It was a Romantic Wedding theme. Ginawang altar ang tapat ng bridal chopper at nilagyan yun ng malaking arko na inadornohan ng iba't ibang kulay at hugis ng mga bulaklak. Peach at light blue ang motif ng wedding na yun.
Mula sa labas ng shuttle bus ang haba ng peach carpet na sa bawat gilid ay inadornohan ng light blue fresh flowers hanggang sa altar.
Di mabilang ang mga upuang naruon na inadornohan rin ng peach na tali ang bawat mga gilid mula sa unang hanay hanggang sa pinakahuli malapit sa shuttle bus.
Pumainlang sa buong paligid ang wedding song na MOMENTS OF LOVE.
Nag-unahang mag-upuan ang mga panauhin sa napakaraming upuang nagpakahilira duon.
Nagsimula ring maglakad ang Best Man na si Lemuel, kasunod ay ang mag-inang Dixal at Ginang Adele. At ang mga ninong at ninang ng kasal kasama na si Dorector Diaz na ama ni Anton.
Sumunod na rumampa ang ring bearer na si Devon at mga cute na flower girls.
Nagsimulang magbulungan ang mga naruon nang makitang nalalakad sa carpet sina Sheld at Dix na nakaagaw ng pansin dahil para itong pinagbiak na bunga ni Dixal. Di maiwasan ng ilan na pagmasdan ang dalawang magkambal at si Shelda na di itatangging nangingibabaw ang ganda kahit sa simpleng gown na suot at simpleng make-up sa mukha.
"Bagay sila ha?" sambit ng ilan.
"You heard them?" ani Shelda sa kaabrasete habang matamis ang ngiti sa mg labi.
"You're not a young girl anymore Shelda. Natural na sayo ang ganyan.Sino ba ang 'di magagandahan sa mukha mong 'yan? But to tell you honestly, you're not even my type," deretsahang sagot ni Dix.
"You're not my type either," kaswal na sagot ng dalaga, di inaalis ang ngiti sa mga labi.
Sa likuran ng dalawa ay si Hanna na namumula ang pisngi sa hiya habang nakakapit sa estrangherong ka-partner na di man lang magawang makipag-usap sa kanya.
'Pipi ba ang lalaking to?' tanong niya sa sarili.
Pero aaminin niyang may itsura naman ito, mahiyain lang seguro o sadyang antipatiko at suplado.
"You're holding me so tight. Baka magkapasa na ako sa higpit ng kapit mo sa braso ko."
Nagulat pa siya nang magsalita ito.
Weww! Maangas nga.
"Kala mo naman mapuputol ang braso sa higpit ng hawak ko," pairap niyang sagot.
Nagsalita nga, pasuplado naman. Baka bakla.
Napahagikhik siya sa naisip at nawala ang hiya habang naglalakad papunta sa may altar.
Napaismid pa siya nang kumawala sa pagkakaabrasete sa lalaki at tumungo sa upuang nakalaan para sa mga abay.
Huling naglakad sa aisle ang Matron of Honor na kahit madami na ang anak ay di pa rin halata ang baby fat, sexy pa ring tignan sa suot nitong peach gown.
KINAKABAHANG HINAWAKAN NI FLORA Amor ang kamay ng ina ngunit maya-maya'y bumitaw rin saka inayos ang kanyang tiara at belo sa harapan.
"Anak, ang ganda mo talaga ngayon," papuri nito sa kanya.
"Ma, kinakabahan ako," sambit niya.
"Gano'n talaga eh sobra kang excited," sagot nito pero sa totoo lang kinakabahan din ito.
"Huwag ka nang maingay, malapit na tayong lumabas," saway sa kanya.
Huminga siya nang malalim upang kampantihin ang sarili. Ngayon pa ba siya kakabahan gayung ito ang moment niya, ang kanyang bonggang kasal sa lalaking sa kabila ng ugali niya'y never siyang iniwan at tinalikdan?
PUMAILANLANG SA ERE ANG PANIBAGONG WEDDING SONG NA "BEAUTIFUL IN WHITE"
Lahat ng mga tao ay napadako ang tingin sa bumukas na shuttle bus, halos di kumukurap ang mga ito at nagpakanganga habang inaantay na lumabas ruon ang bride.
