Chereads / YEXA ROSE: THE SHE DEVIL / Chapter 3 - YOUR FIRST MISSION 3

Chapter 3 - YOUR FIRST MISSION 3

"Yexa can help us too," wika ng babaeng may maamong mukha.

Nagtinginan ang lahat sa kanya.

"Paano naman siya makakatulong? Unless, isa run siyang diwata na katulad ko na kayang gawin ang disguise ability," sarkastikong saad ni Morgana.

"That's right," napapitik pa ng daliri si Diomedes at nakangiting tumingin sa kanya.

"Yexa can copy the ability of Morgana, sa ganoong paraan, hindi na kailangan pang gamitin ni Morgana ang buong lakas niya para sa atin."

"No way!" malakas na pagtutol ni Morgana sa sinabi ni Diomedes at matalim siyang tiningnan.

Nanatili lamang siyang tahimik at hindi nakikisali sa argumento ng mga ito. Alam niyang hindi papayag si Morgana sa suhestiyon na iyon kaya hindi niya sinabi kanina. May pakiramdam siyang mainit ang dugo nito sa kanya dahil sa ginawa niya kanina.

"We don't have any choice, hindi mo kayang gawin sa aming lahat ang disguise ability mo. O kung magagawa mo man, maliit ang tsansang hindi tayo magtatagumpay sa misyon na ito at may posibilidad pang mapahamak ang iba sa atin. Will you take that risk, Morgana?" ani Zane na halatang mas lalong lumiit ang mga mata sa matiim na pagtingin kay Morgana.

Hindi nakapagsalita si Morgana, alam niya ang gustong ipagiwatig ni Zane. Her ability of disguising is not too powerful because of her half vampire blood. Ang masaklap pa roon kahit na sa higher class ang ina niyang diwata ay hindi naman ganoon kalakas ang kanyang amang bampira. He was only at the middle class society and a second generation vampire not like Zane.

Matalim na tinapunan niya ng tingin si Yexa, ano bang meron ang babaeng ito at nakakaya nitong kopyahin ang kapangyarihan ng iba? She never heard of that ability in her entire life at isa pa, hindi siya kumbinsido sa sinabi ng ama nitong si Britton na mas mapanganib ang mga bagay na nagagawa nitong gayahin at i-modify.

Kung ganoon nga ang kaya nitong gawin, bakiy ngayon lang ito naging isang moonchaser? 'Di ba dapat mas nauna pa ito sa kanila?

"Morgana, tama si Zane," saad ng Honchos na nagpabalik sa kanyang lumilipad na isip.

"But, Chief, paano tayo makakasigurong makokopya nga niya ang abilidad ko? She never tried it before, don't you?" baling niya sa kanina pang tahimik na si Yexa.

"Why don't we try it," kibit ang balikat na sagot naman ni Yexa. "To see is to believe, right? Alam kong kahit anong sabihin ko sa'yo ay hindi ka maniniwala hanggat hindi mo nakikita."

"No. I won't do that? Paano kung ginagawa mo lang ito para makopya ang abilidad ko at gamitin panlaban sa akin!" matigas niyang saad.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" nakataas ang kilay na tanong ni Yexa.

"Para gantihan ako sa ginawa ko sa Ama mo. You know that by disguising yourself is the very easy way to conduct your revenge. And I won't allow that to happen," nakakalokong sagot niya sa babae.

"You're too confident of what you're saying, do you?" pagak itong tumawa at tila nang-uuyam na tumingin sa kanya. "Kung gugustuhin ko mang maghiganti sa'yo ay hindi ko na kailangan ng abilidad mo. Kaya kitang pilayan o balian ng buto sa isang iglap lang."

"You, bitch!" akma na niyang susugurin ang babae nang pumagitna na ang Honchos at malakas na ibinagsak ang kamay sa lamesa.

"Enough! Paano niyo magagawa ang misyon na ito kung kayo mismo ang nagkakairingan? You're here as a team!"

Walang nagawa si Morgana kun'di ang kimkimin ang galit niya para sa bagong miyembro ng Moonchasers.

"Morgana, let her copy your disguise ability. End of discussion! You only have twenty-four hours to discuss and extract the disguise ability to each of them," maawtoridad na saad ng Honchos. "Yexa, you are now the leader of the Moonchasers. Don't forget that you promised to be the good leader."

