Chereads / FLOWER OF LOVE / Chapter 8 - I WANT YOU

Chapter 8 - I WANT YOU

Ilang minuto ding hinanap ni Flora Amor ang binata nang sa wakas ay makita niya itong kumukuha ng pagkain sa mahabang lamesa. Tumayo siya agad dala ang platong puno ng pagkain.

"Hoy Beshie! Takaw mo. Dami pa niyan ah," habol ni Mariel.

Pakaswal lang siyang lumapit sa nobyo, kunwari kumukuha din siya ng ulam.

Kumuha ito ng salad.

Kumuha rin siya saka sila nagkatinginan.

"Meet me outside the gate," anas nito saka agad na lumayo doon.

Natigilan siya. Tama ba pagkakarinig niya? Gusto nitong makipagkita sa kanya sa labas ng gate? Bigla siyang kinilig sa sinabing iyon ng binata. Abot-tenga ang ngiti niya pabalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

"Beshie, sarap ng pagkain nila dito lalo na 'tong salad," kinikilig na sambit niya.

"Sarap ba? Ngayon ka lang ba nakakain ng mga 'yan, Beshie?" napamulagat si Mariel.

Agad siyang tumango saka mabilis na kumain.

Pero wala sa pagkain ang isip niya. Andun sa binata.

"Ouch, Beshie. Sakit ng tyan ko. Nabigla yata ang tyan ko sa mga kinain ko," aniya maya-maya.

Tumayo agad si Anton.

"Teka kukunin ko sa kwarto 'yong gamot sa tyan," nagmamadali itong lumayo.

"CR muna ako, Beshie. Baka matagalan ako ha? Pakisabi na lang kay Anton, antayin na lang ako dito. Sakit talaga ng tyan ko." Lukot ang mukha niya habang nagpapaalam sa kaibigan, hawak-hawak pa ang tyan.

"Ok, sige Beshie. Take your time," sagot nitong sa pagkain nakatingin.

Mabilis siyang lumayo at nagtungo kunwari sa banyo pero pumuslit din agad palabas nang walang nakakapansin. Dere-deretso siya sa labas ng gate.

Hinatak na agad siya ni Dixal nang makita siyang palabas ng gate at dinala sa loob ng sasakyan nito.

Abot-tenga ang ngiti niya nang tumitig sa mukha ng binata pero agad rin iyong nawala nang makita niyang malagkit ang pagkakatitig nito sa kanya.

"Damn! Why are you so beautiful?" Napamura ito.

"Ha?"

Wala siyang masabi ng mga sandaling 'yon.

Kinabahan siya sa nakitang nakarehistro sa mukha nito habang pinagmamasdan ang mga balikat niya, pababa hanggang sa baba.

"Amor..." paanas nitong sambit sabay balik ng titig sa mukha niya, tila humihingi ng permiso.

Kinabig nito nang marahan ang kanyang batok saka siya marahang hinalikan sa tenga.

Napapitlag siya, nakiliti.

"Amor..." anas nito sa likod ng kanyang tenga.

"I can't help it sweetie," bumilis agad ang paghinga nito.

Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Ni hindi niya alam kung anong nararamdaman nang mga sandaling 'yon.

"I want you, Amor." tila nahihirapan nitong bulong saka inilayo ang mukha sa batok niya at tinitigan siyang mabuti.

Hindi siya pamilyar sa pakiramdam na 'yon pero bakit kaysarap pakinggan ng boses ng binata sa tuwing sinsambit ang pangalan niya. Tila bumabalik ang bolta-boltaheng kuryente bumalot sa kanya nang una siya nitong halikan, napapikit siya.

Hudyat iyon ng kanyang pagpayag.

Hinawakan ni Dixal ang kanyang baba at hinalikan siya sa labi, marahan,puno ng paggalang. Napaungol siya at wala sa sariling naihawak ang kamay sa batok nito. Tila may sariling isip ang kanyang mga kamay na bahagyang kinabig ang batok nito palapit pa sa kanya.

Napaungol ito.

"Amor..." sa pagitan ng paghalik ay tawag nito sa pangalan niya.

Naging malikot ang dila nito at gustong pumasok sa kanyang bibig. Kusa niyang ibinuka ang bibig sabay ungol.

Wala na siya sa sariling katinuan ng mga sandaling 'yon.

Tila dinadala siya ng mga halik ng binata sa isang dimensyon na sila lang ang pwedeng makapunta.

"I want you sweetie...I really want you," puno ng pagnanasang usal nito.

Iniwan ng lalaki ang kanyang bibig at hinalikan ang kanyang leeg habang ang mga kamay ay nakapisil sa kanyang dibdib.

Napaliyad siya sa sobrang sarap ng nararamdaman sa ginagawa nito.

Hindi siya nakuntentong magkatabi lang ang kanilang mga hita.

Umupo siya sa hita ng lalaki at iginiya ang isang kamay nito sa loob ng kanyang bra. Napaungol ito nang malakas saka ibinaba ang kanyang damit at hinalikan ang nasa loob ng kanyang bra.

