.
"It doesn't make us happy." Si Claire.
***
LUMABAS NA KAMI ng banyo. Naglalakad kami nang huminto kami dahil sa pagtigil ni Claire.
"Pwede bang bumili muna tayo ng maiinum sa labas? Bigla akong nauhaw." Tanong ni Claire kaya humarap ako sa kanya.
"Mmh." Pagtango ko. "Bibili na rin siguro ako ng lollipop." Humarap ako kay Rose. "Ikaw? Pwede ka naman ng bumalik."
"Bakit parang ayaw mo 'kong kasama?" Parang nagtatampo na tanong ng bruhang 'to kaya may kung anong pumitik sa sintido ko dahil maliban sa clingy niyang ugali, nabu-buwisit ako sa pagnguso niya.
"Tigilan mo 'ko sa pag pout pout mo diyan, ah?"
Kumapit siya sa braso ko kaya ramdam na ramdam ko 'yung dibdib niyang iniipit ako. I'm feeling defeated for some reason.
"Ang cute cute mo kapagka nahihiya ka." Pang-aasar niya kaya tinulak ko 'yung mukha niya palayo sa akin.
"Cut it off."
Lumabas na nga kami sa building para puntahan 'yung pwedeng mapagbibilhan ng tubig. Medyo napalayo pa nga kami kasi maliban sa nandoon pa sa dulo ang mga kainan, ang lawak at haba pa ng kailangan naming lakarin, makalabas lang kami sa area.
Narating na namin 'yung kainan, may mga nagbebenta ng mainit na mais sa kaliwa gayun din ang mga fish ball-an. Sa kanan naman 'yung puro canteen.
Humakbang kami nang kaunti. "Parang gusto kong kumain ulit." Sambit ni Claire na tinanguan ko bilang pagsang-ayon.
"Kahit ako." Sabay kapa ng wallet sa bulsa ng jacket ko. "Buti dala ko wallet ko."
"Pero unfair yata sa apat kung tayo lang kakain."
"Gusto n'yo bang i-text?" Tanong ko. Kasi tama nga naman, ang unfair kung kami lang kakain.
"Wala akong load." Si Rose.
"Don't bother. Huwag n'yo na lang din ipaalam na kakain tayo." Sabi ni Claire bago maunang maglakad sa gusto niyang kainan.
Pareho kaming napa-bored look ni Rose. "Sino nga 'yung matanda sa 'tin dito?" Tanong ni Rose. "Hindi ka dapat ganyan sa mga underclassman mo, ano?" At sumunod na nga kami kay Claire.
"Isang taon lang naman 'yung tanda ko sa inyo." Sagot ni Claire.
Kasabay ko lang 'yung dalawa sa paglalakad at nakikinig sa mga kwentuhan nila noong iharap ko na lamang ang tingin ko dahil napansin ko na may ibang estudyante rin pala na ang nandito. Mukhang pinili nilang kumain kaysa ang makinig sa seminar. Ang boring din naman kasi, tsaka malamig. May iba ngang natutulog na lang, eh.
Karamihan lang sa mga nakikinig ay 'yong mga estudyante sa harapan. Sila rin 'yung madalas na matawag kumpara sa mga estudyante sa likod.
Bale kung hindi ko pa nasasabi, pero nakasuot kami ng mga respective uniforms namin to represent the school. Kaya mga naka long socks kami kasi malamig din sa loob nung auditorium.
"Ah-- sila 'yung mga estudyante sa E.U."
"Totoo nga 'yung mga sabi sabi, walang pangit sa skwelahan na 'yon."
Rinig naming sabi nung mga estudyante pagkadaan namin sa kanila. Napatingala ako ng wala sa oras. Binabase na lang ba lahat sa physical appearance?
"No idea kung saan nila napulot 'yan pero," Ibinaba ko ang tingin kay Rose nang mag pameywang siya. "Totoo naman 'yung sinasabi nila." Dagdag niya at ipinatong ang baba (chin) sa naka-pogi sign niyang daliri na animo'y masyadong na-overwhelm sa narinig namin.
"Hmm," Tila para namang naging pusa kung tingnan si Claire dahil sa ginagawa niyang itsura 'tapos ay nilingon kami ni Rose. Tinuro rin niya sarili niya. "Maganda ba ako?" Tanong niya dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"Hindi ako madalas mag comment ng mga compliments but you're pretty." Puri ko.
Tumangu-tango naman si Rose. "True, true! Wala bang nagsasabing maganda ka?" Takang sabi ni Rose.
Namula naman ang mga pisngi niya bago dahan-dahang ibinaba ang tingin kasabay ang paghawi nung hibla ng buhok niya na bumagsak.
"M-Mayro'n naman pero ano lang… hindi lang ganoon kataas 'yung confidence ko sa mga ganyang bagay."
Sa hindi malamang dahilan ay tila para namang may biglang tumibok sa puso ko, hindi lang ako pero pati yata si Rose dahil sa biglaan niyang paghawak sa dibdib niya. 'Tapos ay bigla na lang niyang niyakap si Claire tsaka niya ikiniskis ang pisngi niya sa pisngi nito. "Adorable! Gusto kitang pakasalan!"
Mas lalong namula si Claire dahil dito. "Wai-- Hey!" Nahihiya siya pero hinahayaan naman niya si Rose.