"WOOWW" halos sabay-sabay na sambit ng mga tao pagkakita pa lang sa kumikintab na harap ng kanyang gown na unang lumantad pagkabukas ng bus.
Dahan dahan siyang bumaba, nakasunod lang ang inang inaayos ang train ng damit niya sa likuran.
At nang makalabas na ay matamis ang ngiting pinakawalan niya sa lahat ng mga naruon.
Flash duon, flash dito ang agad na sumalubong sa kanyang pagbaba hanggang sa iapak na niya ang mga paa sa peach carpet. Hinintay muna niya ang inang makababa saka siya umabrasete rito at nagsimula silang maglakad sa aisle.
Habang naglalakad sila ay walang tigil ang bulungan ng mga nakakakita sa kanila.
Subalit siya'y mas ginustong hanapin ng paningin si Dixal.
Pumailanlang na uli sa ere ang panibagong wedding song na "LOVE OF MY LIFE" ni Jim Brickman.
Pakiramdam niya lumulutang siya sa alapaap habang pinakikinggan ang lyrics ng kanta. Para bang si Dixal ang umaawit niyon sa kanya, sinasambit yun ng asawa sa kanyang harapan.
Napatingin siya kay Dixal na halos di kumukurap habang pinagmamasdan siyang naglalakad sa aisle, nahabol pa niya ang pagyuko nito saka pagpahid ng luha sa isang mata.
"Dixal..." bulong niya sa hangin.
Kunut-noong napatingin ang lalaki sa kanya. Nagtaka din siya.
"Did i hear you calling my name?" bulong nito sa hangin.
"Yes," bulong din niya.
Hindi siya makapaniwala, naririnig na ni Dixal ang kanyang bulong kahit may kalayuan siya rito.
Ang lakas ng pintig ng kanyang puso. Parang gusto na niyang takbuhin ang altar at yumakap sa asawa at sabihing mahal na mahal niya ito. Pero tiniis niyang maglakad nang marahan habang ini-internalize ang lyrics ng kanta.
"Ang ganda-ganda mo Beshie," sambit ni Mariel nang mapatapat na siya sa kinauupuan nito.
Isang matamis na ngiti ang iginanti niya, tuloy ay napahigpit ang hawak sa bouquet habang nakatakip sa kanya ang manipis na belong suot.
"Ang ganda ng bride, ang amo ng mukha," dinig niyang bulungan ng mga nasa paligid.
"Kaya pala mahal na mahal ni Dixal, sobrang ganda pala," anang ilan.
"Sexy pa," papuri ng iba.
"Bagay na bagay ang suot niya sa kanya."
"Wowww! diamond wedding gown! Talagang ginastusan ni Mr. Amorillo ang kasal na to!" bulalas ng isa sa unahang hanay ng upuan.
"Di lang 'yan. Puro mamahaling diamonds din ang tiara niya."
Puro mga papuri ang naririnig niya sa mga naruon na ginagantihan niya ng isang matamis na ngiti.
Hanggang sa huminto sila sa kinatatayuan ni Dixal na maluha-luha habang nagmamano sa kamay ng byenan at hinawakan ang kanyang kamay saka iniabrasete sa braso nito.
"No words can describe how beautiful you are today," usal sa kanya.
Mahina siyang napahagikhik sa kabila ng kabang nararamdaman.
Ganito pala ang ikinakasal, para siyang lutang na ewan. Walang pumapasok sa kanyang utak sa mga nangyayari maliban sa mukha ni Dixal na sa tingin niya'y ito ang pinakagwapong lalaking nakita niya mula noon, lalo ngayon.
"I love you Amor," anas nito nang lumuhod na sila sa harap ng altar.
"I love you too," napalakas ang sagot niya sa sobrang excitement na nararamdaman.
Nagtawanan ang mga tao pagkarinig sa sinabi niya.
Hiyang-hiya siyang napabaling sa asawang nagingiting pinitik nang marahan ang kanyang ilong.
Muli siyang napahagikhik.
Ahh, wala na siyang maihihiling nang mga sandaling 'yon. Ibinigay na ni Dixal ang bonggang kasalang ito sa kanya, malayung-malayo sa kasal nila noon na sila lang dalawa at nina Lemuel at Beth ang nakakaalam, ngayon ay buong bansa na ang nakakasaksi kung gaano siya kamahal ng asawa.
