Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 87 - THE TRUTH ABOUT HER MOTHER'S FAMILY BACKGROUND

Chapter 87 - THE TRUTH ABOUT HER MOTHER'S FAMILY BACKGROUND

"It's enough, Amor. I have more important things to show you. Ipapakilala ko sa'yo 'yong mga shareholders ng kompanya," pakli ni Dixal nang makalapit at humarap sa Artificial intelligence robot.

"But, I'm not done asking him yet. I think he wrongly said my name," giit niya sa lalaki.

Hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya siyang umupo sa kinauupuan nito kanina saka iniharap iyon sa monitor saka bumaling sa robot.

"Dante, show us the FOL Builders Incorporation's shareholders' photos and names."

"Yes, Mr. Amorillo," sagot nito.

Una nitong ipinakita ang larawan ng ama ni Shelda.

"You've seen Mr. Donald Randall, right? Siya ang ama ni Shelda Randall," pagpapakilala nito.

Tumango siya ngunit sa isip ay hindi mawala-wala ang kanyang pangalang binanggit ng robot.

Nang mapansin ng lalaking bigla siyang natahimik ay lumipat ito ng tayo sa kanyang likuran saka siya niyakap at inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

"I thought you wanted to help me manage the company," usal nito.

Bahagya siyang napapitlag sa ginawa nito at agad ipinako ang tingin sa harap ng monitor.

"Y-yes, okay. What's his name again?" usisa niya nang makabawi, ngunit 'di ikakailang apektado siya sa ginawang 'yon ni Dixal.

"Donald Randall, ang ama ni Shelda," nakangising sagot nito.

Ilang beses siyang tumango at 'di inilalayo ang tingin sa mukha ng hula niya'y nasa early 50's nang edad nito.

"Siya ang kanang kamay ng matanda noong buhay pa ang Amorillo Construction Company. Siya din ang kinuha ng matanda bilang shareholder nang itinayo ko ang FOL BUILDERS, though I disliked him the first time I saw his face," kwento nito.

"Siya ba 'yong pinaiimbestigahan mo sa mga tauhan mo?" usisa niya.

"Yup," anito't umayos ng tayo saka may pinindot kay Dante para bumalik ito sa pagiging isang mesa.

"Dixal, ang galing palang inventor ng papa mo." Tumingala siya't bumaling rito.

Bumuntung-hininga ito.

"Nang dahil duon kaya siya namatay." Biglang lumungkot ang mukha nito.

"I'm sorry, Dixal. Hindi ko alam," pakikisimpatya niya.

Sa halip na sumagot ay may kinuha itong ballpen sa drawer ng mesa at 'yon ang ginamit para palitan ang picture sa monitor.

"And this one is Veron's father. Mr. Edmund Villaberde," pagpapakilala ng lalaki sa pangalawang larawan sa monitor.

Tinitigan niyang mabuti ang picture. Kung hindi siya nagkakamali, ito 'yong nagsalita sa annual meeting noon upang ipagtanggol si Dixal.

"Isa siya sa mga trusted shareholders ko but he's also after the wealth of Amorillo family kaya gusto niyang magkalapit kami ni Veron," paliwanag ng lalaki.

Mataman lang siyang nakikinig.

Pinalitan na uli nito ang larawan sa screen at ipinakilala sa kanya ang isang kasing-edad nito ngunit wala na siyang nauunawaan sa mga sinasabi nito, mas tamang sabihing inaantok siya habang nagsasalita si Dixal.

Nang nasa kalagitnaan na ito'y bigla siyang sumabad.

"Sino ang mga anay sa kompanya mo, Dixal?" usisa niya.

Lumayo ang lalaki sa kanya at umupo sa swivel chair nito paharap sa kanya.

"Number one on the list is Mr. Randall," sagot nito habang nakatingin sa kanya.

"Bakit mo pa siya kinuhang shareholder kung ayaw mo naman pala sa kanya?" usisa niya.

