Chereads / Platonic Hearts / Chapter 36 - Haley's Confession

Chapter 36 - Haley's Confession

Chapter 36: Haley's Confession

Haley's Point of View 

  "Hindi ba't nasabi mo sa amin dati 'yung mga players mo lang sa league 'yung madalas mong kasama?" si Rose habang nag-aalis ng damit niya dahil maliligo na kami. Nandito pa kami sa locker room, katabi lang nito 'yung shower. Kumpara sa E.U. mas open ang liguan nila. May harang pero walang pinto-- walang privacy. "Ni isa bang girl friend, wala ka?" Babaeng kaibigan 'yung tinutukoy niya.

  Isinara ni Claire ang locker at walang ganang tiningnan si Rose. "Wow, 'di ka talaga hesistant tanungin sa akin 'yan, ano?" Taas-kilay na tugon ni Claire tsaka naman inalis ang buttones ng sleeve niya. "Wala. Kung magkakaroon man, hindi ko siya trip." 

  "Oh ~ Selective ka pala, ibig sabihin kaya ka namin naging kaibigan ngayon kasi trip mo kami?" Panimula ni Rose sa pang-aasar niya kay Claire at itinapat ang mga palad sa labi niyang naka curl. Siniko-siko rin niya ang braso ni Claire. "Aminin, aminin." Pangungulit nito dahilan para irapan siya ni Claire. 

  "Shut up. Having a weird person as a friend is fun. That's all." Nahihiyang tugon ni Claire na tinawanan ni Rose. 

  Nilingunan ko naman silang dalawa. "Mauuna na ako, bilisan n'yo diyan." Paalam ko at tumalikod na para pumunta sa shower room. 

  "Hoy, hintayin mo na kami!" Pagpapahintay ni Rose pero iniwan ko na sila.

  Binuksan ko ang shower faucet nang marating ko ang shower room at nang makapwesto ako. Inalis ko ang towel na bumabalot sa katawan ko't isinabit sa hindi mababasa. 

Tumapat na ako sa bumabagsak na tubig at tumungo. Humilamos tsaka huminga nang malalim bago ko hawakan ang dibdib ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto sa pagtibok nang malakas. 

  Ang sabi nila, kapag tumitibok ang puso ng isang tao, in love sila. But I think that's not the case. Hindi lahat. May partikular lang na pangyayari kaya hindi matigil 'yung pagtibok ng puso natin. Marahil dahil sa gulat, adrenaline rush, pagkakaba o takot. 

  Kasi alam ko sa sarili ko na hindi. Alam ko kay Reed lang 'to. Nagkaka ganito lang ako dahil… siguro biglaan. Hindi rin naman ako madalas mahalikan-- hindi ko rin maitatanggi na nagkaka ganito ako dahil sa virgin akong babae. At walang masama roon. 

  "Geez. Talagang iniwan mo nga kami." Nguso ng naka robe na si Rose kasunod si Claire na nakatapis lang din ng tuwalya. Nakalingon lang ako sa kanila. 

Sa ngayon, hindi ko muna iisipin 'yung nangyari. I have to look forward, I have to tell Reed what I really feel para wala na akong iisipin kay Caleb. Para matigil na. 

  "Nandito na rin naman kayo, eh. Okay lang 'yan." Ngiti kong tugon. Napag gigitnaan namin ni Claire si Rose. 

  "Wala naman sigurong required na damit sa welcome party, 'di ba?" Pag-alis ni Claire sa tuwalya niyang nakatapis. Nakasilip lang ako mula rito at kahit hindi ko nakikita lahat, alam kong mas malaki iyong kanya kaysa sa akin. 

  "Wala. Casual lang, pero bawal shorts. Pero pwedeng skirt." Sagot ni Rose bago niya tuluyang alisin ang tuwalya niya na siyang nagpasigaw sa amin ni Claire at dumungaw sa cubicle niya. 

Nagulat naman siya dahil doon dahilan para pabalik-balik ang lingon niya sa amin ni Claire. "Nakakagulat naman kayo. Bakit kayo biglang sumigaw?" 

  "A-Alam kong mas malaki 'yung dibdib mo kaysa sa akin pero," I paused. Napahawak kasi ako sa dibdib ko. 

