Chereads / Self Healing Magic / Chapter 5 - Underworld

Chapter 5 - Underworld

Isang high level area of effect na incantation magic ang nagdala sa kanila dito sa kakaibang mundo.

Wow!

Anong lugar ito?

Nasa earth pa ba tayo?

Anong klaseng puno yun?

Anong klaseng ibon yan?

Ilan lang ito sa mga samot saring reaksyon ng mga estudyante ng masilayan ang kakaibang mundo.

Nasa malawak na espasyo sa harap ng malaking pintuang daan lumantad ang mga estudyante.

Isang tao at taong may mahaba na matulis na mga tenga. Ang papunta sa kanilang direksyon.

Sinalubong ito ng may edad na babae, na si Mrs. Aurelia Unus. Siya yung nagbigay speech kanina sa auditorium.

Pagkalapit ni Mrs. Aurelia ay yumuko siya sa dalawa. Tumango naman ang dalawa sa matanda. Ilang sandali ay nag-uusap ang mga ito.

Pagkatapos mag-usap ay lumapit ito sa direksyon ng mga estudyante.

"Makinig kayong lahat!" Sigaw na hindi malakas at hindi mahina ng isang lalaki, habang tinataas ang kanang kamay sa eri na nakabuka ang palad.

Base sa anyo ng lalaki nasa 50-60y'old ito. Nasa 1.7 metro ang tangkad. Maputi na may tamang haba ang buhok. May medyo payat na katawan. Nakasuot ng long dress na kulay black at gold. Sa kaliwang dibdib may logo ng umaapoy na mundong may pakpak. May bitbit itong tungkod.

Humakbang sa harap ang lalaking may mahabang tenga. Nakasuot ito ng long dress na black at purple na kulay. Sa kaliwang dibdib may kaparehong logo rin. Kasing tangkad ito ng matandang lalaki.

"Welcome freshmen! Ang pangalan ko ay Vir Fortis. Vice Principal ng EMRMHS. Sa kaliwa ko naman ay si Mr. Mar Mari, Principal sa EMRMHS. Marahil nagtaka kayo sa tenga ko. Isa akong uri ng engkanto o engkantado" Pagkatapos mag salita ni Vir Fortis tumingin ito kay Mr. Mar na agad namang tumango.

Engkantado?

Engkanto?

Kanya kanyang bulong ng mga estudyante. Dahil dito tinaas ulit ni Mr. Mar Mari ang kanang kamay para patahimikin ang mga nag iingay na estudyante. At humakbang ito sa harap.

"May dalawang uri ng engkanto. Una ay masasamang engkanto na nagmula sa itim na butas. Ang pangalawa ay ang mga naninirahan sa lugar na kinatatayuan niyo ngayon.

Alam ko kanina pa kayo atat na malaman kung saan kayo ngayon. Kung anong lugar o mundo ito.

Okay listen, ang mundong ito ay tinatawag na Underworld. Habang ang mundo kung saan kayo nakatira ay tinatawag na Upperworld. Oo, kayo ngayon ay nasa ilalim ng planitang earth." Pagpapaliwanag ni Mr. Mar Mari.

Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng mga estudyante na hindi pa naka-imik sa sobrang pagkagulat.

Under...world? Bulong ni Mina.

Upper...world? Bulong ni lavender girl.

Ilalim ng lupa?????

Whaaaaaaaaaat?!!!!!!!!!

Mga matang nag mala hugis buwan. Mga bibig na di maisara. Mga isip na may kanya kanyang katanungan at mukha na di maipinta. Ito ang mga rume-rehistro sa pagmumukha ng mga estudyante.

Mundo sa ilalim ng.....mundo?! Gulat na naitanong sa sarili ni Yman.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Lahat ay tulala. Bagama't mahilig siya magbasa ng sari saring libro. First time niya marinig ang tungkol sa mundong ito.

Sa gilid ng kanyang paningin ay na sulyapan niya si Mina. Halata sa mukha nito ang pagka gulat. Gayun din ang katabi nitong si lavender hair girl na kasalukuyang naka kapit sa braso ni Mina. Biglang lumingon sa direksyon niya si Mina kaya dali dali siyang lumingon sa ibang direksyon.

Cough! Isang mahinang pang agaw attention na ubo ni Mr. Mar Mari. Na siya namang umagaw pansin sa mga estudyante.

"May isang batas na pinaka pinag babawal sa mundong ito at sa itaas. Ano mang tungkol sa mundong ito ay mananatili lang dito.

Ang sino mang mahuli na nag pakalat ng mga tungkol sa Underworld dun sa itaas ay may mabigat na parusang naghihintay. Wag na wag niyo itong kalimutan. Kahit pamilya o kasintahan niyo na naiwan sa itaas ay hindi dapat malaman ang tungkol dito." Pagbibigay babala ni Mr. Mar.

Pagkatapos magsalita ni Mr. Mar Mari tumingin ito kay Mrs. Aurelia Unus at Vir Fortis. Inalalayan ni Vir si Mr. Mar pabalik sa loob ng malaking pintuang daan.

Humakbang si Mrs. Aurelia sa harap habang pinagsalubong ng tatlong beses ang mga palad. Bigla naman tumingin ang mga estudyante na gulat parin sa nalaman.

"Check niyo sa System Interface sa mail section. Sundin ang nakasulat para malaman kung saang classroom at section kayo nabibilang. Makikita din dito ang room number na kung saan kayo titira. Ngayon meron ba kayong mga katanungan?"

"Mrs. Aurelia! Maam!"

Itinaas ni Yman ang mga kamay para makita agad ni Mrs. Aurelia.

"O ikaw nasa likod! Anong tanong mo?"

