Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 7 - MY BEAUTIFUL LADY

Chapter 7 - MY BEAUTIFUL LADY

Ang pangako ng mga magulang na make-up kit ay naging pressed powder at magic lipstick.

Mangiyak-ngiyak si Flora Amor sa sobrang inis sa ina.

"Aba, malay ko bang 'di pala makakakuha kanina si Mamay Elsa sa manager niya ng gano'n," sagot nito.

"Ma! Ikaw na ang pinakapaasang ina," gigil na gigil niyang sambit.

Tumawa lang ito habang inaayusan siya sa harap ng whole body mirror.

"Maganda ka naman anak. Tama na 'yong pressed powder. Maglagay ka na lang uli sa mukha 'pag nawala na mamaya," anito.

Nilagyan ng kunting lipstick ang mga talukap niya at magkabilang pisngi saka pinasadahan ng pressed powder.

"Tamo, sino ang mag-aakalang lipstick lang ang blush-on mo?" napapangiting wika nito habang pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin.

Humagikhik siya.

Ang ganda niya pala 'pag nalagyan ng pressed powder at lipstick.

"Naku, talagang inagahan ko ang uwi kanina para lang maayusan kita nang 'di ka mapahiya kay Anton." Nangungunsensya ito para 'di na siya magtampo.

"Oo na po," pigil ang ngiting sagot niya.

"Isuot mo na 'yong damit mo nang maayusan ko na ang buhok mo," utos nito.

Pumasok siya sa loob ng kanilang kwarto para isuot ang kanina'y ibinigay ni Anton na dress daw niya para sa party.

Nang lumabas siya'y napanganga sa pagkamangha ang ina.

"Ang ganda mo naman sa suot mo anak!" bulalas nito.

Napahagikhik siya uli.

Off-shoulder ang suot niyang damit. Ang sabi ni Anton, vintage style daw 'yon na lace dress.

Tsaka binagayan niya ng pink ding sapatos na 2 inches ang heels.

Napahagikhik siya, kinilig. Kung makikita lang sana siya ni Dixal, seguradong matutuwa ito sa kanyang itsura. Ang ganda niya kasi ngayon.

Sunod na inayos ng ina ang kanyang buhok. Kumuha lang ito ng kunting hibla ng buhok sa may itaas ng kanyang magkabilang tenga saka ginawang braid at ipinulupot sa likod saka nilagyan ng hairpin.

"Ang ganda mo talaga anak," 'di ito matigil kakapuri sa kanya.

Panay naman ang hagikhik niya.

Kahit si Anton ay napanganga pagkakita sa kanya nang sunduin siya nito.

Ilang segundo itong natigagal sa labas ng pinto.

"Woww!" nang makabawi'y bulalas nito.

"O, Anton. Ingatan mo ang anak ko ha? Kailangan ibalik mo 'yan bago maghatinggabi," bilin ni Aling Nancy.

"Opo, Auntie," sagot ng binata.

Pagkatapos magpaalam sa ina ay umalis na sila gamit ang sasakyan ng binata.

Sinundo nila si Mariel.

Panay ang sulyap ni Anton sa rearview mirror habang siya'y 'di maipaliwanag ang kabang nadarama.

Bakit kanina pa sumasagi sa isip niya si Dixal? At sa tuwing naiisip niya ito'y bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib.

"Beshie ikaw ba 'yan!?" magkasabay pang bulalas ng magkaibigan nang pumasok si Mariel sa loob ng sasakyan.

Kapwa sila naghagikhikan.

"Ang ganda mo ngayon, Beshie," aniya sa kaibigan. "Girl na girl ang beauty mo."

"Hmp! Ba't mo ako tinalbugan, Beshie?" pabirong tugon nito.

"Pressed powder lang 'yan, Beshie. Drawing lang pala 'yong make-up kit nina mama. Nauwi sa pressed powder at magic lipstick," napapairap niyang sagot.

Humagikhik ang kaibigan.

Si Anton nama'y 'di alam kung sino titingnan sa kanilang dalawa kaya minabuti nitong magfocus sa daan.

------

Marami na ang mga bisita nang dumating ang tatlo.

Pumasok silang nagpakapulupot ang mga braso sa magkabilang braso ni Anton habang ang binata ay pumagitna sa kanila sa paglalakad papasok sa sariling bahay.

Nakaramdam ng hiya si Flora Amor. Ngayon lang kasi siya nakadalo sa ganitong party.

