Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Murderer of the Murderers (Published Under AFO Publishing)

🇲🇾GorgeousJourney
5
Completed
--
NOT RATINGS
70.1k
Views
Synopsis
Once a murderer; Always a murderer Sa mundong puno ng kasamaan, hindi mo maiiwasan ang kapahamakan. Maaring nasa paligid mo lang o maaring nasa eskwelahan. Or worst ay nasa bahay mo lang. Hindi mo masasabing ligtas ka lalo na't hindi mo ito maiiwasan kung ito ang nakatadhana. Pero paano kung sa iyo ito mangyari? Paano mo ito makakayanan? Magagawa mo bang takasan ang nakaraan at manirahan sa kasalukuyan na hindi man lamang ito binabalikan? O mananatili kang hawak ng nakalipas at patuloy na magpapadala sa agos nito. At kung sakaling ito'y iyong makalimutan, posible bang muling manumbalik ang mga nangyari? Makakayanan mo kaya ang resulta ng naganap noon sa buhay mo ngayon? Makakaya mo pa kayang muling malampasan ang mga ito? Samahan natin si Sheena sa kanyang masalimuot na karanasan. Mga karanasang pilit niyang kinakalimutan ngunit pilit naman siyang sinusundan. Ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa kanya? Tanging tanong lamang niya sa sarili, can a murderer ever changed? Can the change not relates to another murder case? Let's join her murder the murderers.
VIEW MORE

Chapter 1 - C H A P T E R 1 - F I R S T M U R D E R C A S E

"W-wwwaaagg! W-wwwaaagg! M-maawa k-ka s-saken! G-gusto k-ko p-pang m-mabuhay! P-please!" Nauutal na sigaw ng estudyanteng kanina pa tumatakbo na parang walang kapaguran habang umiiyak. Kanina pa siya nagmamakaawa sa babaeng humahabol sa kaniya. Tila ba wala silang pinagsamahan kaya't ganun na lamang siya nito pahirapan.

Nangangatal ang mga labi sa takot. Pawisan at halos kumalat na sa mukha nito ang mahaba at maitim nitong buhok. Ang malagkit na pawis ay patuloy pa rin sa pagbagsak. Tila ba kinakapos pa ng hininga sa kasisigaw.

Ngunit para bang pinagkaitan siya ng mundo at walang sino man ang nakakarinig sa kaniya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Lalo na ang mga paa niya na nangangatog sa takot habang patuloy sa pag atras.

Ang kaharap ay naman niya ay nakangisi lang sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan sa nagaganap. Isang nilalang na kanina pa nais bawian ng buhay ang babaeng nasa harapan. Para bang matagal na itong ginagawa ng babaeng ito. Wala ng pakiramdam.

Hindi niya namalayan na sa kakaatras niya ay may nakausling bato na nakaharang sa kung saan kaya siya ay natisod dito. Tuluyan na siyang nawalan ng panimbang at natumba sa damuhan. Impit na sakit ang naramdaman niya sa pagbagsak.

Gayunpaman hindi siya tumigil sa pag atras. Matalim naman ang tingin ng babae o halimaw nga yata na nasa kaniyang harapan. Halos mamaos na siya sa kakaiyak habang nagmamakaawa pero hindi mababakas sa mukha nito ang kahit na katiting na awa.

"Pa-parang awa mo na..." Patuloy na saad ng estudyante na pati sa isip ay nananalangin na buhayin pa siya nito. Pinagsisisihan niya tuloy na nakilala pa niya ito. Kung alam niya lang na ito ang kahihinatnan ng pakikitungo niya rito sana ay iniwasan niya ito. Paano ba naman niya ito maiiwasan? Maamo ang mukha nito at aakalain mong maganda ang hangarin para sa kaniya.

Palabas siya noon ng eskwelahan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nito ang tila nakayayanig na lakas ng kulog at matinding liwanag ng kidlat. Hindi niya alam kung paanong nangyari at naramdaman niyang biglang nawala ang patak ng ulan kahit na malakas pa rin ito. Namalayan na lang niya na katabi na niya ang babaeng ito.

Hindi naglaon ay palagi na silang magkasama nito. Nahulog ang loob niya dito at naging magkasintahan sila. Hindi niya kailanman naisip na iibig siya sa kapwa niya babae. Pero nangyari. Hindi rin kailanman sumagi sa isipan niya na magagawa nito ang bagay na nangyayari ngayon.

Sumilay namang muli sa mga labi ng babae ang ngisi habang nakatingin sa biktima. Ngising may pananabik. Ngising nakakakilabot. Sa bawat pagmamakaawa ng kaharap ay siya namang sarap sa pakiramdam nito. Kanina pa ay nasasabik na itong kumitil ng buhay. Nasasabik na makakita ng dugo.