Sobrang saya niya lalo nang binibigkas na nila ang "I do" at sumpaan ng buong puso't katapatang pagmamahalan at pagsasama nang panghabambuhay saksi ang singsing na noo'y itinapon niya sa sobrang galit sa lalaki sa pag-aakalang niloko siya nito noon, ngayon ay nasa daliri na niya uli.
"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the---" hindi pa man natatapos ang sinasabi ng pari ay kinabig na agad siya ni Dixal at tinanggal ang belong nakatabing sa mukha niya saka siya siniil ng halik na tila ba isang taon silang 'di nagkita at 'di naghalikan.
Kung gaano karubdob ang halik nito, gano'n din kasabik ang kanyang iginanti sabay pulupot ng kamay sa leeg nito, hawak pa rin ang boquet ng mga bulaklak.
Palakpakan ang mga tao, sabay hiyawan sa sobrang kilig na nararamdaman habang pinagmamasdan silang walang pakialam sa mundo at ilang minuto na sa ganung ayos.
Panay naman ang pahid ng luha sa mga mata ni Aling Nancy habang nakikipalakpak din sa magkahalong tuwa at lungkot dahil alam nitong aalis na sa bahay nito ang anak at sasama kay Dixal. Pero kailangan nitong tanggapin ang lahat at maging masaya para sa kanya.
Kung 'di pa umubo nang malakas si Lemuel ay 'di pa sila maghihiwalay.
Muling nagpalakpakan ang mga naroon pati na ang paring nagkasal sa kanila.
Natatawa na lang silang nagkatinginan ni Dixal pero di nito tinatanggal ang kamay sa kanyang beywang.
"I love you, Amor," anas nito sa kanya.
"I love you too," paanas din niyang sagot.
"I will love you until the end of time," dugtong nito saka siya hinalikan sa noo.
Kung di pa lumapit ang pari sa kanila at nakipagkamay ay di pa siya bibitawan ng lalaki.
Nagsilapit na rin ang mga ninong at ninang nila saka nag-unahang nakipagkamay sa kanila.
Di naman nagpahuli si Mariel na talagang niyakap siya na tila pinagdadamot siya sa iba.
"Beshie. Nakakainggit ka naman, ang ganda-ganda mo na nga, super bongga pa ng damit mo," anito.
"Namiss kita Beshie," ganti niyang yakap sa kaibigan.
"A--mor," alanganing tawag ni Elaine na noon lang niya nakita.
"Elaine!" tawag niya saka ito kinawayan pagkuwa'y sinulyapan si Dixal na napapalibutan na rin ng mga nagsipagdalo sa kasal.
Tila nahihiyang lumapit sa dalawa ang babae kaya sila na ni Mariel ang lumapit rito.
Kahit na halatang naiinis ang kaibigan sa una ay nakipagkamay pa rin ito kay Elaine.
"Kumusta na ang anak mo?" usisa niya rito.
"Okay naman. Salamat sa inyo ni Dixal, ha?" anito.
"Wala 'yon. Ang mahalaga ay makaligtas ang anak mo." Inakbayan niya ito isinama na rin niya ang nakairap na si Mariel.
"Salamat sa inyong mga kaibigan ko. 'Wag sana kayong magbabago ng pakikitungo sakin kahit di na tayo madalas magkita-kita," anya sa dalawa.
"Aba, syempre no," agad na sagot ni Mariel.
"Can I join you?" sabad ni Shelda na nakatayo sa kanilang harapan na di man lang kakikitaan ng pagkaasiwa.
Binawi niya ang kamay sa pagkakaakbay sa mga kaibigan at bumaling sa dalaga.
"Beshie, this is Shelda, pinsan ko," pakilala niya rito sa kaibigan.
"Hi, Beshie ako ni Flor. Pinsan ka pala, no wonder may pagkahawig kayo ni Beshie," ani Mariel.
Matamis lang ang ngiting isinagot nito saka bumaling sa kanya.
"Congrats. Sorry rin 'di ko alam na matagal na kayong kasal ni Dixal. Kung nalaman ko 'yon noon pa, I wouldn't force him to marry me," anito.
"It's okay," tipid niyang sagot. "Let's forget about that past," dugtong niya.
