Chereads / YEXA ROSE: THE SHE DEVIL / Chapter 5 - YOUR FIRST MISSION (5)

Chapter 5 - YOUR FIRST MISSION (5)

"What was that?" tanong ni Diomedes.

"That was the venomous silverworm! Paano ka nagkaroon ng ganyan?" gulat at manghang tanong ni Asthrid sa kanya.

"I just found them when I run into some trouble," simpleng tugon ni Yexa.

"Are you aware that the silverworm came direclty in diablo's lair? Huwag mong sabihing nakasagupa ka ng isang demonyo?" tanong sa kanya ni Geof.

"Sort of," kibit-balikat na sagot niya.

"How could you--" hindi naituloy ni Morgana ang sasabihin dahil sa biglang pagpigil dito ni Zane.

"Enough, Morgana! You should apologize to her and thank her for saving your life," ani Zane kay Morgana.

"Don't say it, alam ko namang galing lang sa ilong mangagaling ang sasabihin mo," saad ni Yexa. "Now can we continue on our mission? Time is running."

Hindi na nagsalita pa si Morgana at sumunod sa sinasabi ni Yexa. Alam niyang wala siyang laban kapag nagmatigas pa siya, kanina lang, pakiramdam niya matutuluyan na siya.

Naramdaman niya ang nagbabantang tingin ni Zane sa kanya. Mukhang galit na galit ito sa ginawa niyang kalokohan. Hindi naman niya inaasahan na mayroon si Yexa ng ganoong kapanganib na hayop.

Ang silverworm ay pag-aari ng diablo, ang hari ng kadiliman. Ang sabi ng matatandang salamangkero tanging may malalakas na kapangyarihan lang ang nakakapasok sa gate of hell. Kahit ang pagtayo lang sa harap nito ay nangangailangan ng malakas na enerhiya upang hindi ka makulong sa isang dimensyon na haharapin mo ang napakaraming halimaw.

Hindi lang iyon, kapag nakapasok ka naman ay kakalabanin mo rin ang isang dragon na may tatlong ulo, kung saan wala pang sinuman ang nakakapasok at nakakalabas ng buhay.

"Morgana, focus!" Bumalik sa huwisyo si Morgana at nakita niyang may liwanag na nagmumula sa kamay ni Yexa at ipinatong sa kanyang balikat.

Parang isang normal na paghawak lang ang ginawa nito sa kanya at sa isang iglap lang ay ipinakita na nito ang abilidad na nakuha sa kanya. Ngunit nakita ni Morgana ang pagkunot ng noo ni Yexa at tila malalim na nag-iisip, saka siya binalingan.

"I tolf you to use only one of your ability, mahirap bang intindihin ang sinabi ko?"

Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nanlaki ang mga mata niya nang may lumabas na kulay berdeng diyamante sa kaliwang kamay ni Yexa.

"Ang diyamante ng kalikasan?! Paano iyan napunta sa'yo?" baling ni Asthrid kay Morgana.

"Whoa! Kaya mo ring gayahin ang mga makapangyarihang diyamante?" manghang tanong ni Diomedes na halos hindi kumurap sa nakalutang na kulay berdeng diyamante sa kamay ni Yexa.

"Morgana, tell us the truth, where did you get that?" ani Zane.

"Give me back my power!" sa halip na sumagot ay matalim ang mga matang singhal niya kay Yexa.

"Wala akong kinuha sa'yo, I told you to deactive your other abilities and power. Hindi ko na kasalanan kung hindi ka sumusunod sa sinabi ko," nakahalukipkip na wika ni Yexa pagkatapos isara ang palad.

"You--"

"Enough!" malakas na wika ni Zane. "What abilities did you copy from her?" tanong nito kay Yexa.

"The disguise abiliy and the power of nature," simpleng sagot niya.

"Can you return the other one to her? Hindi naman natin iyon kailangan," sabi pa ng binata.

"Yes I can, puwede niyang pagsamahin ang dalawang diyamante. It will give her more power and other abilities but, let me think about it first." Tumalikod si Yexa at lumayo sa kanila ni Zane.

Walang nagawa si Morgama kun'di ang ikuyom ang mga kamao at lihim na inirapan ang papalayong dalaga. Hindi niya alam kung paano nitong nakopya ang diyamante ng kalikasan. Ilang beses nang ginamit niya iyon ngunit walang kahit na sino ang nakahalata at nakakilala sa klase ng ginagamit niyang kapangyarihan.

"Let's start our mission," ani Yexa tila walang pakialam sa matalim na tingin sa kanya ni Morgana.

Hindi niya naman sinasadyang kopyahin ang kapangyarihan nito ngunit may munting tinig sa kanyang isip na nagsasabing kakailanganin niya iyon sa hinaharap.

The Cloud Island.

