Bago nahagip si Flora Amor ay nauna na siyang nayakap ni Dixal at ipinanggalang nito ang katawan para lang mailigtas siya. Ang likod at ulo ng lalaki ang tumama sa sasakyan, sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa kanila ay tumilapon sila sa gilid ng daan ngunit nagawa pa rin nitong ipananggalang ang katawan at siyang tumama sa sementadong daan bago nawalan ng malay.
Si Flora Amor na nang mga sandaling iyo'y sinusumpong ng sobrang pananakit ng ulo'y nakita pa ang sariling yakap ni Dixal bago kusang kumawala ang mga kamay nito at lupaypay na bumagsak sa semento.
Nagawa pa niyang pahigang dumapa at humarap sa lalaki.
Agad siyang napahagulhol ng iyak nang makita ang lalaking labis na dumurog sa kanyang puso nang pagtaksilan siya nito at gawing pustahan kasama ng mga kaibigan nito, ngayon ay wala nang malay.
"D--ixal, Dixal!" niyugyog niya ang balikat nito ngunit walang reaksyon mula sa lalaki.
Lalo siyang napahagulhol. Nagpilit siyang bumangon ngunit hindi magawa ng kanyang namimigat na katawan kaya't ipinailalim niya ang kamay sa ulo nito upang iangat sana iyon nang biglang tumambad sa kanya ang sariwang dugo mula sa ulo ng asawa.
Biglang umikot ang kanyang paningin subalit bago siya tuluyang nawalan ng malay ay narinig pa niya ang munting sigaw ng isang bata.
"Mommy! Daddy! Mommy!!! Daddy!!!"
--------
INILIBOT ni Dix ang tingin sa loob ng simbahan habang inaantay si Shelda na naglalakad sa aisle kasama ang mga magulang nito.
Wala na siyang pakialam kung tama ang ginagawa niya o hindi sa pagsunod sa kanyang lolo para lang matawag na pinakamasunuring apo sa kanilang dalawa ni Dixal.
Isa pa'y kilala niya ang kanyang lolo. 'Pag 'di ito sinunod, seguradong may paglalagyan siya.
Subalit hindi siya natatakot na mawalan ng mana this time, natatakot siyang baka totohanin nito ang banta sa kanya.
Nalaman kasi nitong may gusto siya sa PA ni Dixal kaya't pinagbantaan siyang mapapahamak ang babaeng kinagugustuhan niya sakaling 'di siya pumayag na pumalit kay Dixal sa araw ng kasal ng kakambal kay Shelda.
Wala siyang nagawa kundi pumayag, balewala na sa kanya ang kaligayahan niya at kalayaan. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Flor. Alam niyang hindi nagbibiro ang kanyang lolo. 'Pag sinabi'y ginagawa nito, ilang beses na niya iyong napatunayan kaya sa takot na galawin nga nito si Flor ay pumayag na siya sa gusto nitong mangyari kahit ikagalit ni Dixal sa kanya.
Ang totoo, siya ang dahilan kung bakit napansin ng kanyang lolo si Flor. Hindi nito alam na si Flor at ang asawa ni Dixal ay iisa.
"Dixal--"
Bahagya pa siyang nagulat sa mahinang tawag na 'yon ni Shelda sa kanyang harapan.
Agad sumilay ang isang pekeng ngiti sa kanyang mga labi saka inalalayan ang babae paharap sa altar upang masimulan na ang kasalan.
Gusto na niyang matapos na ang lahat at napapagod na rin siyang magpanggap bilang kanyang kapatid. Pagakatapos ng lahat ng 'to, magpapakalayo-layo siya. Hindi na siya magpapakita sa kahit kanino pa lalo na sa kanyang lolo. Hindi na siya papayag na maging sunud-sunuran na lang sa matanda. Tama na ang pagmamanipula nito sa kanyang buhay. Tama si Flor, wala siyang buto, hindi siya marunong tumayo sa kanyang mga paa.
Marami na ang kasalanan niya kay Flor. Ito na ang huli. Pagkatapos nito, lalayo na siya. Hindi na siya magpapakita sa kahit kanino. Mabubuhay siya sa sariling mga paa.
"Dixal Amorillo, uulitin ko ang tanong. Tinatanggap mo ba si Shelda Randall na maging asawa at nangangakong magsasama kayo sa hirap at ginhawa?"
Namutla siya sa narinig, tinitigan si Sheldang pinagpapawisan na sa kanyang tabi.
"Kanina ka pa tinatanong, ba't ayaw mong sumagot?" bulong sa kanya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay bumaling siya sa pari at sasagot na sana nang biglang umalingawngaw sa buong simbahan ang tunog ng kanyang mobile phone sa bulsa.
Agad niyang inilabas ang phone at sinagot ang tawag.
"Dix, ano'ng nangyari sa kapatid mo? Tumawag sakin ang driver niya, isinugod daw siya sa ospital pati ang asawa niya pero napuruhan daw si Dixal na sa ulo ang tama," humahagulhol ang kanyang ina sa kabilang linya.
