Chapter 26: A Year Ago
Haley's Point of View
"Alam n'yo ba? Nagkalips to lips sina Haley at Reed!"
"Oh my gosh, naiinggit talaga ako, itulak niyo nga ako para ako naman ang i-mouth to mouth ni Reed"
"Lunurin kaya kita d'yan?"
Mahigpit lang akong nakahawak sa libro at nagtitimpi. 'Yon bang kahit ilang beses kang magbingi-bingihan, hindi mo pa rin magawa dahil ang LALAKAS talaga ng mga boses nila.
L*tche, ano ba kasing problema nila? Alam naman nilang nandito ako, 'tapos pag-uusapan ako ng mga 'to?
Yumuko ako't kinuyom ang kamao. Kasalanan mo talaga 'to Reed, eh!
Kasalukuyan kasi akong naglalakad sa corridor pabalik sa classroom. Eh, may mga estudyante pa rin kasi rito sa labas kahit na nag ring 'yong bell.
"May picture ako ng kissing scene nila, gusto niyong makita?" huminto ako sa paglalakad at nilingon ang mga babaeng 'yon. Napatingin sila sa akin at nagulat. Mukhang ngayon lang yata nila napansin ang presensya ko.
"Hindi niyo sinabing nandiyan si Haley"
"H-hindi ko naman napansin"
"Ako rin"
Hangin na ba ako para sa inyo, mga pesteng babae?
Humarap ako sa kanila at lumapit, at habang papalapit ako, umaatras naman sila. Nakasandal sila sa pader habang mahigpit na nakahawak do'n sa kamay ng isa't isa. Tila para bang sinasabi nila sa isa't isa na sama-sama silang mamamatay. Stupid b*tch.
"H-hindi ako 'yon, Haley! Sila 'yon!" turo ng nasa gitna sa dalawa n'yang kasama dahilan para alisin nila ang mga kamay nila sa pagkakahawak. Hindi makapaniwalang tiningnan ng naka braid ang katabi n'ya.
"Anong ako?"
"I-ikaw lang naman 'tong kumuha ng litrato, eh!" turo ng nasa kanan dahilan para tingnan s'ya ng nasa gitna. Hay naku, magtuturuan pa sila.
"What the f*ck, Kristel" tumigil ako sa tapat ng tatlong 'to at tiningnan sila isa-isa
Pero napatingin ako sa babaeng nasa gitna saka in-extend ang kamay ko na para bang may kukunin ako sa kanya.
"Akin na"
Tinago naman ng babaeng 'yon ang phone niya sa kanyang likod, "A-ang ano?" Tiningnan ko 'yong kamay niya na pilit n'yang itinatago sa kanyang likod tapos ibinalik ang tingin sa kanya.
"Give. Me. Your. Phone." diin ko sa bawat salitang inilalabas ng bibig ko.
"P-pero--"
"You know how to die?!" Galit na sigaw ko sa kanya kaya mabilis niyang ibinigay sa akin ang phone niya. Nakatingin na 'yong mga estudyante sa amin kaya sila naman itong sinigawan ko, "Put*ng*na, mga CHISMOSA't CHISMOSO!" Mabilis silang nagsi-alis habang ang iba naman ay mabilis na ibinalik ang tingin sa kanya kanyang ginagawa kanina.
"H-Hale--" tiningnan ko ng masama 'yong babaeng na sa gitna kaya itinikum niya ang bibig niya.
"S-sorry na! Hindi ko na uulitin, pero huwag mo ng sirain ang phone ko! Kabibili lang ni mommy niyan sa akin!" pagmamakaawa n'ya sa akin. P'wede na nga s'yang lumuhod dahil medyo napapayukod na siya.
Napakunot-noo ako.
Sino bang may sabing sisirain ko 'tong mamahaling cellphone na 'to? Ide-delete ko lang naman 'yong picture namin ni Reed, eh.
Tiningnan ko 'yong picture na 'yon, at gusto ko talagang magwala dahil sa hiya.