"As what I've told you, kanang kamay siya ng matanda. At ang matandang 'yon lang ang may access sa dating building ng Amorillo Construction Company. Mas malawak ang building na 'yon kesa rito. Mula nang mamatay ang papa ko, ang matanda na ang may full access duon. Ang hula ko, there's something in there na ang matanda lang at si Mr. Randall ang nakakaalam. Kaya pumayag ako noong magpakasal kay Shelda sa pag-aakalang pagkakatiwalaan ako ng matanda at sasabihin sa'kin ang sekreto niya sa building na 'yon. Pero nakita kita bago pa man kami ma-engage ni Shelda kaya umatras ako," mahaba nitong paliwanag.

Mataman lang siyang nakikinig habang nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa at nakatitig sa lalaking kaswal lang na nagkukwento.

"So, kaya galit na galit ang lolo mo sa'yo dahil imbes na si Shelda ay ako ang pinakasalan mo?" tanong na uli niya.

Tumango ito.

"'Yong ama ni Shelda, bakit ayaw mo do'n?" muli niyang tanong pagkuwan.

"He was one of the famous drug lords before. Nag-lie low lang siya noong makulong ang kanyang kapatid," kaswal nitong sagot nang biglang tumunog ang mobile phone sa bulsa ng slacks pants nito.

Lumapit ito sa kanya sabay yukod hanggang sa lumapat ang mukha nito sa ulo niya.

"Wait sweetie. I'll just answer this call," paalam nito saka siya hinalikan sa ulo at nagmamadali nang lumabas ng kwarto.

Sinamantala ni Flora Amor ang pakakataon at mabilis na hinanap ang pinindot ni Dixal kanina upang magbago ang anyo ng robot.

"Dante, who is Flora Amor Salvador?" tanong niya sa robot nang maging humanoid na ito.

"Flora Amor Randall Salvador is the wife of Dixal Lehman Amorillo," sagot nito kasabay ng paglitaw ng kanyang mukha sa monitor.

Kumabog agad ang kanyang dibdib sa narinig. Flora Randall Salvador? Bakit ibang middle name niya ang nakaprogram sa robot? Imposibleng hindi alam ni Dixal ang kanyang middle name.

Sa nalilitong isipan ay biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng ina.

"Tell me everything about Flora Amor's mother." Puno ng antisipasyon ang kanyang utak habang inuutusan ang robot na agad namang nag respond.

"Your mother was Elizabeth Montenegro Randall, the heir of late David Randall who was burned to death inside his house with his wife when she was just fifteen years old, and the alleged culprits were Dixal's grandfather and Donald Randall, his own son. But she is known today as Nancy Montenegro Salvador."

Napaatras siya sa magkahalong gulat at gimbal sa narinig kasabay ng pamumutla ng kanyang mukha at panginginig ng kanyang kalamnan. Ngayon niya lang nauunawaan ang huling sinabi ng ina bago siya nakatulog nang gabing iyon. Kaya pala ito nagpalit ng pangalan dahil natakot na mahanap ng lolo ni Dixal at ng kapatid nito pagkat ang ina pala ang tagapagmana ng kayamanan ng ama nito.

Ang kawawa niyang ina. Hindi niya alam na gano'n pala katindi ang hirap na pinagdaanan kahit noong bata pa.

"Amor--?" awang ang labing sambit ni Dixal ngunit napatiim-bagang pagkuwan.

Bahagya lang niyang narinig ang tawag na 'yon mula kay Dixal ngunit hindi siya humarap dito.

"Pinaiimbestigahan mo rin ang mama ko?" sobrang hina ng kanyang boses na 'di halos lumabas ang mga salitang 'yon sa kanyang bibig sa halu-halong emosyong kanyang nararamdaman ng mga sandaling 'yon.

Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Dixal sa kanyang magkabilang braso sabay harap sa kanya.

Nang aakusa ang mga titig na ipinukol niya sa lalaking nakailang beses na lumunok bago nagsalita.

"Amor--"

"Kelan mo pa pinaiimbestigahan ang mama ko?" Kasinlamig ng yelo ang salitang muling lumabas sa bibig niya.

