Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 28 - Jasper's Singing Talent

Chapter 28 - Jasper's Singing Talent

Chapter 28: Jasper's Singing Talent

Harvey's Point of View 

Nakatuon lang ang atensyon ko ngayon sa pinapanood kong NBA at naka-upo sa pahabang sofa.

Gusto kong kumain ng lutong bahay kaso wala sila manang. Hindi naman p'wedeng sila tito at tita o kaya parent's ko ang mag luto para sa akin. Mas lalo namang hindi ako p'wede dahil baka mamaya, masunog pa 'tong bahay. 

Inangat ko ang tingin at pumasok sa utak ko si Haley. Matawagan nga s'ya

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa glass table at hinanap sa contacts ang pangalan ng babaeng 'yon. 

Nang mahanap ay pinindot ko ang call nang sa gayon ay matawagan ko na siya. Hindi naman gano'n katagal ang paghihintay ko dahil sinagot naman niya agad.

[Hello?] pagsagot n'ya sa tawag ko. 

Itinaas ko ang paa ko, "Ipagluto mo ako ng makakain dito" utos ko sa kanya. 

[Huh?] naguguluhan niyang tanong.

"Bumalik ka dito sa bahay" pagpapabalik ko sa kanya dito dahil seryoso, gusto kong kumain.

[Kakapunta ko pa lang dito sa mall tapos pababalikin mo 'ko diyan?] hindi niya makapaniwalang tanong. 

"Basta bumalik ka dito! Kailangan kong kumain, ipagluto mo ako!"

[Ano ka? Sira?]

"Ipagluto mo na kasi ako!" pamimilit ko pa. 

[Edi ikaw mag-isa mo! H'wag kang nang-uutos dahil hindi mo ako katulong!] sabay baba niya ng call. Napahigpit ako nang hawak sa cellphone ko. Mayamaya ay napabuntong-hininga na lang. 

Hindi ko magawang masabi ng maayos. 

Ibinato ko 'yong phone ko sa kabilang sofa at nanood na lang ng NBA. Ngunit ilang oras na ang lumipas ay nakaramdam na ako ng pagkaantok. Nabagot na ako kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

***

NAGISING NA LANG ako noong may pumalo ng matigas sa mukha ko. Ano ba 'yan?! 

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at galit na galit na nilingon 'yong taong gumagawa ng kalokohan sa 'kin, "Ano ba 'yon?!" sabay kamot sa ulo. Natutulog ako rito, eh! 

Nagpameywang siya at sinimangutan ako. Nando'n siya sa likuran ng sofa. 

"Gising ka na." simpleng sambit n'ya kaya napayukom ang kamao ko. Pikon na pikon talaga ako ngayon! 

"Well, don't be mad bru. Way lang n'ya 'yon para gisingin ka dahil nahihiya s'yang ayain ka mag mall." si Jasper na kararating lang ngayon kasabay ang pagbungisngis. Namula naman ang mukha ni Haley at sinuntok si Jasper sa braso. 

"I didn't say anything, idiot!" singhal nito. 

Inilayo ko ang tingin at umismid, "Wala akong pakielam. 'Di ako sasama sa kanya para lang pumunta sa pangit na mall na 'yan." sabi ko pa at halos madikit ang mukha ko sa mga tuhod ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas ni Haley sa ulo ko.

P*tangina, gusto yata ako nitong ma-bobo, eh!

"Gag* ka ba?!" mura sa akin ni Haley kaya kukunin ko na sana ang kwelyo niya sa inis noong mapahinto ang tingin ko kay Kei na nakatulala lang sa akin at mukhang paiyak na. Walang nagsabi na nandito rin pala si Kei! 

Pinag intertwine ni Kei ang mga kamay niya at gayun ang pagbuo ng tubig sa kanyang mata, "Pangit...? 'Yung mall namin...?" marahan niyang tanong at ngumunguso na. Pinagpawisan ako bigla. Okay, lagot... 