Shet. Ang daming nanonood sa ginawa niya! Tapos kuhang kuha pa rito kung paano niya ginawa 'yong mouth to mouth resuscitation!
Pinindut ko ang trashcan tapos tinap ang "delete".
Binalik ko na sa babae 'yong phone niya, "Huwag mong ire-retrieve 'yang binura ko, ah?" bakas sa boses ko ang pagbabala, "I'll kill you" mabilis siyang tumango kasama ang dalawa n'yang kasama tapos umalis na. Bumuntong-hininga ako at napahawak sa labi ko.
Buwisit, masasabi bang kiss 'yon?!
Naglakad na lang ulit ako pabalik sa classroom para kunin ang bag ko. Uuwi na ako dahil pagod na rin ako para sa araw na ito.
Reed's Point of View
Natapos na ang lahat ng period kaya nagpasya ng umuwi ang mga kasama ko, pero pinauna ko na sila at binilinan na isama na si Rain pauwi.
Sinabi ko kasing may gagawin ako pero ang totoo, naghahanap lang ako ng p'wedeng hihigupin at ibubuga.
Pumunta ako sa likod ng building namin, wala namang masyadong tao na pumupunta rito kaya wala ring makakakita sa akin na manigarilyo. Ayoko ng lumabas dahil kailangan ko pang lumayo.
Alam ng mga kasama ko na naninigarilyo ako dati, DATI. Ang alam kasi nila ngayon. Itinigil ko na kahit ang totoo, tinutuloy ko pa rin ng patago.
Kinuha ko ang lighter at ang isang stick ng sigarilyo sa bag ko. Nilagay ko ito sa bibig ko at sisindihan sana noong may taong kumuha no'n at itapon iyon sa lupa.
Tiningnan ko s'ya, laking gulat nang makita si Haley. Masama ang tingin n'ya sa akin habang nakahalukipkip..
"Seriously, when did you start smoking?" bungad niya at pabagsak na isinandal ang likod sa pader.
Tiningnan ko muna ang stick ng cigarette na tinapon n'ya, "P4.00 din 'yon" nanghihinayang kong sambit pero siniko n'ya ako sa tagiliran.
"Shut up" pagsusungit niya at inilingon ang ulo sa akin, "Bakit ka nanaman naninigarilyo?"
Tiningnan ko muna siya bago magsalita, "Ah, nakita mo na pala akong manigarilyo pero nanahimik ka lang?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya, "It's none of my business kung ano ang gusto mong gawin." tugon niya.
Sumandal na rin ako sa pader katabi niya, "Sa bagay." tugon ko rin at naglabas ng hangin sa ilong,
"Ayun nga, hindi ko alam kung kailan ako nagsimula" sagot ko sa tanong niya kanina. Kinamot ko ang sintido ko.
"Ilang taon ka pa lang" panimula niya sa pagsaway at napa-iling, "Augh, I can't believe you, buti buhay ka pa ngayon 'no?" Gusto na ba niya akong mamatay?
"By the way" panimula niya sa bagong sasabihin niya. Kumamot siya sa pisnge niya habang naka-iwas ng tingin, "T-thank... You for saving my life" pagpapa-salamat niya sa ginawa ko kanina.
Hindi ako sumagot at namuo lang ang katahimikan. Ngunit ako rin ang bumasag, "That's the first time you thanked me" tugon ko.
"Babawiin ko 'yan kung hindi ka mananahimik" natawa ako at humawak naman sa batok ko.
"Joke lang, bakit ba pikon ka?" tanong ko at pabiro s'yang hinampas sa braso. Dikit kilay n'ya akong tiningnan.
"Hoy, sino may sabing pwede mo akong hampas hampasin?" At hinampas niya ako pabalik, kaso sa tiyan n'ya ako hinampas, "Bakla ka rin ba, huh?" panghihinala niya.
Asar ko s'yang tiningnan, "Anong bakla?! Hindi 'no? Halikan pa kita ngayo--" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin at tumikhim lamang.
Umismid naman s'ya, "Hindi mo naman magawa, talo ka" hamon niya. Gusto n'ya yatang halikan siya, eh.
