Chapter 40: The Sorrow of her Heart
Haley's Point of View
Naalimpungatan ako nang malakas na mag ring ang phone ko na nakapatong sa dibdib ko. Nakatulog pala ako, hindi ko na napansin. Nagbasa pa kasi ako ng webnovel kagabi kaya napuyat na ako.
Inalis ko si Chummy na ngayon ay nakaupo sa mukha ko saka umupo mula sa pagkakahiga't kusot-kusot ang mata na tiningnan ang caller, nalamang si Harvey pala ito kaya hindi ko maiwasang mabato ang cellphone sa paanan ko. Sa lahat na nga lang ng tatawag, 'yung impakto pa na iyon?
Muling nag ring ang aking phone kaya mas lalo akong napasimangot at walang nagawa kundi ang kunin na lamang iyon para sagutin, muntanga eh 'no?
"What the hell do you want?" naiirita kong tanong. Dapat kasi nag silent na lang ako, mahirap pa namang makatulog ulit.
"Good, you're awake. May pupuntahan tayo." ito kaagad ang bungad niya, anong oras na ba?
Sabay tingin sa wall clock ko't tumingin sa harapan ko, "8AM, saan mo balak pumunta?"
"Don't ask." tugon niya't binabaan na ako ng call. Mas nawala ang antok ko kaysa kanina at inilayo ang phone para tingnan ang screen. What the f*ck?
I thought to myself, hindi makapaniwala sa ginawa niya.
***
SIMANGOT na nakatingin sa akin si Harvey nang makalabas ako ng aking kwarto, 'yung masisira na lang 'yong araw mo dahil sa bumungad sa 'yo. "P*ta, ano'ng sinisimangot simangot mo r'yan? Nakabihis na ako, ano pa'ng kailangan mo?"
Nakasuot lang ako ng simpleng T-shirt at maong, hindi ko naman kasi alam kung saan din pupunta kaya naka-simple lang ako.
Dumating si Reed na mukhang kagigising lang din, "Susunduin n'yo ba si Kei ngayon?" tanong niya dahilan para tingnan ko siya.
"Ngayon ba 'yon?"
Tiningnan ni Reed si Harvey, "Ngayon 'yon, 'di ba?" tanong nito na tinanguan ni Harvey bilang sagot. "Sama ako."
Umiling si Harvey saka tumabi sa akin, "Dito ka na lang. Day off ngayon ng mga kasama natin dito sa bahay, walang bantay." napatingin naman ako sa paligid. Napansin ko nga na wala sila rito ngayon.
Pero…!
"Hindi ba't 11AM pa ang arrival niya? Bakit mo 'ko ginising ng maaga?!" hindi ko makapaniwalang tanong pero hindi lang niya ako pinansin at binilinan lang si Reed sa bahay. "Hoy!" tawag ko pagkatapos kinaladkad na 'ko papunta sa kung saan.
"Uuwi rin kami pagkatapos." simpleng sabi ni Harvey ng hindi nililigunan si Reed. Wala naman siyang sinabi at kinawayan lang kami.
"Oh…"
***
PIKIT-MATA akong nakaupo sa upuan ng sasakyan ng impaktong iyon habang nakakrus ang mga hita. Pilit na ikinakalma ang sarili na hindi siya sigawan, "You dragged me dahil gusto mong samahan kita na bumili ng kakailanganin mo sa project n'yo?"
Naramdaman ko naman ang mas lalong pag-iwas niya ng tingin, "Ginising mo ako ng maaga kahit alam mong sarado pa ang mga mall…?" kinuyom ko ang kamao ko't malakas na napasigaw.
Tinakpan niya ang tainga niya, "Annoying…" may gana pa siyang sabihin 'yan sa akin. Eh, siya na 'tong nagpapasama!
Nag seatbelt na siya't walang gana akong tiningnan, "If you don't want to break the law, wear your seat belt."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Huh? I don't have to!"
Bumuntong-hininga siya, "According to Republic Act No. 8750, also known as the Seat Belts Use Act of 1999: The driver and front seat passengers of a public or private motor vehicle are required to wear or use their seat belt devices while inside a vehicle of running engine on any road or thoroughfare." mahabang paliwanag niya na kahit isa, wala akong naintindihan.
Inis kong ginulo ang buhok ko, "I don't wanna hear anything from you, umalis na lang tayo!" at hinampas ko siya sa braso. Umurong siya ng sobra at biglang namutla kaya ako naman itong napanganga. "Lah? Ano'ng nangyari sa 'y--" tumigil ako sa pagsasalita dahil sa bigla kong naalala.