Tinuro ako ni Haley, "Reed! Jasper! Gulpihin n'yo si Harvey!" utos ng babaeng 'yon. Lah!

Pumasok si Reed sa bahay habang pinatunog naman ni Jasper ang mga daliri na para talagang handa na gulpihin ako.

Lumukot ang mukha ko at tumayo para rin patunugin ang mga daliri ko, "Sige, subukan niyo! Babasagin ko talaga mga bungo niyo" banta ko. 

Wala pang nakakatama ng kamao sa mukha ko kaya subukan lang nila. Sila ang makakatikim, kaso... 

Sumulyap ako kay Kei 'tapos napabuntong-hininga na lamang. Damn. 

"Ulol!" Parehong sabi ng mga kaibigan ko. 

"Harvey, you jerk!" sigaw sa akin ni Kei at lumabas ng bahay na may pagtakip sa mukha.

***

NAKATAYO KAMING lima rito sa gitna ng mall habang nagtititingin sa kung saan. Bumalik pa kasi talaga sila sa bahay para lang sunduin ako, saka ayoko namang sumama ang loob ni Kei sa akin nang dahil sa sinabi ko kanina. 

Kung wala naman kasing sinabing nakakahiya si Jasper, malamang hindi ko mai-insulto 'yong mall ng Montilla. 

"Kei" tawag ko sa kanya dahil kanina pa talaga siya dumi-distansiya sa akin. 

"Don't talk to me" pagtatampo pa rin niya sa akin saka sumabay kay Haley sa paglalakad.

Humawak ako sa batok ko at naglabas ng hangin sa ilong. 

"Wrong move naman kasi p're" sambit ni Reed at tinapik tapik pa ako sa braso. Inalis ko naman iyon sa sobrang pagkairita. Ayoko ng hinahawak hawakan ako kapag naiinis, eh. 

"Ano ba'ng wrong move pinagsasasabi mo?" kunot-noo na tanong sa Reed na 'to. 

Inakbayan naman niya ako, "Dapat kasi, ganito gawin mo" at inginuso niya ang labi niya papalapit sa akin, "Halikan mo s'ya sa lip--" kinotongan ko siya.

"Gag* ka ba?" mura ko sa kanya. Nakakadiri! 

"Tang*na naman p're? Unti na lang talaga, masasapak na kita" napipikon nitong sabi habang hawak ang ulo niya't hinimas himas. 

"Sige, gawa!" hamon ko sa kanya.

Sinuntok niya ang sarili niyang palad, "Tara! Ano?" pagpayag niya sa hamon ko at lalapit pa noong pumagitna na sa amin si Haley at pareho kaming hinampas sa mga ulo. Umatras naman kami habang hawak hawak ang hinampas niya. 

"Kung hindi kayo titigil, ako talaga gugulpi sa inyo." banta niya na matalim ang tingin sa 'min. 

Naglayo na lamang kami ng tingin ni Reed at nagkanya kanya ng pose.

"Punta tayo sa Precious Page" anyaya ni Kei na pinuntahan naman namin. Ayun kasi talaga ang unang-una na pinupuntahan n'ya kapag may mall. Kumbaga hobby na niya ang tumambay ro'n.

Binuksan ko ang glass door ng Precious Page saka pinauna ang mga babae na pumasok.

"Aww! My eyes! My eyes!" sigaw ni Reed habang nakatakip ang mata gamit ang dalawa niyang kamay.

"Bakit puro libro rito!?" reklamong sigaw ni Jasper habang nakahawak ang parehong kamay sa ulo. 

Nakatingin na 'yong mga tao sa 'min kaya napasapo na lang ako ng mukha. Ako 'yong nahihiya para sa kanila. 

"Alangan namang mga brief niyo ang ibenta rito? Ano ba naman kayo? S'yempre libro talaga, Precious PAGE nga, eh?" Pamimilosopo ni Haley. Manang mana talaga sa pinagmanahan.