"Ohh Amor....I love you. I'm crazy in love with you..." paulit-ulit nitong usal habang sinisipsip ang kanyang nipples.

Lalo siyang nagwala sa sinabi nito. Hindi na niya alam kung anong ginagawa niya ng mga sandaling 'yon. Ang alam lang niya'y gusto niyang paligayahin si Dixal. Gusto niyang pagbigyan ang hiling nito.

Naramdaman niya ang matigas na bagay sa kanyang inuupan.

"Amor... Amor... "

Hinawakan niya ang isang kamay ng binata at iginiya sa nakabuka niyang mga hita saka ipinasok ang kamay nito sa pagitan niyon.

"Ohhh damiittt...!" napaungol ito nang malakas saka biglang huminto at isinubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang dibdib.

Natigilan siya, natulala. Anong nangyari? Ano itong ginagawa nila?

"How can I stay away from you when I'm madly in love with you?" usal nito na tila nahihirapan.

Hindi siya makapagsalita. Ilang beses niyang nilunok ang sariling laway pero bakit tila uhaw na uhaw pa rin siya?

"Amor, stay away from me before it's too late," usal uli nito.

Maya-maya'y yumuyugyog na ang balikat nito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kanyang dibdib at ang isang kamay niya'y nakapulupot sa batok nito habang ang isa'y nasa pagitan ng kanyang mga hita, hawak doon ang kamay nito.

"I-love you. I want to be your wife." Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang nabigkas niya, kusa na lang iyong lumabas sa kanyang bibig.

Lalong yumugyog ang mga balikat ng nobyo. Umiiyak ba ito? Bakit ito umiiyak?

"Dixal, ba't ka umiiyak?" marahan niyang tanong.

Kanina lang ay panay ang ungol nila. Bakit ngayon ay umiiyak na ito?

Iniangat niya ang mukha nito saka hinalikan sa labi.

"Magpapakasal ako sa'yo. Ikaw ang magiging asawa ko. Bakit kita lalayuan?" aniya dito sa malambing na tinig.

"Why are you so innocent?" nasambit lang nito saka siya niyakap nang mahigpit, pagkuwa'y ibinalik siya sa kinauupuan kanina.

Magkahawak kamay silang napatitig sa kawalan.

"Tatanggapin mo pa rin ba ako kahit madami akong hindi sinasabi sa'yo?" untag ng nobyo sa katahimikang namayani sa kanila.

"Opo. Mahal kita. Kailangan kitang unawain. Basta ipangako mong ako lang ang magiging asawa mo," sagot niya habang nakatitig sa labas.

Bumaling ito sa kanya.

"Ikaw lang ang mamahalin ko at pakakasalan. Sa'yo lang ako magiging gan'to. Nobody can touch me but you," sambit nito.

Bumaling siya dito saka pinagmasdan ang mukha nito sabay ngiti.

"You won't betray me?" tanong niya.

Umiling ito.

"Good boy," saka siya humilig sa balikat nito.

Sana gan'to sila lagi.

"Bakit ka pala tumigil kanina?" nahihiya ma'y naitanong niya.

"Gusto ko, malinis kitang dadalhin sa altar. Saka na 'yon pag kasal na tayo."

Napahagikhik siya. Hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaking mamahalin.

"Hindi ka lalagpas doon?"

"Opo."

"Kahit maghubad ako sa harap mo?" panunudyo niya.

Bumaling ito sa kanya saka hinalikan siya sa noo.

"Kahit maghubad ka pa sa harap ko hanggat 'di tayo kasal," anito.

"Bakit po?"

"Gano'n kita kamahal."

"Salamat," ang huli niyang nasambit saka pumikit at hinayaang namnamin ang nangyari sa kanila kanina lang.

Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita uli.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Mauna ka na sa loob baka hinahanap ka na nila," wika nito.

Parang bata siyang sumunod.

Inayos muna niya ang sarili saka inilapit ang mukha sa binata.

"Segurado kang hindi mo 'yon kukunin sakin hanggat 'di tayo kasal?" muli niyang panunudyo.

"Oh, stop teasing me Amor," awat ng binata, pigil ang tawa saka inilapat ang hintuturo nito sa noo niya at inilayo ang mukha niya mula dito.

Binuksan niya ang pinto pero muli ring humarap sa nobyo pagkuwan saka mabilis itong hinalikan sa labi.

"I love you Dixal Amorillo," sambit niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Naiwang napapangiti ang binata, maya-maya'y malakas itong tumawa saka kinagat nang marahan ang mga labi.

"I love you, Flora Amor. I love you...I love you...I damn love you..." paulit-ulit nitong usal na kung pwede lang ay dalhin ng hangin ang mga salitang 'yon papunta sa dalaga.

Napapahagikhik ang dalaga habang pinakikinggan ang tila umaawit na nobyo sa kakasabing "I love you." Alam kaya nitong naririnig niya ang mga sinasabi nito?

Kinikilig na pumasok na uli siya sa loob ng gate. Para siyang lumulutang sa alapaap habang naglalakad habang naririnig pa ang boses ng lalaki. 'Di niya mapigilang mahagikhik sabay yuko at nahihiyang dinampian ng daliri ang mga labing nilamukos nito ng halik. May nakasalubong siyang dalawang tao pero 'di man lang niya ito napansin habang nakayukong hinihimas ng daliri ang sariling bibig.

