Nang masigurong nasa malayo na ang mga kasamahan ni Yexa ay saka lang siya humarap sa babaeng kanina pa naghihintay sa kanya.
"Good morning, Ma'am," nakangiting bati nito sa kanya.
"Good morning," nakangiti ring bati niya at nagtuloy-tuloy na siya sa loob.
Nakaramdam si Yexa nang kakaibang panlalamig nang tuluyan na siyang makapasok sa loob. Nababalot ng itim na salamangka ang buong paligid at hindi rin nakaligtas sa kanya ang ilang itim na salamangkero na nag-anyong uwak na naka-puwesto sa apat na sulok ng restaurant.
Kung normal na tao lang ay ipagsasawalang-bahala ang mga iyon at aakalaing dekorasyon lang iyon ngunit para sa mga katulad niya ay isang tinginan lang sa mga iyon ay malalaman na nila kung totoong uwak nga ba iyon o salamangkero.
"Good morning, Ma'am. What can I do for you?" magiliw na pagbati sa kanya ng isang waitress.
"Ah. Can I order some food? For take out, please," nakangiti niyang sagot sa waitress.
"Sure, Ma'am. Let me know your room number, we'll deliver it to your room," ani ng waitress.
"My friends and I plan to eat it in the seaside," sagot naman niya.
"I'm sorry, Ma'am. We cannot allow you to bring the food, we can only deliver it in your room or you can eat it here," saad ng waitress.
Kumunot ang noo niya. "Why?"
"First time?" tanong ng isang lalaki mula sa likuran niya.
Hindi niya ito pinansin at ibinalik muli ang tingin sa waitress.
"Miss, my friends and I wants to eat outside. Is there any rules that says we can't eat on the seaside? Because as far as I read the rules and regulations of this resort, there is none," mariing wika niya.
Tama ang hinala niya, ang mga uwak na nasa lahat ng sulok ng restaurant na ito at ang mga uwak na nasa suit nila ay ang dahilan kung bakit nakakalimot ang mga tao. The formation of the witches are to erase the memories of the people who comes inside of it.
At hindi nila magagawa iyon sa open places and in the water because the formation needs the fire element which is the opposite of water.
"I'm sorry, Ma'am but we cannot let you take the food. If you want , Ma'am you can call your friends and eat here or in your suit," magiliw pa ring sagot ng waitress.
"Or, you can eat with me and I will bring a lots of food for your friends too," singit na naman ng lalaki.
"Thank you, Miss. I'll just call the room service after we go surfing," ani Yexa at tinalikuran na ang waitress.
Pagkaharap niya ay sumalubong sa kanya ang presko at nakangiting mukha ng kanina pang nangungulit na lalaki.
"Hi! I'm Nathan, matagal na ako rito and you are?" Inilahad nito ang kamay nito sa kanya.
Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay. Pinoy. Magaling magsalita ng Tagalog, pero iba ang nakikita niyang itsura nito. Kung hindi siya nagkakamali, isa itong Fil-Am na naligaw sa isla at hindi na nakalabas...
Wait! Did he just say his name?
Naipilig niya ang kanyang ulo at tila naguluhan sa mga nangyayari.
"Nathan... okay," patay-malisyang wika niya at nilagpasan na ito. Wala siyang balak mag-aksaya ng oras sa mga walang kuwentang bagay.
"Whoa! Whoa! You never said your name! You can't just leave me hanging like that. Kilala mo ba ako?" saad ni Nathan na agad nakasunod sa kanyang paglabas.
"Nathan, right?" aniya.
"Yes! I mean, me, myself, and--"
"Look," agaw niya sa sinasabi nito. "Wala akong interes na magpakilala sa'yo at makipag-usap sa'yo so, just get the hell out of my sight."
Mabilis siyang naglakad palayo rito at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sinundan pa ng lalaki.
Habang papunta siya sa gilid ng dagat ay nakikita niya ang mga taong masaya at nag-eenjoy sa paligid niya. Bata man o matanda ay talagang kakikitaan ng saya sa mga mukha.
It was indeed a paradise. The white sand, different pearl and handicrafts souvenirs, colorful boats, the wonderful and big waves. Isama pa ang agaw-pansing water fountain na talagang sinadyang gawin sa pinaka-sentro ng isla. It was a big mermaid stone na nababalutan ng diyamante, may maliliit na estatwang sirena na may hawak na malaking shell at doon lumalabas ang tubig. May mga totoong sirena din na nakapalibot sa fountain pero sino nga ba ang maniniwalang totoo ang mga iyon? Sa mata ng mga tao, isa lang ang mga ito sa mga nagagandahang foriegner na nagsuot ng costume.
Lumapit siya sa may fountain, nagkunot ang noo niya nang may mapansing kakaiba sa malaking estatwa na nasa gitna ng fountain. Kumislap ang gilid ng mga mata nito at alam niyang luha iyon dahil isang gintong perlas ang nahulog mula roon.
'Damn! It was the Queen!' galit na wika niya sa kanyang isip.
Ganoon ba talaga kalupit ang Marga na iyon at talagang ginawang bato ang ang reyna ng mga sirena?
Pinagmasdan niya ang ibang estatwa at kung hindi siya nagkakamali ay mga totoong sirena din ang mga ito. Nilapitan siya ng isang isang sirena, nginitian siya nito at kumaway. Aabutin na sana niya ang kamay nito nang bigla siyang matigilan sa boses ng isang lalaki mula sa likuran niya.
"If I we're you, I won't do that." It was Zane, but he's alone.
"Nasaan sila?" tukoy niya sa mga kasamahan nila.
"I don't know, they're all gone," sagot nito.
"Gone? What do you mean?" salubong ang kilay na tanong niya rito.
'They suddenly disappear into thin air, walang may nakapansin at kung meron man malamang ako lang.' Nagulat siya sa narinig na sinabi ni Zane sa kanyang isip. Nag-uusap sila pero sa kanilang mga isip lamang, kung paano? Hindi niya rin alam. Ang buong akala niya ay tanging siya lang ang hindi tinablan ng memory loss ability.
Pasimple siya nitong inakay palayo sa fountain at normal na naglakad. Nakaakbay ito sa kanya at kung titingnan ay para silang magkatipan.
'Anong nangyari? I told you not to eat anything!' galit na ani Yexa sa kanyang isip.
'We didn't eat anything, hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa kanila. The moment we got near on that fountain, something happened to them," sagot nito sa kanya.
"Bakit hindi ka naapektuhan?" nagtatakang tanong naman niya.
"I'm a white witch, remember? You can manipulate my powers but not my instinct," anito.
'Kung sana lahat sila kagaya mo, hindi sana sila napahamak ngayon,' wika niya sa kanyang isip.
"I heard that, we need to find them, bago pa mahuli ang lahat," untag ni Zane.
Nag-uusap pa rin sila sa pamamagitan ng audio message. Para hindi sila mahalata ay maya-maya ang ngitian nilang dalawa at tingin kunwari sa mga tao sa paligid nila.
"Wait! Kailangan nating bumalik sa fountain, kaya ko silang kausapin nang hindi tayo nahahalata ng mga itim na manggagaway," turan niya. Hindi na niya inantay pang magsalita si Zane, nagpatiunana siyang humakbang pabalik sa fountain.
Kailangan niyang subukan ang natutunan gamit ang abilidad niyang makipag-usap gamit lamang ang alon at vibration ng tubig.