Nakaangat ang tingin ko nang mamuo ang ngisi sa aking labi, "Right, your phobia, huh?"
"Shut up!" Pinaandar na nga lang ni Harvey ang makina ng sasakyan at walang imik na pinaharurot ito. Hindi ko naman na siya inasar pagkatapos at sinuot na lamang ang seat belt.
Namuo ang kaunting katahimikan makalipas ang ilang minuto, hindi siya awkward kaya nanahimik lang din ako't pinapanood lang ang ginagawa ng mga taong naglalakad sa side walk. Nakahinto lang kami ngayon sa gitna ng kalsada dahil sa biglaang traffic. Mayamaya lang noong may pumukaw sa aking atensyo.
Poster ito mula sa isang shop habang may advertisement sa kaliwang bahagi nito. Si Lara ng Lara Croft.
Bumilog ang mata ko, "New game release?" sambit ko kasabay ang pagliko namin. Sa pagkakaalam ko, wala namang daan papuntang mall dito, ah? Saan niya balak pumunta?
"Naliligaw ka ba? This isn't the right direction, is it?" tanong ko na tuloy-tuloy lang sa kanyang pagmaneho. Kaysa makipagtalo pa ako sa kanya ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin.
Sa kalagitnaan ng biyahe, I suddenly have a nostalgic feeling as we went through the familiar place.
Mula sa loob ng sasakyan, maririnig mo ang sobrang lakas ng hangin sa labas na siya namang sumasabay sa pagsayaw ng mga puno sa paligid. Lumamig ang aking pakiramdam habang nakatitig lamang ako sa harapan.
Mayamaya lang nang huminto kami sa tapat ng bahay na iyon…
Nanatili lang kaming dalawa sa kotse at wala pa ring imik na nakaupo sa mga pwesto namin, yumuko ako't kinuyom ang kamao. "What are we doing here?" paanas kong tanong pero sapat lang upang marinig niya.
Sumandal pa siya lalo sa kanyang upuan at huminga ng malalim, "Will you tell me the truth?" panimula niya't nilingon ako, "Are you the person who I met a long time ago?"
Harvey's Point of View
Lumabas kami sa sasakyan at pumunta sa harapan ng bahay na iyon. Hindi pa rin sumasagot si Haley at nanatili lamang na tahimik. Tumabi ako sa kanya at ibinaba ang tingin, wala akong ideya sa kung ano ang p'wede kong sabihin sa kanya. Nawalan ako ng salita.
Mabuti na nga lang din at binasag niya ang katahimikan, "Pa'no mo nakilala 'yung taong tinutukoy mo?" tanong niya. Humarap ako sa kanya't seryoso siyang tiningnan.
"Lara…" banggit ko sa pangalan na iyon na nagpalaki sa mata niya. "You're Lara, aren't you?" dagdag ko na nagpanatili sa kanyang panlalaking mata. Hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat para iharap siya sa akin, inalog ko siya, "Why do you have to hide it from me?"
Nakatingin siya sa mata ko nang iiwas niya ito, "Please, let me go…" she said as she begged.
"Now, you're showing me your true color? I've been looking for you, ba't ngayon ka lang nagpakita sa akin ng walang paala--"
"I'M NOT THE PERSON YOU'RE LOOKING FOR!" napatigil ako sa pagsigaw niyang iyon. Unti-unti kong inaalis ang mga kamay na nakapatong sa kanyang balikat at umatras ng isang hakbang.
Gulat na gulat sa paraan ng pagsigaw niyang iyon. May emosyon kasi talaga iyong kasama, galit? Lungkot? Hindi ko alam. Pero ang lakas ng impact nito sa puso ko kaya natahimik din ako.
"Lara…" banggit niya sa pangalan at yumuko, "I'm not her…" iling nitong sagot kasabay ang pagtulo ng luha niya. This will be the first time I saw her cry face to face so I was about to reach her when she said something that made me stop, "…She's my twin sister."
Malakas na tumibok ang puso ko, "Then…"
Flashback
"Ah, nasabi ko ba sa 'yo na may kambal ako?" naalala kong banggit ni Lara habang naglalaro kami sa lupaan. Wala kaming pakielam kahit na maraming mantsa ang aming mga damit basta makapaglaro lang.
"Weh? Pakita mo nga siya sa 'kin para maniwala ako.." udyok ko. Sa tagal kasi naming naglalaro, hindi ko pa nakikita 'yung kambal niya no'n.
