Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 49 - Love to Bits

Chapter 49 - Love to Bits

Chapter 49: Love to Bits

Harvey's Point of View

Walang gana akong nakatingin sa dalawa na nandito sa kwarto namin ni Kei matapos nila akong gisingin. Mga nakangiti ito at parang may binabalak. "Ano'ng kailangan n'yo? Bakit nandito kayo?" maangas kong tanong at mas kinumutan ang sarili. 

"Ang lusog, p're." pang-aasar ni Reed sabay tapik sa bird ko. Kinotongan ko nga. 

"Gag*!" mura ko 'tapos iritableng tiningnan si Haley na kinakalikot ang gamit sa cabinet. "Oy! Wala kang makikita diyan!" sigaw ko pero kinuha niya 'yong manila rope mula sa cabinet at sinuri muna ito bago ibinaling ang tingin kay Reed. Sumenyas siya kaya tumayo naman ang mokong at kinuha ang inaabot ni Haley. 

Pagkatapos ay bumalik sa akin at kinuha ang kamay ko para ipulupot ito pero hinila ko lang pabalik ang kamay ko. "Ano ba?!" bulyaw ko kay Reed.  Ngayon naman ay itinuon niya ang tingin kay Kei na ngayon ay malayo ang tingin.

"Ikaw na lang kaya gumawa?" pagpapasa ni Reed sa 'di ko malaman kung ano ba 'yong ginagawa nila. Lumingon naman 'agad si Kei sa bestfriend niya. 

"N-no! As if namang..." nang mapatingin siya sa akin ay namula ang mukha niya 'tapos tumayo sa kama niya. "H'wag na kasi nating gawin 'to!" pagpikit ng mariin ni Kei. Hindi pumayag si Haley at umiling-iling.  

"No, no, no. Hindi pwede." pagtutol ni Haley. 

"But--"

Lumingon si Haley sa akin, "Harvey--" mabilis pa sa cheetah kung gumalaw si Kei na pumunta kay Haley para lang takpan ang bibig nito. 

"Okay, okay! I get it. All I have to do is to do that, right?" tukoy niya sa kung ano na tinanguan naman ni Haley bilang sagot. 

Tumaas ang kilay ko, "Hoy, ano ba 'yang pinag-uusapan n'yo?" naguguluhan kong tanong. 

Dahan-dahan namang humarap sa akin si Kei ng 'di ako tinitingnan. Nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang mga daliri. "You see, Haley wants to check i-if magaling ka na." nauutal na sabi nito at parang nag-aalinlangan pa kung sabihin.  

Mas tumaas ang kilay ko kaysa kanina. "Huh? Anong magali--" napahinto ako dahil pumasok sa utak ko 'yong Gynophobia ko. "You don't mean..." 

Umiwas lang ng tingin si Kei habang pumaabante naman si Haley at humalukipkip, "May free time tayo ngayon, at dahil maraming ganap sa buhay. Ituloy natin 'yang paggamot sa sakit mo." litanya niya kaya napasandal ako sa headboard. 

"Huh?! At bakit?! Magaling na 'ko!" hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Itong babaeng ito! 

Ginagawa na lang niya kung ano 'yong gusto niya without my consent! 

"Magaling...?" ulit ni Haley sa sinabi ko 'tapos nilingunan si Kei na nakatingin ngayon kay Haley. "Check it out." pagsenyas niya gamit ang ulo kaya mukha namang na-tense si Kei.  

"W-wait! D-dito?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kei kaya nairita naman si Haley at sinisimulan ng bulyawan ito. Umalis naman ako sa kama ko at dahan-dahang lumalabas paalis ng kwarto. Si Reed naman, kamot-kamot lang ang leeg habang nakatingin sa dalawang babaeng 'yon. 

