Chapter 101 - Kabanata 28

[LOUISE'S POV]

*kriiiinnnnnggggg!*

Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng phone ko. Nandito pa pala ako sa hospital. Binabantayan ko ang Papa ko. Pagkaalis ko kasi mula sa police station ay dumiretso agad ko rito para bantayan siya.

Tinignan ko ang screen ng phone para makita ang pangalan ng caller.

***

Hubby ko <3

calling...

***

Si Billy pala. Hindi niya alam ang nangyari tungkol sa Papa ko. Ayoko kasi siyang abalahin sa paghahanap niya ng trabaho.

Sinagot ko naman yung tawag.

("Hello wifey ko. Pauwi na ako diyan. Wala pa rin akong trabaho eh. Hindi bale may bukas pa naman. Sana bukas ay may trabaho na ako.") sabi sa'kin ni Billy mula sa kabilang linya.

"Hello hubby ko. Nasa hospital ako ngayon kasi..."

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang magsalita siya.

("Ha? Bakit ka nasa hospital? May nangyari ba sa'yong hindi maganda? Tell me.") nagpapanic niyang sabi.

"Hindi hubby ko. Si Dad kasi, binaril."

Hindi ko tuloy mapigilang umiyak.

("Ano? Paano nangyari 'yon? Sige, papunta na ako diyan.") - Billy

*toot toot toot*

Biglang namatay ang tawag. Siguro parating na siya.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si Billy. Napayakap ako sa kanya habang umiiyak.

"Nasa kritikal siya na kalagayan ngayon. Binaril siya ni Samantha hubby ko. May inutos siyang isang lalaki na barilin siya. Binaril niya ang Papa ko. Ayokong mamatay siya." sabi ko sa asawa ko.

"Kasalanan ko 'tong lahat. Kung alam ko lang na ganyan ang kanyang ugali. Sana noon pa lang ay nilayuan ko na siya." sabi niya.

"Sana ay mahuli na siya ng mga pulis." sabi ko.

"Matatapos din 'to wifey ko, at magiging maayos din si Papa. Tiwala lang tayo kay Lord." tugon niya sa 'kin.

Tama si Billy. Maaayos din 'to lahat.

***

Ilang linggo ang nakalipas ay hindi pa rin nagigising ang Daddy ko. Sabi ng doctor ay unstable pa rin ang kondisyon niya.

Nagbigay na rin ako ng pabuya sa mga taong makakahanap kay Samantha. Nag-post din ako sa social media tungkol sa pabuya. Maraming tumatawag sa phone na nahanap na daw nila si Samantha pero hindi naman totoo. Ginagawa nila yun para lang sa pera.

Si Billy naman ay nakahanap na rin ng trabaho. Part-time job lang pero malaki ang sweldo. Galante kasi yung may-ari ng pinagtatrabahuan niya.

Nandito kami ngayon ni Billy sa mall para bumili ng mga gamit ng unang baby namin. Nakuha na niya ang una niyang sweldo na 25K. Ang laki diba? Per week pa yan ha.

"Sa tingin mo wifey ko? Anong mas magandang crib? Yung kulay pink o yung kulay yellow?" tanong sa 'kin ni Billy.

"Siguro yung yellow. Ang ganda kasi ng design tapos mas mura pa kumpara sa pink na crib." sagot ko sa kanya.

Bumili rin kami ng mga laruan, mga gagamiting panligo, at iba pang mga gamit ng baby. Maliban sa mga bagay na may expiration date. Siguro ay after kong manganak na lang namin 'yon bibilhin.

Pagkatapos naming mamili ay pumunta agad kami sa parking area dala ang pinamili namin.

"May nakalimutan ba tayo?" tanong ko kay Billy.

Tinignan naman namin ang mga pinamili namin.

"Teka, parang kulang ng isang supot." sabi ko sa asawa ko.

"Mukhang may nakalimutan tayong isa. Babalik lang ako sa loob. Ako na ang kukuha no'n" sabi niya at umalis na siya para bumalik sa mall.

Ako naman ay inilagay ko sa likod ng kotse ang mga pinamili namin. Well, hindi naman ako nahirapang ilagay ang mga ito, pati na rin yung crib dahil foldable ito.

Pagkalagay ko ng mga pinamili namin sa kotse ay hinintay ko ang asawa ko.

"Ang tagal naman niya." naiinip kong bulong. Medyo sumasakit kasi ang tiyan ko.

Napakunot naman ang noo ko nang may biglang tumigil na van sa harap ko.

Pagkabukas ng van ay nagulat ako nang biglang may tumutok sa akin ng baril. Mabilis ang pangyayari kaya hindi ako maka-react agad.

Hindi ko namalayan na nakasakay na ako ng kotse.

"TU....hmmmm!"

Hindi natuloy ang pagsigaw ko nang takpan ng isang kidnapper ang bibig ko ng tape. Tapos ay tinali rin nila ang kamay ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Anong gagawin nila sa akin? Bakit nila ako kinidnap?

"Sigurado akong malaking pera ang ibibigay sa atin ni Miss Samantha." narinig kong sabi ng kidnapper.

Nag-init naman ang mukha ko sa galit. Si Samantha na naman? Hindi talaga siya napapagod na guluhin ang buhay namin.

Nakita ko naman si Billy mula sa labas.

"Hmmmmmmmmm!!!" sigaw ko kahit nakatakip ang bibig.

Napatingin naman sa'kin si Billy.

"Wifey ko!" sigaw niya nang makita niya ako.

Umandar naman ang van na sinasakyan ko at ng mga kidnapper.

"Hhmmmmmmmm!!!" sigaw ko ulit.

"Wifey koooooo!" - Billy

Nakita ko namang tumatakbo si Billy habang umaandar ang van.

Pero dahil sa sobrang bilis ng takbo ng van ay hindi na niya ako naabutan pa.