Nakapasok sila sa isla nang walang kahirap-hirap. Umakto silang turistang magkakaibigan, dahil sa abilidad ni Morgana at ni Yexa ay nagawa nilang mag-disguise bilang mga mortal na tao na naghahanap ng adventure at thrill sa isla.

Sa kanilang anim tanging siya lang ang hindi naka-disguise. Naitago niya ang kanyang kapangyarihan ng walang kapangyarihan sa tulong ng diyamante ng kalikasan. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon pero nang gamitin niya iyon ay hindi siya na-detect ng ilang itim na manggagaway na nasa bukana ng isla at siyang sumasalubong sa mga turista.

Maaaliwalas ang mga mukha ng mga ito at hindi mo aakalaing alagad ng kadiliman dahil sa magandang pakikitungo ng mga ito sa mga turista.

"So, what will be our first destination?" masiglang tanong ni Diomedes nang makapasok sila isang luxery suit.

Sinuri niya ang buong paligid, may mga bagay na kahina-hinala at ang pakiramdam na tila pinagmamasdan sila ng maraming mata.

"Ang sabi nila maganda raw mag-surfing kapag ganitong oras, who's with me?" masayang wika naman ni Morgana.

Dahil sa panandaliang pagbabalat-kayo nila ay selyado ang halos buong parte ng memorya ng mga ito. Kailangan nilang gawin iyon para hindi mabulilyaso ang paghuli sa reyna ng salamangkang itim.

Nagkasundo ang mga kasama ni Yexa na mag-surfing pagkatapos nipang kumain, kitang-kita sa mga mukha ng mga ito ang excitement at saya ngunit hindi niya iyon magawa dahil sa mga matang nakatingin sa grupo nila.

Mukhang kailangan niyang gumawa ng paraan para masabihan ang mga kasamahan niya na mag-ingat at ipaalala ang misyon nila. Ngunit kapag ginawa naman niya iyon ay alam niyang mabibigo silang matapos ang misyon na ito.

"Welcome to Cloud Island, Ma'am, Sir, can I know your hotel number please?" malugod na tanong sa kanila ng magandang babae nang pumasok sila sa restaurant doon.

Lihim na nagsalubong ang kilay ni Yexa nang maramdaman ang umaapaw na itim na salamangka sa loob ng restaurant. Pasimple niyang tiningnan ang mga taong masasayang kumakain at nag-eenjoy. Something is wrong!

"I really love the soup! Would you mind if I take some and bring it to our hotel room?" wika ng isang foriegner na costumer sa babaeng kausap nila..

"Sure, Sir. Just let me know your hotel room and your name."

"My name? Oh! it's Mystique," sagot naman ng lalaking foriegner.

Nakita ni Yexa ang kakaibang kislap ng mata ng waiter, maging ang pag-ngisi nito ay hindi nakaligtas sa kanya.

"Guys, wait!" pigil niya sa mga kasama niya nang tuluyan nang papasok ang mga ito.

"What? Is there something wrong?" tanong ni Geof sa kanya.

"Can we try surfing first? Mamaya na lang tayo kumain kapag tapos na tayong mag-surf," suhestiyon niya sa mga ito.

'Never try to eat any food!' sigaw niya sa kanyang isip. Isa iyong mensahe na gusto niyang iparating sa mga ito sa pamamagitan ng mind telepathy.

"Dude, that was awesome! Can I take some of the Italian Spaghetti I ate and bring it to my hotel room?" narining niyang wika naman ng isa pang lalaking mehikano.

"Sure, no problem, Sir! Just let me know your name and your hotel number," wika ulit ng waiter.

"My name is Mystique!"

That's it! Ang kakaibang aura ng restaurant at ang inaakto ng mga taong lumalabas ay nagpapatunay na may nangyayaring kababalaghan sa loob ng restaurant na ito. Kailangan niyang alamin kung anong mayroon sa loob, ngunit kailangan niyang gawin iyon mag-isa. Hindi siya makakakilos kung isasama niya ang mga kasamahan niya sa loob dahil tiyak na mapapahamak lang ang mga ito.

"Ako na lang ang papasok sa loob at mag-oorder ng pagkain tapos dadalhin ko sa tabi ng dagat. Doon na lang tayo kumain," nakangiti niyang wika niya sa mga ito.

"That's a good idea, samahan na kita. Mauna na kayo sa labas," ani Zane sa ilan nilang kasamahan.

"No, I can manage it by myself," pagtanggi niya.

'Just go and don't let them eat anything!' sabi niya sa kanyang isip.

Nakita naman niyang natigilan saglit si Zane bago tumango sa kanya at inakay ang mga kasamahan palayo sa restaurant.

'Be careful guys...' sabi niya sa kanyang isip habang hinahabol ng tingin ang mga ito.