Ngumiti lang ako 'tapos ay lumingon sa kanang bahagi. "Tara, ano gusto n'yong kumain?" Tanong ko.
Caleb's Point of View
Nakasalong baba lamang akong nakikinig sa seminar habang hinihintay si Haley na bumalik matapos nilang umalis nila Rose ilang minuto ng nakakalipas.
Mula rito sa pagkakaupo ko, kahit na sabihin kong nakikinig ako sa sinasabi nung tao sa harapan, lumilipad din ang isipan ko.
Napapangiti dahil sa bawat pagpasok ni Haley sa isipan ko.
'Yung ngiti, tawa, nandidiri, bored, naiinis o nagagalit niyang mukha ay nakikita ko sa isipin ko.
Gaano na nga ba katagal simula nung mahulog ako sa kanya? Kakaiba lang, ano?
Pinagtutulakan niya ako pero heto ako't hinahabol siya. Totoong hindi ako aso pero handa kong gawin kung ano iyong gusto ko.
Kasi kapag nag desisyon akong sumuko, ibig sabihin ay tapos na.
Alam ko naman kung kailan ako susuko o hindi, eh.
Sa ngayon, ginagawa ko lang kung ano 'yung gusto kong gawin. No hard feelings kapag hindi nagtagumpay 'yung gusto ko.
Kinuha ko 'yung phone ko para tingna ang selfie namin ni Haley noong pinayagan niya akong makipag date sa kanya.
Humagikhik ako. Mahirap kang sukuan, Haley.
Masyado na akong nabighani sa ngiti mo, tipong gusto ko na ako ang magiging dahilan niyan sa susunod.
Itinago ko na ang cellphone sa bulsa ko at pumaharap ulit ng tingin.
Alam ko naman sa sarili ko na naba-bother ko na si Haley, pero kung hindi kasi ako gagalaw ngayon habang wala pang nangyayari sa dalawa, baka pagsisihan ko. Kaya habang wala pang namamagitan kay Reed at Haley, kikilos na ako.
Tumayo na ako. "Magbabanyo lang ako," Paalam ko kina Jasper para alam nila kung saan ako pupunta kahit ang totoo ay susundan ko sila Haley medyo ang tagal na nilang wala. "Babalik ako kaagad."
"Baka maagawan ka niyan ng upuan. Eh, marami pang 'di nakakapasok." si Jasper.
"Okay lang, pwede naman akong tumayo. Bantayan n'yo na lang upuan nila Rose." Wika ko at kinuha ang bag ko, handa ng humakbang paalis nang maramdaman ko ang pagtayo nung isa.
Tiningnan ko ang taong iyon gamit ang gilid ng aking mata. "Sama na ako," Panimula niya habang ramdam ko 'yung matalim na paraan ng kanyang pagtingin. "Kailangan ko rin magbanyo." Dagdag niya kaya ibinalik ko sa harapan ang aking tingin at ngiti na umismid.
"Sige." Tipid kong sagot bago ako lumakad gayun din si Reed na sumunod sa akin. Naririnig ko pa si Jasper na tinatawag kami pero hindi lang namin pinansin.
Dumiretsyo lang kami sa banyo ayon sa naging sambit kanina, at kahit hindi naman ako ganoon naiihi ay ginawa ko pa rin tutal may kaunti namang naipon. At kung ipapahalata ko na iba talaga ang pakay ko, baka gumawa rin siya paraan para pigilan 'yung gusto kong mangyari.
Huminto ako sa tapat ng men's toilet at ibinaba ang zipper ng slacks ko. Tumabi rin si Reed sa akin at ibinaba ang zipper niya. Pareho lang kaming nakaharap ang tingin noong pasimple kaming nagkatingnan bago ibinaba ang mata namin para silipin ang bagay na hindi na dapat pang pakielaman. "Ang pangit tingnan." Insulto niya sa pagkalalaki ko.
"Supot." Ganti ko.
Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi mo pwedeng ipagmalaki 'yan sa babae."
Ngumisi ako. "Oh, talaga ba? Bakit? Ikaw ba? Paano mo maipagmamalaki 'yang maliit mong t*t*, ha?"
Namula naman siya sa naging sambit ko. "Hoy. Bulag ka ba para sabihin mong maliit 'yung sa akin?"
Isinara ko na ang zipper ko matapos kong gawin ang dapat na gawin 'tapos ay humarap sa kanya. "Mahaba lang 'yan, hindi mataba." Humakbang ako para tumapat sa tabi niya. "Hindi sapat para pasigawin 'yung babae." Pang-aasar ko bago ko siya lagpasan.
Kumaway ako nang hindi siya nililingunan. "Kakain na muna ako, pasabi na lang kay Jasper." Paalam ko't lumabas na sa banyo. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa aking bulsa.
Hindi pa nga ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga patakbo niyang yabag. "Jin!" Malakas niyang tawag sa akin kaya huminto ako. Lumingon ako sa kanya, pulang pula ang mukha niya.
Tinuro niya ako. "Hinding hindi ako magpapatalo sa'yo!"
Sandali pa akong nakatingin sa kanya noong labas sa ilong akong ngumiti. "So do I."
Dito na talaga magsisimula 'yung laban natin, Reed.
*****