Umubo na siya ngayon, totoong ubo. "Madalas ba 'yang paninigarilyo mo?" Bakit ba curious siya sa paninigarilyo ko?
"Hindi naman" sagot ko. Wala naman itong kibo na tumingin sa ulap.
Hindi na nga rin sana ako magsasalita pero bigla siyang may tinanong sa 'kin.
"Is there something deep inside that you can't tell to anyone? Your problems I mean" bumuka ang bibig ko at dahan-dahan siyang nililingunan. Nakaharap ang tingin n'ya at mukhang nag-aalala.
Why are you making that face?
"Ikaw na rin ang nagsabi, kung may problema ka... H'wag mong tinatago at huwag na huwag mong kikimkimin" naglabas siya ng hangin sa ilong, "Da't gawin mo rin 'yon sa sarili mo. Like I mean, kung hindi mo kayang sabihin sa iba, sa akin mo sabihin. I won't judge you."
Gusto ko, gusto kong ilabas kung ano 'yong nararamdaman ko pero dahil sa sobrang dami no'n.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Wala akong ideya kung ano ang sisimulan.
Pumaharap ulit ang tingin niya pero hindi inaalis ang tingin sa akin gamit ang peripheral eye view. "But I'm not forcing you to tell it to me, just take your time 'till you're ready."
Biglang lumakas ang hangin at nakisabay sa conversation na mayroon kami ng babaeng katabi ko.
Hinawi ni Haley ang hibla ng buhok n'ya saka tuluyang humarap sa akin. "Kei is your best friend pero ako ang magiging sandalan mo kung gusto mong umiyak. Kung nahihiya ka na ipakita sa ibang tao ang kahinaan mo." lumapad ang ngiti niya, "Give me the half of your burden, you're not alone remember that."
Tila parang may namumuong luha sa mata ko pero lumunok ako para pigilan iyon.
'Tapos kusa na lamang umaangat ang kamay ko para ipatong iyon sa kanyang ulo. Nakita ko rin na medyo nag react siya ngunit binigyan ko pa rin siya ng napakatamis na ngiti. Wala akong inilabas na salita, ngiti lang talaga.
Thank you, Haley.
***
NAGLALARO AKO sa personal computer ko ng DOTA habang nakasarado ang mga ilaw sa paligid.
Tanging ilaw lang ng screen ang liwanag ko sa kwarto ko. Alam kong nakakalabo s'ya ng mata pero mas pinili ko pa ring patayin ang ilaw.
"Kuya! Handa na 'yong pagkain! Bumaba ka na" sigaw ng kapatid mula sa baba.
Kakaalis lang talaga ng katulong namin kanina dahil gusto nila tito na maging independent kami. Pero hindi naman ibig sabihin ay wala ng trabaho ang nag-aalaga sa 'min ng mahigit na ilang taon.
Lumipat lang din sila sa kabilang kamag-anak nila Kei at doon na nagsisilbi.
Tumayo na ako sa computer chair ko at lumabas na ng kwarto. Hindi pa naman nagsisimula ang laro at inaayos ko lang ang settings at nagtititingin lang ng hero kaya sakto lang ang pagtawag ng kapatid ko sa akin. "Ito na!"
Bumaba na ako sa pagkahaba habang hagdan.
Hay naku, dapat wala kami sa mansion na 'to kung kaming tatlo o apat na lang din naman ang titira sa malaking lugar na 'to.
"Ikaw ang lalaki, ikaw na bahala sa mga babaeng na sa bahay, ah? Matagal tagal kaming mawawala" naalala kong sabi ni tito sa amin.
Malalim kong ibinuga ang hangin at dumiretsyo sa dinning room, naka-upo na ang dalawa do'n.
"What took you so long?" nakasimangot na sabi ni Kei hawak-hawak ang bread knife. Mukhang nagugutom na sa kahihintay sa 'kin.
"Saglit lang naman 'yon, ah?" sabay upo ko sa aking upuan.
"Nagugutom na kaya kami" sinimangutan ko lang si Rain at tiningnan 'yong ulam.