"Posible po ba magpadala ng gamit o pera mula dito papunta dun sa itaas o vice versa?" Tanong ni Yman.

Pulubi

Oi tingnan niyo umandar na naman pagka bumpkin ni mentally ill boy.

Hahahaha

Mga panlalait na di na pinapansin ni Yman. Mas importante sa kanya malaman kung pwedi ba siya maka pagpadala ng pera sa kanyang ina mula dito.

"Pwedi yun. Tingnan mo lang sa mail lahat ng impormasyon halos nandiyan na lahat"

Nasiyahan si Yman sa narining. May gusto pa sana siya itanong pero naisip niyang wag nalang.

Sa isang sulok naman may isang babae nagngitngit sa galit. Gustong parusahan ni Mina ang mga estudyanteng ito na nanlalait kay Yman. Ang hintuturo niya ay nakatutok sa equip button sa kanyang interface. Isang kakaibang logo ng sandata na kumikinang ng pula ang ready na niyang gamitin mula sa inventory nito. Bigla ay...

"Mi-Mi-Mina?" Natatakot na tanong ng kaibigang may lavender na buhok.

"Eh? Ok ka lang Kesha?" Gulat na napatanong si Mina. Habang ino'off ang kanyang Interface.

Nanginginig na takot na takot si Kesha.

"O-ok lang"

"Bakit parang namumutla ka Kesha?!" Napansin ni Mina ang maputla at nanginginig na kaibigan.

"Na-nagulat lang ako sa narinig tungkol sa mundong i-ito" Pag ra'rason niya. Hindi maipaliwanag ni Kesha pero nakadama siya ng kamatayan sa paligid. Madugong paligid at mga bangkay ng mga estudyante. Isa ito sa passive skill ni Kesha. Six Sense, bihira lang ito gumana. Hindi alam ni Kesha bakit biglang nag activate ang skill na ito.

Pagkatapos magsalita ni Mrs. Aurelia. May limang mga gabay ang lumapit at pina linya ng limang pangkat ang mga estudyante. At pinasunod ang mga ito papasok sa loob. May dalawang naka uniporme na nagbabantay dito. Agad naman binuksan ng mga ito ang malaking pintuang daan.

*****

Sa isang sulok ng Sitona City.

Tok tok tok!

Creak! Ennnnnng! Binuksan ni Aling Marie ang pintuan.

Aunt! Sigaw na mula sa labas. Sabay yakap kay aling Marie.

Maena! Niyakap din ni Aling Marie si Maena.

Geez Aunt! Call me Maen!(pout)

Nagkumustahan at nagku-kwentuhan ang dalawa.

Namangha si Aling Marie sa kagandahan ni Maena. Last time nakita niya ito ay 5y'old pa si Maena. Ngayon dalagang dalaga na. At hindi lang basta dalaga. Blonde ang buhok, sexy at matangkad. Maputi na makinis ang mga balat na kahit kaunting piklat ay di makikita. Magandang kaakit-akit ang mukha. Kaso nga lang mahilig ito sa labanan. Lagi nito sinasama si Yman lumabas sa siyudad. Para maghanap ng halimaw.

"Mom wants to see you, but there's a problem in the lab, so I came here for her stead hehe"

"Kuku she's hardworking fellow" sabi ni Aling Marie

"By the way Aunt where is Yman?"

"Already there" Sagot ni Aling Marie sabay turo sa baba.

"Oh Geez"

"How about you? Uhuo! Uhuo!" Tanong ni Aling Marie habang nauubo.

"I transfer.....(ngumiti at kumislap ang mga mata ni Maena bago sinabing)next week"

Hinawakan ni Aling Marie ang kanyang ulo at napailing ito.

"Mahilig parin sa labanan ang batang ito" sa isip ni Aling Marie.

*****

Pagdating ni Yman sa loob ng mala palasyong paaralan. Namangha siya sa lawak nito sa loob. Agad niya tiningnan ang Interface at binasa ang mail. Hinanap niya section at classroom niya.

Yman Talisman

Section: Bronze

Year: 1st

Rank: -D

Dahil sa maraming studyante nahahati sa tatlo ang bawat section. Example nito ay:

Bronze: 1-D, 1D at 1+D

Silver: 1-C, 1C at 1+C

Gold: 1-B, 1B at 1+B

Diamond: 1-A, 1A,1+A

Platinum : (Special) Para ito sa mga magician na may rank S Magic Spell.

Bronze, 1-D classroom ni Yman. Mabilis niya itong nahanap dahil nasa first floor lang ito. Pumasok agad siya at umupo sa pinaka likod. May pamilyar na ka-klase nakita si Yman. Ito yung lalaki na humikab at hinarangan ang upuan sa auditorium.

Ilang sandali pumasok ang isang may malaking boooobs? na babae. Base sa hitsura nasa 30+years old ito. Maganda ito at may medyo curly na chestnut-colored hair. May dala itong libro.

"Ms. Pai Magnum itawag niyo sa akin. Ako magiging adviser niyo mula ngayon. Pakilala kayo isa isa. Simulan mo." Tinuro ni Ms. Pai ang babaeng estudyante na nasa kanan niya.

Julie Brown, Juve Bri-An, Mitchell Jordin, Steph Fin Rossy...

Isa isang nagpakilala ang estudyante. Hanggang dalawa nalang sa likod natira.

Yman Talisman

Jin Makorov!

"O big name" Medyo nanlaki mata ni Ms. Pai habang sinambit ito.

Pagkatapos magpakilala ng lahat. Nagbigay lang si Ms. Pai ng mga pointers.

"Class bukas magkaroon tayo ng mock battle sa ibang section. 7am, punishment sa late comers." Pagkatapos iwan ang mga salitang ito lumabas agad ng classroom si Ms. Pai.