  "Wala akong ideya na may ilalaki pa pala 'yang dibdib mo. Cup F?" Namamangha na kumento ni Claire. 

  Tinakpan naman ni Rose ang dibdib niya ng isa niyang kamay at humawak sa likurang ulo. "Kayo naman, fina-flatter n'yo ako." Animo'y may tubig kung umalog ang dibdib niya dahilan para mapa-bored look ako. "Maliit lang kasi 'yung sa inyo kaya mukhang ang laki nung sa ak-- Ah! Ang init, Miles!" Tinapat ko kasi sa mukha niya 'yung shower. 

*** 

  NATAPOS NA KAMI sa lahat-lahat kaya ngayon ay pumunta na kami sa lobby kung saan nga kami magkikitang lahat para sabay-sabay na pumunta sa kabilang building. 

  Pareho lang kaming nakapantalon ni Claire at simpleng blouse habang naka skirt naman si Rose at hoodie. 

Ganoon din ang mga lalaki. Nakasuot ng pantalon si Reed at simpleng itim na V-neck. Naka shorts naman si Caleb at naka fitted na puting sando kaya bumabakat din 'yung abs na nakatago sa likod ng saplot. Pati rin 'yung muscles niya sa braso ay makikita. 

  Pasimple akong humawak sa noo ko. Bakit iyon pa napansin ko? 

  Si Jasper naman ay naka brown lang na shorts at short sleeve polo na naka-open para makita ang puting shirt sa loob. Parang animo'y na sa night party. 

Pero si Aiz? Binonggahan niya. 

  Tinapat niya likurang palad niya sa bibig niya na handang tumawa. "Oh hohoho! Ngayon, marami ng magkakadarapa sa akin." 

  "O-oo nga." Nauutal na sagot ni Jasper at tumangu-tango pa. 

  "Baka imbes na magkandarapa, matakot sa'yo." Pang-aasar ko. 

  Mabilis naman siyang lumingon sa akin para bigyan ako ng nanggagalaiti niyang tingin. Pero umiwas lang ako ng tingin. 

  Pumalakpak ng tatlong beses si Sir Santos. "Stop chitchatting, wala na ba kayong nakalimutan? Mamaya pa tayo ulit babalik dito." 

  "Wala na po." Sabay-sabay naming sagot pero nag check pa rin ako ng gamit dahil baka mamaya may nakalimutan ako. 

  "Tara na. Nandoon na sa kabila si Ma'am Puccino." Naglakad na si Sir Santos kaya sumunod na rin kami. 

Sa paglalakad namin, tumabi si Caleb sa akin kaya bigla akong na-conscious. 

  Wala naman siyang ginagawa at na sa tabi ko lang na nakikipagkwentuhan ngayon kay Jasper pero kapag alam kong magkalapit kami, parang hindi ko maiwasang mailang. 

Kaya huminga ako nang malalim at umarte lamang na walang nangyari. Kinausap ko na lang sila Claire at Rose na nandoon sa unahan ko. Sumabay sila sa akin para maging maayos ang kwentuhan habang naglalakad kami papunta sa kabilang buildig. 

  Sa kalagitnaan ng pagku-kwentuhan ay napansin ko si Reed na nandoon sa harapan na nakapamulsa. Ang layo ng tingin niya kaya nakikita ko ang side view ng mkha niya. Mula rito ay parang hindi siya masaya kung tingnan. Mukha rin siyang iwas ngayon, tila parang may bumabagabag. 

  I think I should talk to him. 

  "Ree--" Napatigil ako sa hindi malamang dahilan. Kaya 'yung iaangat ko sanang kamay para abutin siya ay hindi na lamang natuloy at ibinaba ko na lamang kasabay ang dahan-dahan na pagtungo. 

  Biglang pinatong ni Caleb 'yung kamay niya sa ulo ko kaya bigla akong napatingala sa kanya. Nakababa ang tingin niyang nakangiti sa akin. "Talk to him." 

  Eh? 

  "Huwag ka mag-alanganin. Kung gusto mong gawin ang isang bagay, gawin mo." Dagdag ni Caleb kaya mas naguluhan ako. Bumagal ang lakad naming pareho kaya na sa likuran na kami ng mga kasama namin. 