Napatayo siya sa pagkagimbal, nng makabawi'y nagpupuyos sa galit na itinapon ang hawak na phone at lumapit sa matandang nakaupo sa pinakaunang hilira ng upuan ng simbahan katabi ang mga magulang ni Shelda.
Nagtatagis ang bagang na kinwelyuhan niya ang nagulat na matanda sa kanyang inasal.
"Ano'ng ginawa mo?! Sinunod kita sa gusto mo dahil ang sabi mo hindi mo siya gagalawin!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya sa matanda.
Subalit sa halip na kakitaan ng takot ay bigla itong humalakhak at pagalit ding tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa kuwelyo nito.
"Wala akong binabawi sa usapan natin. 'Wag kang mag-alala PA lang siya ni Dixal," anang matanda.
"You fool! Ang PA ni Dixal at ang asawa niya ay iisa!" muli niyang sigaw rito.
Lalo itong tumawa nang malakas na lalo niyang ikinagalit.
"You already knew she was his wife?" di-nakapaniwalang sambit niya at 'di napigil ang pagpakawala ng isang suntok sa matandang mabilis na nakailag.
Gulantang ang lahat ng mga naroon sa mga naririnig lalo na ang mga magulang ni Shelda.
"Ano'ng ibig sabihin nito? Hindi ikaw si Dixal?"
bulalas na rin ni Donald Randall sa pagkagulat.
Ngunit walang pumansin dito.
Nang-uuyam niyang dinuro ang matanda.
"Well, for your information wicked old man. Si Dixal ang nag-aagaw buhay ngayon sa ospital at 'pag nagkataong namatay ang kapatid ko sa kagagawan mo, ako mismo ang papatay sayo!" sigaw niya sabay talikod sa matanda at tumakbo palabas ng simbahan.
Naiwang nakatulala ang huli, hindi seguro inaasahan ang mangyayari. Nasapo nito ang dibdib at nanghihinang napaupo.
"No! No! It couldn't be! It couldn't be him!" paulit-ulit nitong sambit.
"'Pa, what's happening?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Shelda na naiwan sa harap ng altar.
Walang naisagot ang ama at tulala ring napatingin sa palibot habang nagkakagulo ang mga naroon at agad nagkalat ang mga tao, nagkanya kanya ng labas mula sa simbahan.
"'Wag kayong umalis! 'Wag kayong umalis! Matutuloy ang kasal ko. 'Wag kayong umalis!" sigaw ni Shelda sa naglalabasang mga tao ngunit wala nang pumansin dito.
Napaiyak na ito habang patakbong lumapit sa mga magulang.
"'Pa, ano'ng nangyari, bakit umalis si Dixal?"
usisa nito sa ama.
Hindi pa rin makapagsalita ang ama't nakamasid lang sa tulala pa ring matanda.
Mula sa nag-uumpukang mga tao sa malapit sa matanda ay may biglang naglagay ng posas sa matanda na lalong ikinagulat nito ngunit 'di nakapagsalita.
"Mr. Dante Amorillo Senior. You are under arrest for frustrated murder of Mr. Dixal Amorillo and Miss Flora Amor Salvador. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney, anang isang matikas na lalaki na nang makita ng matanda ay lalo itong napamulagat sa gulat.
"Ikaw?" naibulalas nito.
Ngumisi si Ricky na noo'y nakadamit na ng totoo niyang uniform bilang isang NBI agent.
Pilit nitong itinayo ang matandang nakaposas.
"Hindi ka makapaniwalang magkikita uli tayo? Maniningil na ako sa lahat ng kasalanang nagawa mo kay Flor mula pa noon. At seseguraduhin ko sa'yong makukulong ka habambuhay sa mga akusa sa'yo," bulong nito sa matanda, pagkuwa'y makahulugang tumingin sa ama ni Shelda na tila nagsasabing "Ikaw naman ang susunod," dahilan upang mapaatras ang ginoo pagkakita sa lalaki.
Si Ricky, sa mahabang panahon ay tinalikuran ang pagiging NBI agent at sumama kina Flor na lumayo sa Novaliches dahil sa guilt nito nang ito mismo ang 'di sinasadyang bumaril sa ina ni Flora Amor. Ngunit nang makita uli nitong napalibutan ang babae ng mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng ama ng huli ay bumalik uli sa serbisyo bilang secret bodyguard na uli ng babae.
Ngayon ay maniningil na ito sa mga nagkasala sa pamilya ni Flora Amor at mananatiling anino ng babae.
Sumumpa ito noon na proprotektahan ang pamilyang Salvador at ngayon ay sinisimulan na nitong tuparin ang sinumpaang pangako.
Ibinigay nito sa iba pang kasama ang matanda at nagmamadaling lumabas ng simbahan.
Sa ngayon ay hindi nito gagalawin si Donald Randall. Hindi pa kumpleto ang ebidensyang hawak ng NBI para patunayang ito nga ang nagbigay ng mesteryosong druga na 'yon kay dating Mayor Salvador noon.
Pupuntahan nito si Flora Amor sa ospital at seseguraduhing walang mangyayaring masama sa babae.