Mas lalo akong napasimangot, "Kare-Kare ulit?" dikit-kilay kong daing. Pang-ilang araw na kaming kumakain nito? Dinaig pa ito sa win streak ko sa DOTA, eh.
Matamis akong nginitian ni Rain, "Yep! Dahil alam kong favorite mo 'yan! Pero may bagoong tayo ngayon! Special!" Wala na lang akong nagawa kundi ang pilit na tumawa.
Paborito, huh?
"Ito ang paborito ng baby ko, say, ahhh ~" naalala kong boses ng isang babae kaya bigla na lamang akong natahimik.
"Masawa ka nga diyan!" At naalala ko namang sabi ng isang lalaki. Bumaba ang balikat ko noong maramdaman ko nanaman ang bigat sa dibdib ko.
Oo, gustong gusto ko 'tong pagkain na 'to pero hindi na ngayon.
"Okay kain na tayo!" nagsimula na kaming kumain pero bago kumain. Nagdasal na muna siyempre kami. Pagkadasal. Inatake na namin 'yong na sa hapag kainan.
Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang hindi isipin 'yong sinabi ni Haley kanina sa campus.
Nakakapang tulala. Nakaka speechless 'yong sinasabi n'ya.
"Don't be a mysterious in my eyes, Reed Evans." sambit ni Haley bago siya tumalikod sa akin para umuwi. Napangiti ako bigla.
Huwag daw magpaka misteryoso. Eh, ano'ng tawag sa kanya?
Hanggang ngayon, misteryoso pa rin siya sa 'kin. May mga bagay pa rin akong hindi naiintindihan sa kanya, mahirap basahin 'yong iniisip n'ya, eh.
"Damn that girl"
Haley's Point of View
Nakatitig lang ako sa sinasagutan kong assignment sa Math, pero wala do'n ang focus ko dahil wala talaga ako sa sarili ko ngayon.
Ang sabi nila, kapag may kina-counsel kang tao, nakukuha mo 'yong negative energy nila dahilan para makaramdam ka ng pagod kahit wala ka naman masyadong ginagawa.
Ang rason no'n ay dahil sa nararamdaman mo 'yong bigat na nararanasan no'ng tao.
Though hindi ko pa naman naririnig 'yong kwento ni Reed pero kasi, 'yong paraan ng mata niya. Mabigat na, eh.
Sumandal ako sa sandalan ng swivel chair ko at napatingin sa puting panyo na nasa side. Saglit ko 'yon tinitigan hanggang sa kunin ko iyon.
"Hindi kita palaging makakasama kaya kapag iiyak ka, gamitin mo lang 'to, kasi sigurado akong hindi ka na iiyak dahil maaalala mo ako" pagpasok ng isang senaryo sa utak ko.
Na sa isang lugar kami no'n na hindi lalayo sa mansion na pinanggalingan ko noon.
Mapuno 'tapos ang hangin hangin pa ng paligid, na sa utak ko pa rin 'yong lugar pero 'yong mukha ng tao,
Hindi na...
"Huh? Edi mas maiiyak ako kasi nga maaalala lang kita"
"Ay, gano'n ba 'yon?"
"Tanga mo"
"Sorry"
At pareho kaming mga natawa.
Napangiti na lang ako noong maalala ko ang usapan namin ng batang 'yon.
Marami siyang sinasabi sa akin na hindi ko magawang makalimutan pero bakit 'yong mismong tao? Hindi ko na maalala?
Sino ba siya?
Narinig ko ang ilang kahol sa labas kaya ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana.
Tumayo ako para clear kong masisilip 'yong labas. Nakita ko si Reed sa tindahan na hawak hawak ang lighter at stick ng sigarilyo.
Napairap na lamang ako't padabog na tumalikod. Ang tigas talaga ng bungo n'ya kahit kailan.
***
NAKASUOT LANG ako ng pajama na lumabas ng mansion at pumunta kung nasaan ang lalaking iyon. Hindi niya kaagad napansin na nasa likuran na niya ako dahil ang lalim talaga no'ng iniisip niya.
