Chereads / Two Face by pinkyjhewelii / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

BAKIT ba kung sino pang mahal natin, iyon pa iyong nananakit sa atin? Wala naman tayong ginagawa kundi ang mahalin sila e, bakit kailangang masaktan pa?!

Oo, mahal ko na nga talaga si Kenshin. Akala ko gusto ko lang siya, akala ko nahulog lang talaga ako sa kaniya kasi ideal guy ko siya, akala ko... mababaw lang pero hindi. Mahal ko na siya. Sa ikli ng panahong nakilala ko siya, nahulog ako at hindi na ako maka ahon pa.

Wala naman akong pagsisisi na minamahal ko siya. Ang tanging pagsisisi ko lang ay kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong masaktan nang dahil sa kaniya.

Pinahid ko ang luha ko saka pumasok sa Spade bar---isang sikat ding bar malapit sa Hashtag bar. Hindi na ako babalik sa bar nila. Hinding hindi na!

Umupo ako sa isang bakanteng table saka nag-order ng alak.

Kanina ay galing ako sa bulok na bar na iyon. Hindi na dapat ako babalik pa doon dahil sa sinabi ni Kenshin kagabi pero bumalik pa rin ako dahil tinulungan ko si Cherrypink na makaganti sa jowa niyang si Duke. So dinala ko sila doon kasama si Empress na kapatid ni Duke. Nakipaginuman kami sa mga lalaki doon pero ang ending, nagwala si Duke. At si Kenshin naman, um-epal din! Akala ba niya nakakatuwa ang ginagawa niya?

Akala ba niya, sa tuwing lumalapit siya, kahit nasasaktan ako, sumasaya ang puso ko? Pwes oo! Kaya inis na inis ako.

"Hi, miss? Mind if I join you?"

Nag-angat ako ng tingin. Gwapo siya, chinito, pero wala pa ding panama sa Kenshin ko. Nakakainis!

"Sure..." sabi ko.

Dumating na din ang order kong alak. Tinungga ko agad iyon saka nagpakawala ng malakas na paghinga.

"Are you okay, miss?"

Tumikhim ako. Siguro na-fall agad sa akin ang lalaking ito.

"I'm fine. Hindi lang naman ako mahal ng mahal ko kaya okay lang ako. Okay na okay lang ako."

"Stop being rude to youself. Kung nasasaktan ka, just cry. Kung hindi ka niya mahal, it's his loss not yours. You're pretty."

Na-touch ako sa sinabi niya. "T-Thank you..."

He smiled. Lumiit tuloy ang mata niya. He has chinky eyes. Malamang 'di ba! Kaya nga mukhang chinito e.

"Anyway, I'm Daryl Chen."

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil sa lakas ng music. Basta something shen? Shing? Shingshangshung? Bahala nga siya.

I bit my lower lip. "I'm Frey Guevarra." Sagot ko.

Nakipag-shake hands siya sa akin. Ang bait bait niya naman. Saka kitang kita naman sa itsura na mabait siya.

Parang si Kenshin...

Mukhang mabait at inosente pero iba pala. Nakita ko ang bad side niya nang ipagtanggol niya ang kababata nila. Sinaktan niya ako. Sinigawan niya ako.

"So... are we friends?" He asked.

Tumango ako saka ngumiti. "Alright."

Ininom ko ulit ang alak ko. Parang mas gusto kong malasing nalang ngayong gabi para hindi ko maisip si Kenshin.

Ang hirap naman kasi kapag nagmahal ka, ang hirap namang alisin iyong nararamdaman mo.

Ang pagmamahal hindi naman iyan isinulat lang gamit ang lapis na kapag ayaw mo na, buburahin mo nalang.

"Hey... easy. Baka malasing ka agad, Frey." Tumabi siya sa akin.

Hinayaan ko lang siyang tabihan ako. Tutal gusto kong mawala sa isip ko si Kenshin, magpapakasaya ako kasama ang ibang lalaki.

Tumingin ako kay shen... nevermind! I'll just call him shungshangshung.

"Can you... kiss me?" I asked him.

Hindi dahil malandi ako. Hindi dahil nalilibugan ako. Kundi dahil gusto ko na...

