Chapter 46: Photoshoot
Haley's Point of View
Bilog na bilog ang mata kong nakatingin sa adviser namin. Katatapos lang ng kaunting activity namin ganoon din ang short meeting para sa gagawin namin ngayong umaga.
"Meaning, pupunta tayo sa mall para i-treat ang mga bata?" tanong ko na tinanguan ni Kei. "Seryoso?" segunda ko na tinanguan naman ni Harvey. Tiningnan ko si Reed at gaya nu'ng dalawa ay tumango rin siya. Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa 'tapos binuksan para makita ang laman, "W-wala akong pera rito…" ginastos ko sa regalo ni mama last time!
Nagpamulsa si Harvey at tumingin sa kung saan, "Hindi ka talaga nakikinig, ano? Sinabi na nga na magdala tayo ng extra para sa mga bata, eh."
May pumitik sa sintido ko at inis na nilingon ang impakto, "Hindi naman ako katulad ng mga estudyante sa E.U na mayaman!" sigaw ko pero tumalikod lang siya't sumipol, hindi ko tuloy maiwasang mapayukom ng kamao. You bastard!
***
GUMAMIT PA rin kami ng bus papunta sa kalapit na mall. Si Arvin ang kinuha ko habang kay Reed naman si Symon. Kumpara noong papunta kami rito ay mas umingay pa ang loob ng sasakyan. Tawanan at iyakan ng mga bata ang mga maririnig.
Hahh… Buti na lang pala hindi iyakin si Arvin, kasi malamang, mahihirapan talaga akong paamuhin siya. Hindi naman kasi ako gano'n kahilig sa bata kaya hindi ko rin alam kung pa'no sila ibalik sa dati nilang mood.
Wala naman akong kapatid na... Bunso.
"Saan tayo pupunta? Saan tayo pupunta?" sabik na tanong ni Arvin na nginitian ko. Nagliliwanag siya sa tuwa.
"Pupunta tayo sa mall, excited ka ba?" tanong ko na masigla rin niyang tinanguan. Sumulyap ako kay Reed na nakikipaglaro kay Symon na nandoon sa pagitan ng mga upuan namin. Tumuturo-turo siya sa screen habang tuwang-tuwa namang nagpipipindot ang bata.
Ang ganda niyang tingnan, parang anak niya ang alaga niya ngayon. He'll be a good father in the future.
Huminto na ang bus noong makarating kami, malapit lang pala siya-- Teka! Mall din ito nila Kei!
Tiningnan ko siya na napansin din naman niya kaya tiningnan niya rin ako pabalik. Kumindat lang siya saka naunang bumaba. Nanginig ako bigla, "H-halimaw…" sabi sa sarili kasabay ng pagtawag ni Harvey sa akin para bumaba.
Nagbigay lang ng kaunting paalala ang dalawang advisers nang makababa sa bus bago kami maghiwa-hiwalay sa kung saan namin gustong pumunta. Tama, hindi kami pumunta rito para mag-saya, para ito sa mga bata.
Hay naku, okay lang sana kung lahat mayaman, 'di ba? Pero naisipan talaga nila na dito sa mall pa kailangang ilibre ang mga batang 'to! Iyak! Good-bye, pocket money.
Huminto si Harvey at lumingon sa amin, "Punta tayo sa toy store para may mauwi sila na p'wede nilang paglibangan." anyaya niya na sinang-ayunan naman nila Reed at Kei.
Natuwa naman ang mga bata habang napapaawang bibig lang ako. Wala nga akong pera, eh!
"No worries, sagot ko na lahat." dagdag niya kaya katulad ng mga bata ay natuwa rin ako. Yehey!
Dumiretsyo kami sa toy store tapos hinayaan na lang silang mamili ng mga gusto nila. Mabuti na nga lang at hindi 'yon marami dahil mahihirapan pa kaming magbuhat kung sunod-sunod ang pagpili nila ng mga laruan.
Inilabas na ni Harvey ang mahiwaga niyang credit card saka ibinigay iyon sa cashier, tapos na kasi silang mamili kaya ngayon ay mga nagngingitian na hawak-hawak ng mga bata ang mga piniling laruan.
