Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 84 - VERON'S REVENGE

Chapter 84 - VERON'S REVENGE

Tila nakalutang pa rin sa alapaap si Flora Amor habang nakatitig sa likuran ni Dixal na nang mga oras na iyo'y busy na sa pagkakalkal ng mga papeles sa ibabaw ng mesa nito.

Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang mga halik nito, ang bawat paghagod ng kamay sa kanyang katawan, ang sabay na pag-indayog ng kanilang mga katawan habang inaakyat ang pinakarurok ng kaligayahang noon lang niya naramdaman.

Nakakabaliw ang pakiramdam na 'yon, nakakapagpawala ng kanyang katinuan.

Kung hindi niya nakagat ang sariling daliri at 'di napasigaw sa hapdi niyon ay hindi pa niya mamamalayang nakatukod na pala ang mga siko ni Dixal sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakadukwang sa kanya at pinagmamasdan ang kanyang mukhang namula agad sa pagkapahiya.

Inayos niya agad ang upo at inipit ng mga hita ang nasaktang daliri, napangiwi lang ngunit pilit ininda ang sakit niyon.

"What are you thinking, Amor?" Ang lagkit na naman ng mga titig nito na halatang nanunudyo sa kanya.

Mabilis siyang umiling habang nakayuko.

"Wala, wala. 'Di ko lang magets 'tong binabasa ko," patay-malisya niyang sagot.

"What are you reading?" tanong nitong pigil ang mapahalakhak sa bigla niyang pagkatuliro.

Tiningnan niya ang sariling kamay, wala siyang hawak na kahit ano, wala ring nakalapag na kahit ano sa ibabaw ng kanyang mesa.

Mahina itong tumawa nang ngumisi siya pagkaangat lang ng kanyang mukha, sabay pindot ng kanyang ilong.

"You're such a liar. I know what you were thinking, sweetie. Beg me for a second round."

"Kapal mo!" sambulat niya sabay irap rito.

Tumawa ito nang malakas. Siya nama'y pulang pula ang pisngi ngunit kinikilig habang nakikita ang lalaking tuwang-tuwa siyang tinutudyo.

Subalit sadyang laging wrong timing si Lemuel nang kumatok ng pinto sa labas ng opisina ng lalaki.

Nagsalubong agad ang mga kilay nito nang tumingin sa screen ng computer at makitang nasa labas ng opisina ang kaibigan.

Tinakpan niya ang bibig habang humahagikhik. Saka lang siya sumeryoso nang makapasok na sa loob ang vice-chairman at tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nang makalapit sa lalaki.

Tumayo siya, kunwari'y inayos ang mga rosas na binigay ni Dixal sa pinaglagyan niyang flower vase at ipinatong sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Dixal, look at these petitions. Nalaman na ng may-ari ng project na sub-standard ang pagkakagawa sa building na 'yon. Inireklamo niya 'yon sa mga shareholders at gusto nilang palitan ka bilang CEO at chairman ng kompanya and bring back that old man here. This is obviously a set up." Ramdam sa boses ng vice-chairman ang galit habang nagsasalita pagkatapos nitong ibagsak sa mesa nito ang sinasabi nitong petitions ng mga shareholders ng kompanya.

Hindi sumagot si Dixal, sa halip ay inisa isang basahin ang laman ng bawat petition.

Napatingin siya sa dalawa lalo na kay Lemuel na halata ang stress sa mukha sa mga problemang nagsidatingan ngayong umaga.

"Dixal, I'm afraid this isn't that simple. That evil old man is already here with your brother."

Ngunit nanatiling kampante si Dixal, marahil ay inaasahan na nito ang nagaganap ngayon.

Kumunot ang kanyang noo. Sino ang sinasabi ni Lemuel na Evil old man? Evil ba talaga 'yon? Bakit tila takot ang vice-chairman sa tinutukoy nito?

Bumaling siya sa nakaupong si Dixal. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaupo ito patalikod sa kanya. Ngunit napansin niyang wala itong naging reaksyon. Ni hindi niya narinig na bumulalas ito sa pagkagulat, tila inaasahan na nitong mangyayari ang gano'ng bagay.