"Yes, Chief," magalang na tugon bi Yexa.

"Morgana, shall we?" baling ni Yexa sa kanya.

"Paano ako makakasigurong isang abilidad ko lang ang makokopya mo? Baka naman--"

"As long as you only activate your disguise ability, hindi ko makokopya ang iba mo pang kapangyarihan. I can only copy the ability of a person if it's activated," maagap na sagot ni Yexa.

Huminga siya ng malalim.

"Okay, even if I don't like this idea. I don't have a damn choice," wika niya.

Natapos ang meeting nila sa pagpayag ni Morgana sa gustong mangyari ng Honchos. Alam ni Yexa na labag pa rin ito sa kalooban ng babae ngunit wala lang itong magawa dahil sa limitadi nitong kakayahan.

Tumuloy sila sa training ground na matatagpuan sa pang-limang palapag ng institute. Ang training ground na iyon ay ginawa para lamang sa mga Moonchasers at walang kahit na sinuman ang makakagamit niyon at makakapasok kaya naman hindi na kasama ni Yexa ang kanyang ama na minabuti nang umuwi at may aasikasuhin pa raw itong ibang bagay. Habang papunta sila roon ay nagpakilala na sa kanya ang apat pang miyembro na naroon kanina sa meeting. May apat pa raw silang kasama ngunit nasa mga misyon daw ang mga ito.

Ang lalaking tinawag na Zane ni Morgana kanina ay isang dugong bampira na galing sa unang angkan ng mga makapangyarihang bampira sa buong mundo. His mother is one of the descendants of the warrior white witches. He has the ability to make a powerful spell than can manipulate new vampires. He can also make devices through a spell and can use in undercovers such as shields, a devive used for communications and locations. Si Zane ang gumagawa ng lahat ng devices na ginagamit ng mga Moonchasers sa bawat misyon na gagawin nila.

Asthrid Ballari, the first born half-blood vampire and half-blood wolf. Her father was the former leader of the most powerful pack all over the world, ngunit ipinamahala na nito sa kanyang kapatid ang pagiging leader ng pack at nanatili na lamang sa bahay kasama ang kanyang ina. Her mother is a half-blood vampire and a half-blood fairy. Ngunit hindi nito nakuha ang lahat ng abilidad ng isang diwata dahil na rin sa hindi purong diwata ang kanyang ina. Ang tanging nakuha niya lang na abilidad ng isang diwata ay ang kakayahang makipag-usap sa mga hayop at halaman. Kaya din nitong gamiting sandata ang anumang uri ng puno at halaman, maging ang mga mababagsik na hayop sa kagubatan ay kaya nitong pasunurin. Hindi rin ito magpapahuli kung sa lakas at liksi.

Geof Frey, ang pinakatahimik sa lahat ng Moonchasers. A half-blood wolf and half-blood warlock. His father is one of the high class Warlock in Conclave but it is said that he didn't have the power of his father and only have the ability of a mighty wolf who can kill a downworlder in just a second. Maaring hindi iyon nakikita ng iba ngunit para kay Yexa ang pagiging maliksi at sobrang lakas ni Geof ay galing sa kapangyarihan minana niya sa kanyang ama. Hindi lang nito iyon nadidiskubre dahil ang buong akala nito ay dulot lang iyon ng pagiging lobo nito.

Diomedes Eilif, a half-blood vampire and a half-blood wolf. Hindi siya kagaya ni Asthrid na may dugong diwata, siya naman ay purong pinaghalong dugo ng isang bampira at lobo. Siya lang ang lobo na may dugong bampira na kayang magpalit ng anyo bilang isang lobo ngunit kakaiba ang kulay ng mga mata nito na nakuha naman sa pagkakaroon ng dugong bampira. His encanto ability can make any magical beast follow his command. Kaya nitong pamunuan ang lahat ng magical beast sa kagubatan kung gugustuhin lang nito.

Morgana La Fee, the powerful enchantress living in the world. A half-blood fairy and a half-blood white vampire. She can lure anyone into her trap by using the encanto ability and kill them by her nature ability. She can summon every living creatures in the forest. At dahil kakampi nito ang kalikasan ay nakagagawa ito ng mga lason ng walang kahirap-hirap.