Walang sabi sabi niya akong hinalikan. I took a picture of us while kissing. Then I stopped him.

Tiningnan ko ang picture namin and it looked great.

"You know what, I think, I like you." Sabi niya.

"But I like someone else." Sagot ko.

"I don't care." He smiled.

Napailing nalang ako. Hinayaan ko siyang uminom sa tabi ko habang ako, abala sa pagtingin sa phone ko.

I posted our picture while kissing. I don't care kung makita ng iba, or even Kenshin. I don't care! Gusto ko talagang makita niya para maisip niya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Nang mai-post ko sa facebook ko ang picture namin ay muli akong uminom ng alak.

"Anyway, paano mo nasabing gusto mo na ako?" Tanong ko.

"You're pretty, you're sexy, you're adorable... damn, is it like at first sight? I just like your aura."

Muli ako uminom ng alak. "You must be drunk. Or maybe, you just like me because of my looks."

Hindi ko naman sinasabing sobrang ganda ko pero maganda ako! Ang mukhang 'to, marami na ring nabaliw dito. FYI lang!

"Whatever the reasons are, I like you. And I want to see you again next time,or we could date..."

Tinamaan nga yata sa akin si shingshangshung.

"Masasaktan ka lang dahil iba ang gusto ko."

"Nasasaktan ka din naman pero gusto mo pa rin siya." Makahulugang sabi niya.

Bull's eye. Tama naman siya e. Sinasabihan ko siyang masasaktan lang siya sa akin pero sarili ko, hindi ko masabihan na nasasaktan lang naman ako kay Kenshin e so I should stop. But I can't. Ayoko, at hindi ko kaya.

"Kaya hindi mo ako mapipigilang magustuhan ka. I will be your crying shoulder, I will be your bar buddy, anything!"

Kumunot ang noo ko. Para kasing matagal na niya akong kilala. Parang nakakapagtaka naman na ngayon lang kami nagkakilala aa bar tapos ganyan agad siya sa akin.

"Tell me honestly, do you know me?"

Nagulat siya sa tanong ko. Saka siya alanganing ngumiti.

"I had a crush on you way back into college."

Nanlaki ang mga mata ko. "So, classmate kita before?"

"Schoolmate. Ibang course ako pero magkalapit lang ang department natin. Lagi kitang nakikita and you are the most talkative in your class, that's why. Ikaw din ang vice president ng department niyo kaya madalas kitang makita sa mga activities niyo sa school."

Oh my! Small world! I don't even know him!

"Then... I saw you, kanina pa mula sa parking lot. Noong una, nagdalawang isip pa akong lapitan ka because I wasn't sure if it was you. Pero habang tinititigan kita mula sa malayo, I knew it was you. You were my first crush at naramdaman ko ulit iyong kakaibang pagkabog nitong dibdib ko nang ma-realize kong ikaw nga 'yan."

This is unexpected! I didn't know na meron pala akong secret admirer noong college!mga balahura kasi iyong mga lalaking nagkagusto sa akin noon. Malay ko bang meron palang katulad niya na nakatanaw lang sa akin mula sa malayo.

Ang ganda ko, shit.

Who you ka sa akin, Kenshin!

"I... didn't expect this." Sabi ko.

He chuckles. "It's fine. Wala naman talaga akong balak sabihin sa 'yo but you caught me off guard. I knew you would ask me. Sino nga abng lalaki ang basta ka lalapitan at sasabihin sa 'yong gusto ka. I like you, Freya Cybel."

Oh my! He even know my full name!

Pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko. Pakiramdam ko napakaganda ko. Gosh!

Magsasalita pa sana ako nang may lumapit sa table namin. Si Kenshin. Bakit siya narito?!Hinila niya ako kaya napatayo ako.

"Ano ba, Kenshin?!" Sigaw ko.

"Wait, who are you?" Tanong ni shingshangshung kay Kenshin.

"Ikaw sino ka? Alammo bang tatlo na ang anak ng babae na 'to? Then what, naglalandian kayo? Ni wala nga 'tong panggatas sa mga anak niya kahit iyong gatas na may laban! Umalis ka sa harap ko!" Sigaw niya.