Nahawakan ko na ang door knob, pipihitin na rin sana iyon nang mabigat na ipatong ng kung sino ang kamay niya sa balikat ko. Unti-unti ko namang nilingon iyon na 'di ko pa nga nakikita ang mukha ay malakas na niya akong hinila patulak sa kama. Halos mag bounce ang katawan ko ro'n at tiningnan ang tao sa harapan ko-- si Haley iyong tumulak sa akin. "Reed!" tawag ni Haley kaya kaagad 'agad namang pumunta si Reed kung nasa'n ako at sinisimulan akong talian. 

"Hoy! H'wag ka ngang makisama sa babaeng 'yan!" tukoy ko kay Haley habang kumakawala ako pero patuloy pa rin si Reed sa pagtatali sa akin. 

"Sorry, bro. Kapag 'di ko 'to ginawa. Mapapatay ako." at nagkunwari pa itong nag-iiyak iyakan. 

Gag* ka talaga, Reed! 

Naitali na niya ako habang nasa ibaba lang ang mga paa ko, ngayon ay si Kei na ang pumunta sa harapan ko matapos umalis ni Reed. Nakatingin lang ako sa kanya na nakayuko hanggang sa pumatong na siya sa kama. 

Marahan akong umiling-iling, "No, Kei..." 

Pulang pula talaga 'yong mukha niya! Hindi niya ako magawang tingnan, "I-I will do this just once, I'm sorry." at mabilis niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng shirt ko na nagpatalsik ng dugo sa ilong ko. 

"Whoa!" 

"What are they doing, kuya?" 

Pare-pareho kaming napatingin sa dalawang bata na sila Symon at Arvin. 'Tapos dali-daling isinara ni Reed ang pinto habang lumabas naman si Haley para kausapin ang mga bata para mag rason. 

Nakatulala lang ako sa kisame, halos mangiyak dahil sa isa nanamang kahihiyang nangyari sa akin.  

*** 

SA HULI ay pumayag na lang din ako sa gustong mangyari nila Haley kaya nandito kami ngayon sa gitna ng park na hindi naman lalayo sa Orphanage. Magkahawak kamay kami ni Kei kaya hirap na hirap akong takpan itong ilong ko dahil maliban sa tumutulo ang dugo ro'n, pakiramdam ko sasabog ako sa hiya.

 Nakatingin lang sa akin si Reed nang hampasin ako ni Haley sa likod dahilan para mapatayo ako ng maayos, "What the hell are you doing, you coward?!" galit niyang tanong kaya inis ko siyang tiningnan at sinigawan.

"Akala mo ba madali, huh?!" tanong ko sa kanya. 

"Ano'ng gusto mo?! Sarap muna bago hirap? Kung gusto mong gumaling, paghirapan mo!" ganti niya sa akin.

"Ikaw na nagsabi niyan kaya huwag mo 'kong minamadali!"

"Wala naman akong sinasabing magmadali ka, pero pa'no tayo magkakaroon ng progress kung wala ka namang ginagawa?!"

"Huh?! Bulag ka ba?!"

Hinawakan ni Kei ang braso ko dahilan para mapatigil ako't manigas, kung iisipin kong maigi, mas lumalala ang sakit ko sa ganitong sitwasyon, "L-let's just do our best, okay?" sinabi niya 'yan pero nagsisimula na akong manginig. Sh*t, 'di ko maintindihan. I was hugging her last time. So, I thought I'm fine now. Ganoon din kay Haley, ano ba'ng nagti-trigger nitong sakit ko? 

Pumaharap ako ng tingin at hinawakan lang ang ulo niya para pabiro itong ibaba. Nauna na akong naglakad, "Let's go." ipinasok ko ang pareho kong kamay sa bulsa at umarteng kalmado. Kaso sa kaloob looban ko, kinakabahan na ako kaya kulang na lang ay sumabog na 'yung dugo mula sa ilong ko.  

Hinayaan na kami ni Haley at Reed na magkasamang dalawa ni Kei at dumiretsyo na kami sa p'wedeng mapasyalan dito. Wala akong alam pagdating sa ganitong bagay kaya nakikisama na lang din ako sa gusto niya. Kumain, maki-selfie kahit hindi ko trip at pumunta sa mga stores na nadadaanan namin. Bale pumunta kami sa isang shop para tumingin tingin.