"Dixal, don't let her come with you," maya-maya'y wika ni Lemuel pagkatapos siyang pukulan ng isang sulyap.

Kumunot na naman ang kanyang noo sa pagtataka. Hula niya'y siya ang tinutukoy nito lalo na nang makita niya si Dixal na lumingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, pagkuwa'y tumayo ito at nilapitan siya.

"Dixal--" an'ya sa lalaki, halata ang pag-aalala sa mukha.

Niyakap siya nito sa likuran saka hinawakan ang pendant ng kanyang kwentas at itinago sa loob ng kanyang blouse.

"Keep it safe, sweetie," anito sa kanya.

Agad siyang nakaunawa sa ibig nitong sabihin kaya tumango siya sabay himas ng palad sa pisngi nito.

"Dixal, are you just alright?" tanong niya.

"Yup. Don't worry. I already know what to do with them," kaswal nitong sagot, halatang malaki ang tiwala sa sariling magagawan nito ng solusyon ang problema.

"Just stay here. Magpapahatid na lang ako ng pagkain dito," wika nito sabay halik sa likod ng kanyang tenga.

"Nope! 'Wag na. Sasabay ako sa'yo palabas. Pupuntahan ko si Elaine para sabay na kami mananghalian," sagot niya.

"Okay. Pero bumalik ka rito pagkatapos. Kailangan mong ayusin ang mga documents sa mesa ko," anito bago hinawakan ang kanyang kamay at sabay- sabay silang umalis ng opisina.

Sa labas pa lang ng opisina, umiba na siya ng dereksyong tinahak. Sinipat niya muna ang relong suot. Magla-lunch break na. Dumaan ang kalahating araw nang gano'n kabilis. Parang isang minuto lang ang lumipas mula nang pumasok siya sa elevator kanina. Sabagay, gano'n talaga seguro 'pag sobrang masaya, mabilis ang pagdaan ng mga oras.

"Flor!" nagulat pa si Elaine nang makasalubong siya sa may pinto ng research department. Nahalata niya ang pamumutla nito pagkakita sa kanya.

"O, para kang nakakita ng multo d'yan?" puna niya.

"Nagulat kasi ako sa'yo. 'Di ko ini expect na papasok ka rito," sagot ng babae saka siya hinawakan sa beywang.

"Gusto mo bang sumabay sa'king mag lunch?" nakangiti na nitong tanong.

"Oo kaya nga ako nagpunta rito. Hanggang ngayon kasi'y wala pa rin akong gaanong kilala liban sa'yo," an'yang iniikot ang paningin sa buong paligid.

"Asan na ang mga kasama mo?" usisa niya.

"Ando'n na sa canteen sa baba. Doon kami nagla-lunch. Nauna lang sila sa'kin kasi may tinawagan pa ako kanina," paliwanag nito.

"Lika na, sa canteen ka na kumain. Masasarap mga ulam do'n. Kahit 'yong finance director at vice-chairman, do'n kumakain 'pag gan'tong lunch break," yaya nito.

Nagpatianod naman siya.

Maluwang ang sinasabing canteen ni Elaine, kasya seguro ang halos lahat ng mga empleyado ng FOL BUILDERS.

Umorder sila ng pagkain, maya-maya'y sabay na naupo sa isang bakanteng mesa sa gitna ng canteen.

Pinagmasdan niya muna ang paligid bago ginalaw ang pagkain.

Halos ukupado nga ang lahat ng mga upuan sa loob sa palibot.

"Hmmm, sarap nga," sambit niya pagkatikim pa lang sa chicken pochero.

"Sabi ko sa'yo, masarap nga sila magluto rito," anang kaibigan.

"Balita ko, nakabalik na daw ang kakambal ng chairman kasama ang lolo ng dalawa,"

pagbabalita nito habang ngumunguya ng pagkain.

"Ah, gano'n ba?" sagot niya, hindi ipinahalatang may alam na siya tungkol do'n

So, 'yong sinasabing evil old man ni Lemuel ay ang lolo pala ni Dixal?