"Shelda!" tawag ni Dix.
"Oh, wait. Tawag ako ni Dix," pasintabi nito sa kanila.
Lumapit na rin si Dixal sa kanya para sa kanilang pictorial.
Ang tagal bago natapos ang wedding pictorial na 'yon. Kung 'di pa siya hinila ni Devon na gusto na nitong umuwi ay 'di pa sila magsasawa sa kakakuha ng pictures.
"LADIES, magsilapit na rito. Ipapasa na ng bride ang bouquet!" tawag ni Mariel sa mga kadalagahan lalo na sa mga abay.
Si Shelda na noo'y nakikipag-usap sa isang reporter ay hinila ni Aling Nancy palapit sa mga nag-uumpukang mga kadalagahan at naghihintay na ihagis ni Flora Amor ang bouquet.
"Tita, I'm not interested in that thing," tutol nito.
"'Wag mo nga akong ini-englis at di kita magets," reklamo ng tiyahin ngunit di pa rin binibitiwan ang kamay ng pamangkin hanggang sa pumayag na rin itong makisali sa pagsalo ng bouquet.
Tumalikod siya't bumilang ng tatlo saka inihagis ang bouquet.
Subalit kung kelan niya 'yon inihagis saka naman natatawang tumakbo palayo si Shelda mula sa mga kadalagahan.
"Shelda!" tawag niya.
Bigla itong napahinto at napaharap sa kanya. Pero anong gulat nitong sinalo ang bouquet na tila sumunod rito't sadyang bumagsak sa mga kamay nito.
Hiyawan ang mga nakakita. For the first time, nakaramdam ang dalaga ng hiya, namumula ang pisnging napatingin sa kanyang humahagikhik sa tuwa.
Naisip niya, 'di naman pala masama ang ugali ng pinsan. Mabuti hindi ito nagmana sa amang walang kasingsama at sa naging kabit ng kanyang ama.
Sunod na tinawag ay ang mga kalalakihan. At coincidence na kung coincedence pero si Dix ang nakasalo sa garter na inihagis ni Dixal.
"Bro, kelan ang kasal?" pabirong tanong ni Dixal sa kakambal.
Hindi agad nakapagsalita ang binata, maya-maya'y bumaling sa dalagang hinihila niya palapit sa lalaki.
Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hula niya'y saka nabuo ang ipinagbubuntis ni Shelda nang magkunwari si Dix na si Dixal noon.
Di niya alam kung karma na 'yon ng lalaki sa mga nagawa nitong kalokohan noon, good karma kahit papa'no.
"Don't worry, this is just a joke," anang dalaga nang mapansing salubong ang mga kilay ni Dix.
"This is ridiculous," anito, halatang di nagugustuhan ang mga nangyayari kanina pa.
"O baka naman, nagkakagusto ka na sakin," panunudyo ng babae.
Lalong nagsalubong ang kilay ni Dixal, taliwas sa ugali nito noon na 'di maalis ang ngiti sa mga labi pag nakaharap sa mga babaeng magaganda.
Lumapit si Dixal sa kanya at ipinulupot ang braso sa kanyang beywang.
"It's time for us to go home. Nasa bahay ang reception, Amor. Hanggang ngayon pala, di mo pa rin nakikita ang bahay na ipinagawa ko para sayo," bulong ng asawa sa kanya.
Bahagya siyang tumingala at tinitigan ito.
"You mean, hindi rito ang reception, kundi sa bahay mo?" kunut-noo niyang tanong.
"Bahay natin," pagtatama nito.
"Let's go na. Baka maabutan na tayo ng ulan," anito saka itinuro ang naghihintay na aircraft, ang chopper na sasakyan sana nila papuntang Bicol ngunit sa isang iglap ay naging kanilang bridal chopper.
Nang hawakan nito ang kanyang kamay ay nagpatianod siya, pero sa isip ay nagtatanong kung talagang dederetso sila sa reception o may surpresa na naman itong nakahanda para sa kanya.
Ah, kahit saan siya dalhin ng asawa, susunod at susunod na siya.
"Amor?"
"Hm?"
"Gawin kaya nating kambal ang anak natin."
"Tse!" singhal niya pero deep inside kinikilig siya. Alam na niya kung saan siya nito dadalhin.
----------THE END------------