Chereads / Hymoneurí Academy / Chapter 2 - Kabanata 1: Takot

Chapter 2 - Kabanata 1: Takot

Sigaw ng ina sa kaliwa.

Sigaw ng ina sa kanan.

Iyak sa taas.

Iyak sa baba.

Ayoko!

Ayoko na!

Napamulat ako sa ingay ng aking mga kapitbahay, tila'y umaatake na naman ang mga halimaw. Dali-dali akong bumangon at naghilamos at tiningnan ko ang kwarto ng aking mga magulang ngunit wala sila dito!

Asan sila?!

Kinuha na kaya sila? Pano? Pinatay o Kinain?!

Giniginaw ako sa isipang kinuha sila, parang lahat ng dugo sa aking katawan ay nawala na. Winaglit ko ang isipang ito ng nakarinig ako ng kalabog sa sala. Agad akong bumaba sa hagdan kahit ako ay humahangos at naghihirap na huminga. Ang kaba at takot ay naghalo-halo na sa aking isipan ngunit nawala ito ng nakita kong may kausap si Ama sa sala at si Inay naman ay nahulog ang pinggan na kaniyang hinuhugasan.

Napahinga ako ng kunti ng nakita ko silang ligtas ng pag-atake nila. Pumunta ako sa kusina para tulungan si Inay mag-asikaso dahil mag-aalas sais na ay wala pang ulam para sa agahan. Aking hinawakan ang kutsilyo para magputol ng ulo ng paminta. Kinuha ko ang atensyon ni Inay para ipaalam sa kaniya kung tama ba ang aking ginagawa ngunit sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinignan niya lang ako at hindi kinakausap.

Lagi silang ganito ni Ama, binibigyan kung anong gusto ko ngunit hindi nila ako pinapansin kong wala silang kailangang importante. Kahit simpleng "Magandang Umaga, Anak" ay kahit sa isang pagkakataon ay 'di ko pa narinig simula ng namulat ang aking mga mata sa mundong ito.

Tumango nalang ako sa kaisipang baka hindi ito sasagot at pinapatuloy ko ang aking ginagawang paghihiwa ng mga pampasarap sa pagkain.

Pagkatapos ng agahan ay bumalik na sa pag-uusap sila Ama at ang kaniyang bisita habang si Inay naman ay naghuhugas ng pinggan sa pinagkainan. Ako naman dito sa kwarto ay pilit inaaninag kung anong klaseng atake ang mga ginagawa ng mga halimaw kagabi. Ngunit wala akong naaninag kahit ano o sino dahil sa daan ay puro lamang dugo at mga palaso, baril at punyal.

Wala akong magawa para ipinta ang mga katawang nasa karsada dahil parang ang linis ng mga halimaw trumabaho kagabi. Huminga ako ng malalim at simulang ipinta ang kung ano ang nasa kalsada.

Ika-apat na daan at labing-pitong araw. Sinumulan ko itong pagguguhit noong ako'y nasa edad pang syete. Naisipan ko silang iguhit dahil ito lang ang paraan para malaman ko ang dahilan sa mga taong nawawala at namamatay sa daan.

Sinasabi nilang dahil ito sa manananggal, uso, demonyo at iba pa ngunit sa ibang bahagi naman ay sinasabi nilang mga tao lang daw ito ngunit hindi karaniwang tao. Ako naman ay naniniwala ito ay isang manananggal ayon sa mga nawawalang lamang-loob sa mga katawang nasa karsada.

Aking kinuha ang aking binokulo sa ilalim ng aking kama at sinimulang kalasin ang lubid na nagsisilbing kandado sa aking bintana. Ang binokulo na aking hinahawakan ay sa aking ama ito ngunit sinikwat ko ito sa kaniyang aklatan ng siya ay natutulog. Ang lubid namang aking kinakalas ngayon ay gawa ito ng aking ama dahil nahuli niya akong binuksan ito at may kinakausap na bata sa ibang kwarto.

Ang mga tao ay sagradong makipag-usap sa kahit kanino at bawal lumabas sa kani-kanilang kwarto o pumunta ng karsada lalo na't gabi ng Sabado. Unang dahilan ay ang sakit na tinatawag na sementa. Isa itong bayros na kumakalat ngayon, sabi ng libro na aking binabasa ay nasa hangin ito at minsay nasa tao, dugo o laway nito. Bawal lumabas ang edad na labing walo pababa dahil ito ang mga taong napakadaling maapektuhan ng bayros kaya walang paaralan sa mundong ito. Sariling sikap lang ang ginagawa ng mga bata.

Samantalang ako ay hindi pinapansin ng aking mga magulang at pinapabayaan na magturong magsulat at magbasa sa sariling sikap. Lagi akong nasa kwarto nagbabasa, nagsusulat at nagpipinta. Ang mga gamit ko ay nakikita ko na lang sa aparador ko pagka-umaga.

Ikalawang rason ay ang mga kuro-kurong manananggal, kapre, uso at iba pang halimaw na sumasalakay sa gabi, gabi ng Sabado. Ngunit patagal ng patagal ay hindi na Sabado sila umaatake, minsan ay Lunes o Miyerkules at isa pa ay ang linis nilang pumatay dahil ang mga katawan ay matatagpuan na sa bahay.

Sa wakas ay nabuksan ko na ang bintana! Agad kong kinuha ang binokulo at pinalaki at pinaliit ko ang lente. Klarong-klaro ang mga dugo simula sa haywey patungong dagat, lalong-lalo na ang mga palaso, punyal at kaunting dami ng katawan.

Aking nadinggan ang mga hinagpis ng kani-kanilang sigaw sa pag-iyak, nakakasakit sa tenga ay 'di ko nalang pinansin sapagkat may nakita akong batang lalaking sumisigaw ng tulong, dala-dala ang isang batang naghihinang huminga.

Nakita niya akong nakatingin dahil pinalibot niya ang kaniyang ulo para humingi ng tulong ngunit imbis na tulungan ay nagkakaniya-kaniyang sirado sila ng kanilang bintana. Ang sakit na sementa ay umaapekto ito lalo na sa mga malalapit na mamatay tulad ng bata niyang dinadala-dala ngayon.

Akin siyang sinenyasang ipa-inom ng tubig ng bata dahil sa aking nabasa ay ito ang pampalunas sa maliit na panahon. Agad siyang tumalima at inihiga niya ng kaniyang kapatid at pumasok sa kanilang bahay. Nakakapagtaka kung bakit walang magulang ang tumutulong sa kanila, kaparehas din kaya ang magulang nila sa akin? Hindi Kinaka-usap.

Bumalik na siya at ipina-inom niya ang tubig sa bata, kaagad na bumalik ang kulay ng bata sa kaniyang katawan sapagkat kanina ay kahit nasa malayo ako ay kitang-kita ko na napaka-putla ng bata.

Nakahinga siya ng maluwag at ipina-upo niya ang kaniyang kapatid. Tumingin siya sa akin, seryosong mata ang tumingin sa akin ngunit unti-unti ang kaniyang labi ay pumuporma ng ngiti, ako ay napangiti din sa kaniyang ngiti dahil ito ay nakaka-akit. Tumango siya at kinarga na ang bata. Ngunit sa aking likuran ay naramdaman kong may tao ng tignan ko ay aking ama na ang mukha ay istrikto.

Ako ay napasigaw sa aking isipan, "Patay ka ngayon Elle."