Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 128 - DIX AND SHELDA

Chapter 128 - DIX AND SHELDA

"This is the kind of press conference that I wanted to give you. A wedding," ani Dixal saka siya dinampian ng halik sa leeg at gumanti ng yakap sabay ngiti sa kaibigang noo'y tila naiinggit sa nakikita sa kanila, katabi nito ang dalawang magbalae at ang batang nakahawak sa mga kamay ng dalawang lola habang nakatitig sa kanila.

'Di niya mapigil mapaluha sa galak sa surpresang ito ng asawa. Buti na lang pala nalaman nito kung nasaan siya. Kung nagkataong nahuli ito ng dating ay wala nang surprise wedding na magaganap ngayon.

"Ssssh. Stop crying. Baka pumangit ka sa araw ng kasal natin. Ayukong magpapicture pag namugto 'yang mga mata mo," biro nito saka hinagod ang kanyang likod nang marinig nitong sumisinghot siya.

Nangigiting hinampas niya ito sa likuran.

"Sira ka kasi. May pasurprise-surprise ka pa. Kung nahuli ka ng dating eh baka nakaalis na ako, di mo na ako naabutan," sagot niya.

"It will never happen, sweetie," puno ng kumpyensang sagot nito habang patuloy na hinihimas ang kanyang likuran nang gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Bakit naman?" curious niyang tanong.

"Di ka pa nakakarating sa airport, pinaban na kita sa ibang terminal at pinasara ko na agad ang buong terminal 4 nang di ka makatakas sakin," nangingiting sagot nito.

"What?!" gulat niyang inilayo ang katawan at kunut-noo itong tinitigan ngunit di tinanggal ang mga braso sa balikat nito.

"You brute! You mean bago pa ako nakapagtanong sa staff ng AirAsia airline, kilala na nila ako?" nahihiyang sambit niya.

Tumango ito, pigil ang ngiti.

Kunwa'y inis niya itong kinurot sa tagiliran.

Isang malakas na tawa lang ang isinagot nito.

Napahagikhik na rin siya.

"Hoy, hoy, tama na nga 'yang landian niyo't bumalik ka na sa shuttle bus nang maasikaso ka na ng mag-aayos sayo," pigil ni Aling Nancy sa gagawin pa nila nang nagmamadali itong lumapit.

"Ma!" naluluha niyang tawag dito.

"Hep! Hep! Ayuko nang drama ngayon ha? Tapusin muna natin itong kasal niyo't kaawan mo 'yang si Dixal. Aabot sa ilang milyon ang gastos nitong kasalang 'to sa pagpapasara pa lang nitong terminal," saway ng ina, sinabayan na ng daldal sa kanya.

Isang hagikhik lang ang kanyang isinagot saka tinanggal ang isa pang kamay na nakapatong sa balikat ng asawa.

"Pumasok ka na uli sa shuttle bus para maayusan ka na," utos na rin ni Dixal nang makitang ready na ang lahat.

Agad siyang sumunod at nagpatiuna nang pumasok sa loob ng shuttle bus.

Pagpasok pa lang, nakita niya agad ang anim na mga babaeng mag-aayos sa kanya.

Umagaw din ng kanyang atensyon ang naka-hanger na wedding gown.

"Woooow!" bulalas niya at excited na lumapit sa kinaroroonan ng damit saka pinagmasdan iyong mabuti.

Cap-sleeve and A-line diamond wedding gown 'yon, inadornohan ng iba't ibang kulay ng totoong dimonds sa palibot ng dibdib hanggang likuran at sleeve ng damit pababa sa beywang, pakunti sa bandang baba ng ball gown hanggang sa laylayan. At may cathedral train na aabot seguro sa limang metro ang haba.

Maluha-luha na naman siya habang kinakalkula kung magkano ang gown na 'yon na totoong diamonds ang nakalagay bilang dekorasyon. Gano'n siya kamahal ni Dixal na ultimo gown niya ay ginastusan talaga mapaligaya lang siya sa inihanda nitong kasal para sa kanya.

Idagdag pa ang total cost ng venue nila na sadya nitong ipinasara para lang maisakatuparan ang kasal na 'yon. 'Wag nang isali ang bayad sa mga media sa labas at ang pagkain at mga damit ng mga bridesmaid at groomsmen.

Kung merun mang mas hihigit pa sa engrandeng kasalan, 'yon na seguro 'yon.

"Ma'am, sisimulan ka na po naming ayusan," anang isang naka-mermaid gown na babae, kulay peach ang suot nitong gown.

Lumingon siya rito saka tumango. Sa makaisa pa'y muli niyang pinagmasdan ang isusuot na gown saka lumapit sa tumawag sa kanya.

"Diyos ko. Salamat po at binigyan mo ako ng isang asawang tanggap ang buong ako at kayang umunawa sakin sa lahat ng bagay. Salamat po Diyos ko," taimtim niyang dasal.

"HUH! SA WAKAS, DIXAL! MAKAKAPAGPAHINGA NA RIN AKO PAGKATAPOS NITO." Hindi pa man nakakapagsalita si Dixal nang lumapit kay Lemuel ay inunahan na siya ng kaibigan.

Natatawa niyang tinapik ang balikat nito.

"Thank you so much Dude. I'm really blessed sa pagkakaroon ko ng kaibigang tulad mo," anya sa lalaki.

Lalong lumakas ang hiyaw nito.

"Huh! Isang mahabang bakasyon 'to, Dixal. 2 months vacation, Dude," hirit agad, ilang beses na itinaas-baba ang dalawang kilay habang pigil ang ngiting nakatitig sa kanya.

"What? 2 months?" dismayado niyang sambit.

Biglang lumukot ang mukha nito.

"Hey! Isipin mo na lang ang pagod ko sa pag-aasikaso sa lahat, Dixal. Hindi pa nga sapat ang two months vacation para sa lahat ng ipinagawa mo sakin ngayon," katwiran nito.

"One month lang, bro. Sasabayan mo pa talaga kami," angal niya.

Sandaling natigilan ang kaibigan, pagkuwa'y tinapik siya sa balikat.

"Don't worry, dude. I'll make a resignation letter later, huh? Sumusobra ka na sakin eh," reklamo na nito habang nakaarko ang dalawang kilay.

Gusto niyang matawa sa ekspresyon ng mukha ni Lemuel. Ngunit tama ito, malaki talaga ang utang na loob niya rito, sa pag-aayos pa lang ng lahat, maisagawa lang ang kasalan ngayon.

Hinuli niya ang kamay ng lalaki saka tinapik- tapik.

"How about a one year vacation with pay?"

an'ya.

Napanganga ito sa pagkagulat, 'di agad nakapagsalita saka mariing tumitig sa kanya, inaalam kung nagbibiro lang siya o nagsasabi ng totoo.

Nang tumango siya para ipaalam na seryoso siya'y saka nito binawi ang kamay at napahalakhak sabay palakpak, 'di nakuntento duon, napalundag pa sabay sigaw.

"Woooh! That's my boss! Wooh! Sa wakas!"

Natawa na rin siya sa naging reaksyon nito. Pero kung tutuusin, kulang pa 'yon sa lahat ng tulong na ginawa nito sa kanya, sa kanila ni Amor, sa pamilya niya.

"Nice shout out, huh!" sabad ni Dix habang nakangiting papalapit sa kanilang dalawa. Naka tuxedo din pero navy blue naman, tulad ng kay Lemuel.

Pagkalapit lang ay humawak ito sa kanyang balikat at pinisil iyon.

"Congrats, Bro," saad nito sabay ngiti sa kanya.

"Thanks, Bro. Ikaw, kelan ang kasal mo?" sagot niya, dinugtungan ng isang tanong ang sinabi.

Tipid itong ngumiti.

"Saka na 'pag nakita ko na ang kakambal ni Flor," pabiro nitong sagot.

"Speaking of kakambal, have you seen Shelda, Dix? 'Di mo pa napansing malaki ang pagkakahawig nila ni Madam? Kaya lang ay natatakpan 'uon ng makapal nitong make-up." wika ni Lemuel sa lalaki.

Napangiti siya sa sinabi ni Lemuel. Nung makita niya si Shelda kanina sa suot nitong peach gown dahil isa ito sa mga bridesmaid ng asawa, sandali siyang napatitig rito. May pagkakahawig nga ito kay Amor. Subalit 'di man lang nanindig ang kanyang mg balahibo pagkakita sa maamong mukha nito. Kahit noon pa man, gusto niyang magkagusto sa dalaga dahil sa taglay nitong ganda, ngunit patay ang puso niya para rito.

Pero unang tingin niya lang noon sa simpleng mukha ni Amor habang nananalamin sa pinto ng kotse ni Lemuel, napaawang na agad ang kanyang bibig. Nahalikan pa nga niya 'yong salamin ng pinto at in-imagine na sa mga labi nito siya humahalik kung 'di lang bumukas ang pahamak na pintong 'yon. Nalaman tuloy ni Amor na may tao sa loob ng sasakyan at agad tumakbo palayo sa kanya. Thinking of that foolish past, natawa siya bigla na ikinapagtaka ng mga kasama.

"Hey bro, what's funny?" usisa ni Dix.

Ilang beses siyang umiling.

"Nothing, nothing," sagot niya.

"Speaking of that lady, the lady is coming," untag ni Lemuel saka bumaling kay Shelda na papalapit sa kanila nang mga sandaling yun.

"Hey guys! Can I join you?" anang dalaga at napangiti agad pagkakita sa kanya ngunit nakapagtatakang 'di man lang sumulyap kay Dix.

Si Dix nama'y 'di seguro sanay na makita ang dalaga sa simpleng ayos ng mukha nito kaya napatitig ang una kay Shelda, nacurious seguro sa sinabi ni Lemuel.

"Iwan ko muna kayo," anya sa tatlo at agad na lumayo sa mga ito upang bigyang panahon ang dalawa na mag-usap.

Si Lemuel ay gano'n din ang ginawa.

Naiwan ang dalawang natahimik bigla sa mga kinatatayuan. Ngunit di nakatiis si Shelda at naunang bumati.

"Hi!" anito na tila nakikipag-usap lang sa isang kakilala saka ngumiti.

"This is the first time that I saw you in a light make-up," pansin ni Dix.

"Yup. Ayukong makatawag pansin sa kasal ng pinsan ko, that's why."

Napakunut-noo ang lalaki, nagulat marahil sa sinabi ng dalaga.

"Oh, hindi mo alam na pinsan ko ang asawa ng kakambal mo? Well, last week ko lang ding nalaman nung bumisita kina Papa sa kulungan. Kapatid pala nina Papa at Tita Cathy ang ina ng asawa ni Dixal kaya tinantanan ko na rin ang paghahabol sa kanya," anito sa nagulat na lalaki.

Nang makabawi'y isang tango lang ang isinagot nito.

Ngumiti si Shelda.

"Don't worry. Wala akong galit kay Flor o sa kahit kanino. Tinanggap ko na ang lahat ng nangyari samin. And don't worry too. Hindi ko ipipilit sayong panindigan mo ang ginawa mo sakin," kaswal lang na sabi nito sa tahimik lang na si Dix.

Nang di ito sumagot ay nakaramdam ng pagkaasiwa si Shelda.

"I have to go now. May kakausapin pa akong tao," paalam nito sa lalaki sabay turo sa nag-uumpukang mga reporter sa unahan.

Tumango lang si Dix bilang tugon subalit nang nakakailang hakbang na si Shelda palayo rito'y saka lang ito nagsalita.

"I know I can't be a loyal husband to you, but I can be a dedicated father to your child," anito.

Namimilog ang mga matang agad na humarap ang dalaga sa lalaki at awang ang bibig na tumitig sa huli.

"What did you say?" tila ito nabingi na kailangan pang ulitin ng binata ang sinabi kanina subalit walang salitang muling lumabas sa bibig nito hanggang sa ihakbang nito ang mga paa palapit sa dalaga at nang akmang lalampasan na nito si Shelda ay saka naman ito huminto sa paglakad.

"Be my wife until you give birth to that kid. But don't expect anything from me," bulong nito saka nagmamadaling lumayo sa dalaga.

Natigilan ang huli, di makapaniwala sa sinabi sa narinig. But whatever the reason is kung bakit nagbago ang desisyon nito, she'll accept the proposal for her child. After that, she doesn't care anymore what will happen next.