  "Bakit?" Nagtataka kong tanong. "Gusto mo 'ko pero bakit mo ako hinahayaan?" Dugtong ko. 

  Mas luminya ang ngiti niya. "Bakit? Gusto mo bang maging selfish ako ng tuluyan?" Tanong niya sa akin na iniling-ilingan ko. 

  "That's not what I'm saying." 

  Ngumiti siya nang matamis. "Totoong gusto kitang maging akin, pero ang gusto ko rin ay magawa mo 'yung gusto mong gawin ng walang pumipigil sa'yo." Kinuha niya ang hibla ng buhok ko. "Kasi," Inamoy niya ang buhok ko kaya namilog ang mata ko. "…mahal kita." 

  Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa salitang lumabas sa bibig niya. 

Alam kong nababanggit niyang gusto niya ako o ano pero ito yata 'yung salita na alam kong, 

  …galing mismo sa pinakailalim ng puso niya. 

  Sandali akong tumitig sa kanya nang labas sa ilong akong ngumiti. Yep, I'm not in love with him. My heart's not throbbing so fast unlike earlier. "Thank you." 

  Dahan-dahan niyang ibinaba ang hibla ng buhok ko at muling ipinatong ang kamay sa ulo ko para himas-himasin. Subalit bigla nanaman siyang ngumisi. Iyan nanaman siya… 

  "Pinagbibigyan ko siya pero hangga't wala pang nagmamay-ari sa'yo, gagawin ko pa rin 'yung gusto ko." Hinawi niya ang buhok ko para maiipit sa tainga. 

  Hinampas ko naman ang kamay niya. "Geez. Fine! Kung hindi ka lang kapatid ni Mirriam, eh." 

  Tinawanan lang niya ako. "Then I consider myself lucky" Biro niya kaya natawa na rin ako. 

*** 

  NAGKAROON NANG panandaliang flag ceremony, prayers, presentation bago mangyari ang mismong welcome party. Dito kami nakatapak sa bermuda grass habang may iba't ibang putahe ang nakahanda sa bawat lamesa. Maliwanag mo ring makikita ang iba't ibang kulay ng ilaw na nakasabit sa post lights at puno kaya ang ganda tingnan. Para kaming na sa festival kung tutuusin. 

  "Hahh… Ang daming tao, napapagod ako. Gusto ko na lang manahimik sa kwarto ko." Hawak ni Claire ang noo niya na nginitian ko nang pilit. Samantalang ang ingay ingay naman ni Rose at Jasper doon sa hindi kalayuan dahil sinasabayan nila 'yung kumakanta sa stage. Magkakaroon daw mamaya ng special guest. Mukhang artista pero hindi ako interesado. 

 

  Tiningnan ko naman si Aiz sa kaliwang bahagi na nakikipagkwentuhan sa kapwa naming estudyante. 

  "Uupo na muna ako sa tabi." Paalam ni Claire at naglakad. 

  "Huwag ka ng lumayo, ah? Magsisimula na mayamaya 'yung fireworks." Sigaw ko kasi baka hindi niya marinig. Malakas kasi ang tugtugin. 

  Kumaway lang siya ng hindi lumilingon sa akin kaya humarap na lang ako kung nasaan sila Jasper. Narinig kaya ni Claire 'yung sinabi ko? 

Well, in any case. Pwede naman siyang sumunod na lang kung sakali mang 'di ko siya makita. Kakain na lang muna siguro ako ng cotton candy. 

  Naglakad na nga ako papunta sa nakita kong cotton candy kanina. Bumili ako niyon ng isa 'tapos ay humarap sa stage. Patapos na 'yung kanta. 

Lumingon-lingon ako sa kaliwa't kanan. "Saan ba ako pwedeng umupo?" Tanong sa sarili habang inaangat-baba ang pareho kong mga paa sa lupa dahil nangangalay na ako. 

  Ang dami kasing tao. Wala na akong makitang upuan. 