Habang naglalakad sila papasok ay napansin niyang nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga naroong bisita.

Ang iba'y naririnig pa niyang nagtatanong sa bawat isa kung sino sila ni Mariel at kung kanino sila mga anak.

Napansin niyang naroon ang lahat ng mga professors nila sa eskwelahan.

Pulang-pula ang mukha niya. Parang sila na ang naging center of attraction ng mga sandaling 'yon.

"Beshie, pwede bang magpunta munang CR? Naiihi ako eh," paalam niya nang makapasok na sa loob ng bahay.

"Sige, balik ka agad." sagot ni Anton.

Nininerbyos siya sa dami ng tao sa paligid at sa kanila lahat nakatingin.

Minsan na siyang nakapunta rito kaya alam na niya kahit papano kung nasaan ang CR sa bahay na 'yon.

Gan'to pala ang pakiramdam ng nininerbyos, 'di niya alam kung naiihi ba siya o napapadumi. Basta gusto niyang pumasok muna sa CR.

Ngunit nang makapasok na sa loob ng banyo ay 'di naman siya naihi.

Huminga siya nang maluwang saka pinagmasdan ang sarili sa whole body mirror na nakadikit sa dingding sa tapat ng shower.

Kahit simple lang ang ayos niya'y maganda pa rin siya. Bagay sa kanya ang off-shoulder niyang damit.

Wala siyang dapat ikatakot sa pagharap sa maraming tao.

Huminga muna siya nang maluwang saka pinasadahan muli ng tingin ang sarili sa salamin bago lumabas ng banyo. Pagkabukas pa lang ng pinto ay may ginang na biglang pumasok at nabunggo siya. Hindi man lang ito humingi ng depensa, sa halip ay bahagya pa siyang itinulak palabas.

Ang ganda pa naman nito sa gown na suot, halos kasing-edad lang ata ng kanyang ina.

Napapailing na lang siyang nagpunta sa sala at hinanap ang mga kaibigan sa gitna ng maraming tao pero ang ina ni Anton ang nahagip ng kanyang paningin. Una itong lumapit sa kanya.

"Wow you're gorgeous today," may paghanga nitong sambit.

Nagmano siya rito at nahihiyang ngumiti.

"Nakita mo si Anton?" tanong nito pagkuwan.

Umiling siya.

"Siya nga din po hinanap ko eh," sagot niya.

"Baka ando'n sa kwarto niya. 'Pag nakita mo pakisabi gusto ko siyang makausap," wika nito saka iniwan siya't inasikaso ang mga bisita.

Tiningala niya ang ikalawang palapag ng bahay. Baka nga nasa kwarto nito si Anton.

Umakyat siya sa hagdanan at nang mapatapat sa pinto ng silid ay napatigil agad siya.

"I won't allow you to use her as your bait!" narinig niya ang malakas na tinig ni Anton sa loob.

"I'm doing this for my country! Hanggang ngayon wala pa ring nangyayari. It's time for me to do something."

Nag-aaway ba ang mag-ama?

Nagdalawang-isip tuloy siyang kumatok.

Maya-maya'y pinili na lang niyang bumaba at si Mariel na lang ang hanapin sa maraming tao sa sala.

"Amor?"

Nagulat siya. Tinig iyon ni Dixal. Andito ang kanyang nobyo? Inimbitahan pala ito ng Papa ni Dixal?

"Amor... "

Pinakinggan niyang maigi kung saan nanggagaling ang tinig na 'yon at hinanap ito sa gitna ng maraming tao.

There he was, malapit sa may pinto, awang ang mga labing nakatitig sa kanya. Biglang tumibok ang kanyang dibdib pagkakita lang sa binata.

Ang gwapo nito sa suot na formal attire.

"Amor... you're so beautiful!" dinig na dinig niya ang anas nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya.

Agad siyang nag-blush at nahihiyang ngumiti sa nobyo.

"Dixal,come." May agad na pumupulupot sa braso nitong babae.

''Yong babae sa Mang Inasal!' sigaw ng kanyang isip.

Napakagat siya sa labi. May kung anong kumirot sa puso niya nang makitang hinila ng babae si Dixal palayo.

Ang nobyo nama'y hindi man lang pumalag, nagpatianod lang.

"Beshie, andito ka lang pala." Si Mariel nang makita siya.

Hinawakan siya nito sa kamay at dinala sa mahabang mesang puno ng pagkain.

"Nagugutom na ako, Beshie. Pwede bang mauna tayong kumain?" bulong sa kanya.