"Amor, it's not what you think it is. Hindi ko rin alam na madadamay ang pangalan ng mama mo sa imbestigasyon ko kay Randall. Believe me, Amor. Nagulat din ako sa nalaman ko tungkol sa kanya," paliwanag ng lalaki sa tonong halatang nanghihingi ng pang-unawa.

Sa halip na sumagot ay tinanggal niya ang mga kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanyang mga braso habang ang nang-aakusang mga mata'y 'di inaalis mula sa pagkakatitig rito para iparamdam sa lalaki ang kanyang galit.

"Dante, tell me about my father," utos niya sa robot.

Nailamukos na lang ni Dixal ang isang palad sa mukha nito.

"Your father was the former mayor of Novaliches seven years ago and was an active drug lord at that time but was killed by the NBI Director, Anthony Diaz," sagot ng robot sa kanyang harapan.

Muntik na siyang matumba nang lalong manginig ang kanyang mga tuhod sa pagkagimbal mula sa sagot ng robot. Buti na lang kinabig siya agad ni Dixal at mahigpit na niyakap.

Iisa lang ang Anthony Diaz na kilala niya, ang ama lang ni Anton, pero hindi 'yon totoo. Wala naman sa NBI ang ama ng kaibigan, isa itong professor sa pinasukan niyang university noon.

Ngayon niya nauunawaan kung bakit siya nagkaroon ng amnesia dahil sa psychological trauma.

Ang kanina pang pinipigil na iyak ay biglang kumawala ngayon, bigla siyang napahagulhol sa mga bisig ng asawa.

"Amor, I'm sorry kung inilihim ko 'yon lahat sa'yo. Ayuko lang makita kang gan'to ngayon dahil ako ang higit na nasasaktan 'pag nakikita kang umiiyak," puno ng sensiridad na pang-aalo nito sa kanya.

Patuloy lang siya sa paghagulhol habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito dahil sa mga nalaman tungkol sa kanyang mga magulang.

Subalit higit siyang naaawa sa kanyang inang sa kabila ng pagiging isang madaldal na magulang ay may tinatago palang nakakagimbal na nakaraan. Ngayon siya higit na humahanga rito dahil sa murang edad nito noon, nagawa nitong makatakas mula sa mga kalaban at itago ang sarili sa ibang pangalan.

Ngayon niya rin ramdam ang galit ni Dixal sa lolo nito sa kaalamang ito pala ang inakusahang pumatay sa kanyang lolo.

Naramdaman niya agad ang pag-iinit ng katawan sa kakaibang galit na biglang namayani sa kanyang puso.

Gusto niyang gumanti sa nangyari sa kanyang mga magulang, iyon ang agad niyang naisip.

Tatandaan niya ang bawat pangalang binanggit ni Dante na umapi sa kanila maging ang pumatay sa kanyang ama.

Tumigil siya sa paghagulhol at bahagyang itinulak ang lalaki saka pinahid ang mga luha sa mga mata.

"Sino ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ni mama?" maya-maya'y usisa niya kay Dixal na nakahinga nang maluwang nang magsalita siya.

"Tayo lang tatlo ni Lemuel at itong robot at ang taong pinagtanungan ni Lemuel tungkol sa ina mo. But don't worry, nakuha na ni Lemuel ang lahat ng documents na nagpapatunay na siya ang nakatakas na anak ng multi-billionaire na nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain sa Laguna noon. At tikom din ang bibig ng napagtanungan ni Lemuel tungkol sa mama mo, wala siyang pinagsabihan maliban kay Lemuel," sagot nito.

Naupo siya sa kanina'y kinauupuan, walang naging reaksyon sa sinabi ni Dixal sa kanya at ang tangi lang nakarehistro sa mukha ay galit para sa mga nanghamak sa ina at sa mga magulang nito.

Siya ang gaganti para rito. Kung hindi niya 'yon gagawin, sa kalauna'y siya naman ang magiging target ng mga ito lalo 'pag nalaman ng lahat na siya ang asawa ni Dixal.

"Sabihin mo sakin kung ga'no kayaman ang lolo ko at kung anong ipinaman nito kay mama," baling niya kay Dixal.

"Amor, let me handle this for you," anito saka siya muling nilapitan.

"No!" napahiyaw na siya sabay tayo at humarap sa lalaki.

"This is not just your affair but mine too. Hindi ako uupo na lang rito at maghihintay na ako naman ang atakehin nila ngayong alam ko na kung paano nilang hinamak at ninakawan ng kayamanan ang mama ko at kung pa'no nilang pinatay ang papa ko!" katwiran niyang litid ang mga ugat sa leeg sa panggagalaiti.

"Calm down,sweeti. I told you, I can handle this," giit pa rin ng lalaki at akma na naman siyang hahawakan para pakalmahin ngunit agad siyang umatras palayo rito.

"Answer me! Ga'no kayaman ang lolo ko at anong ipinaman niya sa mama ko?" sigaw na uli niya.

Laglag ang balikat na naipamulsa ni Dixal ang mga kamay sa suot na pants.

Siya nama'y muling umupo paharap sa monitor. Maya-maya'y nakita na niya roon ang mga gold bars at antique na mga kagamitan na hindi man lang niya nabasa mula sa mga libro noon.

"Isang antique collector si Don Randall at marami siyang nakatagong gold bars na na tanging ang iyong ina lang ang nakakaalam, ayon sa napagtanungan ni Lemuel sa Laguna. At ang mga mamahaling antique na nasa kamay nito'y ipinatago din raw sa lola mo noong nabubuhay pa ang mga ito and it was surely in your mother's hands. Ang lupaing inangkin ngayon ng mga Randall, balewala 'yon sa kayamanang hawak ng mama mo. Subalit kasabay ng pagkabura ng pangalan niya ay ang paglaho ng mga nasabing kayamanang 'yon," kwento nito.

Hindi kayang ipaliwanag sa laki ng awang ng kanyang bibig ang pagkamangha sa yamang binanggit ni Dixal. Ilang beses siyang kumurap upang i-absorb ang mga 'yo sa kanyang utak pero hindi talaga niya ma'compute kung ga'no kalaking yaman merun ang kanyang ina na kahit isang antique ay wala man lang itong ipinakita sa kanila kahit noon pang bata pa siya.

"Hindi 'yon totoo, Dixal. Hindi magtitiis bilang tindera sa palengke si mama kung talagang mayaman siya," pagsalungat niya sa sinasabi nito.

"Hindi 'yon ang mahalaga sakin, Amor. Ang gusto kong malaman ay kung ano'ng kinalaman ni Donald Randall sa kaaway ko sa negosyo, ang un-identified shareholder sa kabila, at mga spy na inilagay nila sa kompanya ko. I really don't care about your mother's identity," paliwanag nito.

Tumayo siya't humarap sa asawa.

"Dixal, gusto kitang tulungan sa problema mo.

Nakapagdesisyon na akong mangialam sa negosyo mo at puksain ang anay sa kompanyang 'to," an'yang kusang lumapit sa lalaki at siya naman ang humawak sa kamay nito.

"Parehas lang tayo ng mga kalaban. Kung wala tayong gagawin sa kabila ng ginagawa nila sa'tin, baka matulad ang kompanya mo sa kompanya ng papa mo noon na nakuha ng iyong lolo," pangungumbinsi niya sa lalaki.

"Amor, hindi mo kilala si Donald Randall. Isa siya sa pinakamayamang tao sa buong bansa dahil sa mga hawak niyang lupain sa Laguna at sa mga negosyo niya ngayon. Idagdag pang ang hula ko'y may bago siyang ipinapakalat na druga, 'yong napapabalitang crystal ecstasy," paliwanag nito.

"Stay out of this, Amor. I swear, I can handle all of these as soon as possible. Hindi matutulad ang kompanyang 'to sa itinayo ni papa noon at napunta sa matanda," paniniyak ni Dixal saka nag-aalalang yumakap sa kanya.

Pero desidido na siyang mangialam sa problema nito. Kung hindi ito papayag sa gusto niyang mangyari, si Lemuel ang kanyang kukulitin na ibigay ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga kalaban ni Dixal sa mismong loob ng establishment na 'yon.

Related Books

Popular novel hashtag