Malaking bear ang nakaharang sa pinto habang walang gana lang akong nakatingin doon, "What the heck?" reaksiyon ko saka nagulat nang gumalaw ito. Hindi ko napansin na may tao pa lang karga karga iyon.

"Excuse me ~!" tumabi naman kami ni Kei saka pinadaan 'yung taong iyon na lumabas. Dadalhin niya yata 'yan sa girl friend niya.

Ngiti akong tiningnan ni Kei, "Pasok na tayo." anyaya ko bago ko siya ipinagbuksan ng pinto't pumasok.

Halos kuminang ang mata niya nang makita ang stuff toy pudding, lumayo ako sa kanya ng kaunti noong tumili siya't patakbong pumunta ro'n para yakapin, "Ang fluffy!" napatingin ang ibang tao sa kanya pero imbes na magbigay sila ng surprised reaction ay mukhang natuwa pa yata.

Humawak ako sa batok ko. Kung bakit kasi kailangan pa niyang maging cute, eh.

Ipinulupot bigla ni Kei ang kamay niya sa braso ko habang hindi naaalis sa mata niya ang pagkinang nito. Kinuha ko kaagad ang panyo sa bulsa ko't tinakpan ang aking ilong, "Bil-Han Mo-A-Ko." paisa-isang sabi at tinuro turo ang hawak niyang stuff toy pudding.

 

Kumurap-kurap ako sa kanya nang ngiti akong mapabuntong-hininga. Napaawang bibig naman siya kaya binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin. "Why?" tanong ko. Bumitaw naman siya't tumagilid.

"N-nothing." namumula niyang sagot. Nakarinig naman ako ng mahihinang tili mula sa likuran ko.  

"Bagay sila!"

"Sino kaya 'yong lalaki? Ang gwapo naman niya."

Kinuha ko ang gusto niyang ipabili at dinala iyon sa counter para bayaran iyon, "Isa niyan." napatitig ang cashier sa akin kaya inulit ko ang sinabi ko hanggang sa bumalik siya sa wisyo't ibinigay na sa akin ang supot.

Lumingon ako kay Kei saka binigay 'yong hinihingi niya na kinuha naman niya. This is also a part of our date, by buying her something. "Sa'n mo pa gustong pumunta?" tanong ko pero yumuko lang siya't pinaglaruan ang mga daliri.

"K-kung saan mo gustong pumunta." nauutal nitong sagot. Kinuha ko na lang ang kamay niya't dinala siya sa kung saan. Hawak-hawak ko ang kamay niya kaya nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kanya. Medyo pinagpapawisan siya dahil siguro sa sobrang kaba kaya napahigpit ako sa paghawak doon.

"Enjoy-in natin 'to." I looked at her with a smile, "Okay?" dagdag ko.

Habang dala-dala niya ang bili ko para sa kanya ay tumuturo siya sa mga lugar na gusto niyang puntahan, hinika pa nga siya sa kalagitnaan ng paglalakad namin pero hindi rin iyon nagtagal at bumalik din siya sa dati.

Marami rami rin kaming pinuntahan kaya ngayon ay pabalik na kami. Nagpahinga lang kami sandali sa bench, walang tao banda rito dahil nandoon sila sa may bandang rides area.

"Nakakapagod, ano? Pero thank you, Harvey!" pagpapasalamat niya na hindi ko lang inimikan, ngumuso naman siya, "Geez, at least give me an answer." 

Naglabas ako ng hininga, "Yeah, yeah." tinatamad kong sagot pero nahihiya lang talaga ako.

Muli nanamang lumungkot ang mukha niya, "Hindi ka ba nag enjoy?" tanong niya't umiwas ng tingin, "I'm sorry, I can't make you happy." binigyan ko siya ng isang pitik sa noo kaya ngayon ay napaurong siya't humawak sa pinitikan ko. 

Tumayo ako at walang reaksiyon na nilingon siya, "Kung hindi nga ako naging masaya, kanina pa lang hindi ko na sinayang ang oras ko makasama ka lang."

