Chapter 41: Nocere
Kei's Point of View
Tulala na nakatingin sa sahig habang hinihintay ko sina Harvey na dumating. Nandito lang ako sa may waiting area katabi ng vending machine. Masyado na kasing maraming tao kaya wala na rin ako p'wedeng mauupuan.
"Don't tell me I'm wrong, Keiley. This proposal is also for your future. You also want this, right?" diin na naalala kong sabi ni dad noong nasa California ako.
Sa inis ko, hindi ko maiwasang maipakita ang aking pag-ismid, "You haven't seen life from my side. So, stop acting like you care."
Ayan ang huli naming usapan bago ako makabalik dito sa Pilipinas kaya nai-stress pa rin ako. 'Yung maluluha ka na lang dahil sa sobrang inis na nadarama. Pero ayokong makita akong ganito nila Haley kaya dapat ikalma ko muna ang sarili ko.
Speaking of, they're already here.
Inalis ko na muna ang nakabusangot kong mukha at pinalitan iyon ng malapad at matamis na ngiti. Kumaway saka masiglang tinawag ang kanilang pangalan, "Harvey! Haley!" tawag ko't lumapit sa kanila.
"It's been awhile, I guess?" ani Harvey na nagpabungisngis sa akin.
Kinuha na ni Harvey ang maleta ko saka naunang naglakad papunta sa sasakyan.
"Tara." aya ko na ngiti namang tinanguan ni Haley. Nag kumustahan kami dahil ilang araw din kaming hindi nagkita. Nagkwento siya tungkol sa pang-iinis ni Reed sa kanya kaya hindi ko maiwasang matawa. "Ayaw mo ba siyang sagutin?" tanong ko.
Namula ang mukha niya, "Stop teasing me, hindi naman siya nanliligaw sa akin, eh."
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya napaurong siya, "Eh, pa'no kung ligawan ka sa susunod?" pang-aasar ko pa pero ang tanging ginawa lang niya ay ang manahimik.
You're too obvious, aren't you?
"Are you hungry? Gusto mo muna bang kumain bago umuwi sa bahay?" tanong ng nakapamulsang si Harvey at hila-hila ang maleta ko.
Nilingon ko siya kasabay ang aking pagnguso. "Hindi, lutuan na lang ako ni Haley. 'Di ba?" pagkalingon ko kay Haley, hindi siya sumagot at nakatitig lang sa kung saan. Mukhang malalimang iniisip.
Hanggang sa nakasakay na kami sa sasakyan ni Harvey ay tahimik pa rin siya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapatanong, "What's wrong?" nag-aalala kong tanong. "Ang lalim yata no'ng iniisip mo?" dagdag ko.
Tumaas sandali ang dalawa niyang kilay saka ako nilingunan,"What? Uhm... Nothing, may iniisip lang ako. But it's not that important, don't worry." at umiwas na siya ng tingin niyan.
I hummed and give her a hug, "I don't know what the short tempered girl like you is thinking but just wear a smile and forget about the past" panimula ko't hiniwalayan din siya para pisilin ng kaunti ang kanan niyang pisnge, "Nothing good will come if you worry too much" kaunting advice ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin nang mapangiti ito, "Stop it, geez…" nahihiyang sabi niya dahilan para bigyan ko siya ng matamis na ngiti.
***
DINALA ni Harvey ang kotse sa garahe bago kami makababa. Nakauwi na kami kaya ngayon ay makakapagpahinga na rin kaming lahat.
Ibinaba na ni Harvey ang maleta ko mula sa compartment, "Ako na lang magdadala nito sa kwarto mo." pag-aako niya ng dapat na ako dapat ang gumawa. Pero pumayag na lang din ako dahil pagod na rin talaga ako, and knowing Harvey. Hindi rin 'yan magpapapilit.
Naglakad na siya na sinundan ko lang ng tingin. Ang manly talaga niyang tingnan, likod pa lang.
Siniko ni Haley ang braso ko, "Uy, baka paghalataan ka niyan, ha?" nanlaki ang mata ko tapos pabirong hinampas ang braso niya habang naglalakad kami papasok sa mansion.
"Gumaganti ka?" natatawa kong sabi na tinawanan lang din niya. Naramdaman ko naman na may paparating, presence pa lang niya ay alam ko na kaya aalis na sana ako nang tawagin na niya ako.
"Kei!" tawag ni Jasper kaya napabuntong-hininga ako. Humarap ako sa kanya, kasama na rin niya si Reed.