  "Mas malaki ang tsansa na sagutin ka ng taong nagugustuhan mo kapag umamin ka sa gitna ng fireworks display." Napatingin ako sa kaliwanag bahagi dahil sa narinig ko. Isa siyang fortune booth; may mahabang lamesa 'tapos itim na table cloth at bolang crystal. 

  Ayokong maniwala sa mga ganyan pero balak ko nga ring umamin kay Reed sa gitna ng paputok mamaya. 

But speaking of that idiot, nasaan na nga iyon? 

  Hinanap ko siya sa kung saan, at siyempre hindi ganoon kadali kasi nga maraming tao. Pero mabuti na lang, alam ko 'yung likod niya kaya dali-dali ko siyang pinuntahan bago pa man din siya mawala. 

  "Reed!" Tawag ko sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. 

  Kumurap-kurap siya bago niya hawakan ang batok niya't umiwas ng tingin. "Ah, wala. Sa kung saan-saan lang." Sagot niya na parang napapagod. 

  "Gusto mo bang mauna sa pinuntahan natin nila Sir Santos? Baka kasi rumami 'yung tao." Pag-aayang tanong na tinanguan naman niya kaya naglakad na kami. 

Doon ko na rin ako nagtanong kung mayroon ba siyang problema pero umiling lang siya bilang sagot 'tapos ay nag brush up ng buhok. 

  "Wala naman, medyo inaantok lang ako." Sagot niya kaya tinitigan ko siya. 

Mukha namang inaantok nga siya kaya naniwala na ako. 

  Narating namin 'yung pataas na lugar kung saan clear nga naming makikita ang fireworks mamaya. At totoo ngang ang ganda rito, makikita kasi 'yung liwanag ng mga gusali mula sa malayo, matatanaw mo pa 'yung dagat. Kaso iyon nga lang, naunahan na kami ng iba dahil marami-rami na rin pa lang tao rito. 

  "Ugh. Naunahan tayo. Dapat pala kanina pa tayo pumunta rito." Nanghihinayang kong wika. 

  "Makikita pa rin naman natin dito kahit papaano." Sagot ni Reed na nagpabuntong-hininga sa akin. 

Ibinaba niya ang tingin sa akin. "Siya nga pala, sigurado ka bang hindi na natin tatawagin sila Jasper--" 

  "Susunod na lang sila."  Mabilis kong sagot kaya natahimik siya. Na-realize ko 'yon kaya nataranta ako. "A-Ano… kasi…" Ramdam ko 'yung pagpula ng pisngi ko. 

Naririnig ko na rin ang countdown mula sa kung saan, senyales na magsisimula na rin 'yung fireworks display. Kailangan ko ng bilisan dahil mayamaya, nandito na rin 'yung iba. 

  "M-May kailangan akong sabihin, at gusto ko tayong dalawa lang kaya… huwag mo muna sila tawagin. Papunta na rin naman sila." Nauutal kong sabi. Magkaharap kami ngayon ni Reed. 

Ramdam ko pa rin 'yung malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko aakalain na darating sa punto na ako pa talaga ang aamin. Bakla ka talaga, Reed. 

  Huminga ako nang malalim para makabwelo. "Makinig kang mabuti, ah? Isang beses ko lang 'tong sasabihin dahil hindi ko na uulitin," Salubong ang kilay kong nakatingin sa mata niya. Hindi ko alam kung ano mayroon sa itsura niya pero parang nag-aalala siya na hindi mo maintindihan. 

 

  "Reed…" Tawag ko sa pangalan niya habang malapit na 'yung pag-akyat ng fireworks. 5 seconds bago magkaroon ng kulay ang madilim na kalangitan. 

  "5!"

  "…4!"

  "…3!" 

  "I want you to know that," Maliban sa lakas ng pagbibilang ng mga tao sa paligid, naririnig ko rin 'yung ingay ng puso kong nagwawala na ngayon. 

  "…2!" 

  "I love you." 

  "…1!" Huling numero bago sunod-sunod na umakyat ang iba't ibang liwanag ng fireworks. 

  "For a very long time, I've always love you." Huling matamis na salita na narinig niya mula sa akin ng gabing iyon bago kami magpasya na, 

  …maging mag kaibigan na lamang. 

***** 

  JIN ROUTE: START.