Walang siyang ibang nararamdaman. Wala siyang ibang iniisip kundi ang pagkasabik. Pagkasabik sa mapula, malapot at malansang dugo na aagos mula sa nagmamakaawang kaharap. Ang tunog ng iyak na nasasaktan ay isang musika sa kaniyang pandinig.

Nang makita niyang wala ng aatrasan ang biktima ay agad niya itong nilapitan. Marahas na hinatak ang buhok habang nakaharap sa kanya. Wala namang nagawa ang estudyante kundi ay ang mapasigaw ito sa sakit. Pero bingi siya. Bingi siya sa pagmamakaawa niyo.

Agad niyang inangat ang kanyang braso na may hawak na kutsilyo. Buong lakas pananabik niyang itinarak ang talim sa kaharap na patuloy pa rin sa pag iyak pero wala siyang pakialam.

Ang tanging naaalala niya lamang ay kung paano siya nito pinagtatawanan sa likod niya. Sa harap ng mga kaibigan nito. Ang buong akala niya ay siya lang ang mahal nito pero may iba pala itong mahal. Ang masakit pa ay wala siyang panama sa lalaking iyon.

Hindi niya mapapantayan ang kaligayahan na dulot nito sa babaeng pinag alayan niya ng buong pagmamahal. Pero ilang ulit na ba siyang naloko? Marami na. At lahat ng iyon ay nagbayad ng buhay sa kanya.

"Wwwwwaaaagg..." Huling sigaw ng biktima. Nahawakan pa nito ang paa ng kasintahan bago ito mawalan ng ulirat.

Lumapat ang kutsilyo sa leeg nitong napaos na sa kakasigaw. Hindi pa nakuntento ang babae kaya't iniikot niya pa ang talim sa sugat na nilikha ng pagkakatarak ng kutsilyo. Tila karne lamang ng baboy na pinaglalaruan. Lumaki ang butas na pinaglalabasan ng dugo kaya naman kitang-kita ang sariwang laman ng estudyante.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ng babae. Sa wakas hindi na siya nito mapagtataksilan. Kung paanong nahuli niya itong nakikipaglandian sa lalaking nagkakalat na magkasintahan ang dalawang ito ay ganun din ang kasabikan niyang laslasan ito ng leeg. Muling naalala niya ang nakakasukang pagkalalaking ipinasok nito sa bibig nito. Sa wakas ay hindi na nito mauulit ang bagay na iyon.

Aliw na aliw siyang pagmasdan ang nangingisay na katawan ng biktima habang sumisirit ang dugo na nanggagaling sa leeg nito. Sa kasabikan sa dugong umaagos ay muling pinagsasaksak niya pa ito sa tiyan ng limang beses. Patuloy na umagos ang dugo ng biktima habang nakamulat at nakatitig sa kaniya na walang malay. Ang mga mata nitong nagmamakaawa. Mga matang may katanungan kung bakit ito nagawa ng babaeng pinagkatiwalaan niya.

Hindi naman na ito nag abala pang isara ang mga mata ng biktima. Matapos ang karumal-dumal na krimeng nagawa ay agad niyang iniwan ang biktima na nakahandusay sa damuhan at duguan. Matapos ayusin ang sarili ay nagmamadaling nilisan ang pinangyarihan ng krimen at agad itong naglaho.

Habang naghihintay si Sheena sa may bus stop ay may narinig siyang hindi maipaliwanag na ingay. Kahit halos samu't saring ingay na ng mga sasakyan at mga tao sa paligid ay narinig niya pa rin ito. Hindi siya pwedeng magkamali dahil sigaw ito ng isang babae.

Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng sumisigaw dahil masyadong maingay sa lugar na kinaroroonan niya sa mga oras na iyon. Mga nagraragasang sasakyan at mga tao na naghihintay sa pila habang nagtsi-tsimisan ang mas nangingibabaw sa paligid.

Isa lang ang nasisigurado niya. Boses ito ng isang babae. Medyo matagal pa ang dating ng bus na sasakyan niya papuntang eskwelahan kaya naisipan niyang silipin ang narinig niyang ingay.

Sinundan niya ito pero halos pawala na rin. Patuloy pa siyang naglakad papunta sa likuran ng bus stop. Napagtanto niya na doon nga nanggagaling ang ingay. Sa masukal at madamong lugar na kung saan ay halos hindi nagagalaw ng gobyerno dahil sa dami ng dine-develop sa lugar na yun.