Napatakip na lang ako sa aking mata, "The power of a rich man indeed." kaunti na lang papalakpakan ko na si Harvey. Hindi siya nawawalan ng pera, lapitin talaga ng biyaya ang Smith! Mapapaisip ka na lang tuloy kung ano pa 'yong kulang sa kanya.
"You have a cold appearance but you really have a warm heart, huh?" pang-aasar ni Kei kaya nahiya itong si Harvey at iniwasan lamang siya ng tingin.
"Shut up."
Pinapanood ko lang ang dalawang iyon nang ibaling ko iyon kay Reed.
Nakikipaglaro pa rin siya sa alaga niya na tawa rin nang tawa.
"Iingatan mo 'to, ah?" ani Reed na tinango-tanguan naman ni Symon.
Hindi ko na lang namalayan na luminya na 'yong ngiti sa aking labi. Mayroon kasi siyang kapatid kaya nagagawa niyang makipaglaro ng ganyan sa bata like you could see the loving and caring side in him towards Symon.
I kind'a picture him with Rain if she was still here.
Napahawak ako sa noo ko. I missed that kid already.
***
MULI NANAMAN kaming naglalalakad habang hawak ang mga alaga namin, nasa harapan kami ni Kei at Harvey at katabi ko naman si Reed. Nag-uusap silang dalawa tungkol sa nilalaro nila kanina sa mobile nang mapahinto si Arvin.
Tumigil na rin ako para tanungin kung ano'ng problema. Tumuro siya sa kanang bahagi, "Ang ganda po no'n!" sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at napagtantong isang cosplay ni Naruto ang tinutukoy niya, "Gusto ko niyan!" at tumakbo na lang siya bigla para puntahan iyon.
"Ah! Sandali!" hinabol ko siya, maraming tao ngayon kaya hindi siya puwedeng mawalay sa akin. Kinuha ko kaagad ang kamay niya at lumuhod para sawayin siya. "Huwag kang hihiwalay sa akin, gusto mo bang mawala?" tanong ko kaya bigla naman siyang yumuko para humingi ng sorry.
Ngumiti lang ako at ipinatong lang ang kamay sa ulo niya para sabihing walang problema. Lumapit naman sa akin sina Kei, "Bakit daw?" tanong ni Kei. Tumayo ako at hinawakang muli ang kamay ni Arvin. Baka kasi tumakbo nanaman. Jusko, wala pa akong anak pero parang nararamdaman ko na kung gaano kahirap magkaro'n.
"Nothing, gusto raw kasi niya 'yung cosplay." turo ko sa damit ni Naruto. May babae namang lumapit sa amin hawak-hawak ang iilan sa mga flyers. Isa yata siya sa staff ng store kung sa'n naka-display ang cosplay.
"By any chance, gusto niyo po bang makuha ang limited edition original cosplay ni Naruto?" tanong nito na inilingan ko lang. Ano naman kasing gagawin namin diyan? Saka hindi pa kasya 'yan kay Arvin!
"N-no. Not at a--" naputol ang sasabihin ko.
"Pero gusto ko po 'yan…" malungkot na demand ni Arvin dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. Nakanguso siya at talagang malungkot talaga. Ito ang kahinaan ko, eh! Pero walang pera! Hindi puwede!
Magsasalita sana ako nang magsalita ulit ang babaeng ito, "Puwede niyo po siyang makuha for free, kailangan niyo lang magpa-photoshoot kasama ang boyfriend niyo para i-feature this month!"
Kumurap kurap naman kaming apat, "Photoshoot?" banggit ko.
***
NANGINGINIG ang gilid ng labi ko habang kinukuhanan kami ng isang photographer, ngiti roon, pose rito, landian diyan, "Why the hell do I have to do this?" bulong kong daing habang napipilitang ngumiti sa harapan ng camera. Damn those two! Pagkatapos nilang gawin 'to sa amin may gana pang mang-asar!
Nag-iba ulit kami ng pose ni Reed, ngayon naman ay magkaharap kaming dalawa. Hawak niya ang mga balakang ko habang nakapatong naman ang mga kamay ko sa dibdib niya. P*ta! Alisin niyo 'ko rito! Nakakahiya!