Nakaangat na ang tingin niya nang mapahawak siya sa mga kamay niya, "Well, isn't that because you want to cure your illness?" sambit niya na nagpanganga sa akin, "Hindi ka rin naman talaga papayag na sumama sa akin kung hindi dahil sa rason na 'yon, eh." pineke niya ang ngiti niya, "Naiintindihan ko naman, Harvey. You're a good person but if you don't like it, you should have told me. Okay lang naman" she paused and averted her eyes.

"Hindi ko rin naman ito ginusto." dagdag niya. 

Nagsalubong ang kilay ko at wala sa sarili na kinuha ang kamay niya para hilahin papunta sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit na nagpalaki sa mata niya, "Please, don't say anymore." udyok ko't pumikit. "I don't want to hear your lies."

Nanatili lang siya sa gano'ng posisyon niya nang itulak niya ako, pero hindi ko siya pinakawalan at yakap yakap ko pa rin siya. "Let go, Harvey."

"No, I won't!" napatigil siya sa bigla kong pagsigaw at medyo kumalma dahil ibinaba na niya ang kanyang mga kamay.

Hinarap niya ang ulo niya sa kaliwang bahagi ng lugar, "Why are you doing this? I don't understand you anymore." pabulong pero sapat lang para marinig ko. Lumayo ako ng kaunti sa kanya, hawak-hawak ang mga balikat niya habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.  

Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko na kung ano ang sinisigaw ng puso ko. 

"I love you."

Nanlaki ang mata niya sa biglaan kong pag-amin, "I love you." ulit ko pa na nagpalunok sa kanya, "Tingin mo hindi ako masaya habang kasama ka? Tingin mo hindi ako nahihirapan kapag tinatago 'tong sayang nararamdaman ko para sa 'yo?" hinawakan ko ang leeg niya habang nasa bandang baba niya ang hinlalaki ko, "Kung puwede lang na makasama ka, gagawin ko. Kung p'wede lang kitang makausap na walang humahadlang, gagawin ko. At kung hahayaan mo 'kong mahalin ka…" I paused, "Ibibigay ko ng buong buo ang puso ko."

Kuminang ang mata niya, gulat ko na lang nang tumulo ang kanyang luha kung saan nagtaka rin siya. Nanlaki ang mata nito at napahawak sa basang pisnge, "B-bakit ako umiiyak?" tanong niya at natawang pinupunasan ang luha, "H-hindi ko maintindihan. Ayokong makita nila akong umiiyak, Harvey." nahihiya nitong sabi. Hindi alam kung ano ang gagawin. 

Did I hurt her? 

"Didn't I tell you before?" panimulang tanong ko na nagpaangat sa tingin niya. Nakangiti na ako sa kanya ngayon habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng hintuturong daliri. "If you shed tears, I'll wipe them so no one will see, so please…" naalala kong sabi sa kanya noon na inulit ko lang din ngayon. 

"…Smile." animo'y parang bumalik kami sa panahon kung saan una kaming mas nagkakilalang dalawa. She was also crying that time, pero nagtatago siya para 'di makita ng iba. 

Mas bumagsak ang luha ni Kei na kanina pa niya pinipigilan, ngumiti at niyakap ako pabalik na mas nagpagulat sa akin, "I also love you, Harvey!" pagkarinig ko pa lang sa mga salitang iyon, lumakas ang pagtibok ng puso ko. "I love you!"

Nakatingin lang ako sa kung saan nang ipatong ko ang baba ko sa balikat niya. "I love you" sincere kong sabi't hinawakan ang likod ng ulo niya. "I really do."

Jasper's Point of View 

Mula sa rooftop ng ospital ay nakatitig ako sa asul na ulap "Pagbalik ko…" panimula ko't determinadong napangiti.

"…Aamin na ako." buong lakas kong sabi sa sarili kasabay ang paglitaw ng litrato ni Kei sa utak ko. "Hindi ko na 'to palalagpasin."

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag