Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 85 - THE RETURN OF THE EVIL OLD MAN

Chapter 85 - THE RETURN OF THE EVIL OLD MAN

"LOLO?" gulat na sambit ni Veron nang humarap sa matandang papalapit sa kanila.

Sa maduming mukha ni Flora Amor at halos 'di makilala ng iba'y napatingin siya sa matandang nakapagtatakang tuwid pa rin kung maglakad at makikita sa tindig at suot nito ang pagiging isang prominenteng tao.

Biglang tumahimik ang kanina'y maingay na kapaligiran nang makalapit na ito.

"What are you doing, Veron?" takang usisa ng matanda na sandaling kumunot ang noo at mariin siyang tinitigan.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang magtama ang kanilang paningin.

Kumunot din ang kanyang noo. Bakit tila pamilyar ang mukha nito sa kanya? Ang nanunuring mga matang 'yon, ang ekspresyon nang mukhang 'di malaman kung sa isang mabait na tao o sa isang halang ang kaluluwa. But she could sense danger all of a sudden lalo na sa mariin nitong titig sa kanya na tila kinikilala siya ngunit mabilis din siyang yumuko pagkuwan, saka ito bumaling kay Veron.

"'Lo, I just want to give her a lesson. Look at my hand, nang dahil sa haliparot na 'yan kaya nalapnos ang balat ng kamay ko!" mangiyak ngiyak na sumbong nito sa matanda, halatang nagpapasaklolo pa.

"Who is she?" curious na tanong nito habang patuloy siyang pinagmamasdan.

"She's Dixal's PA. That slut! Ang kapal ng mukha niyan 'Lo. Pinagsabihan na ni Dixal na umalis sa trabaho dahil sa ginawa sa'kin pero hindi pa rin umaalis hanggang ngayon," patuloy nito sa pagsusumbong, sinabayan pa ng hikbi ang sinabi.

Ang mga naroon nama'y nagsimula nang mag-ingay uli nang malamang siya ang PA ng chairman.

Pero nanatili lang siyang nakayuko. Ewan ba kung saan nanggagaling ang takot sa kanyang puso nang makita at makatitigan ang matanda sa harapan. Pakiramdam niya, mas mapanganib ito kesa kay Veron.

Tumawa nang mapakla ang matanda.

"Relax, Veron. Don't stoop down to this rag's level. Dispose her if you want," natatawang wika nito na sa tono ng pananalita ay para bang hindi siya tao sa paningin nito kundi isang basahan.

Lalo siyang nagngitngit sa galit. Sino ba ang mga taong ito na kung makapanlait ng kapwa ay wagas, na para bang pag-aari na ng mga ito ang buong mundo?

Tinapik nito ang balikat ng dalaga.

"Take it easy Veron. Remember your place in here," paalala sa huli bago lumabas ng canteen.

At nang makaalis na ang matanda ay muli siyang binalingan ni Veron upang pagbantaan.

"You heard my grandpa? You're just a rag that nobody would dare to touch! Kaya't 'wag kang magpapantasyang magugustuhan ka ni Dixal, you damn whore!" Hindi pa rin mawala ang galit nito sa kabila ng ginawa sa kanya at akmang susugurin na naman siya para sampalin nang mahuli niya ang kamay nito at mahigpit iyong hinawakan.

"Let me go, you bitch!" sigaw nito na halos lumuwa ang mga mata sa panlilisik sa kanya.

"Remember the face of this so-called rag. Ang pagmumukhang 'to ang magtuturo sa'yo kung saan ka dapat lumugar!" tiim-bagang niyang sambit saka ibinalik rito ang dalawang mag-asawang sampal na ibinigay kanina.

Napahiyaw ito sa pagkagulat bago niya bahagyang itinulak at nagmamadaling umalis doon pagkatapos. Hindi niya makakalimutan ang mga tingin ng mga naroon sa kanya habang naglalakad siya palabas ng canteen, 'yong iba'y halatang nanghahamak, ang iba'y pinagtatawanan siya at ang ilan ay pumapalakpak sa ginawa niya sa finance director.

"I'll surely kill you, you bitch! Hindi kita tatantanan hangga't 'di ka napapaalis rito!" habol ni Veron bago siya makaalis sa lugar na 'yon ngunit hindi na siya lumingon, dere-deretso lang ng lakad papunta sa VIP'S elevator at 'yon ang ginamit pabalik sa opisina ni Dixal.

Nasa loob siya ng elevator nang mapansin niyang 'di pala nakasunod sa kanya si Elaine. Marahil natakot ito sa nangyari kaya hinayaan na lang siyang lumayo mula roon.

Napabuntunghininga siya pagkatapos at awa sa sariling hinimas ang mukha. Ngayon niya lang naranasan ang gan'tong bagay sa tanang buhay niya. Ganito pala kahirap ang mapalapit kay Dixal. Pero kailangan niyang tiisin ang lahat ngayong nangako na siya sa sariling si Dixal lang ang lalaking gusto niyang mahalin.

Gusto nang tumulo ang kanyang mga luha. Alam niyang kababata ni Dixal si Veron. Kung nagawa nito ang bagay na 'yon sa kanya, ano pa kaya ang mga magulang ni Dixal 'pag nalaman ng mga itong isa lang siyang hamak na basahan tulad ng sinabi ng matanda kanina? Masasama din ba ang ugali ng mga magulang ng lalaki? Nakita na niya ang kakambal ni Dixal at nakausap. Hindi naman 'yon gano'n sa kanya. Pero 'yong sinasabing lolo ng dalawa, kasinsama din ba ni Veron ang pag-uugali no'n? 'Yong mama't papa ng lalaki, mga matapobre din ba ang mga ito?

Muli siyang napabuntunghininga. Ngayon lang niya naisip ang mga bagay na 'yan, ngayong may nangyari na sa kanilang dalawa. Kaya ba siya lumayo at iniwan si Dixal dahil hinarangan sila ng pamilya nito? Posibleng gano'n ang nangyari.

Pagkalabas lang ng elevator deretso siyang naglakad papunta sa opisina ni Dixal at napapayuko na lang kapag may nakakasalubong na mga taong nagtataka kung ano'ng nangyari sa kanya.

Kung talagang desidido siyang manatili sa tabi ng asawa, kailangan niyang maging matapang. Kailangang kapalan niya ang mukha at asahang hindi lang gano'n ang mararanasan niya lalo pag nalaman ng fiancee ni Dixal na may relasyon sila ng huli. Ano ang kaya nitong gawin sa kanya? Mas malala pa ba sa ginawa ni Veron?

Ngayon pa lang naaawa na siya sa sarili. Pero kailangan niyang tanggapin ang lahat ng 'yon. She and Dixal against all odds. Gano'n nga seguro ang tema ng pagmamahalan nila ng lalaki.

Agad bumukas ang pinto ng opisina pagkatapat lang niya sa pinto, hindi pa man kumakatok, kaya't mabilis siyang pumasok roon at dederetso sanang kusina nang marinig niya ang boses ng isang matanda.

"You fool, little brat. Hindi mo pwedeng bawiin ang sinabi mo noon. May usapan tayong itutuloy mo ang kasal niyo ni Shelda next week."

Natigilan siya. Ang boses na 'yon. Parang iyon ang boses ng matandang tumawag sa kanyang basahan kanina.

Biglang nagregudon ang kanyang dibdib sa kaba at nagmamadaling nagtago sa ilalim ng kanyang mesa nang maramdaman niyang lalabas ng kusina ang dalawang nag-uusap.

Ang bilis namang natapos ng meeting ni Dixal. Ano kayang nangyari sa meeting na 'yon?

Nakaramdam siya ng 'di maipaliwanag na lungkot nang mai-absorb sa utak ang sinabi ng matanda. Next week na ang kasal ni Dixal kay Shelda. Ilang araw na lang 'yon mula ngayon. Hindi siya papayag. Siya ang asawa ng lalaki, kasal na sila, bakit ito magpapakasal pa sa iba?

Tama nga ang hula niya. Lumabas nga agad sa kusina si Dixal at umupo sa swivel chair nito. Hindi siya dumungaw para tignan ang dalawa at baka makita pa siya ng matanda.

Makikinig na lang siya sa usapan ng mga ito.

"What made you change your mind? Tell me. Nagkita ba uli kayo ng ilusyunadang 'yon?" Sunud-sunod na tanong ng matanda sa tahimik pa ring si Dixal.

"O nakahanap ka ng ipapalit sa kanya?"

"It doesn't concern you anymore, tanda," mahinahong sagot ng lalaki. Sa paraan ng pagsagot nito sa matanda, parang walang relasyon ang dalawa sa isa't isa.

"Everything about you concerns me, Dixal. Ang perang hawak mo ngayon, pag-aari ko ang lahat ng 'yan," anang matanda.

Tumawa nang mapakla ang lalaki.

"It seems nawalan na ng logic ang mga sinasabi mo, tanda. Are you that afraid na hindi ko pakakasalan si Shelda, or you're afraid that I've found my wife at sabihin niya sa'kin kung ano'ng ginawa mo bago siya umalis?"

Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sa narinig mula kay Dixal. Ibig bang sabihin, magkakilala talaga sila ng matandang kaya pamilyar ang mukha nito sa kanya? 'Yon ba ang sinabi nitong may hawak ng singsing niya? Nahawakan niya ang blouse sa bandang dibdib kung saan nakatago ang pendant niyang singsing. Napunta iyon sa matanda bago niya iwan si Dixal? Ibig sabihin, kinausap siya nito at ibinigay niya o sapilitang kinuha sa kanya ang singsing, alin sa dalawa?

"'Wag kang susuway sa utos ko, Dixal. Make sure na pakakasalan mo next week si Shelda. Kung hindi'y seguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa babaeng kinahuhumalingan mo ngayon," pagbabanta ng matanda.

Narinig niyang tila may sinipang upuan. Nacurious siya't sumilip sa gilid ng mesang pinagtataguan.

Napaawang ang kanyang bibig sa kaba.

Si Dixal, kinukuwelyuhan ang lolo nito habang nakatayo malapit sa work table ng lalaki!

"Try to make a move against me at lahat ng sinasabi mong kayamanan mo ay biglang maglalaho sa'yo, tanda. I'm not that old Dixal anymore na pwede mong takutin na lang basta. Baka nakakalimutan mong pera ng papa ko ang hawak-hawak mo ngayon and it's up to me kung babawiin ko 'yon lahat sa'yo."

nanggagalaiti nitong sambit sa matigas na boses.

Tumawa nang malakas ang kausap na tila balewala rito ang sinabi ng lalaki.

"You know me, Dixal. 'Pag sinabi ko, ginagawa ko. Your PA is a beautiful girl though. Siya ba ang ipinalit mo sa babaeng 'yon? Just watch how I'll destroy her in front of you 'pag 'di mo itinuloy ang kasal niyo ni Shelda sa sunod na linggo."

"Damn you, you wicked old man!" sigaw ng lalaki sa galit.

Muntik na siyang mapasigaw sa pinagtataguan nang itaas nito ang isang kamay upang suntukin ang matanda. Mabuti na lang at biglang umiksena si Lemuel, mabilis na pinigilan ang una at pinaghiwalay ang dalawa.

Muli siyang nagtago sa ilalin ng mesa at di na nagawang tingnan ang ginagawa ng tatlo. Nahawakan niya ang dibdib. Bigla na naman iyong sumakit.

"Get out of here! Get out!" sigaw ni Dixal.

"Remember what I told you, little brat. Patutunayan ko sa'yong ako pa rin ang masusunod ngayon at wala kang karapatang tumutol dahil apo lang kita!" hiyaw ng matanda bago lumabas ng opisina.

Maya-maya'y natahimik na ang buong paligid.

"Dixal, what are you going to do now?" nag-aalalang usisa ni Lemuel.

Narinig niya ang malakas na buntunghininga ng lalaki.

"Look for Amor. 'Wag mong hayaang magkita sila ng matandang 'yon!" utos sa lalaki.

"It's not the problem here. Ang pagpapakasal mo kay Shelda ang problema dito."

"I'm not going to marry her, dammit!" sigaw na ni Dixal sabay suntok sa ibabaw ng mesa.

Hindi na siya nakatiis at lumabas sa lungga lalo't nagsisimula na namang sumakit ang kanyang dibdib.

"D-ixal--"tawag niya sa lalaking nanlaki agad ang mga mata nang makita siya sa gano'ng ayos.

"Amor? What happened?!" bulalas nito't agad siyang nilapitan.

"Let me take a shower first," sagot niya.

Bumaling ang lalaki kay Lemuel at sumenyas na umalis na.

Ang huli nama'y mabilis na tumalima at lumabas ng opisina.