Busy din naman ang mga tao sa lugar na yun kaya ang mga tainga nila ay nakafocus sa mga bagay na nais nilang gawin. Halos malapit na siya sa kung saan naroroon ang batang sumisigaw nang marinig niyang dumating na ang bus na sasakyan niya. Dahil nawala na din naman ang ingay mula sa umiiyak na bata ay nagmadali siyang bumalik sa bus stop para maabutan ito at baka maiwan pa siya.

Agad siyang umakyat sa bus para maghanap ng mauupuan. Sa dami ng tao ay sa bandang dulo na lang may natitirang pwesto kaya doon na lamang siya naupo dahil wala din naman siyang choice. Paalis na ang bus nang may humabol pang pasahero. Isang babae ang agad na sumakay na tila nagmamadali. Hindi ito katangkaran at sa tantiya niya ay halos magkasing laki lamang sila. Lalong natuon ang pansin niya sa babae dahil sa suot nito.

Nakasombrerong itim na halos matakpan na ang mukha at tanging ang mapupulang labi lamang nito at jawline ang nakikita. Nakablack leather jacket din ito at black din ang pants nito na parang sinadya. Nagpalinga-linga ang babae at nang makitang walang nakaupo sa tabi niya ay doon ito pumwesto. Sumulyap ito sa kaniya saka umayos ng pagkakaupo. Kahit hindi niya ito lingunin ay kitang-kita niya sa gilid ng kaniyang mata ang ginagawa nito.

Isinuot nito ang headphone nito at nagpatugtog ng musika. Iyon ay kung musika nga ba itong matatawag. Nilingon niya ang katabi dahil sa tugtog na pinakikinggan nito. Dinig na dinig niya ang musikang pinatutugtog nito sa sobrang lakas. Mga nakakatakot na tunog at puro sigawan ang naririnig niya. Hindi niya maappreciate ang ganung klaseng tunog lalo na't nakabibingi sa tainga. Ayaw niya mang pakinggan ay hindi niya maiwasan sa sobrang lapit nito sa kaniya.

Muling nagbalik sa ala-ala niya ang kapareho ng tunog ng mga 'yon. Ang tunog na matagal na niyang kinalimutan. Matagal na panahon na kaniyang iniwasan at hindi na nais maalala pa. Nagmasid lamang siya. Ang gilid ng kaniyang mga mata ay nakamasid sa babaeng alam niyang may kakaiba. Unang kita niya pa lang sa babaeng ito at sa ayos nito ay kaduda-duda na. Hindi ito normal. Paano niya nasabi? Dahil dati na niyang napagdaanan 'yon. Pero ang lahat ay pagtatanggol lamang sa sarili.

Mga ilang minuto pa ay huminto ang bus sa kabilang kanto. Nagmamadaling bumaba ang babae mula sa bus. Pagkababa nito ay nagtanggal ito ng cap. Iniladlad nito ang maitim at mahaba nitong buhok. Lalong nagpaangat ito sa magandang hubog ng katawan nito. Maganda din ang makinis nitong mukha na kanina'y natatakpan ng itim na sombrero. Maamo at aakalain mong wala itong muwang sa tunay na mundo.

Pero bago bumaba ang babae ay saglit na sumulyap ito sa iniwanang pwesto. Marahil ay para siguraduhing wala itong naiwan sa pinag upuan. May hindi lang siya maipaliwanag na nakita. May dugo ang tagiliran ng pantalon nito. Kahit na itim ang kulay nito ay alam niyang dugo ito. Hindi gaanong mahahalata ng iba dahil kaunti lamang ito.

Pero siya? Halatang-halata niya. Marka ng isang kamay ang hugis ng dugo. Nang makababa ang babae ay agad niya itong sinundan. Hindi siya nagpahalata pero sa ganitong pagkakataon ay naging maagap siya sa bawat kilos nito. Nang lumiko ito sa eskinita ay lumiko din siya. Hanggang sa namalayan niyang nasa palengke na pala siya. Doon nagtungo ang dalaga. Sa pwesto kung saan naroroon ang mga kinatay na baboy.

Nagmasid-masid muna siya saka nagdesisyongumalis. Nakita na niya ang nais niyang makita. Nang makaalis sa palengke aynagbalik siya sa binabaan niyang bus stop kanina at saka muling sumakay sa bus.Ngunit hindi sa direksiyon papunta sa dapat niyang puntahan kundi patungo sa kaniyangpinanggalingan kanina. Kung saan siya sumakay at ang babaeng kahina-hinala. Maynais lamang siyang makumpirma. At kung tama nga ba ang kaniyang hinala.