"Yup. Balita ko pa, may emergency meeting ang mga shareholders ngayon dahil nagalit ang may-ari ng isang project, 'yong sub-standard ang pagkakagawa, naalala mo?" pabulong na dugtong nito.

Kunot-noong sumulyap siya sa kaibigan. Ang dami naman yata nitong alam sa nangyayari sa loob ng opisina. Seguro nakipagtsismisan na naman ito sa mga kasamahan.

Inihilig niya ang ulo nang maalala ang sinabi ni Dixal. Hindi 'yon gagawin ni Elaine. Hindi naman porke pinsan nito si Joven at kalaban ni Dixal ang huli ay kalaban na rin ang kaibigan niya. Kahit papano'y may tiwala siya sa babae.

"Ah, kaya pala pinaalis ako ni sir kanina. Kumain lang daw muna ako. Maya na raw ako bumalik 'pag nasa office na siya." Ngunit hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang magsabi rito ng totoo.

"Gano'n ba?"

Tumango siya.

"Hindi kasi ako kinakausap no'n pag 'di importante. Kaya 'di ko alam mga 'yan." paliwanag niya ngunit agad siyang yumuko pagkasabi niyon.

"Woah! This bitch is really here!"

Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon saka agad na nag-angat ng mukha at tiningala ang nakatayong si Veron sa tapat ng mesa paharap sa kanya.

Napatayo si Elaine at nagbigay galang sa finance director. Ngunit nanatili siyang nakaupo at sa halip na bumati rito'y napadako ang tingin niya sa naka-plaster pa nitong kamay dahil sa nangyari noong nakaraang araw.

Subalit napatayo siya nang bigla na lang nitong itapon sa mukha niya ang dala nitong mangkok ng pochero ring ulam. Buti na lang at malamig na 'yon.

Nagulat siya sa ginawa nito bagaman 'di niya nagawang sumigaw.

Lahat ay napatingin sa dako nila sa ginawa ng dalaga sa kanya. Si Elaine nama'y 'di alam ang gagawin sa nangyari ngunit nang makabawi'y sinaklolohan siya't tinanggal ang kumalat na ulam sa kanyang mukha at damit pero tinapik niya ang kamay nito.

"Serves you right, slut!" nanggigigil na sambit ni Veron sa kanya sabay halukipkip at nanunuya siyang pinagmasdan.

Hindi siya makapagsalita sa galit ngunit ayaw niya rin itong patulan. Hanggat maaari ay kailangan niyang magtimpi.

"Look at this slut, all of you! Remember her wacky face. This girl is a slut trying to seduce the chairman. It's a good thing na 'di siya pinapatulan ni Dixal," puno ng pang-iinsultong malakas na anunsyo nito sa buong canteen.

Nakuyom niya ang kamao sa galit na agad bumalot sa buo niyang pagkatao na kung 'di lang siya nagtitimpi'y nasugod na niya ang babae't nasuntok na niya sa mukha.

Sa galit sa kanya'y hindi pa ito nakuntento't nilapitan siya't sinampal sa magkabilang pisngi, nakalimutan nang isa itong edukadang babae. Siya nama'y napaatras sa natanggap na sampal mula sa dalaga.

"Flor!" nahintakutang hiyaw ni Elaine ngunit wala itong magawa para tulungan siya.

Nagtagis ang kanyang bagang, bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at pailalim na tumingin sa babaeng halos lumuwa na ang mga mata sa panlilisik , tila 'di pa kuntento sa ginagawa sa kanya.

Kunting-kunti na lang at sasabog na siya. Alam niya kung bakit ito nagpupuyos ng galit pero 'di niya inaasahaan ang gagawin nito ngayon. Subalit 'pag gumawa pa ito ng isa pang hakbang, hindi na niya palalagpasin ang bagay na 'yon. Ipapatikim niya rito ang galit ng isang nanggigigil na Flora Amor.

At nang muli nitong itaas ang isang kamay ay nakahanda na siya sa sunod na gagawin ngunit kung kelan gusto na niyang gumanti saka naman umalingawngaw ang isang boses sa buong canteen.

"Veron!"

Lahat ay napatingin sa sumigaw na 'yon.