Tumingin sa akin si shingshangshung saka umalis sa harap namin. Iniwan niya tuloy ako! Ang sweet sweet na nga niya kasi nakaka-amaze iyong kwento niya---na crush na ako noon pang college kami.

"Ano 'yon, ha?!"

"Ano, Frey? Nakikipaglandian ka?"

I faked a smile. "Ano naman sa 'yo kung makipaglandian ako, Kenshin? Hindi mo naman ako gusto, hindi mo naman ako trip, hindi mo ako kaanu ano! Saka, hindi ba hindi na kami kasama ni biatch sa squad niyo? Kasi nariyan na ang kababata niyong malaki ang butas ng ilong!"

He glared at me. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ai Sophia. She's a nice person! Hindi niya deserve na pagsabihan mo ng ganyan! Kagabi ka pa, Frey!"

"Wow! Parehong pareho kayo ni Duke e. Nice person? Really. Then go to her. Bakit ka narito? For your information, hindi niyo bar 'to. Hindi na nga ako babalik sa bar niyong amoy luma na!"

Lasing na yata ako.

"Frey."

"Alam mo, Kenshin, manhid ka e. Akala mo porke gusto kita, may karapatan ka ng saktan ako. Akala mo kaya kong tanggapin ang pinapamukha mo sa akin. Pwes, akala mo lang 'yon! May pride pa din naman ako! So please, leave me alone."

Nilampasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso.

"Tapos makikipaglandian ka? Makikipaghalikan kung kani kaninong lalaki? Really, Frey? Hindi ko alam na pokpok ka pala?"

It hits me. Masakit. Masakit na salita. Masakit sa dibdib.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Oo, pokpok ako! Pokpok ako, Kenshin! Kaya wala kang pakialam kung makipaglandian ako kung kanino ko gusto! Ni wala kang pakialam kung makipaghalikan ako! Wala kang pakialam!"

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

"You're disgusting."

Punyeta, masakit na.

Sinampal ko siya. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Wala akong pakialam. Sobra na siya.

Nag-walk-out ako saka lumabas ng bar pero bago pa man ako makalabas ng bar ag may pumigil sa akin.

Akala ko si Kenshin.

"Frey, sorry kung basta nalang kita iniwan sa lalaki na iyon. Siya ba ang nanakit sa 'yo? Siya ba iyong..."

Tumulo na ang luha ko. Tumango ako sa kaniya. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako palabas ng bar papunta sa parking lot.

Pinasakay niya ako sa kotse niya. Hindi na ako tumanggi pa. Ang gusto ko lang, makaalis sa lugar kung nasaan si Kenshin.

Ang baba masyado ng tingin niya sa akin.

Nagsimulang mag-drive si shungshangshung. Ako naman, patuloy ang pagtulo mg luha ko.

"Here." Inabot niya sa akin ang panyo niya.

Kinuha ko iyon at pinahid ang luha ko. Nasasaktan talaga ako, totoo.mahal ko na nga si Kenshin. Kasi, hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi e. Napakarupok ko talaga para mahalin agad si Kenshin kahit alam kong wala siyang nararamdaman para sa akin.

"Kung sinasaktan ka lang niya, bitaw na, Frey."

Kung madali lang sana e. Kaso mahirap. Iyong pakiramdam na kahit saktan niya ako, gusto ko pa rin siyang makita o makasama. Ang tanga tanga ko.

Tumunog ang phone ko. Si Kenshin. Pero dahil sobra akong nasaktan sa sinabi niya kanina, pinatay ko ang phone ko.

"Ayokong makita ang babaeng pinapangarap ko na sinasaktan lang ng iba."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nanatili akong umiiyak.

"Sana maisip mo na hindi lahat ng pagmamahal pinaglalaban. Minsan, may pagmamahal ding dapat na kinakalimutan."

Siguro nga tama siya. But how could I do that? Paano ko magagawa iyon kung wala akong ibang hangad kundi si Kenshin. Ang gusto ko lang naman... ay mahalin niya din ako. Handa kong harapin at tanggapin lahat ng sakit, basta ba in the end, maging worth it iyon.

Pero walang kasiguraduhan.

Lalayo na ba ako? O ipagpipilitan ko pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya?