Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 86 - I LOVE YOU, DIXAL...

Chapter 86 - I LOVE YOU, DIXAL...

"Ano'ng nangyari, Amor?" nag-aalalang muling tanong ni Dixal pagkalabas lang ni Lemuel ng opisina.

"Nagkita kami ni Veron sa canteen. Sinisisi pa rin niya ako sa nangyari sa kamay niya," sagot niya habang nagpatiuna nang nagtungo sa kusina upang makaligo na. Binuksan na agad ng lalaki ang secret door sa likod ng ref, nagtuloy-tuloy naman siya sa loob, dere-deretso sa pinto ng shower cubicle.

Nakasunod lang si Dixal habang tila malalim ang iniisip.

Bigla siyang humarap dito bago pa pumasok sa loob ng cubicle.

"Ako nang maliligo mag-isa. May damit pa ba ako d'yan?" anya rito.

Tumango ito.

"Nakita mo ba ang matanda?" usisa nito, marahil nagtataka kung bakit siya nabanggit ng matanda kanina habang nagsasagutan ang dalawa.

Napayuko siya saka tumango.

"Pero 'di niya ako nakilala dahil sa itsura ko ngayon," sagot niya habang nakayuko.

"It was a blessing in disguise then na ganyan ang itsura mo nang makita niya," sambit nito saka tinanggal ang natira pang duming nakakapit sa buhok niya.

"I'll get your clothes," anito saka tumalikod sa kanya.

"Bakit takot kang magkita kami ng matandang 'yon?" Nag-angat siya ng mukha at lakas-loob na nagtanong ritong biglang napahinto sa paglalakad.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ito lumingon sa kanya.

"He is a wicked old man. Hindi ko alam kung pa'nong napunta sa kanya ang singsing mo. Pero alam kong nagkausap kayo noon bago ka umalis," sagot nitong nagsalubong agad ang mga kilay, ramdam sa nagtatagis nitong ngipin ang galit para sa tinutukoy.

"Siya ba ang lolo mo?"

Makulimlim ang mukhang tumitig ito sa kanya, pagkuwa'y tumango.

"But I really hate him, Amor."

Natahimik siya bigla, hindi dahil nawalan siya ng sasabihin, kundi dahil ayaw na niyang pag-usapan nila ang matanda kung galit si Dixal doon. Pero bakit no'n ipinagpipilitang pakasalan ng kanyang asawa si Shelda gayo'ng alam na seguro nitong kasal na sila ni Dixal?

Ang daming tanong ang biglang pumasok sa isip niya tungkol sa matanda pero mas pinili niyang tumahimik at sarilinin ang lahat. Marami nang problemang kinakaharap ang kanyang si Dixal, kung mangungulit pa siya sa kakatanong tungkol sa lolo nito, baka mainis na ito sa kanya.

Binilisan niya ang paglilinis ng buong katawan upang makapagbihis agad. Naalala niyang may ipinapagawa pala ito kanina tungkol sa mga documents sa ibabaw ng mesa nito.

Kinuha niya ang bath robe na nakasabit sa likod ng pinto ng cubicle at dahan-dahan lumabas doon. Nakita niya ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo habang hawak sa kamay ang kanyang mga damit na isusuot.

"Dixal-"

Agad itong tumayo at lumapit sa kanya nang makitang tapos na siyang maligo.

"Dixal, sa palagay ko, tama si Devon. Kialangan na seguro kitang tulungang mamalakad sa kompanya." Hinayaan muna niyang matapos nito ang pagbibihis sa kanya bago siya nagsalita.

Napatitig ito sa kanya, pagkuwa'y ipinupulot ang mga kamay sa kanyang beywang saka siya inayang maupo sa harap ng tokador kung saan nakaready na roon ang mga cosmetics na gagamitin niya.

"Dixal, pati mga 'yan, bumili ka rin?" gulat na wika niya. Ngayon lang kasi niya napansin ang mga 'yon.

"Uhm--yup. Pinagtitinginan nga ako sa mall habang namimili ng gamit mo."

Napahagikhik siya, tinitigang mabuti ang pisngi nitong biglang namula habang nagsasalita.