Nakasindi na ang stick ng sigarilyo n'ya at sa ngayon ay nakatingin lang s'ya sa langit.
Like he is waiting for someone to take him...
"..."
Tumingin muna ako sa kung saan bago ulit s'ya tiningnan. Hinampas ko ng malakas ang likod n'ya dahilan para mabitawan n'ya ang sigarilyo't mapa-ubo.
Oops, napa-sobra yata 'yon.
Asar n'ya akong nilingunan na nakayukod pa rin. "What do you think you're doing, woman?" naglakad ako papunta sa harapan niya at nagpameywang. Medyo yumuko rin ako habang sinisilip ang mukhang n'yang namumula.
"How 'bout you, Mr? Do you really want to die?" tanong ko na may sarkastikong ngiti.
Umubo-ubo muna s'ya bago tumayo ng maayos, "Sayang 'yong 4 pesos..." muli nanaman niyang sabi habang nakatingin sa stick na nasa simento. Asar ko siyang dinala sa kung saan.
Hindi naman ganoon kalayuan, sakto lang at hindi lalayo sa mansion. Pinaupo ko siya sa isang tabi saka ako umupo sa tabi niya.
"Magsalita ka na nga" naiirita kong sabi. Ayoko mang aminin pero nag-aalala na 'ko sa pinag gagagawa ng gunggong na 'to.
Yuko lang ang ulo niya at hindi kaagad sumagot. Huminga ako ng malalim at hinagod lang ang likod n'ya, "C'mon... I'll listen" narinig ko ang pagsinghot n'ya.
Okay, now he's crying?
Sinilip ko ang mukha n'ya, hindi naman s'ya umiiyak pero nakatitig lang siya sa lupa. Wala nanamang buhay 'yong mga mata niya.
"Reed..."
Inalis ko ang kamay ko sa likod n'ya ng dumiretsyo na siya ng upo, ilang saglit pa'y nagkwento na siya, "My parent's died into an accident when I was young" panimula n'ya na medyo ikinagulat ko.
Wala na sila? I thought may ginagawa lang sila kaya wala sila rito.
"But--" naalala ko bigla ang sinabi ni Jasper sa akin noong nakaraan.
Flash Back
"Ah, okay gets ko na, kaya pala may Villanueva Private Hospital do'n sa pinuntahan namin dati ni mama" marami kasi akong nakikitang ospital na ganoon ang pangalan.
Hindi ko lang masyadong pinagtutuunan ng pansin. Naalala ko lang siya noong maikwento siya ni Jasper.
Sinuntok ni Jasper 'yong dibdib niya na para bang proud siya sa business nila.
Right.
"Astig 'no?" sabay thumbs up ni Jasper.
Inirapan ko siya. "I see. Eh, paano naman 'yong kay Reed?" Nawala ang ngiti sa labi niya. Tumaas tuloy bigla ang kaliwang kilay ko.
"What?" taka kong sabi. Bigla kasing nag-iba 'yong itsura niya.
Eh, wala naman akong sinasabing 'di maganda.
Tumawa siya kaso halatang pilit
"Ah! Hindi ko alam basta hindi niya kasama, ayun na 'yon, sandali, magbabanyo lang ako. Hintayin mo sila Reed. Darating na 'yon." tumayo na siya sa upuan at naglakad na paalis. Na sa Canteen kasi kami at break time.
"Teka--" mabilis siyang tumakbo kaya napabuntong-hininga ako, "Sheesh"
End of Flash Back
Kaya pala hindi niya nasagot ng maayos 'yong tanong ko noon.
Ang insensitive ko talaga kung minsan.
Yumuko ako, "S-sorry, I shouldn't have asked that" hindi lang s'ya umimik at nakatungo lang.
Nasabi niya na namatay ang mga magulang n'ya noong bata pa s'ya. Bakit hindi pa siya maka-get over do'n? Ano ang rason?
May bagay kayang hindi tama noong nangyari 'yon kaya hanggang ngayon, dumating sa punto na ganito pa rin si Reed?
"Hindi lang 'yon isang ordinaryong aksidente" inangat ko ang tingin para makita siya. Seryoso ang kanyang mukha pero puno ang galit sa puso.
What does he mean?
Tumalim na ang tingin ni Reed kaya medyo nanlaki ang mata ko, "Pinatay sila ng sadya, at kasalanan ko 'yon" naguguluhan ako, ano ba'ng pinagsasasabi niya? Anong kasalanan niya? Bakit niya naging kasalanan? Paano?
At pinatay sila ng sadya? Ano ba'ng nangyayari? Anong klaseng buhay ang mayroon s'ya na hindi ko maintindihan?
Reed's Point of View
Kinuyom ko ang kamao ko nang maalala ko ang mga pagkakamaling nangyari sa akin noong araw na 'yon.
Flash Back
Gabi no'n nang magpasya akong lumabas para sana hanapin si Yaya dahil ipagluluto niya kamo ako ng snacks ko.
Hinanap ko s'ya sa kung saan-saan hanggang sa mapahinto ako sa likod ng bahay malapit sa garahe. May nakikita akong lalaki malapit sa sasakyan ni dad, akala ko pa nga si dad 'yon, eh.
"Da--" kaso noong tumapat sa kanya ang liwanag mula sa buwan, napahinto ako dahil napagtanto kong hindi 'yon si Dad. Ibang tao siya.
Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking bushes namin. Hindi rin niya ako makikita kaagad dahil napakadilim sa pwesto ko.
Lumingon-lingon siya na para bang naninigurong walang tao, hanggang sa may galawin siya sa ilalim ng kotse.
Tinatanggal niya 'yong wire ng Break.
"Reed! Nasaan ka?" Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses ni mom 'tapos napatingin sa lalaking 'yon. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil mabilis na siyang umalis. Pero ang tanging nakita ko lang ay ang rose tattoo sa braso niya.
***
TULALA AKONG nakatitig sa kawalan habang iniisip ang nakita kanina. Hindi ko alam kung sasabihin ko 'yon kina mommy pero pinapangunahan talaga ako ng takot.
Baka mamaya nand'yan lang pala sa tabi 'yong gumupit sa wire at patayin kaming lahat dito.
Nakaupo ako sa mala bench seat namin dito sa labas ng Veranda nang magsalita si mommy na kararating lang mula sa kung saan.
"Honey, isama mo si Reed sa 'tin para masaya, natutulog na si Rain, eh" aya ni mom kaya biglang nanlaki ang mata ko
"Sige, p'wede rin" napatingin ako kay dad na biglang sumang-ayon. Mas lalo akong natakot sa mangyayari.
Sumakay kami sa kotse at do'n na pinatakbo, pero hindi pa rin nawawala ang takot na nadarama sa katawan ko, pawis na pawis akong nilalamig. Hindi ko alam ang gagawin, parang name-mental block 'yong utak ko.
Tahimik ako buong biyahe kaya napansin na 'yon ni mom. Kadalasan kasi, nagku-kwento ako sa kanila lalo na kapag bumabiyahe kami para hindi ma-bored.
"Dear? What's the matter?" Napatingin ako sa nag-aalala kong ina. Hindi ako makapag salita parang nawala ang dapat sasabihin ko
"M-M-M...--"
"SH*T! Hindi ako makapag break!" singhal ni dad habang sinisipa ang break.
"What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni mom 'tapos napatingin sa harap, "Ra-Racel, mahuhulog tayo sa bangin" naiiyak na sigaw ni mom na may pagtakip ng kanyang bibig.
Nagsimula na rin akong umiyak dahil nararamdaman ko na ang tensiyon at sobrang takot.
"Wala na tayong ibang paraan." seryosong wika ni dad sabay tingin kay mom. Mas bumagsak ang luha ni mom pero nagawa pa rin n'yang tumango at pumunta sa pwesto ko.
"Reed, anak." tawag niya sa 'kin habang pinupunasan ang basa kong pisnge. Nagpipigil siyang mas umiyak lalo at pinapakita na magiging okay ang lahat.