"Maya na, Beshie. Nakakahiya," tugon niya pero ang isip ay naroon kay Dixal.

Bakit gan'to ang nararamdaman niya? Kumirot ang kanyang dibdib. Hindi man lang lumapit sa kanya si Dixal. Dapat siya ang kasama nito ngayon at hindi 'yong babaeng 'yun kasi siya naman ang nobya nito.

Napayuko siya para itago ang lungkot sa mukha.

"Amor..."

Muli niyang narinig ang boses nito. Tumingin siya sa paligid. Naro'n na uli ito ilang metro lang ang layo sa kanya.

Nagtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ito.

Sumimangot siya. Bakit ayaw nitong lumapit sa kanya? Ikinahihiya siya ng lalaki?

O nobya din nito 'yong nakapulupot sa braso nito kanina. Nagtatanong ang mga mata niya, humihingi ng sagot pero bakit hindi ito nagsasalita?

"Si bakla o, tsaka ang papa niya." Kinalabit siya ni Mariel.

Napabaling siya sa mag-ama. Nakangiti ang dalawa habang pababa ng hagdanan na parang walang nangyari sa loob ng kwarto ng binata. O siya lang itong nagkamali ng dinig?

"Bakla!" tawag ni Mariel kay Anton sabay kaway ngunit natahimik agad nang makitang nakaagaw ito ng atensyon ng marami dahil sa pagtawag nitong bakla sa huli.

"Shhh," saway niya sa kaibigan.

Narinig naman 'yon ni Anton at marahan itong tumawa nang makalapit na sa kanila.

"Mamaya, may maniwalang bakla nga ako," biro nito kay Mariel.

"Tse!" sabay hampas ng kaibigan sa braso ng huli pero ang pisngi'y namumula sa pagkapahiya.

Umakbay ang binata sa kanya. Napapitlag pa siya nang maramdaman ang mainit na kamay nitong pumipisil sa kanyang braso.

"Beshie, kamay mo," anas niyang baling dito.

Ngumiti lang ito pero hindi tinanggal ang pagkakaabay sa kanya.

Nang mahalata ni Mariel na naaasiwa siya ay pumulupot ito sa kabilang braso ni Anton.

Bumaling ang binata sa babae.

"Bro, lakas mo makapulupot. Naiinlove ka na yata sakin eh," biro na uli nito.

Pulang-pula ang pisnging bahagya nitong kinagat ang balikat ng lalaki.

Pigil ang tawang pinakawalan ng binata.

Napapahagikhik na lang siya sa harutan ng dalawa. Natahimik ang lahat nang tumayo ang celebrant sa harapan ng mga bisita, nagsimulang magsalita at magbigay pasasalamat sa mga nagsidalo.

"Who are these girls?" narinig niyang bulong ng isang babae sa kanilang likuran.

Lilingon sana siya nang marinig ang tinig ng mama ni Anton.

"Ah, bestfriends sila ni Anton," paanas nitong turan sa nagtanong.

Naramdaman niya uling pinisil ni Anton nang marahan ang kanyang braso.

Napabaling siya ritong nakakunot-noo.

"Just can't help it," bulong nito sa kanyang tenga nang mapansing nagtataka siya, saka ngumisi.

Bahagya siyang ngumiti bilang tugon at itinuon ang pansin sa nagsasalita.

Maya-maya'y may sumiksik sa tabi niya. Hindi niya 'yon pinansin. Subalit napapitlag siya nang mariin nitong hawakan ang kanyang kamay.

Bumaling siya agad sa pangahas na gumawa no'n pero nagulat nang mapagsino ang lalaki.

'Dixal!' sigaw ng kanyang isip.

Hindi ito sumusulyap man lang sa kanya pero ang higpit ng pagkakahawak sa kanyang kamay.

Heto na nanaman siya. Parang nagrarambulan na naman ang loob ng kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Para siyang hinahabol nang kung sino.

Bigla siyang nainitan na hindi mawari kaya tinapik niya ang braso ng kaibigan.

"Ang init, Beshie," sambit niya nang kunut-noo itong tumingin sa kanya. Sinabayan niya ng ngiti ang sinabi.

"Ah," marahan itong tumango.

Lumuwang ang pagkakahawak ni Dixal sa kamay niya, pinisil nang marahan ang kanyang palad.

Hindi niya maiwasang mapapitlag, tila ba lagi siyang nagugulat sa ginagawa nito.