At nang makita ng lalaki sa repleksyon ng salamin ang masaya niyang mukha'y itinuloy nitong magkwento.

"No'ng binubuklat ko 'yong mga underwear sa ladies section, kahit mga sales lady napapatitig sakin." Mahina itong tumawa sabay yuko't pinagmasdan ang kanyang repleksyon habang siya humahagalpak ng tawa.

"Mabuti 'di ka napagkamalang bading," sa pagitan ng tawa'y sambit niya.

Tumawa na rin ito nang malakas.

"Lumapit nga sa'kin 'yong isang sales lady, sabi hindi daw kasya mga 'yon sakin. Sabi ko, these aren't for me, but for my wife. Natigilan siya, paulit ulit na humingi sa'kin ng sorry lalo na nang lumapit ang manager at nakilala ako."

Sa narinig ay lalo yatang lumalim ang pagmamahal niya sa lalaki. Imagine, carry nitong mapagkamalang bading para lang mabilhan siya ng mga pangangailangan niya.

Sino pa kayang lalaki ang gumagawa niyon ngayon? Si Harold nga, pabilhin lang niyang napkin noon, kumkamot na sa ulo. Pero ang lalaking ito sa kanyang harapan, cold-hearted at aloof sa ibang tao subalit pagdating sa kanya, bakit ibang iba ang ugali nito? He's the most romantic and caring husband na nakilala niya.

Sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig rito sa salamin. Ito ma'y gano'n din ang ginawa saka yumukod at itinukod ang mga kamay sa ibabaw ng tokador habang mariing nakatitig sa kanya, pagkuwa'y hinalikan ang kanyang batok.

"Wala akong hindi gagawin para sa'yo, Amor."

anas nito.

"Dixal--" speechless siya. Hindi niya alam kung ano pang idudugtong sa katagang 'yon.

Kaya't naihimas na lang niya ang isang palad sa pisngi nito.

"I love you."

Natigilan ito, kunut-noong tumitig sa kanya sa salamin.

Subalit siya man ay nagulat sa biglang lumabas sa sariling bibig.

Napalunok siya, isang beses, dalawang beses hanggang sa paikutin nito ang kinauupuan niyang silya paharap dito at ilang minutong napako ang mga mata nila sa isa't isa.

"I love you, Dixal." This time hindi na siya nagulat. Gusto na niyang ilabas ang sinasabi ng kanyang puso.

Sa halip na sumagot, siniil siya nito ng maalab na halik, hindi lang basta maalab, puno 'yon ng pagmamahal na tila sinasabi sa kanyang "I love you more, sweetie," at wala siyang lakas para tanggihan ang gusto nitong mangyari kaya't napapikit na lang siya't gumanti ng halik habang ang isang kamay ay kusang kumapit sa ulo nito.

Isang mahinang ungol ang pinakawalan nito nang maramdamang humihimas ang kanyang isa pang kamay sa ibabang bahagi ng katawan nito, pagkuwa'y Itinayo siya't ipinulupot ang isa nitong kamay sa kanyang beywang saka muling napaungol.

"Dixal--" bigla niyang awat, bahagyang inilayo ang mukha sa lalaki nang maalalang may kailangan pa siyang ayusing mga papeles.

"I think, kailangan ko nang seryusuhin ang trabaho ko bilang PA mo," saad niya ritong halata sa mukha ang pagkabitin.

"Amor, it can wait, but I can't." Tila bata itong umangal, kinabig pa lalo ang kanyang beywang para maglapat ang kanilang mga katawan.

Napahagikhik na lang siya't pinisil ang ilong nito habang nakapako pa rin ang sariling mga mata rito.

"Tutulungan kitang ayusin ang mga documents na kinakalkal mo kanina," an'ya bago ito bigyan ng snack kiss.

Bumuntunghininga ang lalaki para pahupain ang init ng katawan saka siya niyakap nang mahigpit.

"You're cruel," nagtatampo nitong usal.

Malakas na tawa lang ang isinagot niya.

Ilang minuto pa ang dumaan bago siya nito dinala sa meeting room na pinasukan nila noon na ang tangi lang niyang nakita sa loob ay ang isang work table at 'yong flat TV na nakadikit sa taas ng pinto ng silid.

Subalit nang buksan ni Dixal ang lahat ng mga ilaw at CCTV monitors sa wall ng silid ay saka lang tumambad sa kanya ang isang CCTV surveillance control room.

"Wooww!" bulalas niya habang iniisa-isang tingnan ang bawat monitor ng mga CCTV.

Napansin niyang tanging opisana lang ni Dixal at ang loob ng VIP'S elevator ang wala sa monitor. Pati ang iba't ibang projects na hawak nito ay nakikita niya rin, namomonitor din 'yon ng lalaki.

"This is actuality a surveillance control room."

pagkompirma nito saka lumapit sa mesa at may pinindot sa ilalim niyon, biglang naging parang robot ang mesang iyon, nagbago ng anyo at kusang naglabas ng isang upuan.

Biglang nagbago ang nasa screen ng monitor, naging mukha ng isang lalaki.

"Good day, Mr. Amorillo, sir! What can I do for you?" anang nasa screen.

"Woah!" bulalas niya uli saka lumapit sa mesa't hinimas iyon.

"AI Robot pala 'to, Dixal? Ang galing ng inventions mo!" puno ng paghanga niyang wika habang iniikot ng tingin ang buong mesa.

Tumango ang lalaki, amazed na nakamasid sa kanyang manghang mangha sa nakikita.

"Dante, meet my wife, Flora Amor," anang lalaking nakatayo sa gilid ng mesa at nangingiting pinagmamasdan ang asawa.

Napanganga na uli siya nang magbago na naman ang anyo ng mesa at naging isang humanoid robot sa kanyang harapan.

"Oh my-- Is this his real appearance?" 'di makapaniwalang bulalas niya.

Tumawa nang malakas si Dixal.

"Ipakita mo ang 'yong singsing sweetie, to introduce yourself to him," anang asawa pagkuwan.

Inilabas nga niya ang pendant ng kanyang kwentas at ipinakita sa robot.

Inilahad ng AI robot ang kamay nito para makipagkamay sa kanya.

"He's my father's invention, Amor. Kaya I named him after my father," pagbibigay alam ng lalaki.

"Hello, Mrs. Flora Amor Amorillo. It's nice seeing you again."

"Woah! Pati ako kilala niya?" bulalas niya uli sabay hagikhik.

"What can I do to help you, ma'am?" usisa ng robot.

Bumaling siya sa lalaking noo'y paharap na sa kanyang nakaupo sa silyang inilabas ng robot kanina at 'di nawawala ang ngiti sa labi habang nakamasid sa kanya.

"Talk to him sweetie. He's a good companion you know," anito.

"Well, let's see if it's true," sagot niya saka nakipagkamay sa robot.

"Nice meeting you, Sir Dante," ganti niyang bati.

"My pleasure, ma'am! How can I help you?"

sagot niyon.

"Aherm! Aherm!" umubo muna siya bago muling nagsalita.

"Tell me who Dixal Amorillo is," pigil ang hagikhik na tanong niya.

"Mr. Dixal Lehman Amorillo, the son of a genius scientist and inventor, Mr. Dante Amorillo Junior and a half-Filipino, half-German woman, Miss Alice Lehman, and has a twin brother, Mr. Dix Lehman Amorillo, Studied at UP Manila as civil engineer and graduated as Summa Cum Laude of the same school. He became the CEO of Amorillo Construction Company, a company founded by his father but was later owned and founded by the wicked old man, Dante Amorillo Senior. He married Flora Amor Randall Salvador, a childish lady who has an innocent face that could melt everyone's coldest heart and has a brilliant beauty, as brilliant as the shining star--" habang nagsasalita ito'y ipinakikita sa monitor ang mga taong pinapangalanan nito.

Isang malakas na halakhak ang kanyang pinakawalan nang marinig ang description sa kanya ng robot.

"Very good. Very good Dante!" bulalas niya sabay palakpak sa robot ngunit biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sinabing apelyido nito, or nagkamali lang ba siya ng dinig?

"What did you say my name is?" kunut-noo niyang tanong.

Subalit biglang tumayo si Dixal sa kinauupuan at agad inawat ang robot na ikinapagtaka niya.