Pakiramdam niya'y nasa loob pa ng bibig niya ang dila ng binata.

Napahagikhik uli siya sa sobrang kilig.

Pero agad ding sinaway ang sarili pagkuwan.

"Kung alam ko lang na gan'to gagawin mo, 'di na sana ako sumama sa'yo."

"Huh?"

Natauhan siya bigla.

Bakit parang narinig niya ang boses ng ama?

Kunut-noong lumingon siya sa may gate, eksaktong kalalabas lang ng lalaki sa gate pagkalingon niya pero nakita niya ang nakabuntot ditong babae. Marahil mag-asawa ang mga 'yon.

Pero alam niyang boses 'yon ng kanyang papa .

Bakit ito nando'n? Inimbitahan ba ito ng papa ni Anton?

Ipinilig niya ang ulo. Baka namali lang siya ng dinig. Tsaka mag-asawa ang mga 'yon, nag-aaway. Ni minsan 'di niya narinig ang mga magulang niyang nag-aaway at 'di niya alam pa'no magalit ang ama.

Muli niyang nilingon ang nilabasan ng dalawa.

Subalit boses ng papa niya 'yon.

"Beshie!" Malakas na sigaw ni Mariel habang papalapit sa kanya.

Naagaw nito ang kanyang atensyon.

"Beshie saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinihanap ni bakla sa buong bahay," puno ng pag-aalalang usisa ng kaibigan.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt.

"Lumabas ako saglit pagkatapos ko mag CR. Naingayan kasi ako sa loob," sagot niyang iniiwas ang tingin sa kausap.

Hinatak siya nito papasok sa loob.

"Bakla andito na si Beshie!" kaway ng kaibigan kay Anton na agad lumapit sa kanila.

"Saan ka ba nagpunta? Okay ka na ba? 'Di na masakit ang tyan mo?" sunud-sunod na tanong ng binata.

'Di siya makatingin nang deretso sa dalawa. Pakiramdam niya ang laki ng kasalanang nagawa niya sa mga ito.

"Nauuhaw ako, Beshie. Tsaka asan na 'yong pagkain ko?" pagbabago niya ng usapan.

"Anong gusto mong pagkain, ikukuha kita," anang binata.

"Talong," sagot niya sabay upo sa harap ng lamesa.

"Talong?!" sabay pang bulalas ng dalawa.

"Beshie, walang talong dito," sabad agad ni Mariel.

"Beshie, iuwi mo na ako. Biglang sumama ang pakiramdam ko eh," aniyang kay Anton saka mabilis na sumulyap dito.

"Uwi na rin ako bakla," segunda ni Mariel.

Nagpaalam muna sila sa mga magulang ni Anton bago sila lumabas ng bahay. Kakalabas lang nila ng pinto nang makasalubong si Dixal.

"Uwi na tayo Beshie," malakas niyang wika sa kaibigan pero ang binata ang gusto niyang paringgan.

Hindi siya lumingon rito. Hindi rin ito lumingon sa kanya hanggang sa tuluyan silang makaalis.

-------

Alas Onse na nang hatinggabi nang makauwi si Flora Amor. Tulog na ang lahat maliban sa inang nakaupo sa sala.

Hindi na siya nagpahatid kay Anton sa loob ng bahay kahit gusto nito.

"Ma, bakit gising ka pa?"

Nagulat pa ang ina nang magsalita siya.

"Dito ka na pala, anak," anito na tila nanlalambot.

"Ma, si Papa?" tanong niya agad.

"Ando'n sa palengke. Nagbabantay sa mga 'di namin naibenta kahapon," sagot nitong parang lantang gulay.

Lumapit siya sa ina, napaupo't niyakap ito.

"Ma, 'pag nakatapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho, ayuko nang magtatrabaho kayo ha? Tagabantay na lang kayo sa mga kapatid ko," aniya saka inipatong ang baba sa balikat nito.

Biglang napaiyak ang ina.

"Oh, Ma. Ba't ang drama mo ngayon? May problema ba?" takang tanong niya saka agad na pinagmasdan ang mukha nito.

Tila kanina pa ito umiiyak, natigil lang no'ng dumating siya.

"Wala. Natutuwa lang ako sa'yo kasi kahit nahihirapan ka sa pag-aaral kuntento ka na kung anong merun ka ngayon," paliwanag nito habang hinihimas ang kanyang mukha.

"Dapat lang. Ayukong pahirapan kayo ni papa, Ma," aniya saka yumakap na uli sa ina.

"Sige na, matulog na tayo," aya niya.

"Sinabi ko na sa papa mong 'di muna ako pupunta sa palengke kasi masama pakiramdam ko," anang ina habang inaayos ang kanilang higaan.

"Magpahinga muna kayo, Ma. Kami na lang ni Harold ang maglalaba ng mga damit bukas," saad niya habang nagpapalit ng damit saka tumabi dito sa pagtulog.