Chapter 100 - Kabanata 27

[LOUISE'S POV]

Kahit nawala na ang sunog ay hindi na namin maibabalik pa ang aming boarding house. Marami na rin kaming mga alaala do'n. Pero siguro ay kailangan na naming magpaalam sa boarding house na 'yon kahit nakakalungkot mang isipin.

Sina Kate at James ay nasa Australia na ngayon para bisitahin ang kanilang anak.

Sina Ate Kathleen at Fredison naman ay nasa Korea para rin sa kanilang anak.

Ako naman ay naghahanda ng pagkain para baunin ng asawa ko habang naghahanap siya ng papasuking trabaho. Nagpatulong na rin ako sa mga kasambahay sa paghanda.

"Ito na ang baon mo." sabi ko sabay bigay kay Billy ang lunch box at tumbler na may tubig.

"Thanks wifey ko. Sana matanggap agad ako para may pang-renta na tayo." sabi niya sa 'kin.

"Sige, mag-iingat ka ha." sabi ko sa kanya.

"Mag-iingat ka rin, pati na rin ang baby natin." sabi niya at hinawakan niya ang tiyan ko.

Pagkatapos ay umalis na siya.

Pagkaalis niya ay pumunta ako sa sala para magpahinga muna saglit. Medyo napagod ako sa pagluluto kanina.

May lumapit sa aking isang kasambahay.

"Ma'am, may sulat po kayo." sabi niya sabay bigay sa akin ang isang sobre. Kanino kaya galing 'to?

Binuksan ko naman ang sobre at binasa ko ito.

***

Nagsisimula pa lang ako sa masamang balak ko sa inyo Louise. Mas malala pa sa pagsunog ko sa boarding house niyo ang gagawin ko.

- S.M.

***

Hindi ko mapigilang mainis at the same time kabahan. Tama nga ang hinala ko, siya nga ang nagpasunog sa boarding house namin kahit initials niya lang ang nakalagay do'n. Mukhang kailangan naming mag-ingat dalawa ni Billy. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin.

"Ma'am! Ma'am!"

Nagulat ako nang marinig ko ang sigaw ng kasambahay namin.

"Ha? Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kasambahay namin.

"May tumawag po sa telepono ng mansyon. Ang sabi po raw ay nasa hospital si Mr. De Guzman. May mga tama po raw ng bala." sabi ng kasambahay na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ano? Saan hospital?" tanong ko. Hindi ko mapigilang mag-alala sa tatay ko.

Sinabi sa akin ng kasambahay ang pangalan ng hospital. Agad akong lumabas ng mansyon at nagpahatid sa driver papuntang hospital.

Pagkarating ko sa hospital ay agad akong nagtanong kung saang room dinala ang tatay ko.

"Nasa operating room po siya ngayon Ma'am." sagot sa akin ng nurse na nasa reception area.

Agad naman akong pumunta sa operating room kung saan nando'n si Papa.

Pagkarating ko roon ay papasok na sana ako nang pigilan ako ng lalaking nurse.

"Diyan lang muna kayo. Hindi pa tapos ang pagtanggal ng mga bala sa kanya." sabi sa 'kin ng nurse.

Naghintay muna ako sa labas ng operating room at nagdasal na sana ay maging maayos siya.

Paano 'to nangyari sa tatay ko? Wala naman siyang ginawang masama o di kaya'y kaaway. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'to sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas ay may lumabas na isang doctor. Agad ko itong nilapitan.

"Kumusta na po ang Daddy ko?" tanong ko sa doctor.

"Didiretsuhin na kita. Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang tatay mo. May 50% percent chance na mabubuhay siya, at 50% naman na mamamatay siya." - Doctor

Napaiyak ako sa narinig ko mula sa doctor. Hindi pwedeng mangyari 'to sa kanya. Lord, gawin niyo po ang lahat upang gumaling siya.

"Gawin niyo po ang lahat upang magising siya." sabi ko sa doctor.

May lumapit naman sa aking isang pulis.

"Kamag-anak ka po ba kayo ng matandang nabaril?" tanong sa 'kin ng pulis.

Agad naman akong tumango. "Anak po niya ako." sagot ko sa pulis.

"Nahuli na po namin ang bumaril sa kanya. Isang lalaki. Ang sabi niya ay napag-utusan lang daw siya dahil sa pera." sabi sa 'kin ng pulis.

"Gusto ko siyang puntahan." tugon ko sa pulis.

Sinabihan ko ang isang nurse na bantayan muna ang tatay para sumama sa pulis na 'to.

Pagkarating namin sa presinto ay nakaharap ko ang lalaking bumaril sa tatay ko.

"Pasensya na po. Nagawa ko lang po 'yon para may pangkain ako sa mag-ina ko. Buntis po kasi ang asawa ko at wala siyang kakainin. Masama po sa pagbubuntis niya na walang makain." sabi sa 'kin ng lalaking bumaril sa tatay ko.

"Sino ang nag-utos sa'yong barilin ang tatay ko? Baka mapatawad pa kita kung sasagutin mo ang tanong ko." tanong ko sa lalaki.

"S-si Miss Samantha po. 'Yon po ang pangalan ng babaeng nag-utos sa akin." sabi sa 'kin ng lalaki na ikinainis ko lalo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Kailangan ay makulong na siya para hindi na siya gumawa ng masama sa amin ni Billy at sa iba pang malapit sa amin.

Tumingin ako sa mga pulis.

"Tulungan niyo po akong mahuli yang Samanthang yan. Handa akong magbigay ng reward sa mga makakahuli sa kanya." sabi ko sa mga pulis.

"Masusunod po Ma'am." tugon sa 'kin ng isang pulis.