Napatingin ako sa libro na nasa side ko, "Bakit ganito sumagot ang mga pilipino?" Ang title ng librong 'yon.

Kinuha ko 'yon at saka ibinuklat.

Boy 1: Magkano po Edsa? 

Boy 2: Bakit? Bibilhin mo?

Boy 1: Cubao! Cubao! Cubao! 

Girl 1: *Dumating* Cubao po? 

Boy 1: *Galit at itinuro 'yong Carton kung saan nakapaskil ang Cubao* Ay, hindi! Hindi! Hindi!

Girl 1: Sino next teacher? 

Boy 1: Math

Girl 1: Anong oras na? 

Girl 2: Maaga pa. 

Girl 1: Kumain kana ba? 

Girl 2: Busog pa ako, eh.

This isn't make sense.

"Haley, tingnan mo 'to, oh? May volume III na 'yong manga na binabasa ko na pinahiram mo sa 'kin" pagpapalapit ni Kei kay Haley. Napatingin ako sa dalawang 'yon nang makitang magkasundong magkasundo talaga sila. 

Lumapad ang ngiti ni Haley sa tuwa, "Wahh! Oo nga 'no? Astig naman"

Humagikhik si Kei, "I know, right?" 

Siguro kung hindi ko sila kilala, aakalain kong magkapatid sila Kei at Haley dahil sa sobrang close nila sa isa't isa. Saka may pagkahawig din kasi sila. Siguro sa shape ng mukha? 

"Medyo nakakapanibago 'no?" panimula ni Jasper noong makatabi sa akin, "Noon, palagi siyang na sa tabi natin pero ngayon, nagagawa na n'yang dumistansiya. Feeling ko tuloy, inaagaw na siya ni Haley sa 'kin." tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view dahil sa nasabi niya.  

Nagkibit-balikat si Reed, "Siyempre, may mapagsasabihan na siya ng kwento na hindi niya sa atin p'wedeng sabihin." ani Reed at nagpamulsa.

Ngumiti ako't nagbuga ng hininga, "Same with Haley." 

Pareho lang naman silang dalawa na nangangailangan ng makakausap, eh.  

Pero ngayon, nakakatuwang malaman na kumportable na silang dalawa para sabihin man kung ano 'yong gustong sabihin ng puso nila. 

Kaya nilang maipahayag kung ano ang gusto nilang sabihin ng walang pag-aalinlangan. 

***

"GUYS! Karaoke tayo!" masiglang anyaya ni Kei sa amin. Siya ulit. 

Sumimangot kami ni Haley, "Hindi kami marunong kumanta" sabay rin naming tugon. Hindi sa tinatanggihan namin si Kei pero may mga bagay rin kasi na hindi kami pwedeng um-oo palagi. 

"Anong hindi marunong kumanta? Huwag niyo nga akong nilolok--" naputol ang sasabihin ni Kei dahil biglang sumabat si Jasper at inagaw ang mic mula kay Kei. 

"Okay lang 'yan! Papakitaan ko kayo kung paano kumanta" pagmamalaki ni Jasper at hinagis pa sa ere ang mic bago saluhin ang mic pagkatapos umikot.

Lumayo kami nina Kei at Reed sa kanya. Nagtaka si Haley kung bakit kami lumayo pero hinila siya ni Reed, "Kung kakanta siya, you have to cover your ears, promise ang pangit niyang kumanta" sumang-ayon kami ni Kei but she just wore her bored looked.

"Anong klaseng kaibigan kayo?"

***

NASA LOOB NA kami ng karaokeng lima at sa ngayon, kumakanta na si Jasper na mahahalata mong feel na feel n'ya ang kanyang kinakanta dahiil naghe-head bang na siya sa harapan no'ng screen TV. 

Buti pala talaga nagdala ako ng earplug.

Napatingin ako kay Haley na sobra kung makasubsob ng mukha sa upuan habang takip takip ang tainga niya gamit ang jacket ni Kei (wala kasi siyang earplug)

Malamig rin sa mall at isa pa, lamigin si Kei kahit na palagi siyang nasa aircon kaya may dala siyang jacket. 

Ginamit ko 'yong cellphone ko pang communicate sa dalawa dahil hindi nga rin nila ako maririnig. 

Tinanong ko sa kanila kung may extra pa silang earplug pero umiling lang sila bilang pagsagot. 

Ah, ipapahiram ko na lang 'yong akin. 

Tinanggal ko ang earplug ko, nang maanggal ay rinig na rinig ang sobrang sabog at walang tono na boses ni Jasper. Napapikit na lamang ang isa kong mata. 

Kinalabit ko si Haley marahan itong lumingon sa akin, "Ito, earplug" pero imbes na kunin niya iyon ay tumingin lang siya sa akin na parang nandidiri. 

"Ayoko! Baka may tutuli 'yan!" May pumitik sa gilid ng noo ko. Ako na nga nagpahiram tapos 'yan pa sasabihin niya?

Tumayo si Haley at nilapitan si Jasper, inagaw niya 'yong mic. Anong gagawin niya?

Marka sa mukha ni Haley ang inis na kahit sila Reed at Kei ay napatanggal na ng earplug sa tainga nila.

Iniharap ni Haley ang mic sa harap ng bibig niya. "Ano 'yon, Haley? Ayos ba 'yong pagkanta ko? Maganda ba boses ko?" sunod-sunod na tanong ni Jasper na kulang na lang ay kuminang ang mata sa excited sa isasagot ni Haley. 

"Makinig kang mabuti Jasper, okay? " mainahon na sabi ni Haley sa kanya at huminga ng malalim. 

"Alam mo...

ANG PANGIT TALAGA NG BOSES MO!" malakas na singhal ni Haley mula sa mic kaya bigla kaming napatakip ng taingang tatlo. Si Jasper, mukhang nagulat sa sinabi ni Haley kaya naka-tanga lang siya sa babaeng nasa harap niya. 

"Eh?" 

Hinagis ni Haley 'yong mic sa sofa, "BAKIT KA PA KUMAKANTA, HUH!?! ANO PA'NG DAHILAN PARA KUMANTA KA? ANO'NG MAGANDA DIYAN SA BOSES MO?! ANG SAKIT SAKIT NGA SA ULO! L*TCHE MAGPA-COACH KA NA SA SINGING DAHIL SOBRA TALAGANG PANGIT ANG BOSES MO KUNG ALAM MO LANG!" At tumili siya sa inis noong matapos nito ang kanyang sasabihin. 

Pero imagine-in niyo na parang sigaw ng dragon 'yong tili niya.

Nanlaki ang mata namin sa naging arte ni Haley. May ikakatakot pa pala kami sa babaeng 'to? Pero parang hindi siya inis eh.

Galit siya. Galit siya.

"Hindi... Hindi totoo 'yan...

Ikaw lang ang nagsabing pangit ang boses ko!" ani Jasper na ipinaglalaban kung ano ang pinaniniwalaan niya. 

Kunwari namang dumura si Haley sa sahig na may kasamang tunog saka kami itinurong tatlo. 

"Sila ba nagsabi na maganda ang boses mo!?" Tumango si Jasper bilang sagot saka kami binigyan ng masamang tingin ni Haley. 

Nagtago naman si Kei sa likuran ko, "Nakakatakot si Haley." 

nagsuot lang ako ng walang ganang tingin at lumunok. Si Reed naman at hinawakan ang braso ko, "Babe, natatakot ako." pagpapabebe ni Reed kaya tinulak ko siya. 

"P*ta! Ano ba?!"

***

SUMINGHOT SINGHOT si Jasper na animo'y umiiyak, "Pangit pala boses ko?" malungkot na tanong ni Jasper sa sarili 'tapos umiiling. "Hindi kayo tunay na kaibigan!" sigaw niya at pumunta pa sa sulok. 

Sinipa siya ng mahina ni Haley, "Sino ang hindi tunay na kaibigan?! 'Yong sinasaktan ka harap-harapan, o magsu-sugar coating 'tapos may masama naman pa lang iniisip sa 'yo?!" choices ni Haley sa tanong kaya hindi naman kami makapaniwalang napatingin sa kanya. 

Tumayo si Jasper 'tapos niyakap si Haley, "Ikaw ang tunay na kaibigan!" 

"P*tangina mo!" mura ko sa kanya. 

Lumapit sa kanya si Reed para tapikin si Jasper sa likod, "Okay lang 'yan, p're. Magiging magaling ka ri--" 

Tinapis lang ni Jasper ang kamay niya, "Don't tats me." pagtatampo niya. Tinulak naman siya ng pulang pula na si Haley at hindi pa nakuntento dahil sinusuntok suntok na niya ang dibidb ni Jasper. 

Bumuntong-hininga na lamang ako saka kami lumabas ng karaoke-han. Nagku-kwentuhan lang kami habang naglalakad lakad noong mapahinto ako sa isang shop kung saan may mga Hello Kitty Stuff toys sa gilid na nadaanan lang din namin. 

Nanliit ang mata ko nang maalala ko ang mukha ni Kei noong wala ang dad niya sa araw ng kaarawan niya.

Flash Back

"Hindi nanaman daw makakabalik ang dad mo ngayon dahil may inaasikaso sa opisina" malungkot na pagbabalita ni tita sa kanya kaya 'yong sabik na suot suot ni Kei ay bigla na lamang naglaho. 

Empty and emotionless.

Lumuhod si tita sa harapan niya at hinawakan ang balikat nito, "Alam mo naman na busy siya sa work niya, 'di ba? Intindihin mo na lang anak, pero ang sabi niya, kapag umuwi siya, bibili siya ng kahit na anong gusto mo" ngiti nitong sabi na medyo nagpayukom ng mga kamao ko. 

Hindi sa material na bagay makukuha ni Kei ang happiness na hinihingi niya. 

Kahit na sa kaarawan man lang niya makasama ang dad niya, that is more than enough.  

"And Happy birthday, sabi ni daddy mo" dagdag ni tita. Nag-aalala naman akong lumingon kay Kei na wala pa ring suot suot na ekspresiyon. 

Hindi siya kaagad nagsalita pero ngumiti na siya. Mahahalata rin namang pilit dahil sa nakayukom niyang kamao. 

Alam kong nahalata rin iyon ni tita, hindi lang niya masyadong pinagtuunan ng pansin. 

"Kei..." pagtawag ni tita sa kanyang anak. 

"It's fine mom, I understand" ani Kei upang kumbinsihin si tita. Inalis naman ng ina niya ang pagkakapatong sa balikat niya, "Aakyat na muna ako, inaantok po kasi ako, mamaya ko na lang kakainin 'yong cake" paalam ni Kei at humarap sa aming tatlo nila Reed. Kasama rin namin si Jasper no'n.  

"Huwag kayong uuwi, kumain lang kayo dito, matutulog lang ako sandali." wika niya sabay takbo papunta sa kwarto niya pero sa pagtalikod niya sa amin. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya.

Rinig namin ang padabog na pagsara ni Kei ng kanyang pinto kaya namuo ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita kahit na si tita. Binasag ko lang iyon noong magsasalita sana si tita. Humarap ako sa kanya, "Pwede ko po bang puntahan si Kei sa kwarto n'ya." nakita ko ang kaunting pag react ni Jasper. 

Binigyan naman ako ng tipid na ngiti ni tita at tinanguan, "Please do." umakyat 'agad ako dala-dala ang regalo na ibibigay ko sa kanya. Ngayong na sa harapan na ako ng kwarto n'ya ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy at kumatok na ako't pumasok. 

Nakadapa lang siya't nakabaon ang mukha sa unan. Hindi ko man makita ang mukha n'ya pero alam kong tahimik itong umiiyak. Marahan kong isinara ang pinto at naglakad palapit sa kanya.

Umupo ako sa edge ng kanyang kama at inilabas ang laman ng gift bag. 

Itinapat ko sa kanya ang Hello Kitty na binili ko para sa kanya at ginagalaw galaw ito na parang isang puppet. "Huwag ka ng umiyak d'yan... Sige ka papangit ka niyan, at baka magalit din si pepero" hindi ako sanay na gawin ang mga ganitong bagay pero ayoko rin kasi siyang nakikitang umiiyak o malungkot. Naiinis ako. 

Inangat na niya ang ulo n'ya para lingunin ako, ngayon ay nakikita ko na ang basa n'yang pisnge kaya ibinaba ko na ang Hello Kitty stuff toy at napakamot sa pisnge 'tapos pinunasan ang luha na bumababa mula sa kanyang mata. 

"Don't cry, you looked really ugly." 

Ngumiti siya kaya naglakas loob na rin akong batiin siya, "Happy birthday." at ibinigay ko na sa kanya 'yong regalo kung saan nakita ko nanaman 'yong ngiti sa labi n'ya. 

End of Flash Back

Hindi ko namalayan na napangiti ako bigla. Kaya bigla rin akong inasar ni Haley. 

"Oy, tignan niyo, oh?! Ngumiti 'yong impakto!" pang-aasar ni Haley habang nakatakip sa bibig. 

"P're ano nanaman nakain mo?" nakisali pa si Jasper. 

"Ang creepy mo p're, ngumingiti ka mag-isa" naiiling na sabi ni Reed na kulang na lang ay isipin niyang baliw ako. 

Umakyat ang dugo sa aking mukha dahilan para mamula ako, "Manahimik nga kayo!" nahihiyang singhal ko pero humalakhak lamang sila. Happy? Happy?

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpamulsa na lamang. Pero mayamaya ay napatingin ako kay Kei na nasa harapan namin, nakatingin din siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. 

Iiwas sana ako ng tingin pero binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago pumaharap ng tingin. 

What is that for?

"Kain na tayo!" anyaya ni Kei na may pag-angat pa ng nakayukom na kamao. 

"What? Kakakain lang natin, ah?" sumunod na si Haley kay Kei at inilagay ang dalawang kamay sa likuran niya. 

"Masanay ka na, Haley. Hindi talaga nabubusog si Kei." biro ni Jasper at patakbong naglakad palapit kay Kei. 

"Asa ka pang mabusog 'yan" naiiling na dagdag ni Reed sa best friend niya at nagpamulsang sumunod sa kanila. 

Ngumiti ako at patakbo na lumapit kay Kei, ngunit napatigil nang bigla siyang huminto sa paglalakad at biglang humarap sa akin dahilan para madikit ang dibdib n'ya sa akin. 

Napasinghap ako kaya mabilis din siyang umatras para lumayo sa akin.

Pulang pula ang mukha habang iwinawagayway ang mga kamay sa harapang dibdib, "I-I'm sorry! I didn't mean to-- Harvey! Your nose!" banggit niya kaya napakurap ako at humawak sa likidong bumababa mula sa ilong ko. 

"Ah."  reaksiyon ko't napatingin muli kay Kei. Pero bumaba rin sa dibdib n'ya. 

Napatalon si Reed noong makitang mas dumami ang pagtulo ng dugo sa ilong ko. 

"P're!" tawag naman ni Jasper na may paghawak pa sa ulo n'ya. Pumukaw na ang atensiyon sa amin ng mga tao kaya naghanap na ako ng panyo.

Kumakapa kapa na ako pero wala akong makita o maramdaman.

"Tae, wala na 'kong tissue" paghahanap ni Reed ng tissue sa dala n'yang bag. 

"Kadiri" walang ganang sambit ni Haley

"H-Harvey!" tawag ni Kei sa akin at nag a-alinlangan na hawakan ako. 

Natawa na lang ako sa sarili ko. 250 push-up ang magagawa ko nito mamaya.