Sumimangot naman siya at tumayo, "May iba na siyang kalaro ngayon, eh. Sa susunod, ipapakilala ko siya sa 'yo."
Ngumisi ako, "Sige, ah? Promise mo 'yan. Ano ba'ng pangalan?" tanong ko.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya, "Haley."
End of Flashback
Nakatulala ako sa mukha ni Haley na ngayon ay patuloy pa rin pagbagsak ang luha, "Where is she?" tanong ko pero higpit niyang kinuyom ang kamao. Mayamaya lang ay nagulat na lang ako noong mag break down siya.
Bagsak na umupo sa lupa't hawak-hawak ang dibdib na humihikbi. Animo'y parang matagal na niya itong kinikimkim sa sarili niya dahilan para umarte siya ng ganito.
Tila para naman akong napako sa kinatatayuan ko na walang magawa kundi ang tingnan lang siya roon at umiiyak. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil kahit hindi pa niya sinasagot ang aking tanong ay alam ko na kung ano ang nangyari.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya, pabagsak ding napaluhod sa lupa para abutin siya. "I-I'm sorry…" sinabi ko 'yan nang hindi namamalayan na pati ako ay lumuluha na rin pala. "H-hindi ko alam…" hinawakan ko ang batok niya't inilapit sa akin para yakapin siya nang hindi tumitigil ang pag-agos ng luha sa aking mata, "I'm sorry…"
Haley's Point of View
Palaging nakatingin sa malayo si Lara kapag nandoon siya sa tapat ng bintana, nakatingin lang din ako sa kanya't binabantayan siya ngunit natuklasan din na hinihintay lang pala niya 'yung nagngangalang si Harvey na sinasabi niyang kalaro niya kamo.
Sa una, kinakailangan ko pa siyang tingnan mula sa malayo bago ako makipaglaro sa isa kong kaibigan. Gusto ko rin sana siyang imbitahin sa amin kaso nakita na niya 'yong taong p'wedeng magpasaya sa kanya kaya hinayaan ko siya.
"Haley! Alam mo bang ang cool cool ng kalaro ko? Gusto ka niyang makilala, pakita ka sa kanya." tuwang tuwang kwento ni Lara sa akin na inilingan ko lang.
"No. He's a stranger to me and I don't wanna talk to him." tugon ko pa't tumalikod para asarin siya. "Niloloko ka lang din no'n, baka mamaya sa akin pa siya magkagusto niyan." biro ko sabay belat.
Napapikit siya sa inis habang namumula ang mukha, "It's fine! I only like him as a friend!" at kinuha niya ang kamay ko para hilahin ako, "Kaya tara na! Para maniwala siya sa akin na meron nga akong kambal!"
"No!" pagtanggi ko.
Natutuwa ako na maliban sa akin, mayro'n na ring kaibigan na iba si Lara. Mahiyain siyang tao at palagi lamang nasa loob ng bahay dahil hindi rin talaga siya makakalabas due to her Epileptic Seizure, kumpara sa ibang tao na mayro'n no'n, bawat minuto depende sa araw siya inaatake.
Kaya natatakot na rin si mama lalo na ako na palabasin siya. Nawawala wala lang iyon nang makalaro niya si Harvey kaya hindi ko na siya pinapakielaman sa gusto niya.
Kaso isang araw, nagulat na lang ako… Hindi na siya humihinga. Natagpuan ko lang siya sa harapan ng gate at mahimbing na natutulog, na kailan man ay hindi na p'wedeng magising.
Reed's Point of View
Umalis na ako sa likod ng puno kung saan ako nagtatago. Pinapakinggan ko ang pinag-uusapan nila Haley at Harvey mula rito pero hindi ko inaasahan na ito ang madi-diskubre ko.
Haley knew about what I've been going through. But I said something terrible on that day…
"HUWAG KANG MAGSALITA DAHIL HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! HINDI IKAW ANG NAMATAYAN KAYA HINDI MO MAIINTINDIHAN KASI WALA KA NAMANG KAPATID! 'DI IKAW ANG NAWALAN!" naalala kong sabi ko sa kanya noong nababasa na kami sa ulan.
"Isee..." sambit ko.
The rain may hide her tears but I should have notice that it can never hide the sorrow of her heart.
Binuksan ko ang pinto at irita na pumasok sa loob. Bakit napakamanhid ko? Hindi ko man lang alam na gano'n din ang nararamdaman niya noong makita ako. She also lost her sister yet I…
Ginulo ko ang buhok ko't pinaandar na lamang ang sasakyan.