"Kaysa naman malungkot 'yong alaga mo, gawin na lang natin 'to para sa kanya." kumbinsi niya pero hindi ko pa rin matanggap na kami pa ang gumagawa nito. Ideya 'to ng impaktong iyon! Dapat sila na lang ni Kei ang gumawa para mamatay na 'yong sakit niyang Gynophobia!
Bigla naman akong ngumisi dahil sa ideya na iyon. "Humanda ka sa akin, Harvey…" bulong ko kaya sinilip ako ni Reed.
"May sinasabi ka ba?" tanong niya kaya bigla akong napaurong. He's too close!
Hiya ko namang ibinaling ang tingin ko sa kung saan, "I-it's nothing."
Ibinaba ng photographer ang camera niya at kunot-noo na tiningnan kami, "Talaga bang mag boyfriend girlfriend kayo?" tanong niya dahilan para manlaki ang mata namin. Kainis, gusto kong sabihin na 'hindi' pero kung gagawin ko 'yon, baka umiyak si Arvin.
Nakakaasar! Wala na akong choice!
Hinawakan ko ang batok ni Reed at hinila palapit sa akin, nagulat siya sa ginawa ko habang ngumisi lang akong tiningnan pabalik ang photographer na 'yon, "Of course, isn't obvious? He may be annoying but I love him." mapang-akit kong tanong na nagpanganga sa kanya.
Namula naman si Reed sa ginawa ko kaya binigyan ko siya ng nakakaasar na tingin saka ngumiti sa camera't nag-pose. Hindi rin naman nagtagal iyon dahil natapos din kaagad. Tuwang-tuwa nga ang photographer sa mga nakuhanan niya at ibinigay pa ang kanyang business card para kung sakali man na gusto naming magpakuha ay siya kaagad ang tatawagan namin.
Tss, hell no.
Tila parang pagod akong lumabas sa booth habang hiyang hiya sa mga litratong nakuhanan mula sa amin. Binigyan nila kami ng extra para raw may remembrance. Ibinigay ko kay Kei ang mga iyon at naunang naglakad kasama si Arvin, dala ko naman na ang cosplay. "Ang cute n'yo! Para talaga kayong mag boyfriend girlfriend!" kinikilig na sabi ni Kei na ikinabuntong-hininga ko lang. Bahala kayo diyan…
"Ate Haley" tawag ni Arvin sa akin kaya ibinaba ko ang tingin para makita siya, sumenyas siya na may ibubulong kaya agad naman akong nag semi squat para ilapit ang tainga ko sa kanya. Pero nagulat nang halikan niya ang pisnge ko, "Thank you po!" sweet na pagpapa-salamat niya na pati ako, hindi na rin naiwasang bigyan siya ng matamis na ngiti.
"You're welcome!"
Reed's Point of View
Titig na titig ako kay Haley habang kinakausap niya 'yong bata pagkatapos siya nitong halikan. I still felt my heart beating fast, I hope she didn't hear it.
Humawak ako sa dibdib ko't napalunok, ngayon ko lang naramdaman ang ganito, posible kayang inlove na talaga ako sa kanya?
"Ganda talaga sa feeling ang ma-inlove 'no?" nagulat ako sa biglang pang-aasar ni Kei kasabay ng pagbigay niya ng mga litratong nakuha namin ni Haley kanina. Matamis itong nakangiti at nag peace sign, "Huwag mo masyadong titigan, baka naman matunaw." napaawang bibig ako, balak sanang magsalita nang itikum ko na lamang.
Ipinatong ni Kei ang chin niya sa naka pogi sign niyang daliri, "Goodness, if we're going to make a rules like if one of you blush, obviously you are already lost your battle..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumalikod kasabay ang pagpamulsa.
"How about you, then?" nagtaka naman siya sa panimula ko, "You like him for a very long time now but you didn't have any progress at all." naramdaman ko naman ang panlalaki ng mata niya ngayon. Hahh! Nakaganti rin ako!
Binalik niya sa dati ang itsura niya at binigyan ako ng matamis na ngiti, "I see… Is that how you make your revenge?" tanong niya ng hindi nawawala ang kanyang pagngiti.
May nasabi yata akong hindi maganda.
Biglang sumeryoso ang tingin niya, "I will confess to him tonight." para namang may kung anong mabigat na bato ang tumama sa akin. This is not good
…Jasper.