Gusto niyang humilig sa balikat nito, gusto niyang ipulupot ang isang kamay sa braso nito subalit nagpigil siya baka magalit ito sa kanya.

Anuman ang dahilan kung bakit tila pinipigilan nitong makaagaw sila ng pansin ng karamihan ay mas pipiliin niyang unawain ito kesa maghinala nang kung anuman.

Gumanti siya ng pisil sa kamay nito, pigil ang kilig na nararamdaman.

Gan'to pala kasarap ang ma-inlove. Sa isang simpleng bagay na ginagawa ng lalaki, para na siyang lumulutang sa alapaap sa sobrang saya.

Hindi niya naiwasang maihilig nang bahagya ang ulo sa braso ng nobyo.

"Beshie, inaantok ka ba?" usisa ni Anton.

"Ha? Ah--hindi!" mabilis niyang sagot saka inayos ang tayo nang 'di makahalata ang kaibigang hawak ni Dixal ang isa niyang kamay at ang sinasabi nitong estranghero ay katabi niya mismo sa pagkakatayo.

Pero hindi niya mapigil ang sobrang kilig na nararamdaman.

Hindi siya makapaniwalang sa mga sandaling iyon ay narito't katabi niya ang kinahuhumalingang binata na sa paningin niya ay ito ang nakita niyang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa.

Katatapos lang magsalita ng papa ni Anton nang bitawan ni Dixal ang kanyang kamay at lumapit sa una upang bumati.

Napa--"Hayyyy..." ang dalaga sa panghihinayang na umalis sa tabi niya ang nobyo.

Sila naman ni Mariel ay sumunod kay Anton para umupo sa lamesang nakatalaga sa kanila sa tabi ng inuupuan ng mga magulang ng kaibigan.

"Hindi pa ba tayo kakain bakla?" pabulong na tanong ni Mariel kay Anton pagkaupo pa lang nila sa harap ng lamesa.

"Bro, 'di ka ba kumain sa inyo?" anang binata.

Umiling si Mariel.

"Para madami akong makain ngayon."

Iisa lang ang nasa isip ni Flora Amor nang mga sandaling 'yon, ang matanaw man lang ang kinaroroonan ni Dixal.

-------

Speaking of him, nasa labas ang binata kausap ang madaldal na kaibigan.

"Pre, just take my advice. Stay away from that kid. Alam mo ang mangyayari 'pag nalaman ng lolo mong nahuhumaling ka d'yan," seryoso nitong wika.

Naipamulsa ni Dixal ang isang kamay at ang isa'y naihilot sa noo.

"Just shut up, okay," mahina niyang utos sa kaibigan.

"Bro." Hinawakan na nito ang kanyang balikat.

"I know what you feel right now. it's just an infatuation. Nabibigla ka lang kasi ngayon ka lang nagkagusto sa isang babae," patuloy nito.

"Listen to me, Pre. Stay away from that kid before its too late. Muntik ka nang makita ni Veronica na nakahawak sa kamay no'n."

Galit na itinulak niya ang kausap.

"I told you to shut up!" sigaw niya. "Do you really know what I'm feeling right now?"

Hawak ang noo'y napatingala siya sa madilim na kalangitan na kahit isang bituin ay wala siyang nakita, pagkuwa'y bumaling na uli sa kaibigan.

"How can I stay away from her when I can't even take my eyes off her?" pigil ang emesyong saad niya.

Nailamukos niya ang palad sa mukha. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Kung hindi lang siya pinipiglan ni Lemuel, kanina pa niya inilabas ng bahay si Amor at dinala ito sa kung saan. Hindi niya akalaing sa gano'n lang kaikling sandali ay matutuliro siya ng gan'to dahil sa babae, na mai-inlove siya nang gan'to katindi.

"You love her, okay. But what about her? Kaya mo kaya siyang ipaglaban 'pag nalaman ng lolo mo ang tungkol sa inyo?" katwiran ng kaibigan.

Tiim-bagang siyang napatingin dito.

"Hey, you there!" tawag ni Veronica habang papalit sa kanila.

"What's with that serious face of you two? May problema ba?" usisa nitong taas ang isang kilay sa pagtataka.

Tumalikod si Dixal sa kababata.

"Wala. We're just talking about his business trip," maagap na sagot ni Lemuel.

"Oh, I see," anang babae pero hindi pa rin mawala ang pangungunot ng noo habang tinitingnan si Dixal na papasok sa loob ng bahay.