"Nandito kayo." sabi ko lang na ikinakamot ni Jasper sa kanyang batok.
"Don't you want me to be here?" tanong niya.
Pilit akong ngumiti, "I didn't say that." sagot ko saka tiningnan si Reed na nakatingin lang sa akin. Parang may pinapahiwatig siya sa paraan ng pagtingin niya.
"Kumusta?" pangangamusta niya sa akin. Hindi ito halata sa kanyang mukha pero makikita pa rin sa mata niya ang pag-aalala. Alam nila Harvey ang tungkol sa hindi namin pagkakasundo ni dad pero 'yung tungkol sa arranged marriage?
Hindi pa, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Natatakot akong sabihin sa kanila.
Nagpameywang si Haley, "Tutal, nandito ka rin namang hinayupak ka baka gusto mong tumulong sa akin sa pagluluto?" mataray na tanong nito.
Humarap naman ako sa kanya. "T-tutulong ako!"
Inilipat naman niya ang tingin sa akin at napasimangot, "Magpahinga ka na lang sa kwarto mo. Pagod ka." hihirit pa sana ako pero nagbukas na ang pinto.
"We're home!" masiglang sabi ni tita Cory habang nakataas pa ang dalawang kamay. Galing sila sa office nila dito sa pinas.
"Kei, nakauwi ka na pala" gulat na sabi ni tito Joseph-- Ang ama nga ni Haley.
Binati ko naman sila saka nakipag kuwentuhan sa kanila ng kaunti. Pagkatapos no'n ay pumunta na nga ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Pasandal kong isinara ang pinto at bumuntong-hininga.
Inilabas ang isang sulat mula sa sling bag para basahin ang nilalaman. Ipinadala ito ng lalaking iyon bago mag departure sa California. Naalala ko pa ang paraan ng pagngisi niya kaya medyo nakaramdam ako ng pagkairita.
Dear Keiley,
I prepared this letter for you, I want to say some certain things but whether you like it or not... You can't do anything but accept the fact that we're going to be married, you have no choice but to love me and love me.
You can't force your father to cancel the plan, everything was already decided upon since the moment when we met last year, so I hope you understand the situation, my love.
Pagtatapos ng sulat. Nilukot ko ang papel saka dahan-dahang napaupo sa carpet para muling iiyak ang mga nararamdaman na hindi magawang mailabas.
Now you're making me suffer, dad…
Reed's Point of View
Apologize, how do I do that again? I thought to myself and sighed. Even if I apologize, I feel like it'd have the opposite effect. Argh! I think I'm a terrible person after all.
Dumiretsyo ako sa kusina para sana kumuha ng maiinum sa refrigerator nang maabutan ko rin si Haley do'n. Napatingin siya sa akin habang mabilis naman akong tumalikod.
Ano'ng ginagawa mo?! Nandiyan na siya, oh? Mag sorry ka na!
Dikit-kilay kong tiningnan ang hindi kalayuan. Pero kung magso-sorry ako, malalaman niyang nag e-eavesdrop ako. Ayoko naman no'n!
"Reed?" patanong na tawag sa akin ni Haley dahilan para lumingon ako. Kaso tumambad sa akin ang malapit niyang mukha kaya napasigaw ako sa gulat at napaatras.
Tinaasan naman niya ako ng kilay at sinimangutan, "What the hell? Ang O.A mo, ah? Ano'ng problema mo?" naguguluhan nitong tanong 'tapos humalukipkip.
Humawak ako sa dibdib ko na ngayon ay malakas na tumitibok, "Y-you scared me." wika ko pero inirapan lang niya ako't nilagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin, "Tapos na kayo magluto?" tanong ko.
Huminto ito at busangot na tumingin kung nasa'n si Jasper, "Hindi, pumalpak kasi kaibigan mo." lumabas naman ito galing sa kusina, kamot-kamot ang ulo habang tumatawa. Ang dumi na rin ng damit niya, puro mantsa na nagmumula sa ginagawa nilang pagkain.
"Grabe, hirap pa lang magluto 'no?" sabay labas ng dila ni Jasper kaya biglang napikon si Haley at inalis ang tsinelas para sana batuhin si Jasper, nagtago naman siya sa likod ko. "Oh! Oh! Mamamato nanaman siya, oh!" turo niya kay Haley na ikinabuntong-hininga ko naman.
Hindi na ako makakahingi ng pasensiya nito.