But I can't see it that way, she's shaking. She's scared and I can't do anything about it.
"Always remember this, okay? Kahit ano'ng mangyari, kailangan mong maging matapang at matatag" hinawakan niya ang pisnge ko't tinitigan. Animo'y kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko, na parang inuusisa ako.
"Mom..." tawag ko sa kanya pero gumuhit lang ang linya sa kanyang labi.
"Para sa 'min, 'lagi mo ring babantayan si Rain, matalino ka kaya alam mo na ang gagawin mo, mahal namin kayo" si Dad na nakalingon sa akin. Nakangiti s'ya at binigyan ako ng thumbs up.
"Dad..."
Nang malapit na kami sa bangin, iniliko iyon ni dad saka ako mahigpit na yinakap ni mama, naka-suporta ang isa n'yang kamay sa ulo ko para hindi mauntog. At mga ilang sandali pa'y malakas kaming nabangga sa puno dahilan para mawalan kami ng malay.
Mga ilang minuto pa siguro iyon bago ako magising.
Una kong naramdaman ang sugat sa aking noo bago ang bigat ni mom sa likod ko.
Dahan dahan akong napatingin kay mom at dahan-dahan s'yang isinasandal sa upuan, "Mom..." tawag ko at napatingin kay dad na nakapatong ang noo sa manibela. Maraming sugat ang katawan n'ya dahil sa bubog.
Napatingin ako sa harap noong marinig ko ang singaw. Lumiliyab ng apoy ang makina kaya nanlaki ang mata ko.
Mabilis kong inilingon ang tingin ko kay mom at dad, gusto ko silang i-alis dito pero...
Narinig ko ang isang pagputok na nagmumula sa engine. Nagda-dalawang isip akong umalis pero kung mananatili ako, masasayang lang ang pagpo-protekta nila mom sa akin. Wala ng mag-aalaga kay Rain 'pag nagkataon.
Lumabas ako ng sasakyan at tumakbo paalis do'n. Sa pagtakbo ko, tumalsik ako dahil sa saktong pagsabog ng sasakyan.
Patalbog akong bumagsak sa simento hanggang sa dahan-dahan kong i-angat ang ulo ko para tingnan ang nagliliyab na sasakyan.
Tumutulo na ang mga luha sa mata ko dahil wala akong nagawa.
Ngunit mas bumagsak iyon noong gumulong papunta sa akin ang ulo ni dad, sunog na ang kanan nitong mukha.
Hindi ako makahinga...
Napapikit ako ng mariin, "AHHHHHHHHHHH!!!" malakas na sigaw ko dahil sa paghihinagpis, takot, lungkot, at galit.
End of Flash Back
"Wala akong magawa... Natatakot ako... Kung hindi ko lang sana pinairal ang takot ko, buhay pa sana sila ngayon" nanginginig ang boses ko habang kinukwento ang nakaraan. Medyo may luha na rin sa gilid ng mata ko dahil sa nagpipigil ako.
"That's..."
Tumayo ako at galit na tumingin sa malayo. "Hahanapin ko ang gumawa no'n, at aalamin ko kung bakit nila ginawa 'yon sa mga magulang ko" nag-igting ang bagang ko sa galit.
Naka-angat lang ang tingin ni Haley sa akin ng tumayo na rin siya, "Reed..." nag-aalala n'yang tawag sa akin.
Nawala ang galit sa mukha ko at ngiti siyang tiningnan, "But you know what? Seeing that expression of your face is the only reason why I'm smiling like this"
Hindi siya umimik pero bigla niyang tinawag ang pangalan ko, kaya ginulo ko ang buhok niya, "Don't worry, I swear! I'm going to find them and pay for this!" pagsuntok ko sa kabilang palad.
Tumitig pa lalo ito sa 'kin at unti-unting lumilinya ng ngiti sa labi, "Just don't forget that I'm here to help you."
Humagikhik ako, "Yeah."
Sa wakas, nakita kong muli ang totoong ikaw,
Haley Miles Rouge...
*****